Kararating lang nila sa private penthouse ni Liam. Malawak, moderno, at napakalinis, ngunit may kalakip na nakabibinging katahimikan. Ang pader na salamin ay nagpapakita ng mga ilaw ng buong lungsod. Bumukas ang pinto, at unang pumasok si Liam, kasunod si Thalie na yakap ang kanyang sariling mga braso dahil sa lamig ng aircon at ng buong paligid."Bakit hind tayo sa mansion uuwi?" Tanong ni Thalie."Dito muna tayo, ayokong manggulo si mom." Sagot nito tsaka sila parehong natahimik.Ibinaba ni Liam ang kanyang suit jacket sa sofa. Lumingon siya kay Thalie na nanatiling nakatayo malapit sa pinto, tila isang bisita na walang karapatang humakbang nang malalim.Malamig ang ekspresyon ng mukha ng binata ngunit may tonong nag-aalaga. "Huwag kang tumayo riyan, Thalie. This is your home now. Get comfortable." Ani nito sa dalaga.Ngumiti naman ng mapait ang dalaga habang inililibot ang kanyang paningin sa paligid."Home? Mas mukha itong gintong hawla, Liam. Napakalawak, napakayaman... pero wal
Huling Na-update : 2026-09-03 Magbasa pa