بيت / Romance / IN SERVICE OF THE HEIR / IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 67

مشاركة

IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 67

مؤلف: Aiko Garcia
last update تاريخ النشر: 2026-11-07 13:35:05

OSCO'S HOUSE

Abala si Eden sa pagpipitas ng mga bulaklak sa garden habang nakasunod sa kanya ang alagang golden retriever ni Osco. May dala siyang maliit na basket kung saan niya inilalagay ang mga napipitas niya. Dahil tirik na tirik ang araw, nakasuot siya ng malapad na farmer's hat para hindi masyadong mainitan.

A few minutes later, napalingon siya nang marinig ang pagbukas ng gate.

Isang luxury car ang pumasok sa property, sinalubong ito ng mga guard na nakabantay sa entrance. Sinundan iyon
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 68

    Pagdating nina Eden at Nancy sa bahay, napansin agad ni Eden na wala na ang kotse ng bisita ni Osco. Mukhang nakaalis na ito habang wala sila.Pagpasok nila sa sala, nadatnan nila si Osco na nakaupo sa couch habang inaayos ang ilang dokumento."How did the meeting go?" tanong ni Nancy habang papalapit sa kanya.Agad na napangiti si Osco. Halatang magandang balita ang dala niya."Approved!""Woooow! Congratulations!" masayang bati ni Nancy.Napangiti rin si Eden. Natutuwa siyang makita na naging successful ang meeting ni Osco."Thanks!" sagot nito bago isinantabi ang mga dokumento.Pagkatapos, bumaling siya kay Eden."Oh, by the way, Eden. Starting tomorrow, you and Nancy will be working at my company."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Eden."Really?""Of course. Nakalimutan mo na ba ang ipinangako ko sa'yo?"Napangiti si Eden nang maalala ang naging usapan nila noon. Nangako si Osco na bibigyan siya ng trabaho bilang assistant nito.Maya-maya, bumaling naman si Osco kay Nancy."And N

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 67

    OSCO'S HOUSEAbala si Eden sa pagpipitas ng mga bulaklak sa garden habang nakasunod sa kanya ang alagang golden retriever ni Osco. May dala siyang maliit na basket kung saan niya inilalagay ang mga napipitas niya. Dahil tirik na tirik ang araw, nakasuot siya ng malapad na farmer's hat para hindi masyadong mainitan.A few minutes later, napalingon siya nang marinig ang pagbukas ng gate.Isang luxury car ang pumasok sa property, sinalubong ito ng mga guard na nakabantay sa entrance. Sinundan iyon ng tingin ni Eden hanggang sa tuluyang huminto sa tapat ng bahay.Lumabas naman si Osco mula sa main entrance para salubungin ang bisita.Napatingin si Eden nang may lalaking bumaba mula sa sasakyan. Hindi niya man makita nang maayos ang mukha nito, may something sa tindig nito na parang pamilyar sa kanya.Pero hindi na niya iyon pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagpipitas.Nang mapuno na ang basket, yumuko siya at inilapit ang handle nito sa golden retriever."Bruno, take this to Nancy,"

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 66

    EDEN SNIDERPaglabas ni Eden sa restroom, napansin niyang unti-unti nang nauubos ang mga tao sa hallway. Karamihan sa mga bisita ay naghahanda nang umuwi habang ang iba naman ay papunta na sa exit."Eden!"Napalingon siya at nakita si Nancy na naghihintay kasama ang driver ni Osco.Agad siyang lumapit sa mga ito at sabay-sabay silang naglakad palabas ng building.Habang hinihintay nila ang kanilang sasakyan, lumabas din si Osco makalipas ang ilang sandali. Agad napansin ni Nancy ang magandang mood nito."Parang ang saya mo yata ngayon ah," natatawang biro niya.Napatawa si Osco habang napakamot sa likod ng kanyang ulo."Well, may nakuha akong collaboration."Nagkatinginan sina Eden at Nancy."Collaboration?" tanong ni Eden."Yeah. Nakausap ko kanina ang Deputy Chairman ng Ease Co. Naipakita ko sa kanya ang proposal ko at pumayag siyang makipag-meeting bukas.""Wow! That's great! Congratulations!" masayang bati ni Nancy."Thanks. Sana maging okay ang lahat."Ilang sandali pa ay dumatin

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 65

    EDEN SNIDERPagkarating nila sa bahay ni Osco, hindi maiwasan ni Eden na mamangha sa modernong disenyo nito. Mula sa exterior hanggang sa malawak na garden sa paligid, halatang pinag-isipan ang bawat detalye ng bahay.Pagkahinto ng sasakyan sa entrance, agad silang sinalubong ng ilang maids. Tinulungan nilang ilabas ang mga bagahe habang inalalayan naman ni Nancy si Eden na makababa.Mula sa kinatatayuan niya, mas malinaw na niyang nakita ang kabuuan ng bahay."Do you like it?" tanong ni Osco habang kinukuha ang mga gamit sa trunk.Eden gave a small nod. "It's beautiful. Ang ganda ng bahay mo."Muli siyang nagmasid sa paligid hanggang sa may mapansin siyang garden sa gilid ng bahay.Napangiti siya nang makita ang iba't ibang klase ng bulaklak doon. Hindi na siya nagdalawang-isip na lumapit at marahang hinaplos ang mga talulot ng isang bulaklak.Nang mapansin siya ni Osco, agad niya itong sinundan."Whenever you're bored, feel free to pick whatever flowers you like. You can even arrang

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 64

    TWO DAYS LATERNakalabas na rin sa wakas ng ospital si Jasmine. With Nancy's help, nagtungo sila sa isang hotel na inihanda ni Osco para sa kanila.Pagbukas pa lang nila ng pinto, agad na natigilan si Jasmine. Several boxes and shopping bags from different luxury brands were neatly arranged around the room.Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama nang mapansin ang isang brown envelope na nakapatong doon. Kinuha niya iyon at binuksan upang tingnan ang laman.Inside were several identification cards, a passport, and other official documents. Nakalagay roon ang personal information niya, pero ibang pangalan na ang nakasulat.Napako ang tingin niya sa pangalang nakalagay sa isang identification card."Eden Snider?" mahinang sambit niya.Napansin ni Nancy ang pagtataka sa mukha niya kaya lumapit ito at umupo sa tabi niya."From now on, you'll be living under the name Eden Snider. Inasikaso na ni Osco lahat ng documents and identification papers mo. Everything has been arranged para hin

  • IN SERVICE OF THE HEIR    IN SERVICE OF THE HEIR ❤️ CHAPTER 63

    Muli siyang tumingin kay Nancy. “Can I ask you something?” “Of course.” “Do you know if I have any family? Parents, siblings... anyone who might be looking for me?” Unti-unting nawala ang ngiti ni Nancy. Napatingin siya kay Osco na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanila. Paano niya sasabihin kay Jasmine na wala siyang sapat na kaalaman tungkol sa pamilya nito para sagutin ang tanong? At paano niya ipaliliwanag na sa mata ng publiko, patay na ito? “I'm sorry, Jasmine,” maingat na sagot ni Nancy. “You never really told me much about your family before the accident. I don't know where they are or how to contact them.” Napakagat-labi si Jasmine. “So no one knows where I am?” “We don't know that,” mabilis na sagot ni Nancy. “Please don't assume that. Marami pa tayong kailangang malaman.” Dahan-dahang tumango si Jasmine, pero hindi niya maitago ang lungkot sa mukha niya. Sandali siyang napatingin sa bintana. Sa ibaba, makikita ang mga taong naglalakad sa hospital g

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status