Compartilhar

I was forced to marry him, now i can't escape him
I was forced to marry him, now i can't escape him
Autor: MilanWrites

Chapter 1

Autor: MilanWrites
last update Data de publicação: 2026-08-30 00:48:52

"Huy! Maaga pa para diyan. Baka mas mauna kapang dumating kaysa sa Hiring Manager ha?" Natatawang biro ni Claire tsaka siya umupo sa harap ng salamin tsaka ito nagtaas ng kilay nang makita ang suot ni Thalie.

"Hoy babae, baka naman pagkamalan kang manang diyan sa suot mo? Palitan mo nga! Masyado ka namang manang kung manamit!" Singhal pa nito.

Ngumiti ito tsaka tumingin sa kanyang damit. "Okay naman ah?" Saad nito tsaka tumingin pa sa malaking salamin. "Hay nako, Thalie. May Job interview ka ngayon. Ayusin mo naman 'yang suot mo. Baka naman 'di kana papasukin ng guard niyan. Balita ko, maselan at strikto at masungit 'daw ang may-ari ng Jewel's Company at napipili lang 'daw ang nakakapasok dun. Kaya kung ako sayo, palitan mo na 'yang pantalon at t-shirt mo." Mahabang salaysay ni Claire.

"Aba eh, kung sa suot lang naman sila bumabase siguradong hindi din sila makakakuha ng mahusay na taga-disensyo ng mga alahas." Biro naman ni Thalie tsaka sila sabay na tumawa.

"Ah basta! Magpalit ka ng damit, sa pagkakaalam ko ang dami mong damit na halos hindi na 'din magkasya sa damitan mo. Tapos, iyan pa ang napili mo?" Kumportable din kasi ang dalaga sa ganoong klaseng pananamit. Ito na din kasi ang nakasanayan niya mula bata hanggang sa ngayong dalaga na ito.

Agad naman tumayo si Claire tsaka binuksan ang cabinet tsaka ito naghanap ng damit para sa kanyang kaibigan. Huminto ito nang makita ang isang emerald green dress kung saan kitang-kita ang hubog ng balingkinitang katawan kapag suot ito ni Thalie.

"Huwag mong sabihin-...." Ngumiti ito tsaka lumapit sa dalaga. "Oo tama ka. Ito nga ang isusuot mo. Magbihis ka dali." Saad nito tsaka mabilis nitong hinila at pinapasok sa banyo.

Wala na itong nagawa kundi ang suotin ito. Napabuntong hininga nalang ito tsaka lumabas ng banyo. Bahagya itong naka simangot dahil hindi ito ang kasuotang napupusuan nito.

Napakahilig niya sa mga damit na kagaya nalang ng t-shirt at long pants kung saan halos hindi madapuan ng lamok ang kanyang nga paa kaya nanatili itong makinis at maputi.

Muli itong napatingin sa salamin kung saan makikita ang kabuoang pigura nito. Ayaw din kasi nito ang mga ganitong klaseng damit dahil halos napagkakamalan nilang siya ay si Rhialie.

"Rhialie, ikaw ba iyan?" Tanong ni Claire. Bahagyang napasimangot ang dalaga sa biro ng kanyang kaibigan. "Hmm!" Inis na sagot nito. "Joke lang, jusko para kayong pinagbiyak na bunga. Ang ganda-ganda mo Thalie. Para kang anak mayaman ah?" Dagdag pa nito tsaka ito pinisil sa ilong.

"Baka kalaunan niyan, ako nanaman ang aako sa kasalanan niya." Sagot nito na may halong pagkainis.

Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto nito na magsuot ng mga lumang damit kaysa magsuot ng damit na parang kay Alie (Rhialie)

('Kung sabagay, bagay din naman kay Alie ang magsuot ng mga sosyalin dahil mayaman naman ang umampon sa kanya') Sa isip ng dalaga.

nanatili naman sa pagiging mahirap si Thalie. kailangang magtrabaho para sa lahat ng gastusin sa hospital at mga gamot ng kanyang ina.

Matapos itong magbihis, agad itong lumabas ng inuupahan nila ni Claire at dumiretso sa Jewel's Company. Pagkapasok nito sa loob, agad nitong nakita ang mga nakaupo sa mahabang upuan. Lahat sila mga babae at tama nga si Claire. Magaganda at sosyalin ang kanilang mga suot. Napabuntong hininga na lang ito tsaka nakiupo sa may bakanteng upuan.

