"Magandang uma—"
"Ayoko sa maingay na tao." Bungad ni Patrick kaya naman hindi na ako natuloy sa pag bati ko. "At tsaka ang baho ng hininga mo.” Laitero din talaga sya e, noh? Inamoy ko ang hininga ko. Napangiwi ako kasi may punto naman pala si Patrick. "Inday sabay kana saming kumain." Alok ni Mrs. Santiban sakin kaya naman agad akong na upo. "Salamat po Mrs. Santi—” "Mommy nalang din ang itawag mo sakin, hija. Part of the family kana kaya huwag mong iisipin na wala kang puwang sa pamilya namin." "Wala naman talaga.” Bulong ni Patrick na ipinaririnig talaga sa akin. Gusto ko siyang sampalin talaga! Nahihiya lang ako sa magulang n'ya kaya naman mag titiis nalang ako, pero hanggang kaylan? Mamaya mapuno nalang ako tapos mahampas ko s'ya bigla ng tubo. Hindi ako basagulera o palaaway pero ako si Inday, at si Inday ay hindi pumapayag maapi! "Kenneth anak kain na." Alok ni Mommy sa panganay niyang si Kenneth. Naipakilala na sakin ng mag asawa ang tatlo nilang anak, pati 'yung na wa-walang bunsong babae. Si Kenneth ang panganay habang si Patrick star ay pangalawa, at 'yung bunso ay si Sheryl Santiban. Kawawa naman s'ya. Kita ko sa pamilya nila na labis ang pangungulila nila sa bunso nilang anak. "Who is she?" Malamig na tanong ni Kenneth habang nakatitig sa akin. "Ako si Inday.” Nahihiyang pakilala ko. Ako na ang nag pakilaka sa sarili ko. "Inday garutay." Natatawang bulong ni Patrick. Makapang-asar parang walang ginawang kasalanan sakin ah? Hindi ko nakakalimutan ang ginagawa niya kagabi na pag yakap sakin tapos 'yung ano n'ya tumusok sa likod ko! Nag explain s'ya sa magulang niya na nakainom daw s'ya at may ka chukchakan dapat na babae kaso ako 'yung nandun sa kwarto. Para hindi s'ya mapagalitan e, sa binatana pala niya pinapadaan ang mga babae niya. Ang babaero lang di'ba? Buti wala pa siyang sakit sa ginagawa n'ya? "Inday lang Kenneth walang garutay," pag ta-tama ko bago tumitig ng masama kay Patrick upang matigil ito. "Ok", tipid na sagot ni Kenneth. Kahit ganun s'ya ang pogi parin n'ya! Ganito sanang lalaki kontento na ako. Mas gwapo naman si Kenneth kaysa kay Patrick noh! "Kamusta naman Inday ang magulang mo? Pakisabi salamat sa padala nilang saging." Malawak ang ngiti sa labi ni Mrs. Santiban bago napasulyap sa asawa niyang tahimik na kumakain. "Masarap ang nilupak di'ba? We should try it," alok pa n'ya kay Sir Paul. "Basta gusto," tanging sagot nito. Sus! Kaugali n'ya si Kenneth. Si Patrick yata ampon sakanila? Para kasing si Patrick kakaiba ang ugali. "Busog na ako." Paalam nito bago napangisi. Problema n'ya? "Pero hindi mo pa na u-ubos ang nasa plato mo, at isa pa hindi ka pa nag a-apologize kay Inday." Saway ni Mrs. Santiban. "Wala naman akong kasalanan. Hindi ko kasalanan na tanga s'ya," inis na sagot ni Patrick. "Patrick", si sir Paul ang nag salita. "Respect Inday katulad ni Mommy mo. Babae din s'ya." "Patrick," si Kenneth naman ang tumawag sakaniya. "Hindi porque habulin ka ng babae ay hindi mo na sila igagalang. Mag sorry ka kay Inday", utos ni Kenneth. Kinikilig tuloy ako! "No." Madiing wika ni Patrick kaya naman ako na ang sumagot. "Ayos lang po sakin," napasulyap ako kay Patrick. "Hindi ako madamdaming tao. Ipapakita ko na hindi lang ako si Inday! Makikita n'ya na ako si Inday his brade." "Inday bride 'yon," pag ta-tama ni Mrs. Santiban. Nailing na lamang si Patrick bago umalis. Hindi ko na ito pinansin kumain nalang ako ng tahimik at ganun din sila Mrs. Santiban. Hindi na sila nag salita pa, parang nag aalala sila sakin. Para sakin naman ayos lang. Hanggat kaya ko push lang! Inayos ko ang panty ko dahil malapit na itong mahulog. Dapat pala tinahi ko muna bago isuot, tsk. Wala kasing garter ito. Naisuot ko na kasi ang butas kong panty kahapon kaya ito namang isa. Paakyat na sana ako sa hagdanan ng mahulog