FAZER LOGIN"Pakihawak naman neto." Sabay abot ni Alie kay Thalie ang ika-15 na paper bag na halos lahat ng laman ay mga kasuotang kinulang sa tela.
"Oh hi, Alie..." Biglang sulpot ng mga kaibigan ni Alie tsaka nakipag beso. Napansin ng mga ito ang tahimik na si Thalie sa gilid. "Oh hi...anong ginagawa niyo dito?" Masayang tanong ni Alie kila Jane, Ruth at Clarisse. "Naghahanap lang ng mga bagong- oh wait! Kasama mo ang kambal mo?-" Biglang tanong ni Clarisse habang suot ang mapanglait at mapagmataas na aura. "Hell no... Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa inyo? Thalie is just my best friend and maybe, magkamukha lang talaga kami. As you can see, You can see the difference between us, right? I'm on top while she's just at my feet." Sabi nito tsaka sila nagtawanan. Ito talaga ang pinaka nagugustuhan ni Alie sa lahat, ang pahiyain at maliitin ang kanyang kapatid sa harapan nito na para bang isang napakagandang musika sa tenga niya ang bawat masasakit na salitang ibinabato sa kanyang kapatid. Yung mga pasimple nilang panlalait sa dalaga na lalong nakakapag pababa ng tingin nito sa sarili. Masaya silang nagtatawanan habang kumakain ng masasarap na pagkain habang tahimik naman na naghihintay lang ng tira ni Alie. Wala na din kasi itong pagpipilian dahil hindi pa ito kumain kagabi at kahit pa kaninang umaga dahil sa kagustuhang maaga itong makakapag submit ng application form sa L-Jewel's Company. Pagkatapos nito sa interview ay kakain na sana ito mula sa karindirya na pinuntahan kanina ngunit dahil kay Alie, nalimutan nito ang kanyang sadya sa karindirya. "Ahmm... Thalie, sayo na itong pagkain ko. Tiyak akong hindi ka pa nakakatikim ng ganitong klaseng pagkain dahil sa mabaho and nakakadiring karinderya ka lang naman kumakain. And if you want, pwede ka din mag take-out ng food para sa mama mo. I'll pay for it since you don't have any money, right?. Para naman mabilis siyang lumakas kung makakatikim siya ng totoong pagkain. Baka kasi puro nalang lugaw ang ipinapakain mo." Napalunok ito sa inis. 'Tiisin mo pa Thalie.' Sa isip ng dalaga Tiniis nito ang lahat at itinanim na lang sa isipang para din ito sa mahal na ina. Upang hindi halatang nasasaktan ito ay dinukot nalang nito ang lumang cellphone tsaka tinignan kung anong oras na. Napatingin ito sa messages at nakitang may text pala si Claire kanina pa tatlong oras na ang nakalipas. Binuksan ito tsaka binasa. *Oh ano na balita? Pasapit na ang hapon wala pa akong balita sayo!* Text mula kay Claire. Napangiti ang dalaga tsaka nagreply. *Tatawagan na lang 'daw ako. Nandito ako ngayon sa mall nag-apply bilang alalay ni Alie. Isang araw lang naman.* Reply nito tsaka ibinulsa ang kanyang cellphone. Muli itong napatingin kila Alie. "Ang swerte mo talaga, Alie. Akalain mo 'yun, boyfriend mo pala si Liam? Teka- diba fiance niya si Ms. Shaine?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa kanyang kaibigan. Pasimple namang napalunok at kinabahan si Alie. Natatakot itong baka mabuking ito sa pagsisinungaling dahil hindi naman talaga sila personal na magkakilala ng binata. Napapanood lang nito ang binata sa TV at malakas ang implowensya ng binata sa buong syudad dahil sa angking bagsik at talino nito sa negosyo. "A-ahmm... Ayaw kasi ni Liam na ipaalam sa iba dahil alam niyo na, ayaw niyang pag-usapan kami ng mga tao. Tsaka hindi naman talaga gusto ni Liam iyang si Shaine, ako naman talaga ang mahal ni Liam at ako lang naman ang gusto niyang pakasalan. Naisip niyo ba? Halos ilang taon din pero hindi parin sila kinakasal." Palusot ni Alie. Agad namang nabilog ang tatlo at tuluyang nakilig at naniwala sa kasinungalingan ni Alie. "Eh kailan niyo balak magpakasal?" Kinikilig na tanong ni Clarisse. