Maging ang mga pulis ay pumayag sa ganoong set-up dahil tiyak na may foul play sa insidente. Kailangan rin ng masusing imbestigasyon sa nangyari. Lahat ng anggulo ay tinitingnan. “Hindi po Lily ang pangalan niya.” sabi ng pulis. “Alam ko. Puwede bang sa atin na lang ito? Huwag na rin po ninyong ipapaalam sa kanya kapag nagkamalay siya na alam ko ang totoo tungkol sa kanya.” “Makakaasa po kayo, Sir Xander.” “Salamat din po, PO2 Domingo.” Pinanindigan ni Xander na bagong empleyado niya si Lily at wala siyang alam tungkol dito. Tiyak na iimbestigahan nila si Victorina kapag nalaman nila ang totoo. Maging ang CCTV sa parking area ng HallyuTower ay sinikap nilang makunan ng kopya upang mapag-aralan kung paano nawalan ng preno ang sasakyan. Ang ilang araw ay inabot ng ilang linggo hanggang sa halos isang buwan nang hindi nakadalaw si Ella sa kanyang pamangkin. Nagtataka ang babae kumbakit hindi sinasagot ni Victoria ang kanyang mga tawag. Busy palagi ang cellphone nito. Madalas niya i
Magsisimula pa lang ang laban ni Victoria. Huli na ng datnan ni Ella ang kuwarto ni Victoria. “Congratulations, Victoria! Congratulations, Xander.” Hindi pa rin ipinaalam ni Ella kay Val na nakabalik na sa Pilipinas ang kanyang anak. Mahigpit ding bilin ni Victoria sa kanya na huwag itong ipapaalam sa ama. “Gusto ko pong ako mismo ang humarap kay Papa.” “Kailan pa?” “May tamang panahon para diyan, Tita.” “Victoria…” Niyakap ni Ella ng mahigpit ang kanyang pamangkin. Malaki ang pasasalamat niya na gising na sa wakas ang babae. “Tita Ella…” “Salamat sa Diyos at gumising ka na, Iha. Congratulations sa bagong buhay mo aside from a new life as Mrs. Yu. Anong plano mo ngayon?” “Walang magiging pagbabago, Tita. I will still work as his secretary.” “Huh, nasabi mo na ba ang tungkol kay Icelle?” halos pabulong na sabi ni Ella. “Tita, huwag po nating pag-usapan dito ang tungkol sa kanya. Kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol kay Icelle?” “Huwag kang mag-alala. Mukhang mabait ang
Ayaw niyang pag-isipan na mayroon silang relasyon ng kanyang boss. Ibinaba nila si Victoria isang bloke lang ang layo sa Skyscraper Tower habang may dinaanan pa si Xander bago tuluyang pumasok sa opisina. “Pasalamat ka kay Sir Xander dahil mabait talaga siya. Kailangang maging mabait ka rin at marunong tumanaw ng utang na loob.” Dahil sa kabila ng mahabang absences niya mula sa aksidente ay may trabaho pa rin siyang babalikan. “Pagbubutihin mo ngayon ang trabaho mo, naiintindihan mo ba?” “Opo, Ma’am Geneva.” Nakaismid pa rin ito sa kanya at walang ipinagbago ang kanyang kasungitan. Matapos ang briefing sa kanyang trabaho ay bumalik na ito sa kanyang puwesto sa gilid, sa labas ng opisina ni Xander. “Do your best na makabawi this time.” “Yes, Ma’am!” Pagtalikod na pagtalikod ni Geneva ay niyakap si Victoria ng kanyang mga katrabaho. “Pinakaba mo kami, girl!” Niyakap siya ni Fatima. “Okay ka na ba talaga? Ready to work na ulit?” tanong ni Bambie. “Siya nga pala, alam mo bang nanal
Twenty-five minutes na lang ay natitira at late na talaga si Victoria. Napatalon ito sa kanyang kama habang ang anak ay nanunuod na ng paborito nitong palabas na cartoon sa sala. Dinig niya ang hagikhik nito. “Bakit hindi ninyo ako ginising?” “Lasing na lasing po kasi kayo, Ma’am. Inuwi po kayo ni Sir Xander dito sa bahay.” “Hay naku naman!” “Medyo galit po yata si Sir kagabi kasi nauna siyang umuwi at wala pa kayo. May tumawag sa kanya kasi lasing na lasing po kayo at hindi nila alam kung saan kayo ihahatid.” Umuusok ang ilong ni Xander pagdating sa opisina. Naka-close door meeting siya. Sina Bambie at Zeki ay nagkakasikuhan. Sina Tanya at Fatima ay nagkakatinginan na lang. Hindi nila alam kumbakit lahat sila ay ipinatawag. “Bakit tayo ipinatawag?” Kumibit-balikat ang ilan dahil hindi nila alam kumbakit sila nandoon. “Kayo lang ba ang empleyado ko?” Wala pa si Geneva at Lily. “Anong sinabi ko sa inyo pagdating sa mga drinking session ninyo?” “Huwag pong mali-late kahit makipag
