Share

Chapter 5

Author: MilanWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-30 00:49:10

Thalie's POV

Inaasahan na ng dalaga ang magiging reaksyon ni Liam kaya hindi na ito nagtaka pa. Mayaman nga naman, sinasabing marumi ang pagkain ng mga mahihirap.

Ito talaga ang plano ng dalaga, ang ipakita lahat ng mga bagay na alam niyang magiging dahilan para umatras ito para pakasalan siya. At balang araw, matatauhan din ito at pakakawalan siya mula sa sapilitang pagpapakasal.

Lumabas naman si Dani sa sasakyan tsaka binuksan ang p***o upang papasukin si Thalie at ang kanyang boss.

"Ayaw mo? paano 'yan? Iyan lang ang kaya ng bulsa ko?" Bulalas ni Thalie pagkaupo nito.

Magkatabi sila ni Liam sa likod habang tahimik namang nakikinig si Dani sa dalawang hindi magkasundo.

Ang totoo niyan, si Thalie palang ang kauna-unahang ganyan kung makipag-usap kay Liam. Siya palang ang unang taong kumontra sa gusto ng binata.

Wala parin reaksyon si Liam mula kanina. Hindi na naman alam ng dalaga kung paano basahin ang tahimik at walang emosyong mukha ng binata.

"Let's just eat at the restaurant." Sagot nito.

Bahagyang nainis si Thalie. Kung ito ang magiging asawa niya paniguradong hindi din sila araw-araw magkasundo.

"Pero gusto ko sa karindirya, madaming masasarap na pagkain 'dun na hindi mo pa natitikman. Hindi lahat ng mura ay hindi masarap. Bukod 'dun, hindi lahat ng karindirya ay madumi. Siguro iba sa kanila madumi kung magluto, pero huwag mong lahatin, mayroon paring karindirya na malinis. Kagaya nung pinagtratrabahuan ko." Mahabang salaysay ng dalaga.

Napapailing na lang si Dani sa lakas ng loob niyang makipagsagutan sa kanyang boss. Siya na din ang natatakot para sa kaligtasan ng dalaga dahil maiksi lamang ang pasensya ni Liam lalo na sa ganitong klaseng bagay.

"I didn't say anything dirty-" Hindi natuloy ang sasabihin nang inilapat ni Thalie ang kanyang hintuturo sa bibig ni Liam.

Nanlaki ang mga mata ni Dani nang makita ang ginawa ni Thalie sa kanyang boss mula sa rearview mirror. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang takot sa magiging kahihinatnat ng buhay ng dalaga.

Agad kumunot ang noo ni Liam.

"Naririnig ko 'yang pinagsasabi ng utak mo mr. Smith. Alam kong nandidiri ka sa pagkain namin at wala akong pakialam 'dun. Gutom na gutom na ako dahil maghapon akong hindi kumain kahapon then maghapon ulit ngayon, nanghihina na ang katawan ko at wala akong balak makipagtalo sayo ngayon. Ang gusto ko lang ay makakain na, pwede?" Diretsong salaysay ng dalaga.

Napapikit na lang si Dani dahil sa mga nangyayari. Wala nga talagang ideya ang dalaga kung sino ang kanyang kausap.

"boss, b-baka p-pwede mo pa siyang bigyan ng chance-" Kahit ito ay pinigilan ng dalaga sa pagsasalita.

"Isa kapa, please gutom na ako." Pagmamakaawa ng dalaga.

Dahil sa pagkaing pinagtatalunan nila ni Liam kanina, bigla itong nakaramdam ng sobrang pagkagutom. Naalala nitong kahapon pa pala wala itong kain.

"Drive now." Malamig at magaspang na utos ni Liam kay Dani.

Hanggang ngayon ay loading palang sa isipan kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Thalie upang makipag tagisan kay Liam sapagkat kaya nitong pumatay ng tao kapag nakipagtalo pa ito sa kanya.

"Saan po tayo pupunta?" Nalilitong tanong ni Dani

"Karindirya/Restaurant" Sabay na sagot ng dalawa mukhang hindi pa tapos sa pagtatalo.