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Alie tsaka sumagot. "Actually, we're planning na eh. Hindi ko lang sure kung kailan balak ibunyag ni Liam ang relasyon namin." Saad nito habang kinikilig pa. "Baka naman uunahan pa kayo ni Thalie." Biglang sambit ni Jane tsaka nakipag tinginan kay Ruth. Pareho silang ngumiti at may binabalak. "Nakita namin siyang kasama ang kanyang sugar daddy, isang matanda at matabang mayaman!" Sabi ni Ruth tsaka ito humalakhak ng malakas. Nabilog naman ang mata ni Alie tsaka napatakip sakanyang bibig na para bang hindi makapaniwala sa narinig. "Halaa, is it true?" Masayang tanong nito sa tatlo. "Bakit hindi mo tanungin mismo si Thalie?" Ngising tanong ni Clarisse. Humarap naman si Alie kay Thalie na tahimik lang sa gilid na para bang wala lang sa kanya lahat ng pambabatikos ng tatlo laban sa kanya. ito naman magaling si Thalie, ang magtago ng totoong nararamdaman. Ang mangpanggap na wala lang sa kanya kahit durog na durog na siya. "Thalie, o my gosh! Is that true?--but! Okay lang yan. Kapag nagsawa na sayo ang sugar daddy mo then iiwan kana habang ipinagbubuntis ang kawawang sanggol diyan sa sinapupunan mo, lapit ka lang sakin. I'll help you. Just tell me magkano ang gusto mong limos at ibibigay ko sayo, huwag ka lang mahiya. Or baka naman, ilang buwan na iyang tiyan mo ha?" Diretsong salaysay ni Alie na para bang may patunay ito sa ibinibintang ng tatlo sa kanya. Lubos na nagalak ang puso ni Alie ng malamang may sugar daddy si Thalie. "Huwag kang mag-alala, hindi ako lalapit sayo pag nagkataon. At lalong hindi ako magbubuntis kagaya ng mga kasinungalingan niyo." Pambabara nito sa apat. Agad naman sumimangot si Alie dahil sa simple ngunit matalim na sagot ng kanyang kapatid. Natapos ang maghapon puno ng panlalait at pamamahiya ni Alie kay Thalie at sa wakas. Hawak na nito ang perang napag-usapan nilang magiging kabarayan sa lahat ng pambabatikos, panlalait at pamamahiya sa kanya. Nakatayo ito sa harapan ng L.S Hospital hawak ang perang ibinayad sakanya ni Alie. Bigla na lang nanggilid ang mga luha nito. Hanggang kailan ito maghihirap para sa kanyang mahal na ina? Ang sarap-sarap ng buhay ni Alie habang puro hirap at sakripisyo ang dinaranas ni Thalie sa araw-araw. Heto siya't pilit na tinitiis ang lahat para lang sa maliit na halaga ng pera para sa gastusin sa bills at mga gamot ng kanyang ina. 'Ang sakit. Sobrang sakit.' Sa isip ni Thalie. "Miss tabi!" Biglang sulpot ng mga lalaki. Sa kanilang pagmamadaling pumasok sa loob ng hospital mabilis nilang naitulak ng malakas ang dalaga dahilan ng kanyang pagkatumba. Nagdulot ito ng malaking gasgas sa kanyang siko. Saglit itong namilipit sa sakit tsaka dahan-dahang tumayo tsaka pinagpagan ang kanyang pantalon. "Hoy! Hindi ba kayo marunong maglakad ng maayos? Nang wala naman kayong napeperwisyo? Puro takbo, ganon?" Inis na sigaw nito sa mga lalaki. "Bwisit!" Pagmumura nito. Madilim na din kasi dahil 7:32 na ng gabi. "Pag ako naubos ang pasensiya, malilintikan talaga kayo sakin!" Sigaw pa nito habang itinaas pa ang kamao. "Ehemmm" boses mula sa likod. Napalunok ito habang takot pang lumingon. Agad itong nakaramdam ng takot at kaba na baka kasamahan pa ito ng mga lalaking tumakbo pa kanina. "Miss, makikiraan kami. Pwede?" Muling boses ng lalaki ang narinig ni Thalie. Dahan-dahan itong lumingon habang kinakabahan. Dalawang gwapo at matitipinong lalaki ang nakangising nakatayo ngayon sa harapan nito. Bahagya itong napalunok sa kaba. 