LOGIN
“Inday ikakasal kana, at gusto namin ni Manay mo na ayusin mo ang iyong ugali sa bahay ng magiging asawa mo.”
Hindi ko tinignan si Amang dahil sobrang sama ng loob ko. Binibilin pa n'ya sa akin ang pag u-ugali ko. Samantalang ang ugali nila umiba narin yata. Ipamimigay na nila ako na parang tuta. “Nakikinig kaba Inday?” Tanong ni Amang bago ako kinalabit. "Amang.” Tawag ko habang masamang-masama ang kalooban. “Bakit kailangan ninyo akong ipamigay? Hindi na ba ninyo ako kayang kupkupin? Masyado na ba akong malakas kumain?" Nag da-dramang tanong ko habang tumutulo ang aking luha kasama ang sipon. “Punasan mo nga sipon mo, para kang bata.” Saway ni Manay sa akin bago hinawakan ang balikat ko. “Para sa'yo rin ito. Dapat maging practical kana lang, para guminhawa naman ang buhay mo.” “Kaya ko namang yumaman!” Depensa ko bago napatalikod sakanilang dalawa. “Pera nalang naman ang kulang, pero malapit na. Nararamdaman ko na mag hintay lamang po ka—” “Lintik naman Inday!” “Amang ayaw ko nga hong mag pa kasal! Hindi pa ako ready, tsaka baka laitin lamang ako ng magiging asawa ko. Ang pangit ko kaya.” Umiiyak na aking paliwanag. “Buti alam mo ate.” Sabat ni Ping bago tumawa. “Totoo namang pangit si ate Inday, tapos garapal pa hahaha.” “Kapatid ko ba talaga 'yan Manay?” Umiiyak na tanong ko bago sinamaan nang tingin si Ping. “Bayaan mo na ang kapatid mo. Makinig ka nalang sa amin, at sa ibibilin namin.” Seryosong sabi ni Amang bago ibinigay ang gamit kong nasa bayong. Ilang piraso lang kasi ang damit ko tapos butas pa ang tatlong panty ko. Suot ko ang isa ngayon. Habang 'yung dalawa ko pang panty walang garter, pero lumalaban pa naman. “Bibilhan ka daw nila ma'am ng gamit pag dating mo sa Manila. Hintayin mo na lamang ang su-sundo sa'yo patungo sa ti-tirhan mo. Huwag kang magiging tamad, ha? Kumilos ka.” Kabilinbilinan ni Amang. “Hayaan mo Amang,” napatitig ako sa ama ko. “Kapag yumaman na ako hindi na alamang ang ulam ninyo.” “Iniinsulto mo ba ako?” “Amang naman, syempre hindi po. Pangako magiging mabait ako, pero hindi ako magiging easy to get.” Paninindigan ko. “May ganun pala noh? Pangit na, pa hard to get pa?” Pang a-asar ni Ping. “Ay well nat lawyer my price two every man!” Mapanindigang sabi ko. “Aym priceless! Ako ang magiging magandang ehemplo sa—” “Ate pwedeng mag tagalong walang pumipigil sa'yo.” Sabat ni Ping na mukang naririndi na sa English ko. Hindi naman sa pag ya-yabang pero may kaalaman ako sa English kahit paano. “Basta!” Kinalampag ko ang dibdib ko. “Anong feeling kumalampag ng sariling pader?” “Kanina ka pa!” Inambahan ko si Ping. “Kapag yumaman ako wala kang balato!” “Ayos lang ate, basta bumili ka ng panty mong bago. Ako kasi na a-awa sa'yo sa tuwing makikita ko 'yung tatlong panty mo tuwing isasampay mo.” Inawat na kami ni Amang. Dumating na kasi 'yung sundo ko. Hindi na ako umiyak pa dahil ayokong mag alala pa sila. Tahimik lang ako buong byahe kasama ang hindi ko kilalang lalaki, may edad na s'ya. Sabi n'ya ay ayaw daw akong sunduin ng sir niya kaya s'ya nalang. Ano namang pake ko sa sir niya? Edi wag niyang sunduin 'di naman ako mamamatay kung wala s'ya. Manghang-mangha ako sa bahay. Kamuntik pang tumulo ang aking laway. Inayos ko ang sarili ko, tapos inalis ko din tsinelas ko iniwan ko sa labas ng gate kasi nakakahiya naman na ipasok ko pa. Kawawa naman nag li-linis. Tiles kasi kahit 'yung labas. Kaya naman nung binaba ako ni kuyang driver, e, iniwan ko sa labas ng gate tsinelas ko. May da-daanan pa daw kasi ito kaya hindi na pumasok. Nakatingin