“Bakit mo naman sinabihang baliw si Inday?”
Tanong ni ma'am kay Patrick. Habang ako nakasibangot lang at sobrang sama ng aking kalooban. Para akong ininsulto kahit na sobrang ganda ko naman. Grabe, may mga tao talagang hindi makakilala sa exotic beauty noh? Tulad nalang ni Patrick. Patrick demonyito. Bwahahahaha! Akala mo naman kung sino! Porket butas ang panty wala ng karapatan?! Mali 'yon! Hindi dapat binabase sa suot na panty ang magiging respeto sa isang tao. Tama? Tama. “Tell me, Mom.” Malamig siyang napatingin sa akin. “Bakit hindi ko s'ya pagka kamalang baliw e, mukha siyang pulubi? And you know what's funny? Butas 'yung—” Natigilan si Patrick bago mariing napapikit. Tila ba bangungot ang pumasok sakaniyang isipan kaya na tigilan siya sa dapat sanang sasabihin niya. “Nevermind.” Naiiling na sabi pa nito. Kahit naman butas 'yon maputi naman singit ko ah? Hindi na masama. Ang masama e, 'yung alam na nga niyang butas ginusto pa niyang masilip ang dapat na nakatago nalang. Bastos s'ya! Pwedeng-pwede ko siyang kasuhan ng kamanyakan! Alam ko naman na hindi pa n'ya ako nahahawakan o ano pa man, pero kabastosan parin 'yon di'ba? Kahit naman ganito lang ako may ini-ingatan parin akong puri noh! “Patrick.” Saway ni ma'am sa anak niyang antipatiko at ambisyoso! Feeling n'ya ginusto ko 'to? Hindi ko na napigilang manahimik nalang. “For your deformation!” Tumayo ako at pumamewang sakaniya. “Anong deformation sinasabi mo? Information iyon boba.” Inis nitong pag ta-tama sa akin bago napabaling sakaniyang Ina. “See? Ipapakasal mo nalang ako sa boba pa? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin Mom? Imagine, 'yung pangarap ko for myself at 'yung d****e girl ko ay napakataas, tapos 'yung ipapakasal n'yo sakin ni Dad mukang pulubing hayok sa yaman? Joke ba 'to?” “Patrick sobra kana!” Galit na saway ni ma'am. Sumeryoso ako. “Excuse me lang Patrick Santiban, noh? Pinilit lang din ako dito. Ako dapat ang biktima, at hindi ikaw. Wala lang akong choice kasi—” Hindi n'ya ako pinatapos sa pagsasalita. “Seryoso ka? Pinilit ka pa sa lagay na 'yan?” “Gusto mong ipa-amoy ko sa'yo panty ko? Nabwi-bwiset na ako sa'yo, ha! Pasensya na ma'am Shane pero hindi ko na kayang mag timpi sa anak ninyong feelingero, ambisyoso at antipatiko. Hindi ko masusunod ang bilin ni amang sa akin kasi ubos na pasensya ko." Sinamaan ko si Patrick nang tingin. "Salaulaan ba gusto mo? Ito!" Hinubad ko ang panty ko at ibinato sakaniya. "Oo butas panty ko! At least hindi iyan nakaw bwiset ka! Alam ko naman ipina-pamuka mong mahirap ako at muka akong pera, pero sana naman marunong kang tumanaw ng utang na loob, noh? Itong babaeng sinasabi mong pulubi at mukang pera na butas ang panty,” itinuro ko ang sarili ko. “Anak ako ng taong nag ligtas sa buhay ng magulang mo!” “Inday pasensya ka—” “Hindi ma'am wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. Si Patrick dapat iyon.” Tinapunan ko ng masamang tingin si Patrick. Kita kong hawak parin niya ang panty ko at parang nandidiri siya. Akala mo naman e, napakabango ng idinudumi n'ya! Che![Patrick POV]Ibang klase talaga ang babaeng 'yon. Kagabi tawang-tawa ako. Unang beses na napatawa ako ng isang babae ngunit baliw na babae haha. Buti nalang nakuha ko agad 'yong butas at hindi agad na sunog ng tuluyan. Habang iyong nogar naman n'ya e, hindi na shoot sa apoy. Napatitig ako sa dalawang panty n'ya na nasa side table ko. "Ano bang gagawin ko sa inyong dalawa? Legendary panty?" Muli akong napahalakhak. Napakabaliw ng babaeng 'yon hahaha. Inamoy ko 'yong panty n'ya at masasabi kong kahit nakakadiri itong tignan hindi s'ya mabaho. Infact, amoy siyang downy. Oo mabango 'yong panty ni Inday. Good to know na kahit muka siyang dugyot ay hindi naman talaga s'ya dugyot. Bakit ko nga ba kinuha ang Legendary panty ni Inday? Kita ko kasing ang sarap niyang asarin haha. Kaya naman nakaisip ako ng isang kalokohan, pero sa birthday na niya ko maibibigay. Sa ngayon dito lang muna sila sa kwarto ko, at idi-display ko. "Where are you going?" Si Kuya Kenneth na prenteng nakaupo haban
