Masuk"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ"
ARIELLE'S POINT OF VIEW (Two years later....) "Ano?! Engaged na si Ate Lynna?" gulat kong tanong kay Mommy. Kakalabas ko lang nang kwarto at iyon agad Ang bungad nito sa akin. Nakakagulat kasi wala naman akong nabalitaan na may boyfriend, na pala ang kapatid ko. She always focuses on her studies that's why this news was so surprising. "Yeah. She'll come here later for dinner, at ang sabi niya ay isasama niya raw ang kanyang boyfriend para ipakilala sa atin," tugon nito, halata ang excitement sa boses ni Mommy. Maging ang mga mata niya ay nakangiti habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin. Napairap ako sa kawalan, walang ganang naupo sa silya sa dining table at nagsimulang kumain ng agahan. May klase pa ako ngayon, sobrang busy dahil second year college na ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan, mula sa dining area ay bumaling ako sa hagdan at natanaw ko si Daddy. And as usual, blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin, ano pa ba ang aasahan ko sa kanya, he always looked at me that way like I'm some sort of stranger who lives in the same house as he. "You're going to school, Elise?" diretsyong tanong nito pagkapasok niya sa loob ng dining area. Umupo siya sa silyang nasa tapat ko, nagsimulang maglagay ng pagkain sa kanyang pinggan habang nakakunot ang noo. Tumango ako, sabay iwas ng tingin sa kanya. "Yeah, midterm exam," tanging sambit ko. Hindi ko ba alam, pero sa t'wing kina-kausap ako nito ay ramdam ko ang malaking agwat sa pagitan namin. Ramdam kong parang ayaw niya sa akin dahil hindi naman niya ganito kausapin si Ate Lynna at Kuya Laruzus.. "I think I'm adopted.." Hindi na siya muling nagsalita at gano'n din ako. Tinapos ko na lang kaagad ang pagkain ko para makaalis na kasi pakiramdam ko ay nasasakal ako basta nasa iisang lugar kami ng Daddy ko. "Tapos ka na?" nagtatakang tanong ni Mommy, nang makita niya akong tumayo. Isinukbit ko ang backpack sa aking kaliwang balikat at sandali itong tiningnan. "Baka ma-late na ako, maaga magsisimula ang exam namin," mahinahon kong sagot. Ngumiti si Mommy, tipid din akong ngumiti at lumapit sa kanya upang gawaran nang halik ang kanyang pisnge. pagkatapos ay tumalikod na ako at dire-diretsyong naglakad palabas ng bahay. "Good morning, Kuya George!" masigla kong bati sa driver namin nang matanaw ko ito sa labas. Mabilis siyang bumaling sa akin at pagkatapos ay ngumiti at nilapitan ako. "Good morning, Ari. Maganda ata ang gising natin ngayon?" makahulugan at sarkastikong aniya, dahilan para matawa ako. "Kanina hindi, pero dahil nakita ko na kayo ay maganda na ang umaga ko," banat ko, sabay kaming natawa at ilang saglit pa ay lumapit ito sa sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang nasa loob na ako ng kotse ay marahan niyang isinara ang pinto nito at nagtungo na siya sa driver's seat. Ini-start niya ang makina ng sasakyan, at nang mag-go signal na ako ay pinaharurut na niya ang kotse papunta ng school. ****** "Ari!" sigaw ni Themarie habang kumakaway mula sa likuran. Naka-cross legs siya sa upuan, hawak ang tumbler na may iced coffee. “Hoy, girl, late ka na naman sa chismisan.” Napatawa ako at lumapit sa kanya, saka naupo sa katabing silya. “Hindi ako late. Maaga lang kayong nagsimula," banat ko. Inirapan niya ako at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo para lapitan ako. “’Yan din ang linyang sinasabi ng mga laging late,” pang-aasar nito sabay higop sa tumbler niya. “Anyway, bakit parang may iniisip ka? Masyado kang tahimik.” Huminga ako nang malalim, saka nag-iwas ng tingin sa kanya at sinabing," Ate Lynna’s getting engaged.” Hindi siya kaagad sumagot, kaya't bumaling ako sa kanya at kitang-kita ko ang pamimilog ng mata nito at mabilis na inilapit sa akin ang kanyang mukha. “What?! As in engaged? kailan pa? Akala ko ba busy pa ‘yon sa med school?” hindi makapaniwalang saad niya. “Exactly,” sagot ko, sabay gulong ng mata. “Kaya nga nagulat din ako. Wala akong idea na may boyfriend na pala siya, tapos biglang may fiancé na? Daddy was so strict with me when it comes to relationships, I couldn't believe he allow ate Lynna to have a boyfriend!" panunumbat ko, tumango-tango din si Themarie. “Grabe. Si Ate Lynna? The Lynna Navarro na halos hindi nagpapaligaw kasi ‘career first’ daw?” Tumango ako, may bahid ng pagtataka sa tinig. “Oo. Mommy said dadalhin daw niya mamaya sa bahay para ipakilala.” “Ahhh… kaya mukhang wala ka sa mood ngayon.” Napailing ako. “Hindi naman. Siguro, weird lang. Kasi, wala man lang hint. Alam mo ‘yon? Parang bigla na