"uughrrhh!!" Inis na bulalas ng dalaga.

"Okay fine! drive now." Pagsuko ng binata.

muling napalaki at namilog ang mata ni Dani. Sa ilang taon nilang magkasama ng kanyang boss, ito palang ang kauna-unahang may nanalo sa kanya. Na halos hindi nga kayang manalo ni Shaine kapag napupunta silang dalawa sa ganitong sitwasyon.

Matapos i-park ni Dani ang sasakyan ay agad naman silang bumaba ni Thalie. Agad lumapit si Dani sa p***o kung saan banda pumwesto ang kanyang boss tsaka ito pinagbuksan. Nadako ang tingin niya sa dalaga na nasa mga magkakatabing kaserola na at namimili ng kanilang uulamin.

"Boss hindi ka ba kakain?" Tanong ni Dani kay Liam.

bakas sa mukha ng binata ang pagkainis ngunit kawalan ng magagawa.

Tumingin ito sa dalaga tsaka napailing at ngumiti nang makitang naka upo na si Thalie habang matiyagang hinihintay ang kanyang order.

Bumaba ito ng sasakyan tsaka nagtungo sa kinaroroonan ng dalaga. Umupo ito sa tabi niya.

"Naka-order na ako ng pagkain natin, ipapatikim ko sayo ang masasarap na pagkaing hindi mo pa natitikman." Mayabang at nakangiting saad ng dalaga sa binata.

"Teka- Hindi ba kakain si Dani?" Biglang tanong ni Thalie.

Nagkibit-balikat nalang si Liam tsaka hindi na nagsalita.

Ilang segundo lang ang lumipas nang isa-isang inilapag ang adobong atay ng manok, laing, spicy bicol express, pancit, pinakbet, at fried chicken feet, na inorder ng dalaga.

Hindi kasi alam nito kung ano ang magugustuhan ng binata kaya naparami ito ng order.

"Will you eat all of these?" Nagtatakang tanong ng binata kay Thalie.

"Kakainin natin." Ngiting sagot nito.

"No, I'm fine. I'm not hungry--" Naningkit ang mata ng dalaga tsaka nagsalita.

"Hindi kapa kumakain, kasama kita buong maghapon at alam kong hindi ka kumain. I-try mo mga 'to, hindi mo naman ikakamatay kung susubukan mo 'diba?" Ngiting sambit ni Thalie.

Biglang may kung anong bulating gumalaw sa tiyan ng dalaga at para sa kanya bago lang itong mangyari sakanya.

Ngumisi ito tsaka dinampot ang kutsarang nasa harapan nito. Pagkahawak niya ng kutsara, bahagya itong nandiri. Tumingin ito kay Thalie tsaka nagtanog.

"Are you sure the spoon is clean? Did they soak it in hot water to kill bacteria?" Tanong ng binata sa dalaga.

Napahilamos nalang ng mukha ang dalaga sa kaartehan nito.

Sa mansyon kasi ay mayroon silang dish sterilizer na naaangkop sa pagiging ma-issue ni Liam sa kalinisan.

"Liam Lucas Smith, mas nakakamatay ang gutom kaisa sa bacteria na pinagsasabi mo diyan. Kumain kana -"

""I'm going to eat with my hands, where can I wash my hands?" Tanong nito.

Napahinga na lang ng malalim si Thalie sa inaasta ng binata. Mayaman nga naman!

Alam din kasi ng dalaga na hindi din marunong sa pagkakamay si Liam kaya agad itong kumuha ng kutsara at tinidor tsaka nagtungo sa tindera. Nakiusap ito na kung pwede ay pakuluan muna ang mga ito. Nakwento din ng dalaga ang tungkol sa buhay hari niyang kasama kaya agad namang naintindihan ng tindera.

"Dadagdagan ko nalang po ang bayad, para sa abala." Magalang na pakiusap ni Thalie sa babae.