'Pag ako sinapak ng mga 'to, todas talaga ako!' Sa isip nito. Sa tangkad nila ay halos hanggang dibdib lang nito ang ulo ng dalaga. Napalunok ito sa kaba tsaka dahan-dahan na lumipat sa gilid at yumuko. 'Jusko, sino ang mga 'to? Bakit sila nakangisi? Medyo nakakatakot naman ang mga ngising iyan.' Sa isip ng dalaga. Nanatili itong naka yuko at nakatayo pero hindi parin umaalis ang dalawa at patuloy ang mga ito sa pagtitig sa nakayuko na dalaga. Napangiti ang isa dahil sa inaasta ng dalaga kanina na wari mo'y kayang-kayang niyang labanan ang mga lalaki kanina kung makataas ng kamao at ngayon na parang isang batang napapagalitan. "Miss, may nakita ka bang mga lalaking naka-itim? Mga nasa walo sila." Tanong ng isang lalaki. 'Jusko, masasangkot pa yata ako sa gulo nila. Base sa kanilang pigura ay ang dalawang lalaking ito ang may kagagawan ng kanilang mga sugat. Teka, sasagot ba ako?' Sa isip ni Thalie. "Nagtatanong kami, sumagot ka!" Mabangis na tanong ng isa pang lalaki kaya agad itong natakot kaya ito napa-atras. "Don't scare her." Bigla namang sulpot ng isa pang lalaking naka itim. Na tiyak nitong siya ang pinaka-gwapo sa lahat. Ang mga mata niyang mapupungay, ilong niyang napakatangos at ang mga labi niyang kay sarap halikan. Napaka-gwapo niya. Sa gabing may sikat ng buwan, para itong nagniningning sa kalangitan. Hindi maiwasan ng dalaga ang matulala sa angking kagwapuhan ng lalaking kararating lang hawak ang baril at ang kamay nitong may tumutulo pang dugo. "Ang ganda mo naman, anong pangalan mo?" Ngising tanong ng lalaking kararating lang. Tsaka ipinantay ang mukha nito sa mukha ng dalaga. Grabe naman kasi ang tangkad nila. "Come on, Lucas...Hindi natin alam kung saan nagtago ang mga gunggong na 'yun." Saad ng isa. Grabe, napaka initin ang ulo. Tumayo ng diretso ang lalaki sa harapan nito tsaka tumingin sa loob ng hospital. "I'm sure they went inside, next time nalang natin sila singilin." Sagot ng nagngangalang Lucas. Muli itong tumingin sa dalaga at ngumisi. 'Sisingilin? Nang dahil lang sa utang, mananakit sila ng tao? Mukhang masama ang tatlong 'to ah?' Sa isip ng dalaga. "I'm more interested in this one." Sabi nito na ikinataas ng mga balihibo ni Thalie. Pakiramdam ng dalaga ay para itong binuhasan ng malamig na tubig dahil sa halo-halong emosyon na kanyang nararamdaman. Mayroon doon ang takot na baka patayin siya. Kaba na baka kunin nila ang perang nasa bag niya na para sana sa kanyang maysakit na ina. "A-ahm.. sorry pero kailangan ko ng umalis." Mabilis na saad ng dalaga tsaka mabilis na tumalikod at akmang aalis nang biglang... "Come with me, honey." Sabi nito tsaka ito niyakap mula sa kanyang likuran kasabay ng puting tela na ipina-amoy sa dalaga. Pilit itong nagpumiglas at nanlaban hanggang sa unti-unting nag dilim ang paningin ng dalaga. ******* Pagkagising nito nasa malambot, mabango at maluwang itong higaan. Magarang kwarto na halatang mamahalin lahat