lang siyang may fiancé. Tapos dadalhin niya pa mamaya sa bahay, samantalang ako ikaw lang ang pwedeng pumunta sa bahay, kasi nga bawal!" Muling tumango si Themarie, napahawak sa baba na parang nav-iisp. “Hmm… baka love at first sight ‘yan.” Kaagad na tumaas ang kilay ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya, pero sa loob-loob ko ay may kakaibang kaba akong naramdaman, ’yung tipong hindi ko maipaliwanag. Parang may mali. “Anyway,” sabi ni Themarie, binasag ang katahimikan, “kung ako sa’yo, excited ako. Baka gwapo ‘yung fiancé ni Ate mo. Malay mo, baka may gwapo rin na kapatid at pwede mong maging boyfriend!" pang-aasar niya. Napatawa ako, kahit pilit. “Yeah. Sana nga," sambit ko at dumiretsyo na kami sa department namin. ****** Pagkatapos nang exam ay agad na akong nagpaalam dahil kako baka mahuli na naman ako at bungangaan na naman ako ni Daddy. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong napansin ang isang itim na kotse na nakaparada sa harap ng gate. Hindi ito pamilyar sa akin. Makinis, bago, at halatang mamahalin at imposible ring bagong bili ito ni Daddy o ng kuya ko. Napahinto ako sandali, tinapunan ng tingin ang kotse at biglang sumagi sa utak ko na baka narito na si ate at fiancé niya at kanya itong kotse. Kinuha ko ang bag ko at dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay. Tahimik akong naglakad sa hallway, pero bago pa man ako makapasok nang tuluyan, narinig ko na ang mga boses mula sa sala, halatang may masayang kwentuhan. Lumapit ako, at doon ko sila nakita. Si Mommy, nakangiti habang kausap si Ate Lynna na nakaupo sa tabi ni Daddy. Nakangiti rin si Daddy, dahilan para magsalubong ang kilay ko dahil bihirang-bihira iyong mangyari, at sa gilid nila ay may isang lalaking nakaupo. Malapad ang balikat, naka-long sleeves, at may pamilyar na presensiya. “Ah, ito na siguro ang fiancé ni Ate…” mahina kong bulong sa sarili, habang unti-unti akong lumapit. Pagkakita sa akin ni Mommy, agad siyang napangiti nang masigla. “Oh! Here’s my other daughter, Arielle!” aniya, sabay turo sa akin. “I believe you two have met already.” Napakunot ang noo ko. "Met already?" Naglakad ako palapit, handang magpakilala, pero natigilan ako nang tuluyan. Parang biglang huminto ang oras. Nanuyo ang lalamunan ko, at kahit ang tibok ng puso ko ay parang sumabog sa pandinig ko. Dahan-dahang lumingon ang lalaki sa direksyon ko... at nang tuluyan kong nakita ang mukha niya ay agad na nawala ang ngiti ko. Para akong binuhusan nang malamig na tubig at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “E-Eleazar…” sa isip ko at hindi pa rin ma-proseso kung ano ang nangyayari, paanong nangyaring siya ang fiancé ng ate ko. At sa mismong sandaling iyon, tumingin siya sa akin nang diretso, mariin at wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Para nang inaasahan na niyang mangyayari ito, na alam niyang dito ako nakatira. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa titig pa lang niya, alam kong pareho naming naalala ang gabing iyon. Ang gabing naglasing ako at sinadya kong may mangyari sa aming dalawa, pero hindi ko inaasahan na muli kaming magkikita. Ang kauna-unahang lalaking minahal ko at siyang nakauna sa akin.... ay fiancé ng ate ko. TO BE CONTINUED....ELEAZAR’S POINT OF VIEWThe conference room was cold.... so cold that I could feel my toes freezing.Glass walls, polished table, large LED screen at the front displaying projections and figures that should’ve had my full attention. ETR Corporation’s executives were seated on my side, Rhiane beside me, composed and alert. At sa kabilang direksyon ay nakaupo ang myembro ng Velarium Holdings, at syempre hindi puwedeng mawala ang kaninang CEO.Si Raze Montclair...He looked so relaxed for a man who knew he was stepping into another lion’s territory. At sa tabi niya ay ang kanyang executive assistant, si Arielle.She was so professional, hair neatly tied, neutral makeup, tablet resting on her lap. And she looked… untouchable. Like she belonged there. Like she had always belonged there.“Velarium’s projected timeline for the residential expansion spans eighteen months,” one of their senior architects explained, pointing at the screen. “We’re looking at a phased development...”I nodded o
