FAZER LOGINLiam's POV
"Almost 30 minutes have passed but Nathalie is still not here. I think she would rather her mother die than marry me." Bulong ni Liam sa kanyang sarili. Tatayo na sana ito tsaka aalis ng mansyon nang makarinig itong yakap ng tao mula sa itaas pababa sa kanyang kinaroroonan. Mabilis ang pagtibok ng puso nito kasabay ng parang bulate sa sikmura niya. Nang bumungad sa kanya ang kabuoan ng dalaga, napalunok ito at halos hindi maiwas ang tingin kay Thalie. Para itong na estatwa sa kinatatayuan. Saglit itong napalunok nang tuluyan nang huminto si Thalie sa kanyang harapan. Amoy na amoy ng binata ang preskong amoy ng dalaga. Napagtanto nitong naligo pa pala ang dalaga bago isinuot ang isa sa mga simple ngunit mamahalin at elegante na t-shirt at short na pinili pa ni manang Rita kanina. Hindi kasi alam ni Liam ang magugustuhan ng dalaga kaya humingi ng tulong ang binata mula sa kanyang katulong. Napailing nalang ito nang mapansin ang kasuotan ng dalaga. Nagpabili ito ng sampung magaganda at sosyalin na dress na halos nagkakahalaga ng two hundred thousand pesos ang isa ngunit ganitong klaseng kasuotan lang ang pipiliin niya. Muli itong napangiti sa kasimplehan ng dalaga. Ngunit hindi maipagkakaila ng binata na mas lalong lumalabas ang kagandahan ng dalaga sa paraan niya ng pananamit. Ang White T-shirt at ang brown nitong short na halos nagkakahalaga lamang ng dalawang libong piso ang pinili nitong suotin. 'Damn, Ang ganda niya.' Sa isip ng binata. Naisip nito na kung siguro si Shaine ang nasa harapan nito ngayon ay malamang hihiling pa ito ng mas mahal kaisa sa mga dress na binili ni Liam kanina. "Are you ready?" Tanong ni Liam. "Siguraduhin mo lang na maibibigay mo lahat ng hihilingin ko." Diretsong tanong nito sa binata. Napangisi ito tsaka sumagot. "I have one word." Tsaka niya kinindatan ang dalaga. Naglakad ang dalawa patungong sasakyan. P "Take us to the hospital." Utos ni Liam sa driver. Kakaalis palang nila ng mansyon nang biglang tumawag si Dani. Agad nitong sinagot. "Boss, ipinadala ko na po ang impormasyon tungkol kay ms. Nathalie Hansen. Paki-check na lang po." Saad nito. Agad niyang ibinaba ang cellphone tsaka tinignan ang impormasyon. "Kuya, pwede bang pakibagalan naman po ang pagmamaneho? Ninenerbyos po kaso ako." Biglang pakiusap ni Nathalie sa driver. Hindi naman pinakinggan ng driver ang hiling nito dahil alam ng driver na ayaw ni Liam sa lahat ay ang mabagal. Napansin ni Thalie na hindi sinunod ng driver ang munting hiling nito kaya yumuko nalang ito tsaka napakapit ng mahigpit sa kanyang seatbelt. "Didn't you hear what my wife said?" Malamig na tanong ng binata sa driver. Agad nakaramdam ng takot ang driver dahil alam nitong kayang-kaya siyang patayin ni Liam ano mang oras. "A-ahmm...so-sorry po.. akala ko po kasi-" "From now on, drive slower when I'm with my wife. Besides, hurry up when it's just the two of us. Is that clear? " Paglilinaw nito sa driver."Y-yes b-boss" tarantang sagot nito. Ilang minuto ang nakalipas nang sa wakas ay nakarating na sila sa hospital. "Good morning, sir." Bati sakanya ng mga nurses at mga doctor nang makilala nila ang papasok na binata mula sa entrance. Agad yumuko ang guard, nurses at doctor na para bang nagbibigay daan para sa kanilang hari. Pansin