nga sakin 'yung guard na nag bukas kasi bakit ko daw iniwan tsinelas ko? Palibhasa s'ya walang awa sa mga nag li-linis kaya pinasok n'ya sapatos n'ya. “Who are you?” Malamig ngunit baritono ang boses ng lalaki na nag tanong sakin. Mukang kagigising lang nito. “Guard mukang may baliw na nakapasok dito!" Galit na tawag pa n'ya sa Guard. "Baliw na pulubi naman this time? Ta-tanggalin na kita next time kapag may nakapasok pa na—” “Magiging asawa mo ako. Baliw kaba?” Yamot na tanong ko. “You're—” Natigilan ako at napaisip. Ano nga bang English ng minamaliit? Napasubo tuloy ako. Bida-bida kasi eh. “You're smalling me!” Sigaw ko habang duro s'ya. “Hindi mo ba alam na ako ang magiging asa—" Tinalikuran n'ya ako at lumakad. Kaya naman sa inis ko, ay galit akong sinundan s'ya ngunit bigla na lamang akong nadulas. Kaya naman 'yung taob ko ay umangat ang palda ko. Wala pa naman akong dobleng short. “Guard! Ilabas ang babaeng 'to!” Sinamaan n'ya ako ng tingin. "Tsaka mo na ako lokohin pag hindi na butas panty mo." Napaismik s'ya bago ako tuluyang iniwan.[Patrick Santiban POV]"Inday ko." Balak ko sanang mag lambing ng pukulin n'ya ako ng masamang tingin. "Sabi ko sayo wag kang lalapit sa akin di'ba? Naaalibadbaran ako sayo Patrick!" Napangiwi ako. Ito na naman po si Inday sa kasungitan n'ya. Nag buntis lang ganito na ako itrato? Sana pala hindi ko muna s'ya binuntis, baka sweet parin s'ya sa akin. Samantalang ngayon palapit palanga ko, o kahit makita lang mukha ko ay galit na galit na s'ya. "Naligo naman ako. Iba narin ang perfume na ginagamit ko kasi sabi mo mabaho sa pang amoy mo," paliwanag ko. "Look, ayokong na hihiwalay sa inyo ni Baby. Gusto ko kasama kayo, baby boy di'ba?" Nakangiting tanong ko habang hinihimas ang tiyan ni Inday. Tinabig n'ya ang kamay ko. "Hindi mo nga na ibigay gusto ko, e." Maktol n'ya. "Ano bang gusto mo Inday?" Lumambot ang aking boses upang amuhin s'ya napaka sensitive kasi n'ya ngayon. Due date na n'ya this month ilang weeks nalang sasampa na sa saktong due date n'ya, pero parang may pahabol na p
Masaya kaming nag kwe-kwentuhan habang patungo sa bahay. Gusto kong maging ang magulang ni Patrick ay masaksihan ang surpresa niya para sa akin. Maging ako handa na akong umamin kay Patrick. Mabilis lang mahulog ang loob ko. Uto-uto kasi ako, e. Nararamdaman ko naman na seryoso na talaga si Patrick na mga ipinapakita niya sa akin. Ako lang naman itong madalas siyang asarin at lokohin. Kasi dun ako na sanay, at marunong din naman akong sumeryoso kung talagang na ki-kita kong seryoso din sa akin. "I'm so excited na." Natutuwang sabi pa ni Mommy kaya maging ako nasisiyahan. "Alam mo bang ikaw lang Inday ang babaeng nakapag patino sa anak namin. Tigas kasi ng ulo n'ya sobra," na i-iling na kwento pa ni Mommy sakin habang hawak ang kamay ko. "Matigas naman po talaga pati ano n'ya." Bulong ko na ikinakunot ng nuo n'ya. "Ha?" Agad akong napakamot sa batok. "Wala po hehehe." Palusot ko bago tumahimik na.Nauna na kami ni Mommy sa loob ng bahay. "Patrick," tawag ko bago siya hinanap sa