ng idinisenyo dito. Mas lalo lang nagmukhang basahan ang tingin nito sa sarili sa ganda at linis ng silid na ito. Dahan-dahan itong bumangon dahil medyo nakakaramdam pa ito ng pagkahilo tsaka sumilip mula sa bintana. Nalula itp nang makitang nasa third floor pa pala ito. Napagtanto niyang nasa mansyon pala ito. Agad itong napaatras hanggang sa dumapo ang kanyang likuran sa pader. Bigla nitong naalala ang perang nasa biyag niya. Agad niya itong hinanap at nakita itong naka lapag sa may lamesa sa tabi ng kama. Mabilis itong lumapit at chineck ang pera. Laking pasasalamat nito ng buo parin at hindi manlang nagalaw ang perang nasa bag niya. Kung sabagay, mas mahal pa ang carpet na inaapakan niya kaysa sa perang nasa bag nito.Matapos ang isang linggong nananahimik ang ina ni Liam, hindi naging panatag ang loob ni Liam. Ang biglaang pag-atras at katahimikan ni Donya Smith pagkatapos ng matinding away nila sa penthouse ay hindi nagdala ng kapayapaan sa kanya. Sa halip, lalong nabalisa si Liam. Kilala niya ang kanyang ina—hindi ito basta-basta sumusuko nang walang malalim na dahilan. Ang bawat araw na lumilipas nang walang tawag, banta, o legal na galaw mula kay Atty. Suarez ay tila ba ang kalmado at mapayapang atmospera bago ang pagdating ng isang mas malakas na bagyo. Mas lalong hinigpitan ni Liam ang seguridad sa paligid ni Thalie, ngunit ang hindi niya alam, ang panganib ay hindi na magmumula sa kanyang ina—kundi sa isang taong matagal nang nagtatago sa dilim.Inilapag ng pribadong imbestigador ang makapal na brown envelope sa ibabaw ng lamesa. Pagkaalis nito, mabilis na binuksan ni Alie ang sobre. Doon ay tumambad sa kanya ang mga serye ng larawan at dokumento. Nalaman na niya ang buong katotohanan mula
Kinaumagahan, binalot ng init ng araw ang marangyang penthouse ni Liam. Habang mahimbing pang natutulog si Thalie mula sa matamis at magkayakap nilang gabi, maagang nagising si Liam. Suot ang kanyang simpleng pambahay na kasuotan, nagtungo siya sa kusina upang personal na ipagluto ng almusal ang kanyang asawa—isang gawi na tanging para kay Thalie niya lang ginagawa.Hindi nagtagal, nagising din si Shaine dahil sa amoy ng masarap na pagkain. Paglabas niya ng guest room, nakita niya si Liam na mag-isip sa kusina. Sinamantala niya ang pagkakataong wala si Thalie. Naglakad siya nang may paimbabaw na hinhin, inayos ang kanyang magulong buhok para magmukhang kaakit-akit, at lumapit sa likod ni Liam."Good morning, babe." Malambing na bati ni Shaine, habang pilit na sumasandal sa gilid ng counter upang makuha ang atensyon ng lalaki. "Hindi ko akalaing ang isang CEO ay nagluluto pala sa umaga. Pwede mo ba akong gawan ng kape?"Nakatayo lang si Liam, malamig at walang pakialam ang tingin haban
Sa loob ng silid na nababalot ng malamlam na liwanag, dahan-dahang binalot si Thalie ng isang kakaiba at mahiwagang pakiramdam. Habang marahang iginigiya ni Liam ang kanyang katawan patungo sa kama, naramdaman ng dalaga ang init ng pisikal na pagnanasa ng asawa na humahalo sa sarili niyang kaba. Isang matamis at masuyong halik ang muling idinampi ni Liam sa kanyang mga labi—isang halik na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at nagpalamig sa kanyang mga tuhod.Nang marahan at dahan-dahang tinahak ng mga labi ni Liam ang landas pababa mula sa kanyang panga patungo sa kanyang leeg, napapikit si Thalie. Isang matinding kiliti ang gumapang sa kanyang buong katawan sa bawat dampi ng mainit na hininga at labi ng asawa. Sabay nito, dahan-dahang gumapang ang mga palad ni Liam upang haplusin ang bawat kurba ng kanyang katawan. Marahan, madiin, at may pagsuyo ang bawat paghawak ng lalaki—na tila ba ikinakabisa nito ang bawat anggulo at hubog ng asawa gamit ang sariling mga kamay. Sa bawat haplos