Ilang oras na nagtiyag ang dalaga hanggang sa matawag ang kanyang pangalan. "Ms. Nathalie Hansen." Aga itong lumapit at umupo.

"How do you handle a high-end client who complains that our gold prices are too high compared to local pawnshops or smaller jewelry stalls?" Diretsong tanong ng babae.

"Ipiliwanag ko po sa kanila nang maayos na ang binabayaran nila sa amin ay hindi lang ang timbang ng ginto, kundi ang superior craftsmanship, ang exclusivity ng disenyo, at ang lifetime warranty ng produkto. Sasabihin ko rin na ang aming mga hiyas ay may sertipiko at garantisadong tunay, kaya mas mataas ang appraisal value nito sa hinaharap. Sa huli, ipaparamdam ko sa kanila na ang pagbili sa amin ay isang pangmatagalang investment para sa kapayapaan ng kanilang isip." Magalang at diretsong sagot ng dalaga. Napataas naman ng kilay ang babae.

Ilang mga katanungan pa ang ibinato sa kanya at sa wakas ay natapos din.

Pagkalabas nito sa Jewel's Company ay agad itong dumiretso sa karindirya dahil hindi din ito nag-agahan.

Pagkapasok nito sa karindirya ay sakto naman ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad nitong kinuha tsaka napakunot nalang ng noo nang makita kung sino ng tumatawag.

"Hello? Asan ka? Pasama naman, Mall tayo." Anyaya ng kanyang kapatid. Bahagya itong napapikit.

Alam kasi nito ang bawat galaw at takbo ng isip ng kanyang kapatid sa tuwing magkasama silang nasa labas.

Agad kumirot ang dibdib ng dalaga.

'May gana pa siyang pumunta ng mall ngayon habang si mama nasa hospital at hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pangbili ng gamot at pangbayad sa hospital.' Sa isip nito.

Kulang na kulang naman ang sinasahod nito bilang taga-hugas ng pinagkainan sa karinderya sa tapat ng L.L.S University. Halos pinagsasabay na din kasi nito ang pag-aaral at trabaho mula 5pm hanggang 10 pm. Mabuti nga at nakakuha pa ito ng scholarship mula sa mayamang umampon kay Alie. "huy! Ano na?" Sigaw mula sa kabilang linya.

"Pasensiya na, busy ako ngayon. Sabado ngayon at kailangan kong pumunta sa-" hindi nito pinatapos sa pagpapaliwanag at muling nagsalita. "Jusko naman, magrelax ka naman minsan. Puro ka nalang trabaho." Mayabang at may mapagmataas na tono mula sa kabilang linya.

Napayukom ito ng kamao.

'Kung sana tulungan mo lang ako sa responsibilidad nating dalawa edi sana may oras naman ako para diyan'. Sa isip ng dalaga.

"Alam mo, halos hiyang-hiya na ako sa school pag katabi kita. Nagmumukha kang yaya ko. Kaya tara na, samahan mo na ako. You don't have to worry about anything, I'll take care of it. And para wala ka namang masabi, I'll pay you. Just come with me." Saad pa nito.

"At para naman may pang gastos ka diyan sa mama mo." Muling napayukom ang kamao ni Thalie sa sinabi ng kanyang kapatid . 'mama mo' .

Hindi maiwasan ng dalaga ang mainis sa simple pagkakasabi ni Alie sa salitang 'mama mo'. Alam nito sa sarili niyang iisa lang ang ina nila ngunit sobrang nakakainsulto ang pagtanggi nitong mag-ina din sila.

Dapat nga ay magpasalamat pa ito dahil hindi niya sana nararanasan ang ginhawa ng buhay kung hindi ito pinaampon ng kanyang ina noong sanggol pa lamang sila.

Walong buwan palang ang kambal na si Thalie at Alie nang pabalik-balik sa hospital ang kanilang ina dahil sa sakit ni Alie na hindi kayang ipagamot dahil sa kakulangan ng pera.

Ilang beses itong humingi ng tulong mula sa kanilang natitirang kamag-anak ngunit walang nag-abalang tumulong.