ang panty ko kaya naman agad ko itong isinuot pabalik. Susme! Kamuntik na yata nilang makita? Mabuti at maagap akong tao. "Nakakatawa ka talaga." Naiiling na sabi ni Patrick na nandidiring nakatingin sa akin. "Bakit? Problema mo na naman?" Inis na tanong ko. "Nakita ko panty mo noh! Bumababa ng kusa kasi maging panty mo ayaw na kumapit sa'yo." Hindi ko na sana s'ya papansinin ng may i-abot s'ya sakin. "Aanhin ko 'yang tali?" Napatingin s'ya sa private parts ko. "Itali mo sa panty mo para hindi mahulog. Mamaya sasabihin ko kay Mommy na samahan kang bumili ng bagong undies." "Nag aalala kang masilipan ako?" Natatawang aking tanong. "Natatakot ako sa makakakita baka masira ang buhay." Sabi niya bago ako tinalikuran. Bwiset talaga ang lalake na 'yon![Patrick POV]Ibang klase talaga ang babaeng 'yon. Kagabi tawang-tawa ako. Unang beses na napatawa ako ng isang babae ngunit baliw na babae haha. Buti nalang nakuha ko agad 'yong butas at hindi agad na sunog ng tuluyan. Habang iyong nogar naman n'ya e, hindi na shoot sa apoy. Napatitig ako sa dalawang panty n'ya na nasa side table ko. "Ano bang gagawin ko sa inyong dalawa? Legendary panty?" Muli akong napahalakhak. Napakabaliw ng babaeng 'yon hahaha. Inamoy ko 'yong panty n'ya at masasabi kong kahit nakakadiri itong tignan hindi s'ya mabaho. Infact, amoy siyang downy. Oo mabango 'yong panty ni Inday. Good to know na kahit muka siyang dugyot ay hindi naman talaga s'ya dugyot. Bakit ko nga ba kinuha ang Legendary panty ni Inday? Kita ko kasing ang sarap niyang asarin haha. Kaya naman nakaisip ako ng isang kalokohan, pero sa birthday na niya ko maibibigay. Sa ngayon dito lang muna sila sa kwarto ko, at idi-display ko. "Where are you going?" Si Kuya Kenneth na prenteng nakaupo haban
Kanina pa ako nakatitig sa kawalan, parang hirap na hirap akong pakawalan silang dalawa. Alam nyo 'yong feeling na nawalan ka ng mahal sa buhay? Ganito 'yong nararamdaman ko ngayon. May sentimental value sakin ang dalawa kong panty. Tanda ko pa noong binili sila ni Amang ko at Mamang, grabe talaga ang tuwa ko. Halos lumundag ako sa saya! Kasi noong elementary ako kahit grade six na ako. Wala akong panty talaga. Napilitan lang naman sila Amang at Mamang na bumili kasi nireregla na ako. Sobrang hirap kasi ng buhay sa bundok. Ang layo pa ng bayan, tapos imbis na ibili pa ng kong ano-ano e, bigas nalang. Kapos kasi kami e, sobra. Kaya nag papasalamat din ako na napadpad sa lugar namin sila Mrs. Santiban kasi kundi talaga namin sila nakilala, baka mananatili nalang kaming hikahos. Sa isang kabutihang na gawa ni Amang ko. Grabe 'yong isinukli nila sa amin. Paaral rin nila ang kapatid ko, at ako? Ito kinuha nila para daw mabigyan ng magandang kinabukasan at maturuan ng tamang pamumuhay at
[Patrick POV]Bwiset! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo n'ya? Alam ko naman na sobra na 'yung sinabi ko, and I admit it. Hindi ko dapat s'ya sinabihan na malandi kasi hindi naman talaga s'ya ganun. Galing siyang province, and dapat pala mas hinabaan ko pa ang pasensya ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. Wala akong pake kung basang-basa ako sa ulan, pero wala ako sa mood kumilos ngayon. Napatitig ako sa kisame at napabuntong hininga. Masamang tao na ba ako? Malamang iyon ang tingin nila sakin ngayon, maging si Mom. Kasi iniisip nila tuluyan kong iniwan si Inday mag isa, but no I didn't. Binalikan ko s'ya kaya nga basang-basa ako ngayon eh. Alam ba nilang dalawang oras akong nag hahanap sakaniya sa ulanan? Hinanap ko s'ya dun sa lugar na binabaan n'ya. Nakarating ako sa sukalan, sa damuhan para lang makita s'ya. Nalaman ko lang na nakauwi na pala s'ya from the moment na nakita ko s'ya sa bahay kausap ni Mom. Wala man lang nag sabi sakin na nakauwi na pala si Inday, and si Kuya Kenneth?