“Alam mo palang masamang hindi kumakain tapos nagpapalipas ka ng pagkain. Eat with me.” Pinandilatan siya ng mata ni Xander. “NOW!” Hinila niya siya at hindi sinasadyang napakandong siya kay Xander. “Diyan mo ba gustong umupo?” “Ay! sorry po, Sir.” Kumain kami sa iisang plato. He used silver spoon and fork and Lily used plastic spork. “O, sa susunod…” Tumango siya. “Huwag magpapalipas ng pagkain.” At walang nakaalam sa nangyari. Malungkot na umuwi si Victoria. Hindi niya pinansin ang ulam na niluto ni Yaya Melai. Nakasubsob siya sa kanyang unan at nakaidlip. Nagulat siya ng may dumampi sa kanyang pisngi at yumakap sa kanyang beywang. “Sorry, Honey. I forgot, hindi ko pala dapat sinisigawan ang aking sensitive na secretary.” Tinakpan ni Victoria ang kanyang mukha. Lalo siyang sumubsob sa kanyang unan at ayaw niyang makita si Xander. Lately ay napapadalas ang pagpunta niya sa kanyang condo. “Tsss! Ewan ko sa’yo!” “Gawin mo kung ano ang ipinag-uutos ko sa iyo. Don’t take orders fro
Hindi tumigil si Geneva sa lantaran niyang paninira. Obviously, nalalantad rin ang matagal niyang itinatagong pagmamahal sa kanilang boss. “Just by listening to you, I really doubt your motives for doing that.” “Concern lang ako. “ “Don’t be so concern. Just do your job as a secretary and that’s it. Or else…” “Or else what…” “He will fire you out.” But she was never fired out. Lalong kumulo ang dugo ni Geneva sa kanya lalo na ng banggitin niya ang surprise party kay Xander. “I am not here to compete with you, Miss Geneva.” Mukhang nasagad siya sa pang-iinis at panggigipit sa kanya. Nagkakaroon sila ng lihim na komprontasyon. “Do you like our boss?” tanong niya. “How about you? Do you like our boss?” tanong ni Victoria kay Geneva. “OO, matagal ko na siyang gusto kaya huwag kang magpalapad ng papel sa kanya. “ “Pareho tayong empleyado dito and I act accordingly.” “Really!” “Really? Hindi ka lang inosente but you look ambitious. Eh, mukhang nakarami ka na ng boyfriend? Mukhan
Matapos kausapin si Carlo ay nagmadali siyang umakyat sa opisina. Dinalhan niya ng first aid kit ang boss. “Sir, gamutin muna po natin ang sugat ninyo.” “Okay na ako, Miss Lily. Maliit na bagay. Malayo sa bituka.” Ngunit matigas ang ulo ni Victoria. Nilapitan niya si Xander habang abala ito sa kanyang ginagawa. Inikot niya ang swivel chair at pinaharap sa kanya. “Hindi maganda sa boss na nakikitang sugat sa labi. Baka sabihin nila pinaggigilan ka ng girlfriend mo?” Hindi nakaimik si Xander. Napatitig siya sa labi ni Victoria ngunit dumating nga si Daniel. Tuwang-tuwa ang mga staff ni Xander ng malaman na manglilibre ang binata. Akala niya ay maisasama niya si Victoria sa kasiyahan ngunit dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Daniel kaninang umaga bago siya pumasok sa MTC ay minabuting sumama ni Victoria sa lalaki. “Sir, happy birthday. Salamat po sa treat ninyo. “ “Huwag masyadong damihan ang inom lalo na kung hindi kayo sanay.” “Yes, Sir. Huwag kayong mag-alala Sir. Sasamantal
Who is that girl? Kagabi lang ay sa kama ang usapan nila. And all of a sudden ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Para kabute na bigla na lang sumulpot para magpakilalang girlfriend niya. Walang umimik. Walang nagsalita. Wala man lang ni isa ang nagbanggit sa kanya na may girlfriend ito. Biglang bigla ang pagsulpot nito sa opisina. Pati mga kaopisina ni Victoria ay takang taka. Her name is Bettina, the famous theather actress is Xander’s girlfriend. “Alam ba niya na may asawa na si Xander?” Napailing si Victoria. Hindi niya sasabihin ang bagay na iyon para lang magkabukingan na. Para sa kanya, hindi niya asawa si Xander at wala silang relasyon kahit sa simula. “Ha a e, sorry po. “Nakita nilang nagbago ang facial expression niya. Napapalakpak si Xander. Bettina’s acting is absolutely good. At sinimulan siyang landiin ni Bettina ng hindi pa ito umalis sa kanyang kinatatayuan. Titig na titig pa siya sa dalaw. Naupo si Bettina sa mesa niya. “Hey what are you waiting for. Labas na!