nito ang pagtataka sa mukha ni Nathalie. Sinundan lamang ng binata si Nathalie kung saang room ito papasok. "Mama." Tawag nito sa kanyang ina tsaka ito mabilis na niyakap. "Anak ko, bakit ngayon ka lang dumalaw? Gutom na ako--hindi kasi masarap ang lasa ng mga pagkain dito." Saad naman ng kanyang ina. Umupo ito tsaka hinawakan ang kamay ng matanda. "A-ahm...ma, sorry kung ngayon lang ako. May inasikaso lang kasi ako. Pero andito na ako ma, huwag ka ng mag-alala." Salaysay nito. Bumaling ang tingin ng matanda sa binata tsaka ngumiti at muling tumingin kay Nathalie. "Sino siya?" Ngiting tanong ng matanda. "Ahmm..." Lumunok ito tsaka huminga ng malalim. "Hello ma'am, I'm Liam Lucas Smith, Nathalie's husband-" agad naman sumingit si Nathalie. "Ahm!! A-ano kasi-ahmm-" ....."Thalie? Anong sinasabi niya?paki paliwanag?" Makikita sa mukha ng dalaga ang hiya at pagkabalisa. Hindi ito maka sagot at hindi din mapakali. Napangiti ang binata. Ganito ba siya kapag kinakabahan? "Ma, kase-" ...pumikit ito tsaka nagsalita. "Malapit na po kaming ikasal." Sabi nito habang nakapikit pa. Napakunot na lang ng noo ang binata tsaka napangisi ng makitang namumula na pala ang mukha ni Thalie. ' Damn, so cute!' sa isip ni Liam. "Ha? Eh bakit ka nagkakaganyan? Hindi ka ba masaya at isang gwapo at mukhang mayaman ang magiging asawa mo? Ang gwapo gwapo ng binata na iyan, anak." Papuri ng matanda habang nakangiti tsaka bumaling ng tingin sa binata. "Teka-ano bang trabaho mo, iho? At parang hindi ka nasisinagan ng araw sa pagiging perpektong kutis mo? Talo mo pa ang kutis ng dalaga ko ah?" Tanong nito sa binata. "Ahhh ma, huwag na natin pag-usapan yan. Kamusta na po ang pakiramdam mo? Mamaya mabibili na natin lahat ng gamot para sayo nang makalabas ka na." Pamumutol ni Thalie sa usapan. "Saan ka naman kukuha ng pambayad, anak? Gamot palang kulang na ang 50 thousand pesos. Idagdag mo pa ang bill--teka, May binigay ba si Alie? " Tanong ng matanda. "Ma, kahit kailan hindi yun magbibigay. Isa pa, hindi nga tayo kaano-ano kung magsalita." Kita sa mukha ni Thalie ang inis. Ilang minuto pang nagkwentuhan si Thalie at nang kanyang mama hanggang sa mapunta ang topic sa pagpapakasal ng dalawa. Hinayaan nalang ng binata na mag-usap ang mag-ina. Napagdesisyonan nalang nitong lumabas ng silid. Agad nitong tinawagan ang secretary nito para ipaayos lahat ng bills at mga kakailanganin ng mama ni Thalie ngunit hindi ito sumasagot. Agad nakaramdam ng galit ang binata tsaka tinext si Anne na kanyang secretary. *huwag ka ng pumasok bukas!* Simple ito ngunit alam na ni Anne kung ano ang dahilan ng ikinagalit ng kanyang boss. Agad niyang hinanap ang contact number ni Dani tsaka tinawagan. Mabilis naman itong sumagot. Saglit lang nitong ibinilin ang lahat at ilang minuto lang ng tuluyang dumating ang assistant niyang si Dani. Mahigit isang oras ang nalipas nang tuluyang naayos ang lahat sa hospital. Matiyaga ding naghintay ang binata mula sa labas ng silid ng ina ni Thalie. "Boss, baka kailangan mo po ng masahe?" Tanong ni Dani. 15 years old palang si Liam noon at 16 years old naman si Dani nang i-hire ito ng kanyang ama bilang kanyang assistant at hanggang ngayong 25 years old na ang kanyang boss ay magkasama parin sila kaya kilalang-kilala nito ang binata. Hindi