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ni Raze. Sobrang kalat kasi ng kanyang opisina dahil sa sobrang busy nitong mga nagdaang araw. At kung tama ang pagkakaalala ko... nagsimula lahat nang 'to ng mabuo ang partnership niya sa kumpanya na pagmamay-ari ni Eleazar. Kahit ngayon nga ay hindi pa rin talaga tumatak sa utak ko na nangyayari ito.. paano pa ako lalayo gayong siya na mismo itong gumawa ng paraan para mas lalo kaming maging malapit sa isa't isa. "Hmmp...." malalim kong pagbuntong-hininga. Binilisan ko na ang kilos ko at ilang minuto lang ay natapos na akong mag-ayos. Malinis nang tingnan ang bawat sulok ng opisina kumpara kanina. "Sa wakas... hindi kana mukhang budega," sa isip ko at mahinang natawa. Tumalikod na ako sabay inabot ang aking iPad at diretsyong lumabas ng opisina. May lunch meeting si Raze kaya wala siya rito sa kumpanya. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain niya at pinigilan niya akong s
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Parang wala akong sa sarili habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. Ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod, ang mabilis na pagtibok ng aking puso at ang paghahabol ko ng aking hininga. Limang taon.... limang taon ko siyang hindi nakita, pero hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang kanyang epekto sa akin. Nakakapangilabot... nakakapanindig balahibo na hindi ko maintindihan. Tanging alam ko lang ay wala akong magawang Tama sa t'wing nasa harapan ko siya. "Why is this happening?" bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung saan kakapit dahil parang matutumba ako sa aking kinatatayuan. Bakit gano'n? Kung kailan ay handa na akong buksan ang puso ko para kay Raze ay saka naman siya susulpot. Kung kailan handa na akong kalimutan siya at ang aming nakaraan ay doon siya darating. Para bang kanyang ipinapamukha sa akin na wala akong karapatan na kalimutan siya. "Ta..ng...ina!" I hissed. Napahilamos ako gamit ang aki
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ELEAZAR'S POV Nakatitig sa akin si Arielle at bakas ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa biglaan kong pagsingit sa kanilang usapan. Maging ako ay hindi rin inasahan na makikita ko siya sa lugar na ito. I didn't know they were this close. Noong una ko siyang makita makalipas ang mahigit limang taon ay siya ang kasama niya. Pati ba naman ngayon ay nandito rin siya! "What brings you here, Ramirez?" usal ni Montclair. Doon ay unti-unti kong binawi ang tingin ko kay Arielle upang ilipat sa lalaking kasama niya. Tuwid akong tumayo. Marahas na umangat ang dibdib dahil sa malalim at mabigat kong paghinga.“Business,” maikli kong sagot. “I was informed that Velarium acquired this land. I became interested because it's unlikely for you guys to have an interest in a place like this." dugtong ko.Bahagya siyang ngumiti, yung klase ng ngiti na ginagamit ng mga taong sanay na makipagnegosyo. walang emosyon, kundi puro kontrolnsa sitwasyon.“That’s correct,
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Dumiretsyo na ako sa address na ibinigay sa akin ni Raze. At mahigit dalawang oras din ang naging byahe ko bago ko narating ang nasabing lugar. "Ito na siguro 'yun," sa isip ko nang bumungad sa akin ang bakanteng lote. May makikitang mga palatandaan na nakapalibot sa lupa na may nagmamay-ari na nito. At kung tama ang pagkakaalala ko ay dito yata planong itayo ni Raze ang naging Branch company ng Velarium Holdings. "Maganda din 'yung napili niyang spot," mahinang usal ko sabay labas sa aking kotse. Eksaktong pagsara ko ng pinto ay narinig ko ang boses ni Raze mula sa aking likuran. Kaagad akong bumaling sa kanya at unang bumungad sa akin ang maganda at malawak niyang ngiti. "I thought you were not coming?" bungad niya sabay agaw ng dala kong bag. Lagi niya iyong ginagawa. Kahit pinagsasasabihan ko siya na h'wag niyang gawin ay gagawin niya pa rin. Nakakahiya din kasi at baka ano pa ang isipin ng mga taong m
"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW "Aalis kana po, Mommy?" tanong ni Zayla, halata sa boses na inaantok pa. Bumaling ako sa kanya habang ang kamay ko ay abala sa pagsusuklay ng aking buhok. At nakita kong kinukusot pa nito ang kanyang mata at nakaupo na sa ibabaw ng kama. "Yes baby. Maagang aalis si Mommy. May pupuntahan kami ngayon at kailangan daw maaga," mahinang paliwanag ko sa kanya. Napangiti ako nang makita ko ang unti-unti niyang pagnguso. Lalapit sana ako sa kanya, pero nauna siyang bumaba sa kama at tumakbo papalapit sa akin. "Are you with Tito Raze?" inosenteng tanong nito at nakatingala sa akin. Tumango ako sabay ginulo ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan niya nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit. "Ayaw mo bang umalis si Mommy?" wika ko. Tahimik siyang pinapakiramdaman. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang yakap sa aking bewang. Nagsimula siyang umatras para lagyan ng