"Kabit."Hindi sumigaw si Shaine. Sa halip, binitiwan niya ang salitang iyon nang may kasamang banayad ngunit mapait na ngiti. Inayos niya ang kanyang mamahaling designer bag sa kanyang balikat, pinahid ang natitirang luha sa kanyang mga pisngi, at tinitigan si Thalie mula ulo hanggang paa gamit ang mga matang puno ng panghahamak. Ang kanyang boses ay bumalik sa pagiging swabe at pormal—ang tono ng isang edukadang ehekutibo na nakikipag-ayos ng isang transaksyon."Iyan ang tamang tawag sa iyo sa totoong mundo, hindi ba? Isang kabit. O sa mas magandang termino, isang maruming sekreto." Pahayag ni Shaine, napakalamig at kontrolado ng bawat bigkas. "Nagtatago sa dilim, umaasa sa mga tira-titang oras ni Liam, at nakikinabang sa kayamanang hindi mo naman pinaghirapan. Kahit anong ganda ng mga malalalim na salita mo, Miss, ang katotohanan ay isa ka lang pampalipas-oras. Ang pwesto sa tabi ng isang Liam Lucas Smith ay para lamang sa isang legal na asawa..." Saad nito tsaka itinuro ang kanya
Ilang araw nang balisa at nagpupuyos sa galit si Donya Smith. Matapos niyang iabot sa kanyang abogadong si Atty. Suarez ang mga dokumentong magagamit sana upang puwersahing makipaghiwalay si Liam kay Nathalie, wala pa ring ibinibigay na update ang abogado.Para sa Donya, bawat oras na lumilipas ay nasasayang. Lalong nag-apoy ang kanyang galit nang makarating sa kanya ang balita: walang balak si Liam na iwan ang asawa, at hindi pa rin nito kinakausap si Shaine—ang babaeng mayaman at marangal na pinili ng Donya para sa kanya. Dahil hindi na makapaghintay, marahas na sumugod ang Donya sa opisina ng anak.Tunog ng malalakas at mabilis na yabag ng high heels sa corridor. Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina ni Liam."P-Pasensya na po, Sir Liam! Sinubukan ko po siyang pigilan pero—" Natatakot at nanginginig na sambit ng bagong pasok na secretary ni Liam."Lumabas ka. Iwan mo kaming dalawa ng anak ko. Now!" Bulyaw ng Donya na mas lalong ikinabahala ng secretary.Huminga nang ma
Matapos ang masinsinang pag-uusap nila ni Claire, nagbago ang ihip ng hangin sa puso ni Thalie. Ang pader ng kalamigan na matagal niyang ipinakita kay Liam ay napalitan ng pagnanais na bumawi at maging isang totoong asawa. Inihanda niya ang sarili na maging sweet at asikasuhin ang asawa, ngunit lumipas ang mga oras at tuluyan nang dinalaw ng dilim ang kalangitan nang wala pa rin si Liam. Ang pananabik na bumawi ay unt-unting naging matinding kaba at pag-aalala.Biglang narinig ni Thalie ang beep ng digital lock ng pinto. Mabilis na tumayo si Thalie. Bumukas ang pinto at pumasok si Max, inaalalayan si Liam na halatang lasing na lasing, bagsak ang balikat, at magulo ang buhok. Mabilis na lumapit si Thalie sa dalawa upang tumulong.Agad namukhaan ni Thalie si Max bagaman hindi niya ito kilala. Nakita lamang niya ito noong gabing nangyari ang dapat nangyari.Nag-aalalang sinalubong sila ni Thalie, hinawakan agad nito ang braso ni Liam. "Palagi ba siyang naglalasing ng ganito?" Tanong n