Yakap ko ang sarili ko habang nag lalakad. Sumabay pa ang malakas na buhos ng ulan, tapos napaka dilim pa. Wala akong masisilungan kasi walang bahayan ang pinag babaan ni Patrick sa akin. "Amang ko", umiiyak na aking sambit. "Isusumbong ko s'ya kay Amang". Para akong siraulo na kinakausap ang aking sarili. Nasilaw ako sa ilaw ng isang kotse. Natigilan ako at na buhayan ng pag-asa na baka binalikan ako ni Patrick. Ngunit hindi, ibang ang dumating. May payong s'ya 'di ko pa mamukaan dahil sa nasisilaw ako sa ilaw ng kaniyang sasakyan. "K-Kenneth?" "Inday sakay na sa kotse". Malamig na sabi niya habang pinapayungan ako. Sa sobrang saya ko ay na yakap ko s'ya. "Kenneth!" Umiiyak na sigaw ko. "Si P-Patrick iniwan n'ya ako!" Takot na takot na sumbong ko habang nakayakap parin. Naramdaman ko ang pag tapik ni Kenneth sa likod ko. "Pasensya kana sa asal ni Patrick." "Isusumbong ko s'ya kay Mrs. Santiban!" Umiiyak parin ako na parang bata. "Uwi na tayo," pag-aaya n'ya bago ako inalalay
Ayaw ko naman talaga sanang sumama kay Patrick, pero anong magagawa ko. Pamilya n'ya nakiusap, tsaka hindi ko kayang pahindian Mommy n'ya noh! Bait kaya sakin non, tapos simpleng bagay lang hindi ko pa pag bibigyan? At isa pa, need ko na talagang masanay na palaging kasama ang soon to be asawa ko. Ang magiging future ko daw. Itay ko po! Si Patrick talaga? Hindi pa pwedeng mag request na si Kenneth nalang? Mas gwapo at mabait pa kahit na cold s'ya, at tsaka kita mo talaga sakaniya na may galang siya sa babae hindi tulad ni Patrick na napaka balahura ng pag u-ugali. "Maging tahimik kalang, ha?" Bilin n'ya. "Pangalan ko Inday at hindi Mark.” Pangangatuwiran ko. "What dou you mean?" Takang tanong n'ya habang ang tingin ay sa daan parin. "Si Mark kasi tahimik lang e, ako? Syempre hindi! Hina mo naman makagets haha. Ako si Inday at hindi si Mark, oki na? Gets na?" Paliwanag ko ng mabuti upang mas maintindihan pa ni Patrick. Sinasabihan akong boba e, s'ya nga itong slow rin pala. "Ewa
[Patrick] Akala ba talaga n'ya bakla ako? Kaya ko s'yang kunin kong gu-gustohin ko. Kaya lang wala akong oras pumatol sa babaeng boba na taga probinsya. Hindi pa ako nahihibang para patulan s'ya. "Ano na namang ginawa mo kay Inday?" Napalingon ako kay Kuya Kenneth. Seryoso itong nakatingin sakin kaya naman napakibit balikat lang ako. "Patrick grow up.” Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran. "Bakit ba masyado mong inaalala ang boba na 'yon?" Inis na tanong ko. "Don't you dare talk to me like that", binalingan n'ya ako. "I'm your Kuya at hindi masama ang sinasabi ko. Babae parin si Inday kaya igalang mo s'ya katulad ni Mom. Hindi porque hinahayaan ka namin sa gusto mo ay hindi kana namin pu-punahin sa mali mo." "Pabayaan n'yo nalang nga ako." Inis na sabi ko bago humakbang palayo sakaniya. "Gusto mo si Inday? Edi, pakasalan mo." Madiing wika ko bago umakyat sa hagdan. Halata namang concerned s'ya kay Inday. Mas ok pa nga 'yon, para makalaya ako sa kasunduan na ipinang