Hanggang sa nakasalubong ng kanilang ina ang nagtatalo na mag-asawa sa gilid ng kalsada. Base sa kanilang kasuotan, mag-asawa itong kayang-kayang bilhin ang buhay ng kanyang anak na may sakit.

Pasimple itong lumapit tsaka bahagyang nakinig kung ano ang pinagtatalunan ng mag-asawa. Sa sandali itong pakikinig, napagtanto nitong 'kawalan ng anak' ang kanilang kanina pa'y pinatatalunan.

Hindi ito nagdalawang isip at nakipag-usap. Noon pa gustong umampon ng sanggol ang mag-asawa ngunit ayaw nilang umampon galing sa bahay ampunan.

Halos hindi mahinto sa pagpapasalamat ang mag-asawa sa gustong mangyari ng ina ng kambal. Agad nilang inayos ang legal na proseso para malipat ang apelido ng mag-asawa sa sanggol na si Alie. Agad 'din dinala ng mag-asawa ang sanggol sa ibang bansa upang ihanap ng mahusay na doktor para sa kanyang sakit.

Nagtagal ang mga ito ng halos isang taon sa ibang bansa at umuwi nang tuluyan ng gumaling ang karamdaman ni Alie.

Bilang kabayaran sa ginawa ng ina ng kambal, nangako ang mag-asawa na tustusan ang pag-aaral ng isa pang sanggol na si Thalie mula sa unang hakbang ng kanyang pag-aaral hanggang sa makapagtapos ito at makakuha ng magandang trabaho.

Agad na pumayag at nagpasalamat ang kanilang ina kahit durog na durog na ito dahil sa paghihiwalay ng kambal.

"S-sige." Tanging sagot na lang ng dalaga. Naisip nito, malaki-laki din ang ibinabayad ni Alie sa kanya bilang taga-bitbit ng mga paper bags na may lamang nagmamahalang mga damit kaya okay lang ito sa kanya.

'mas malaki din ang kikitain ko dito kaysa magtrabaho sa karindirya' sa isip nito.

"Okay.." Sagot nito tsaka kinausap kanyang driver. "Manong, sa may harapan ng Jewel's Company ng boyfriend ko." Saad nito tsaka pinatay ang cellphone.

Napatulala nalang ito habang hinihintay si Alie. Halos tangayin na ng hangin ang kanyang isipan dahil mahigit isang buwan na ng kanyang ina sa hospital.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang may pumaradang mamahalin at sosyalin na kotse sa may tapat ng karinderya.

Bumaba ang kapatid nito tsaka ito hinanap. Natigilan ito ng makita ang kanyang kambal. Biglang kumunot ang noo nito tsaka napayukom ang kanyang kamao sa inis, napataas ang kilay habang nakatingin sa suot ni Thalie.

Suot kasi ni Thalie ang dress na galing sa kanya. Bahagya itong nainis dahil napagtanto niyang mas maganda at mas sexy parin si Thalie kumpara sa kanya. Hindi ito papayag na pareho sila maganda sa paningin ng mga tao at mas lalong ayaw nitong pumayag na mas maganda si Thalie kumpara sa kanya.

Agad itong nag-isip ng hindi maganda tsaka nagsalita.

"Didn't I tell you not to wear that when we're together? That dress doesn't suit you. An old t-shirt and old pants suit you better! Get dressed, I don't feel comfortable when we're wearing the same clothes." Reklamo nito.

Paborito kasi ni Alie ang kulay emerald green kung saan ito din ang kulay ng dress na kanyang suot ngayon. Para sa kanya, mas lumalabas ang kanyang kaputihan at kagandahan kapag itong kulay ang kanyang suot.

Ayaw na ayaw ni Alie na magmukhang malinis ang kanyang kambal para patuloy itong magmukhang alalay lamang niya. Gusto nito na sa kanilang dalawa ay siya palagi ang nasa itaas kung saan siya palagi ang pinupuri at pinapansin.

Masaya ito sa tuwing sinasabing 'mukhang alalay mo lang si Thalie'.