Isang linggo pa palagi nalang n'ya akong pinag sisilbihan. Ganito na ka-sweet si Patrick na animo'y nakikipag paligsahan siya at ayaw na ayaw akong na wa-wala sakaniyang paningin. Ang tanging hinihintay ko nalang talaga? Ang pag amin niyang gusto na n'ya ako. Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog ang loob sa taong napakaeffort? Pinakikitaan n'ya ako ng puro magagandang bagay at hindi na rin n'ya ako inaasar. Minsan nga nakakamiss din pala 'yung pang-aasar n'ya. Pero masaya parin ngayon dahil ok na kami. Wala pa nga lang umaamin dahil siguro sa hiya? Parang nung nakaraang mga buwan lang kasi ay halos isumpa namin ang isat-isa, tapos ngayon may feelings na kami. Kami nga ba, o ako lang? Napabatukan ko ang aking sarili. Bakit ba umaasa agad ako? Mamaya mapahiya na naman ako kagaya nung kay Kenneth, buti nalang talaga nakamove on ako agad. Crush palang 'yon at hindi love. Kasi kung love 'yon? Masisiraan talaga ako dahil sa lungkot kapag binasted ako. Ramdam kong nais na rin talaga
Nakalipat na kami ni Patrick ng bahay. Sarili na namin, at mag a-adjust na naman ako. Wala na akong katuwang hindi tulad nung nasa poder pa kami ng Mommy n'ya. Masyadong madikit si Patrick sa akin. Hindi na rin n'ya ako inaasar kaya naman na ninibago talaga ako. Hindi naman s'ya ganito ah? May plano ba siyang nasama sa akin? "Good morning, breakfast na." Sinalubong n'ya ako ng ngiti. Nakahain narin ang pagkain sa mesa na s'ya mismo ang nag luto. Ayoko mang aminin pero ang sweet pala ni Patrick?"Ako dapat nag luluto sa umaga. Hindi mo na ako kaylangang unahang gumising, trabaho ko 'yang bilang asawa mo." Paliwanag ko."Nah, it's fine. Sabi nga na sa hirap at ginahawa o sa sarap. Palagi dapat tayong mag kasama, gets mo? Hindi palaging babae ang mag sisilbi sa asawa, minsan kaylangan din lalaki." "Gusto mo lang ibaba ulit mamayang gabi panty ko kaya nag papalakas ka, e. Palagi mo nalang gustong may mangyari sa atin kaya bumait kana." Reklamo ko bago napairap. "Hindi naman ganun 'yo
Hindi muna ako lumabas. Nag palipas ako sa banyo ng ilang minuto para pag labas ko tiyak na kalmado na ang lahat. Madahan akong lumabas at luminga-linga. Wala na si Patrick, si Kenneth nalang pala ang nag aabang sa akin. "Hi," mabilis na bati ko. "Pasensya kana sa mga na sabi ni Patrick alam mo naman 'yon hehe, makulit tsaka mapang-asar talaga." Nahihiyang paliwanag ko. "I know," napangisi si Kenneth kaya napakunot nuo ko. "I'm testing his patience. Buti nalang gumana mga plano ko," mahinang sabi pa n'ya. Jusme, ano daw? Plano saan? "Anong ibig mong sabihin?" Puno ako ng pagtataka habang nakatitig sakaniya. Jinojoke time ba n'ya ako? "Gusto ko lang malaman kung tatablan ba s'ya ng selos kaya mas lumalapit ako sayo. At isa pa, totoo namang gusto kita." Nag liwanag ang mukha ko at napangiti ng malawak. "T-talaga?" Hindi ako makapaniwala. Mag pa-party talaga ako!"Bilang kapatid." Tila ba na bingi ako at napataas ang aking kilay. "H-Ha? Ano nga ulit--" Hindi na n'ya ako pinatapo
Aning problema ni Patrick? Simpleng bagay lang naman 'yon. At tsaka sino bang nag sabing ipag luto talaga n'ya ako? Malay ko ba kung susundin n'ya ako. Kadalasan naman ay hindi. Hindi nga s'ya loyal kasi may relasyon parin sila ni Lexi. Napaka pampam n'ya. Bakit naman ako makokonsensya? Swerte na n'ya sakin noh! Nakuya na n'ya ako, at kahit ano ay maari na niyang gawin dahil mag asawa na kami. Napatitig ako sa niluto n'ya para sa akin. "Busog na ako," na i-inis na bulong ko. Pero kawawa naman kasi si Patrick niluto n'ya ito para sa akin. Napailing ako bago tinigil ang pagkain sa burger. Kinuha ko ang niluto n'ya at simulang lantakan. "Masarap naman pala", pag kausap ko sa aking sarili bago napangiti. Mabait naman pala s'ya impyernes pwede na. Napailing ako bago inayos ang aking sarili. Mamaya iba na pala itong iniisip ko kaylangan kong itigil itong pag i-isip sa mokong na iyon. Ayokong ma-inlove sakaniya, at kung i-ibig lang din naman ako syempre kay Kenneth na ako. "Kakainin din







