LOGINShe knew Reeva better than anyone, and giving her the satisfaction was the last thing she always did. Si Reeva ang klase ng babaeng gagawin ang lahat para lamang mairita at mawalan ng kontrol ang taong kinaiinisan nito. “Oh, running away now? Like you probably did after getting knocked up?” Reeva continued with the mockery. “How do you even sleep at night, knowing you’re making a mistake?”Nanigas si Samantha sa kinatatayuan, pero hindi siya lumingon. Muling napakuyom ang kanyang mga kamao. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumingon. She needed to sink something into her skull.“You know what, Reeva?” nanginginig ngunit mababa ang boses ni Samantha. “You’ve always been jealous. Naiinggit ka dahil kahit gaano ka kaingay, walang gustong makinig sa'yo. And now you're bitter because you're still the same pathetic gossip with nothing but venom to spit.”Napasinghap si Reeva. “Excuse me?”Humakbang si Samantha palapit. “Wala kang karapatang magsalita tungkol sa anak ko. Naiintindihan mo ba?
“G-Good morning,” nauutal na bati ni Samantha, pilit na binabasag ang katahimikang namamagitan sa kanila.Bago pa man makasagot si Caleb, biglang nagliwanag ang mukha ni Zia sa tabi ng ina.“Uncle Caleb!” masaya nitong sigaw habang tumatakbo papunta sa lalaki nang nakabuka ang mga bisig.Agad na ibinaba ni Caleb ang tasa ng kape at bahagyang yumuko para saluhin ang bata. Mahigpit na yumakap si Zia sa leeg ng ama, dahilan para bahagyang lumambot ang matigas na ekspresyon sa mukha niya.“Good morning, princess,” mahina niyang sabi habang yakap-yakap ang bata.Ngunit sa likod ng simpleng tagpong iyon, may kung anong mabigat na emosyon ang gumugulo kay Caleb. Paulit-ulit siyang tinatawag ni Zia na Uncle Caleb. Tatlong beses lamang siyang tinawag na Daddy ng bata.At bawat pagbigkas ng bata sa salitang iyon ay tila kulog na paulit-ulit na dumadagundong sa kanyang isipan.Kailan kaya ito masasanay na tawagin siyang Daddy?Nang una siyang tawagin ni Zia ng Daddy, pakiramdam ni Caleb siya na
Nang maihain na ang pagkain sa dining room, sumulyap si Samantha kay Caleb at maingat na nagtanong.“Lalagyan ko ba ng pagkain ang pinggan mo?”Caleb didn’t even look up from the laptop he was working on.“I’m not hungry.”Samantha sighed inwardly, her lips pressing into a thin line.“Alright.”Tumalikod ito at nagsimulang magsandok ng pagkain para kay Zia at sa sarili. Masayang kumakain ang bata habang humahagikgik, tila ba matagal nitong hindi natikman ang luto ng ina kahit isang araw lang naman silang hindi nagkasama. Nakaupo si Samantha sa tapat nito, mabagal na ngumunguya habang nakatingin sa anak, ngunit halatang malayo ang iniisip.Sa dulo ng mesa, nakaupo si Caleb na nakabukas ang laptop. Ang bughaw na liwanag mula sa screen ay tumatama sa kanyang mukha. Ngunit limang minuto na ang lumipas at wala pa rin siyang naita-type. Unti-unti siyang pinahihirapan ng amoy ng malinamnam na manok at ginisang gulay. Muling kumulo ang kanyang sikmura, mahina ngunit malinaw.Bahagya siyang gu
Bumukas ang malalaking puting gate habang dumarating si Samantha sa penthouse ni Caleb.“Wow,” iyon ang unang salitang namutawi sa kanyang mga labi. Hindi niya maitago ang paghanga.Napakaganda at napaka-elegante ng lugar. Higit na mas maganda kaysa sa inaasahan niya. Ang matataas na bintana ay nagbibigay ng perpektong tanawin ng lungsod. The floors were so clean and glossy they looked like glass. May mga namumulaklak na bulaklak, kumikislap na fountain, isang malawak at maayos na hardin sa gilid. Lahat ay mukhang mamahalin, elegante, at sumisigaw ng pangalang Caleb Santillan.She stepped in quietly, and his scent immediately hit her nostrils. Sobrang na-miss niya ang amoy na iyon. Ang nakakainis na matamis ngunit nakakalasing na halimuyak.Bago pa siya makapaglakad nang ilang hakbang habang ginagabayan ng isang kasambahay papasok, isang munting tinig ang sumigaw sa labis na tuwa.“Mommy!”Zia came flying from the hallway like a rocket, barefoot and all hair and energy. Napatawa si Sa
Ibinagsak ni Samantha ang huling grocery bag sa counter habang napapabuntong-hininga dahil sa pagod. Pinunasan niya ang noo gamit ang likod ng kamay.Buong araw niyang sinubukang maging abala. Nagtipi ng mga damit na hindi naman kailangang tiklupin. Inayos ang laman ng refrigerator sa ikatlong pagkakataon ngayong linggo. At kinuskos ang lababo na parang nakasalalay doon ang kanyang buhay. But her mind had only been on her baby girl no matter how hard she tried.Nang hindi matiis ni Hannah ang pagkabalisa, kinuha niya ang susi at nagpunta sa mall. Bumili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan sa ngayon. Naglibot sa mga pasilyo na parang isang multo. Ngayon ay nakauwi na siya, pagod na pagod. Kumuha si Samantha ng isang bote ng tubig mula sa refrigerator at binuksan iyon. Uminom siya bago sumandal sa counter, pilit na pinapatahimik ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pintuan sa harap. Mabilis na napalingon si Samantha at nagulat.“Sophie? Nakauwi ka na p
Nakaupo si Samantha sa maliit na mesa sa kusina habang nakabukas ang kanyang laptop sa isang hindi pa nababasang email mula sa modeling agency. Isang bakanteng tasa ng kape ang nakalagay malapit sa siko niya.Dapat sana ay sinasagot niya iyon, kinukumpirma ang kanyang availability para sa isang paparating na photoshoot, ngunit nakabitin lamang ang mga daliri niya sa ibabaw ng keyboard. Hindi siya makapag-isip ng maayos. At wala talagang paraan para magawa ni Samantha ang alinman sa mga iyon ngayong araw.Salamat at weekend. Kung kailangan niyang pumasok para sa isang casting o photoshoot sa ganitong kalagayan, siguradong magiging sabog siya sa set. Sa kabilang bahagi ng counter, nakasandal si Sophia sa pinto ng refrigerator, nakahalukipkip habang maingat na pinagmamasdan si Samantha."Hindi ka man lang nagpapanggap na sasagot sa email," sabi nito."Nagpapanggap naman ako," mahinang sagot ni Samantha. "Sadyang... napakasama ko lang magpanggap."Bago pa makasagot si Sophia, biglang nag







