Share

Chapter 94

Penulis: Writer Zai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-19 17:25:53
MALAYO pa lang ay tanaw na ni Aedam si Jack, kasama si Tyron at ilan sa mga tauhan nito. Habang lumalabas sa Terminal 1 ay iginagala niya ang mata. Alam niyang anumang oras ay puwedeng sumulpot ang kalaban. Hindi na mapuknat sa isipan niya ang nabasang message at ang nalaman buhat sa kaibigan.

Nang tuluyang makalabas ay hinapit niya sa baywang si Meadow na mukhang hindi nakakahalata sa pagiging paranoid niya. Si Avi ay si Eliza ang kasabay at nasa likuran nila.

"Dude..." Sinalubong na sila si Tyron. "Hi, Meadow, " bati nito sa asawa niya at saka ay nilapitan ang kaniyang anak na hindi mapuknat-puknat ang kadaldalan.

Si Jack naman ang lumapit sa kanilang mag-asawa. Nakipagbeso-beso sa kaniya.

"Bakit parang taon kaming nawala? Na-miss niyo ba ako? Don't worry, may tig-iisa kayong toblerone," nangingiting niya rito.

"Basagin ko kaya 'yang ulo mo!" Parang babaing umikot ang itim ng mata ni Jack na labis niyang ikinatawa, ganoon din ang asawa niya.

"Tito Jack!" Lumapit dito si Av
Writer Zai

Sorry po kung natatagalan ang update ko at salamat sa walang sawang nag-aabang.

| 13
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
hillary
salamat sa update
goodnovel comment avatar
juo
bkit Isa lng?
goodnovel comment avatar
Ruby Bautista
more chapter please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • INSTANT DADDY    Chapter 95

    PAROO'T parito si Meadow sa kanilang silid. Hinihintay niyang pumasok ang asawa. Kahit paulit-ulit na sinabi nitong magiging okay ang lahat, na mahuhuli rin ni Jack ang taong gustong pumatay dito'y hindi pa rin maalis sa sistema niya ang takot. "Baby..."Agad siyang napalingon sa nakabukas na pinto. Sinalubong ang asawa ng yakap. Buong akala niya'y tapos ang problema, pero heto't muli na namang nag-uumpisa. Pumatak ang luha niya."Sshhh, don't cry, baby. Makakasama sa iyo 'yan. Sige ka, papangit si baby," malumanay niyong sabi kasabay ang masuyong paghagod sa likod niya.Ngunit sa halip na huminto ay mas lalong lumakas ang pagtangis niya. Walang nagawa ang asawa niya kundi hintayin siyang tumigil. Paulit-ulit niyang naramdaman ang pagdampi ng labi sa ulo niya. "Are you okay now?" tanong nito, sinapo ang magkabilang pisingi niya at pinakatitigan siya. "I'll be okay at kayo rin. Walang mapapahamak kahit sino sa atin." Hinagkan siya nito sa noo. Humihikbi pa rin siya. Sadyang hindi ma

  • INSTANT DADDY    Chapter 94

    MALAYO pa lang ay tanaw na ni Aedam si Jack, kasama si Tyron at ilan sa mga tauhan nito. Habang lumalabas sa Terminal 1 ay iginagala niya ang mata. Alam niyang anumang oras ay puwedeng sumulpot ang kalaban. Hindi na mapuknat sa isipan niya ang nabasang message at ang nalaman buhat sa kaibigan. Nang tuluyang makalabas ay hinapit niya sa baywang si Meadow na mukhang hindi nakakahalata sa pagiging paranoid niya. Si Avi ay si Eliza ang kasabay at nasa likuran nila. "Dude..." Sinalubong na sila si Tyron. "Hi, Meadow, " bati nito sa asawa niya at saka ay nilapitan ang kaniyang anak na hindi mapuknat-puknat ang kadaldalan. Si Jack naman ang lumapit sa kanilang mag-asawa. Nakipagbeso-beso sa kaniya. "Bakit parang taon kaming nawala? Na-miss niyo ba ako? Don't worry, may tig-iisa kayong toblerone," nangingiting niya rito. "Basagin ko kaya 'yang ulo mo!" Parang babaing umikot ang itim ng mata ni Jack na labis niyang ikinatawa, ganoon din ang asawa niya. "Tito Jack!" Lumapit dito si Av

