Share

CHAPTER 82

Panay ang iyak ni Victoria. Hindi rin napigilan ang pagpupuyos ng galit ni Ella pati ni Val. Halos ma-high blood ang dalawa sa nangyari. Nagpatawag sila ng medic sa mismong gusaling iyon upang mabigyan ng first aid si Yaya Lita at Yaya Melai. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat nila sa ulo.

“Delikado ang lakad namin. Huwag kang mag-alala dahil hindi mapapahamak ang mga bata.”

“Xander…” Pinahid ng lalaki ang luha ni Victoria. “Babalik ka ha! Babalikan ninyo ako ng mga bata.”

“OO naman. Saan pa ba kami uuwi kundi rito sa iyo?” Lalong hinigpitan ni Victoria ang yakap sa kanya. Hinalikan siya ni Xander ng madiin. ”Hayan, huwag ka nang mag-alala.”

Hindi pa sana siya bibitiw ngunit sumenyas na ang mga pulis. Naka-black suit na silang lahat. May mga helmet na itim pa at doon niya nakita ang mahahaba nilang armalite.

Mukhang pinag-aralan din ni Geneva ang kanyang mga hakbang upang lansihin silang lahat habang abala sa burol.

Hinawakan ni Luna si Victoria. Pinagitnaan siya nina Amber.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status