Kanina pa ako nakatitig sa kawalan, parang hirap na hirap akong pakawalan silang dalawa. Alam nyo 'yong feeling na nawalan ka ng mahal sa buhay? Ganito 'yong nararamdaman ko ngayon. May sentimental value sakin ang dalawa kong panty. Tanda ko pa noong binili sila ni Amang ko at Mamang, grabe talaga ang tuwa ko. Halos lumundag ako sa saya! Kasi noong elementary ako kahit grade six na ako. Wala akong panty talaga. Napilitan lang naman sila Amang at Mamang na bumili kasi nireregla na ako. Sobrang hirap kasi ng buhay sa bundok. Ang layo pa ng bayan, tapos imbis na ibili pa ng kong ano-ano e, bigas nalang. Kapos kasi kami e, sobra. Kaya nag papasalamat din ako na napadpad sa lugar namin sila Mrs. Santiban kasi kundi talaga namin sila nakilala, baka mananatili nalang kaming hikahos. Sa isang kabutihang na gawa ni Amang ko. Grabe 'yong isinukli nila sa amin. Paaral rin nila ang kapatid ko, at ako? Ito kinuha nila para daw mabigyan ng magandang kinabukasan at maturuan ng tamang pamumuhay at
[Patrick POV]Bwiset! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo n'ya? Alam ko naman na sobra na 'yung sinabi ko, and I admit it. Hindi ko dapat s'ya sinabihan na malandi kasi hindi naman talaga s'ya ganun. Galing siyang province, and dapat pala mas hinabaan ko pa ang pasensya ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. Wala akong pake kung basang-basa ako sa ulan, pero wala ako sa mood kumilos ngayon. Napatitig ako sa kisame at napabuntong hininga. Masamang tao na ba ako? Malamang iyon ang tingin nila sakin ngayon, maging si Mom. Kasi iniisip nila tuluyan kong iniwan si Inday mag isa, but no I didn't. Binalikan ko s'ya kaya nga basang-basa ako ngayon eh. Alam ba nilang dalawang oras akong nag hahanap sakaniya sa ulanan? Hinanap ko s'ya dun sa lugar na binabaan n'ya. Nakarating ako sa sukalan, sa damuhan para lang makita s'ya. Nalaman ko lang na nakauwi na pala s'ya from the moment na nakita ko s'ya sa bahay kausap ni Mom. Wala man lang nag sabi sakin na nakauwi na pala si Inday, and si Kuya Kenneth?
Yakap ko ang sarili ko habang nag lalakad. Sumabay pa ang malakas na buhos ng ulan, tapos napaka dilim pa. Wala akong masisilungan kasi walang bahayan ang pinag babaan ni Patrick sa akin. "Amang ko", umiiyak na aking sambit. "Isusumbong ko s'ya kay Amang". Para akong siraulo na kinakausap ang aking sarili. Nasilaw ako sa ilaw ng isang kotse. Natigilan ako at na buhayan ng pag-asa na baka binalikan ako ni Patrick. Ngunit hindi, ibang ang dumating. May payong s'ya 'di ko pa mamukaan dahil sa nasisilaw ako sa ilaw ng kaniyang sasakyan. "K-Kenneth?" "Inday sakay na sa kotse". Malamig na sabi niya habang pinapayungan ako. Sa sobrang saya ko ay na yakap ko s'ya. "Kenneth!" Umiiyak na sigaw ko. "Si P-Patrick iniwan n'ya ako!" Takot na takot na sumbong ko habang nakayakap parin. Naramdaman ko ang pag tapik ni Kenneth sa likod ko. "Pasensya kana sa asal ni Patrick." "Isusumbong ko s'ya kay Mrs. Santiban!" Umiiyak parin ako na parang bata. "Uwi na tayo," pag-aaya n'ya bago ako inalalay
Ayaw ko naman talaga sanang sumama kay Patrick, pero anong magagawa ko. Pamilya n'ya nakiusap, tsaka hindi ko kayang pahindian Mommy n'ya noh! Bait kaya sakin non, tapos simpleng bagay lang hindi ko pa pag bibigyan? At isa pa, need ko na talagang masanay na palaging kasama ang soon to be asawa ko. Ang magiging future ko daw. Itay ko po! Si Patrick talaga? Hindi pa pwedeng mag request na si Kenneth nalang? Mas gwapo at mabait pa kahit na cold s'ya, at tsaka kita mo talaga sakaniya na may galang siya sa babae hindi tulad ni Patrick na napaka balahura ng pag u-ugali. "Maging tahimik kalang, ha?" Bilin n'ya. "Pangalan ko Inday at hindi Mark.” Pangangatuwiran ko. "What dou you mean?" Takang tanong n'ya habang ang tingin ay sa daan parin. "Si Mark kasi tahimik lang e, ako? Syempre hindi! Hina mo naman makagets haha. Ako si Inday at hindi si Mark, oki na? Gets na?" Paliwanag ko ng mabuti upang mas maintindihan pa ni Patrick. Sinasabihan akong boba e, s'ya nga itong slow rin pala. "Ewa
[Patrick] Akala ba talaga n'ya bakla ako? Kaya ko s'yang kunin kong gu-gustohin ko. Kaya lang wala akong oras pumatol sa babaeng boba na taga probinsya. Hindi pa ako nahihibang para patulan s'ya. "Ano na namang ginawa mo kay Inday?" Napalingon ako kay Kuya Kenneth. Seryoso itong nakatingin sakin kaya naman napakibit balikat lang ako. "Patrick grow up.” Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. "Bakit ba masyado mong inaalala ang boba na 'yon?" Inis na tanong ko. "Don't you dare talk to me like that", binalingan n'ya ako. "I'm your Kuya at hindi masama ang sinasabi ko. Babae parin si Inday kaya igalang mo s'ya katulad ni Mom. Hindi porque hinahayaan ka namin sa gusto mo ay hindi kana namin pu-punahin sa mali mo." "Pabayaan n'yo nalang nga ako." Inis na sabi ko bago humakbang palayo sakaniya. "Gusto mo si Inday? Edi, pakasalan mo." Madiing wika ko bago umakyat sa hagdan. Halata namang concerned s'ya kay Inday. Mas ok pa nga 'yon, para makalaya ako sa kasunduan na ipinang