  • INSTANT DADDY    Chapter 93

    NAANINAG ni Aedam ang takot sa mukha ng anak habang nag-aabang sila sa tapat ng pintuan. Kumatok na siya, pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin binubuksan ng asawa niya ang pinto. "Daddy, what if, galit pa rin po si mommy?" May lungkot ang tanong na binitiwan ng kaniyang anak. "Nak--" Agad siyang napahinto sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. Lumabas ang pupungas-pungas na si Meadow. Kinukusot nito ang mata at sinundan ng paghikab. "Mommy..." Sinilip niya sa sulok ng mata ang katabing anak. Pansin niya ang ginawang pagkagat ng labi nito. Ibinalik niya ang atensiyon sa asawang sabog ang buhok, halatang napasarap ang tulog nito. "Mommy..." sambit muli ni Avi. Mukhang nahihirapan na ang anak niya. "Baby, we're here to apologize." Siya na ang nagpaliwanag. Alam niyang anumang oras ay papalahaw na ng iyak ang batang katabi niya. Sa halip na sumagot ay sumimangot si Meadow. Sumandal pa ito sa pintuan at pinag-ekis ang braso sa tapat ng dibdib. "Mommy..." Hind

  • INSTANT DADDY    Chapter 92

    PINAGMAMASDAN ni Aedam ang anak na umiiyak. Panay ang hingi nito ng sorry sa kaniya, hindi na raw manghihingi ng kung anu-ano para hindi na magalit ang mommy nito. He sighed. Paulit-ulit. May punto ang asawa niya. Dapat hindi niya sinasanay ang anak na maging maluho. Ngayon lang niya napagtanto ang mailing nagawa. "Anak, go to your room na." Mahinahon ang pagsasalita niya kasabay ang pagpunas sa luha gamit ang daliri. "Pero galit po sa akin si mommy." Humikbi ito. Namumula ang ilong. "Anak..." Naalala niya nang una niya itong makilala. Umiyak ito hanggang sa sipunin. Lihim pa siyang napangiti sa tarantang sinapit dito noon. "Don't worry, anak, ako ang kakausap sa mommy mo."Pero umiling ito. "No po, dad. Dapat po akong humingi ng sorry sa kaniya ngayon." Muli itong humikbi. Kinuha ang tissue na iniaabot ni Eliza at idinikit sa ilong. "Nak, huwag ka nang umiyak, please." Sa halip na huminto ay mas lalong lumakas ang pagtangis nito. Niyayang pilit ito ni Eliza patungo sa room n

  • INSTANT DADDY    Chapter 91

    PAGOD na pagod si Meadow sa pagsunod sa mag-ama. Eksaktong alas dyes nang gabi na sila nakabalik sa hotel na tinutuluyan, maging si Eliza ay ramdam din niya ang pagod. Ang dalawang bodyguard ay magkasunod na pumasok, bitbit ang pinamili ng kaniyang mag-ama. "Hay, salamat. Nakarating na, makapagpapahinga na rin." Narinig niyang sambit ni Eliza, saka'y ibinagsak ang katawan sa mahabang sofa. "Yon ang akala mo." Abot-tainga ang ngiti niya nang bumaling dito. Sabay silang napatitig sa batang patakbong pumapasok. Tulad niya, malaki rin ang ngiting nakaukit sa labi ng anak. "Ate Eliza, lets go na po sa room natin. Gusto ko nang buksan ang mga pinamili namin ni Daddy." Hinila ni Avi ang kamay ng dalaga, pinipilit itong tumayo.Ang kanina lamang na umaaliwas na mukha ni Eliza ay napalitan. Halos maiyak na ito habang nakatitig sa kaniya. "Ma'am..." Humihingi ito ng saklolo. "Hurry up, ate!" "Anak, pagpahingahin mo muna si Eliza, maawa ka naman sa kaniya. Aba'y maghapon na iyang sumusuno

  • INSTANT DADDY    Chapter 90

    "LOVE..." "Hmmm, what is it, baby?" "Gusto ko ng balot?" Kahit may kadiliman ay pansin niya ang pagsalubong ng kilay ng asawa. "Baby, saan ako kukuha ng balot?" Tumayo siya't pinamaywangan ito. "Sa tindahan! Alangan namang sa sementeryo ka bumili!" Umikot ang itim ng mata niya. "Baby, nakalimutan mo na b--" "Nagrereklamo ka?" Tumaas pa ang isa niyang kilay. "Baby, naman kasi..." maktol nito. Busangot na ang mukha. "It's your fault naman kaya ako naglilihi, hindi ba? Binuntis mo ako, kaya dapat lang na ibigay mo ang gusto kong kainin!" Nabubuhay na ang inis sa katawan niya dahil sa asawa. "Napakareklamador mo!" "Baby," tumayo na rin ito't binuhay ang ilaw ng lampshade. "Saan nga kasi ako kukuha ng balot sa Barcelona?" Oo nga naman, Meadow! Natigilan siya, hanggang sa unti-unting humupa ang inis at bumababa ang paghinga. Tinamaan ka ng magaling, Meadow! Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Saan nga sila kukuha ng balot sa Barcelona? Nandoon sila for vacation. Ang kanila

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status