ito mag-aaksaya ng panahon para lang sa isang babae. Kahit nga si Shaine na kanyang fiance ay hindi manlang ito naglaan ng oras para makipag-date sa kanya kaya laking pagtataka nito kung bakit nagiging matiyaga ang kanyang boss sa simpleng si Thalie. "No." Malamig at walang emosyong sagot nito. Tumahimik nalang si Dani dahil alam nitong ayaw ni Liam ng maingay at mapilit. ************* Ilang minuto pa ang nakalipas nang lumabas si Thalie sa silid. Nadatnan nito ang binatang matiyang naka-upo at mahimbing na natutulog sa upuan sa tapat ng p***o. Mag-isa ito habang naka halukipkip pa ang kanyang mga braso. 'Akala ko umalis na 'to.' Sa isip ng dalaga. Napabuntong-hininga ito tsaka tinapik ang binata. Sa mahina at isang beses lamang nitong pagtapik ay agad namang nagising ang binata. napatingin ang dalaga sa kanyang cellphone. 10:30 pm na pala. Nakaramdam ito ng konsensya dahil sa ilang oras nitong paghihintay habang naidlip saglit ng dalaga sa tabi ng kanyang ina. "Are you okay?" Tanong ni Liam sa dalaga. ngumiti ito tsaka tumango. Kahit papano'y medyo gumaan ang pakiramdam nito sa binata mula nang malaman kanina na bayad na ang lahat ng bill ng kanyang ina sa hospital. maging ang kanilang inuupahang bahay ay napalitan ng mas maayos at mas matibay na bahay na kanilang lilipatan pagkalabas ng kanyang ina sa hospital. Hindi alam ni Thalie kung paano nalaman ni Liam na ibinenta pala ng kaniyang lasinggero at sugalor na tiyuhin ang kanilang maliit na bahay mula ng ma ospital ang kanyang ina kaya napilitan ito na magbayad ng renta buwan-buwan. Ang kanyang inuupahang maliit na bahay ay isang matibay, maayos at sarili na nilang bahay. Hindi ito hiniling ni Thalie kaya laking pagtataka nito nang malamang may sarili ng bahay ang kanyang ina. "Are you hungry? Let's eat first?" Malamig na tanong ni Liam kay Thalie. Hindi tuloy alam ng dalaga kung galit ba itong nagtatanong o natural na sa binata ang ganoong ekspresyon? Naisip nito na galit ang binata dahil sobra-sobra na ang tulong na kanyang ibinahagi sa dalaga kaya naisip niyang bumawi kahit sa maliit na bagay. "S-Sige. Libre ko." Kabadong sagot nito. Tahimik lang ang binata kaya mas lalong kinabahan si Thalie ngunit bahagya ding natuwa. Naisip niyang siguro ay natauhan na ang binata at hindi na nito itutuloy ang pagpapakasal. "It's up to you." Malamig at limitadong sagot ng binata tsaka ibinulsa ang kanya kamay. Kumurap-kurap pa si Thalie at gulong-gulo kung saan niya dadalhin ang binata. Hindi halos akalain ni Thalie na magagawa niyang imbitahang ilibre ang isang mayamang tao. Wala itong ideya kung tama ba na sa karindirya sila kumain or sa ihawan na lang sa gilid ng amusement park. ilang minuto lang ang lumipas at sa wakas ay nasa labas na sila ng hospital. Bigla nitong naalala kagabi dito din sa mismong lugar na kinatatayuan niya kung paano siya nawalan ng malay dahil sa panyong inilapat sa ilong niya. dahil dito, muling sumiklab ang galit nito sa binata. "Where shall we eat?" Tanong ng binata. dahan-dahang nagsilapit ang mga lalaking naka itim mula sa sulok. Nang makalapit sila sa kinaroroonan namin ay agad silang huminto at tumayo ng tuwid na para bang naghihintay ng utos mula sa kanilang hari. Nakita ni Thalie ang pagsenyas ni Liam sa mga ito kaya naman isa-isa silang nagsi-alis. ganoon na ba ka delikado ang lalaking ito para katakutan nila sa isang simple at hindi makabuluhang pagsensyas? "Gusto ko sa karindirya." Matigas na sagot ni Thalie. "What?