"Naku! Ayos lang iyan, iha. Ganyan talaga ang mga mayayaman. Mabuti nga at napilit mo pang kumain 'yang boyfriend mo dito. Karangalan 'yun para sakin." Nakangiting salaysay ng babae.

"Tsaka ang gwapo ng boyfriend mo, ano ba ang pangalan niya?" Tanong ng babae.

"Hindi ko po siya boyfriend, kaibigan ko lang po siya." Ngiting sagot ni Thalie.

"Ahh ganon ba? pero mukhang may gusto sayo. Kung titigan ka ba naman ay parang pag-aari ka niya. Ang ganda mo 'din kasi tsaka bagay kayo. Pareho kayong may magandang hitsura at may pera." Napatawa na lang si Thalie sa saad ng babae. Pareho silang may pera?

Siguro ay napagkakamalan lang siyang may pera dahil halata namang mamahalin ang simpleng suot niya. Simple ngunit elegante.

ilang minuto lang ang nakalipas nang matapos na ang pinakuluang kutsara at tinidor.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 60

    Ang mga sumunod na araw sa Hacienda San Lucas ay naging mabilis ngunit punong-puno ng mga alaalang hinding-hindi malilimutan ng pamilya Smith. Matapos ang nakatutuwang insidente ng paglalasing ni Liam, tila mas lalong gumaan ang kapaligiran sa buong hasyenda. Ang mga trabahador at mga katiwala, na dati ay may labis na paggalang sa pormal na presensya ni Liam, ay mas naging bukas na sa kanya. Tuwing dadaan ang ginoo sa mga kuwadra o sa malawak na taniman, sinasalubong siya ng mga nakangiting mukha at magagalang na bati na may kasamang palihim na kindat mula sa mga kalalakihang nakasalo niya sa inuman. "Good morning, Sir Liam! Mukhang maganda ang gising natin ngayon, ah? Wala na po ba ang sakit ng ulo?" nakangiting biro ni Mang Tomas isang umaga habang nagpapakain ng mga kabayo. Bahagya siyang napangiti si Liam, bagamat pilit niyang pinananatili ang kanyang seryosong mukha. "Good morning, Mang Tomas. I am perfectly fine now, thanks to my wife's remedy. But no more local drinks for

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   chapter 59

    Halos maghahatinggabi na nang tuluyang magpaalam si Liam sa mga kalalakihan sa kubo. Pagkaalis na pagkaalis niya sa lilim ng kawayan, doon lang sumipa nang husto ang tapang ng lokal na alak. Mula sa malayo, napansin na agad ni Thalie ang bahagyang pagewang-gewang na lakad ng kanyang asawa. Ang dating matikas at seryosong si Mr. Smith ay tila nawalan ng balanse, at bawat hakbang nito sa damuhan ay may kasamang bahagyang indayog. Napailing na lang si Thalie at natawa nang mahina habang tumatayo upang salubungin ang asawa. "Wife..." malambing na tawag ni Liam. Agad siyang sumubsob sa balikat ni Thalie nang tuluyan itong makalapit. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ng asawa habang ang kanyang malalaking braso ay mahigpit na ipinulupot sa baywang nito. "I told them... just one drink. But they kept pouring... and you are so beautiful from afar." "Amoy alak ka na, Liam. Sabi ko naman sa 'yo huwag magpapakalasing, eh," natatawang wika ni Thalie. Inakay niya ang asawa at dahan-dah

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 58

    Matapos ang engrandeng boodle fight, unti-unting lumalim ang gabi sa Hacienda San Lucas. Ang malawak na field na kanina lang ay saksi sa putikan at takbuhan ay binalot ngayon ng mas malamlam at madidilim na ilaw, na nagmumula sa mga nakasabit na bombilya sa paligid. Ang busog na busog na mga trabahador at katulong ay prenteng nakaupo sa mga banig at upuang kawayan habang nagpapahinga at nagkukuwentuhan. Nang maibaba ni Donya Smith ang kanyang baso ng juice, tumayo siya nang may hawak na mikropono, may pilyo at masayang ngiti sa kanyang mga labi. "Attention, everyone," panimula ng donya, na agad namang nagpalingon sa lahat. "The games are over, and our stomachs are full. But a traditional Smith celebration is never complete without music. I want everyone to stand up, look for a partner, and let’s clear the center for a dance!" Isang masiglang tugtugin na may katamtamang tempo ang agad na umalingawngaw mula sa malalaking speaker. Mabilis na nag-aya ang mga mag-asawang trabahador, h