"Walang problema. Dalhin mo ako sa bahay, magbibihis lang ako saglit pero--gusto ko munang ipaalam sayo kung magkano ang gusto kong bayad bilang alalay mo." Diretsahang sagot ng dalaga sa kanyang mapanlait na kapatid.

"Okay, magkano ba?" Tanong nito habang nakangiti pa.

"Twenty thousand pesos. Kasama na 'dun ang pamamahiya mo, panlalait mo at pagkain ko ng tira-tira mo. Gagastusin ko ang perang 'yan para sa mama ko na mama mo 'din." Sagot nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng dalaga.

"Ang laki naman-" hindi nito pinatapos ang kanyang sasabihin at agad itong sumingit. "Okay lang kung ayaw mo. Sige, alis na. Pupunta pa akong trabaho -" Saad nito tsaka akmang aalis ng muli siyang magsalita kasabay ang paghawak niya ng braso ni Thalie.

"Okay...okay...deal!" Sagot nito.

'Papayag din pala eh!' sa isip nito.

Wala din naman problema kay Alie sa gastusin dahil mas masaya ito sa tuwing pinapahiya ang kanyang kambal kaysa sa pagbabayad ng twenty thousand pesos.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 20

    Matapos ang isang linggong nananahimik ang ina ni Liam, hindi naging panatag ang loob ni Liam. Ang biglaang pag-atras at katahimikan ni Donya Smith pagkatapos ng matinding away nila sa penthouse ay hindi nagdala ng kapayapaan sa kanya. Sa halip, lalong nabalisa si Liam. Kilala niya ang kanyang ina—hindi ito basta-basta sumusuko nang walang malalim na dahilan. Ang bawat araw na lumilipas nang walang tawag, banta, o legal na galaw mula kay Atty. Suarez ay tila ba ang kalmado at mapayapang atmospera bago ang pagdating ng isang mas malakas na bagyo. Mas lalong hinigpitan ni Liam ang seguridad sa paligid ni Thalie, ngunit ang hindi niya alam, ang panganib ay hindi na magmumula sa kanyang ina—kundi sa isang taong matagal nang nagtatago sa dilim.Inilapag ng pribadong imbestigador ang makapal na brown envelope sa ibabaw ng lamesa. Pagkaalis nito, mabilis na binuksan ni Alie ang sobre. Doon ay tumambad sa kanya ang mga serye ng larawan at dokumento. Nalaman na niya ang buong katotohanan mula

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 19

    Kinaumagahan, binalot ng init ng araw ang marangyang penthouse ni Liam. Habang mahimbing pang natutulog si Thalie mula sa matamis at magkayakap nilang gabi, maagang nagising si Liam. Suot ang kanyang simpleng pambahay na kasuotan, nagtungo siya sa kusina upang personal na ipagluto ng almusal ang kanyang asawa—isang gawi na tanging para kay Thalie niya lang ginagawa.Hindi nagtagal, nagising din si Shaine dahil sa amoy ng masarap na pagkain. Paglabas niya ng guest room, nakita niya si Liam na mag-isip sa kusina. Sinamantala niya ang pagkakataong wala si Thalie. Naglakad siya nang may paimbabaw na hinhin, inayos ang kanyang magulong buhok para magmukhang kaakit-akit, at lumapit sa likod ni Liam."Good morning, babe." Malambing na bati ni Shaine, habang pilit na sumasandal sa gilid ng counter upang makuha ang atensyon ng lalaki. "Hindi ko akalaing ang isang CEO ay nagluluto pala sa umaga. Pwede mo ba akong gawan ng kape?"Nakatayo lang si Liam, malamig at walang pakialam ang tingin haban

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 18

    Sa loob ng silid na nababalot ng malamlam na liwanag, dahan-dahang binalot si Thalie ng isang kakaiba at mahiwagang pakiramdam. Habang marahang iginigiya ni Liam ang kanyang katawan patungo sa kama, naramdaman ng dalaga ang init ng pisikal na pagnanasa ng asawa na humahalo sa sarili niyang kaba. Isang matamis at masuyong halik ang muling idinampi ni Liam sa kanyang mga labi—isang halik na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at nagpalamig sa kanyang mga tuhod.Nang marahan at dahan-dahang tinahak ng mga labi ni Liam ang landas pababa mula sa kanyang panga patungo sa kanyang leeg, napapikit si Thalie. Isang matinding kiliti ang gumapang sa kanyang buong katawan sa bawat dampi ng mainit na hininga at labi ng asawa. Sabay nito, dahan-dahang gumapang ang mga palad ni Liam upang haplusin ang bawat kurba ng kanyang katawan. Marahan, madiin, at may pagsuyo ang bawat paghawak ng lalaki—na tila ba ikinakabisa nito ang bawat anggulo at hubog ng asawa gamit ang sariling mga kamay. Sa bawat haplos