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata. Hindi nito lubos akalain na sa isang marumi at mabahong lugar nito balak ayain ng dalaga para kumain. Mula pa nang bata si Liam ay may issue na ito sa kalinisan at hindi ito basta basta humahawak ng kung ano ano. Hindi din ito nakikipag shake hands sa kahit pa sino na nakakasalamuha nito.Matapos ang isang linggong nananahimik ang ina ni Liam, hindi naging panatag ang loob ni Liam. Ang biglaang pag-atras at katahimikan ni Donya Smith pagkatapos ng matinding away nila sa penthouse ay hindi nagdala ng kapayapaan sa kanya. Sa halip, lalong nabalisa si Liam. Kilala niya ang kanyang ina—hindi ito basta-basta sumusuko nang walang malalim na dahilan. Ang bawat araw na lumilipas nang walang tawag, banta, o legal na galaw mula kay Atty. Suarez ay tila ba ang kalmado at mapayapang atmospera bago ang pagdating ng isang mas malakas na bagyo. Mas lalong hinigpitan ni Liam ang seguridad sa paligid ni Thalie, ngunit ang hindi niya alam, ang panganib ay hindi na magmumula sa kanyang ina—kundi sa isang taong matagal nang nagtatago sa dilim.Inilapag ng pribadong imbestigador ang makapal na brown envelope sa ibabaw ng lamesa. Pagkaalis nito, mabilis na binuksan ni Alie ang sobre. Doon ay tumambad sa kanya ang mga serye ng larawan at dokumento. Nalaman na niya ang buong katotohanan mula
Kinaumagahan, binalot ng init ng araw ang marangyang penthouse ni Liam. Habang mahimbing pang natutulog si Thalie mula sa matamis at magkayakap nilang gabi, maagang nagising si Liam. Suot ang kanyang simpleng pambahay na kasuotan, nagtungo siya sa kusina upang personal na ipagluto ng almusal ang kanyang asawa—isang gawi na tanging para kay Thalie niya lang ginagawa.Hindi nagtagal, nagising din si Shaine dahil sa amoy ng masarap na pagkain. Paglabas niya ng guest room, nakita niya si Liam na mag-isip sa kusina. Sinamantala niya ang pagkakataong wala si Thalie. Naglakad siya nang may paimbabaw na hinhin, inayos ang kanyang magulong buhok para magmukhang kaakit-akit, at lumapit sa likod ni Liam."Good morning, babe." Malambing na bati ni Shaine, habang pilit na sumasandal sa gilid ng counter upang makuha ang atensyon ng lalaki. "Hindi ko akalaing ang isang CEO ay nagluluto pala sa umaga. Pwede mo ba akong gawan ng kape?"Nakatayo lang si Liam, malamig at walang pakialam ang tingin haban
Sa loob ng silid na nababalot ng malamlam na liwanag, dahan-dahang binalot si Thalie ng isang kakaiba at mahiwagang pakiramdam. Habang marahang iginigiya ni Liam ang kanyang katawan patungo sa kama, naramdaman ng dalaga ang init ng pisikal na pagnanasa ng asawa na humahalo sa sarili niyang kaba. Isang matamis at masuyong halik ang muling idinampi ni Liam sa kanyang mga labi—isang halik na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at nagpalamig sa kanyang mga tuhod.Nang marahan at dahan-dahang tinahak ng mga labi ni Liam ang landas pababa mula sa kanyang panga patungo sa kanyang leeg, napapikit si Thalie. Isang matinding kiliti ang gumapang sa kanyang buong katawan sa bawat dampi ng mainit na hininga at labi ng asawa. Sabay nito, dahan-dahang gumapang ang mga palad ni Liam upang haplusin ang bawat kurba ng kanyang katawan. Marahan, madiin, at may pagsuyo ang bawat paghawak ng lalaki—na tila ba ikinakabisa nito ang bawat anggulo at hubog ng asawa gamit ang sariling mga kamay. Sa bawat haplos