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 57

    Kinabukasan, maagang-maaga pa lamang ay ramdam na ang kakaibang sigla sa buong Hacienda San Lucas. Upang lubos na malibang ang kanyang manugang na si Thalie at ang kanyang nag-iisang mahal na apo na si Maxeen, nag-utos si Donya Smith na magdaos ng isang engrandeng selebrasyon at tradisyunal na salo-salo. Ito ay hindi lamang para sa kanilang pamilya, kundi para sa lahat ng mga katulong, magsasaka, horse trainer, at iba pang mga nagtatrabaho sa hasyenda. Ang malawak na field sa gilid ng mansiyon ay binalot ng mga makukulay na banderitas, mga lamesang gawa sa kawayan na may saping dahon ng saging, at isang malaking sound system na nagpapatugtog ng mga masisiglang musika. Nang bumaba ang pamilya mula sa mansiyon, nanlaki ang mga mata ni Maxeen sa labis na pananabik. Suot pa rin niya ang kanyang tila pirasong trademark na straw hat at denim jacket, habang si Thalie naman ay napakaganda sa kanyang simpleng floral na daster na nagpatingkad sa kanyang balangkinitang katawan. Si Liam nama

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 56

    Dahan-dahang bumangon si Liam mula sa pagkakahiga, umupo, at sumandal sa headboard ng kanilang dambuhalang narra bed habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig nang may nag-uumapaw na pasasalamat at pagnanasa sa kanyang asawa. Ang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ng hasyenda ay perpektong nagbibigay-diin sa balangkinitang katawan ni Thalie na suot ang manipis na silk na pantulog. Nang makitang naka-upo na ang asawa, hindi na nag-atubili si Thalie. Agad siyang pumwesto at sumakay sa kandungan ni Liam, ang kanyang mga hita ay nakayakap sa balakang nito. Ang init ng kanilang mga balat na nagdidikit ay tila nagpadala ng kuryente sa buong katawan ni Liam. Humawak si Thalie sa malalapad na balikat ng asawa, tumingala, at nagsimulang gumiling nang marahan ngunit may pamilyar na indayog. Napakapit nang mahigpit si Liam sa balangkinitang baywang ni Thalie, ang kanyang mga kuko ay tila bumaon sa lambot niyon dahil sa tindi ng nararamdaman. Halos mabaliw siya sa sarap at

  • I was forced to marry him, now i can't escape him   Chapter 55

    Habang pabalik na sila sa mansiyon mula sa plantasyon, nagpasya si Thalie na dumaan muna sa malawak na kuwadra kung saan nakalagay ang mga kabayo ng hasyenda upang tingnan ang kalagayan ng mga ito. Ngunit tila hindi yata talaga kakampi ni Liam ang tadhana sa hapong iyon. Pagkarating na pagkarating nila sa kuwadra, agad na sumalubong ang tatlong makikisig, matatangkad, at magagandang-lalaking mga binata na nakatalaga bilang mga horse trainer at tagapangalaga ng ari-arian. Ang isa ay may hawak na mamahaling leather na gwardiya, habang ang dalawa naman ay prenteng nag-aasikaso sa isang napakagandang puting kabayo. Nang makita nila ang pamilya, mabilis silang nag-alis ng kanilang mga sumbrero at nagbigay ng isang napakagalang na yuko, partikular kay Thalie. "Magandang hapon po, Senyora Thalie," malambing at magalang na bati ng pinakagwapong binata sa kanila, na may pamatay na dimple habang nakangiti. "Kung nais ninyo pong haplusin si 'Blanca,' ang paboritong kabayo ng yumaong Senyor, m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status