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 17

    "Kabit."Hindi sumigaw si Shaine. Sa halip, binitiwan niya ang salitang iyon nang may kasamang banayad ngunit mapait na ngiti. Inayos niya ang kanyang mamahaling designer bag sa kanyang balikat, pinahid ang natitirang luha sa kanyang mga pisngi, at tinitigan si Thalie mula ulo hanggang paa gamit ang mga matang puno ng panghahamak. Ang kanyang boses ay bumalik sa pagiging swabe at pormal—ang tono ng isang edukadang ehekutibo na nakikipag-ayos ng isang transaksyon."Iyan ang tamang tawag sa iyo sa totoong mundo, hindi ba? Isang kabit. O sa mas magandang termino, isang maruming sekreto." Pahayag ni Shaine, napakalamig at kontrolado ng bawat bigkas. "Nagtatago sa dilim, umaasa sa mga tira-titang oras ni Liam, at nakikinabang sa kayamanang hindi mo naman pinaghirapan. Kahit anong ganda ng mga malalalim na salita mo, Miss, ang katotohanan ay isa ka lang pampalipas-oras. Ang pwesto sa tabi ng isang Liam Lucas Smith ay para lamang sa isang legal na asawa..." Saad nito tsaka itinuro ang kanya

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 16

    Ilang araw nang balisa at nagpupuyos sa galit si Donya Smith. Matapos niyang iabot sa kanyang abogadong si Atty. Suarez ang mga dokumentong magagamit sana upang puwersahing makipaghiwalay si Liam kay Nathalie, wala pa ring ibinibigay na update ang abogado.Para sa Donya, bawat oras na lumilipas ay nasasayang. Lalong nag-apoy ang kanyang galit nang makarating sa kanya ang balita: walang balak si Liam na iwan ang asawa, at hindi pa rin nito kinakausap si Shaine—ang babaeng mayaman at marangal na pinili ng Donya para sa kanya. Dahil hindi na makapaghintay, marahas na sumugod ang Donya sa opisina ng anak.Tunog ng malalakas at mabilis na yabag ng high heels sa corridor. Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina ni Liam."P-Pasensya na po, Sir Liam! Sinubukan ko po siyang pigilan pero—" Natatakot at nanginginig na sambit ng bagong pasok na secretary ni Liam."Lumabas ka. Iwan mo kaming dalawa ng anak ko. Now!" Bulyaw ng Donya na mas lalong ikinabahala ng secretary.Huminga nang ma

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 15

    Matapos ang masinsinang pag-uusap nila ni Claire, nagbago ang ihip ng hangin sa puso ni Thalie. Ang pader ng kalamigan na matagal niyang ipinakita kay Liam ay napalitan ng pagnanais na bumawi at maging isang totoong asawa. Inihanda niya ang sarili na maging sweet at asikasuhin ang asawa, ngunit lumipas ang mga oras at tuluyan nang dinalaw ng dilim ang kalangitan nang wala pa rin si Liam. Ang pananabik na bumawi ay unt-unting naging matinding kaba at pag-aalala.Biglang narinig ni Thalie ang beep ng digital lock ng pinto. Mabilis na tumayo si Thalie. Bumukas ang pinto at pumasok si Max, inaalalayan si Liam na halatang lasing na lasing, bagsak ang balikat, at magulo ang buhok. Mabilis na lumapit si Thalie sa dalawa upang tumulong.Agad namukhaan ni Thalie si Max bagaman hindi niya ito kilala. Nakita lamang niya ito noong gabing nangyari ang dapat nangyari.Nag-aalalang sinalubong sila ni Thalie, hinawakan agad nito ang braso ni Liam. "Palagi ba siyang naglalasing ng ganito?" Tanong n

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status