"Kabit."Hindi sumigaw si Shaine. Sa halip, binitiwan niya ang salitang iyon nang may kasamang banayad ngunit mapait na ngiti. Inayos niya ang kanyang mamahaling designer bag sa kanyang balikat, pinahid ang natitirang luha sa kanyang mga pisngi, at tinitigan si Thalie mula ulo hanggang paa gamit ang mga matang puno ng panghahamak. Ang kanyang boses ay bumalik sa pagiging swabe at pormal—ang tono ng isang edukadang ehekutibo na nakikipag-ayos ng isang transaksyon."Iyan ang tamang tawag sa iyo sa totoong mundo, hindi ba? Isang kabit. O sa mas magandang termino, isang maruming sekreto." Pahayag ni Shaine, napakalamig at kontrolado ng bawat bigkas. "Nagtatago sa dilim, umaasa sa mga tira-titang oras ni Liam, at nakikinabang sa kayamanang hindi mo naman pinaghirapan. Kahit anong ganda ng mga malalalim na salita mo, Miss, ang katotohanan ay isa ka lang pampalipas-oras. Ang pwesto sa tabi ng isang Liam Lucas Smith ay para lamang sa isang legal na asawa..." Saad nito tsaka itinuro ang kanya
Ilang araw nang balisa at nagpupuyos sa galit si Donya Smith. Matapos niyang iabot sa kanyang abogadong si Atty. Suarez ang mga dokumentong magagamit sana upang puwersahing makipaghiwalay si Liam kay Nathalie, wala pa ring ibinibigay na update ang abogado.Para sa Donya, bawat oras na lumilipas ay nasasayang. Lalong nag-apoy ang kanyang galit nang makarating sa kanya ang balita: walang balak si Liam na iwan ang asawa, at hindi pa rin nito kinakausap si Shaine—ang babaeng mayaman at marangal na pinili ng Donya para sa kanya. Dahil hindi na makapaghintay, marahas na sumugod ang Donya sa opisina ng anak.Tunog ng malalakas at mabilis na yabag ng high heels sa corridor. Biglang bumukas nang malakas ang pinto ng opisina ni Liam."P-Pasensya na po, Sir Liam! Sinubukan ko po siyang pigilan pero—" Natatakot at nanginginig na sambit ng bagong pasok na secretary ni Liam."Lumabas ka. Iwan mo kaming dalawa ng anak ko. Now!" Bulyaw ng Donya na mas lalong ikinabahala ng secretary.Huminga nang ma
Matapos ang masinsinang pag-uusap nila ni Claire, nagbago ang ihip ng hangin sa puso ni Thalie. Ang pader ng kalamigan na matagal niyang ipinakita kay Liam ay napalitan ng pagnanais na bumawi at maging isang totoong asawa. Inihanda niya ang sarili na maging sweet at asikasuhin ang asawa, ngunit lumipas ang mga oras at tuluyan nang dinalaw ng dilim ang kalangitan nang wala pa rin si Liam. Ang pananabik na bumawi ay unt-unting naging matinding kaba at pag-aalala.Biglang narinig ni Thalie ang beep ng digital lock ng pinto. Mabilis na tumayo si Thalie. Bumukas ang pinto at pumasok si Max, inaalalayan si Liam na halatang lasing na lasing, bagsak ang balikat, at magulo ang buhok. Mabilis na lumapit si Thalie sa dalawa upang tumulong.Agad namukhaan ni Thalie si Max bagaman hindi niya ito kilala. Nakita lamang niya ito noong gabing nangyari ang dapat nangyari.Nag-aalalang sinalubong sila ni Thalie, hinawakan agad nito ang braso ni Liam. "Palagi ba siyang naglalasing ng ganito?" Tanong n







