Share

Chapter 31

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-02-15 11:54:27

HINDI mapakali si Aedam. Nasa loob na siya ng silid na pagpapahingahan. Katatapos lang iyong linisan, mukhang kalalagay din lang cover. Katulad ng sinabi ni Ramon, magkaharap ang ang dalawang silid. May dalawa pang silid sa bandang dulo ng kanang bahagi ng bahay pero mga gamit ang nakalagay doon. Ang kaniyang sasakyan ay binalikan niya at nakaparada na sa harapan ng bahay.

Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha. "Shit!" murang pinakawalan ng bibig niya kasabay ang pabagsak na pag-upo sa gilid ng kama.

"Paanong kamukhang-kamukha ni Meadow si Daphne?"

May biglang pumasok sa isipan niya. Mabilis na dinampot ang cellphone na ipinatong niya sa bedside table. Idinial niya ang number ni Jack. Nagparoo't parito siya habang hinihintay ang pagsagot ng kaibigan.

"Jack, answer it! F*ck!"

Sunod-sunod niya itong tinatawagan pero walang sumasagot. Ngali-ngali na niyang ibato ang phone. Bago pa niya maisip na sundin ang ibinubulong ng isipan ay pabagsak na inilipag niya ang hawak sa kama
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cris Magsino
update Po Ms author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 89

    "DADDY..." "Nak, dahan-dahan lang. Baka madapa ka," habol ni Meadow kay Avi. Nandito sila ngayon sa office ni Aedam para sorpresahin ito. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang sila ay ikasal at masasabi niyang masarap din ang buhay may asawa lalo na kung puno ng pagmamahalan. Araw-araw ipinadarama sa kaniya ni Aedam ang pag-ibig na ipinangako nito sa kaniya. Mabilis na sumampa si Avi sa kandungan ng nagulat na si Aedam. "Anong ginawa niyo rito?" Tumaas ang isang kilay niya. "Ayaw mo ba kaming makita?" "Of course not, baby. Sino bang hihindi--" "Stop!" awat niya. "Avi, lets go. Hindi pala dapat tayo pumunta rito. Mukhang nakakaabala tayo." Inirapan pa niya ito, ngunit hindi naman siya galit. "No, baby. Hindi iyan ang gusto kong sabihin." Ang mukha nito'y nagmamakaawa, at tila ba'y iiyak. "Mommy, huwag ka na pong magalit. Sige ka, papangit ka niyan, pati si baby." Pinandilatan niya si Avi. Napakadaldal talaga! Mabubulilyaso pa ang sorpresa niya sa asawa. Kita

  • INSTANT DADDY    Chapter 88

    PAGKATAPOS makausap si Jack ay lumabas na siya sa office room. Tinungo ang kaniyang silid ngunit wala si Meadow. Sinilip niya ang banyo ngunit wala rin ito. Pinuntahan niya ang silid ni Avi, doon niya ito natagpuan. Inaayos ang kanilang anak na himbing na himbing na sa pagtulog. Maingat siyang pumasok, hindi inaalis ang titig sa asawa."Ang laki mo na anak." Dinig niyang sabi nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. Walang tunog siyang naglakad patungo sa likuran ng asawa at mula sa likod ay buong higpit itong niyakap. Muntikan pa itong sumigaw dahil sa sobrang gulat, na maagap niyang sinaraduhan ang bibig gamit ang palad. "What the hell are you doing, Aedam?" inis nitong tanong. Ang hinga'y halos magkabuhol-buhol na."Natakot ba kita?""Malamang!" "Sorry, baby." Iniharap niya ito sa kaniya. Nakapagpalit na ito ng damit at isang pink nighties ang suot nito. He swallowed hard. Nasilayan niya ang cleavage ng asawa, na hindi nasilayan noong una nilang pagniniig dala ng sobrang k

  • INSTANT DADDY    Chapter 87

    KITANG-KITA ni Aedam ang kasiyahan sa mata ni Meadow na ngayon ay asawa na niya, ganoon din ang kanilang anak. Sa hotel na pag-aari ng magulang ni Kent ang reception. Maraming bisita ang dumating, kasama ang ilan sa empleyado at board members ng CromX. Isa-isang lumapit ang mga kaibigan niya para pormal na batiin siya. Bagama't nasa mukha ang sobrang kasiyahan ay hindi pa rin maiwasang tuksuhin siya. Masusundan na raw si Avi. "Dude, huwag mong sasayangin ang gift ko sa inyo." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ni Kent. "What is it?" "Malalaman mo rin kung ano 'yon, and I'm pretty sure na magugustuhan mo kung ano ang regalo ko,"" tumatawang tugon ni Kent. Lalong nagdikit ang kilay niya. Ang iba niyang kaibigan ay lumakas ang tawa. "Alam ko kung ano," singit ni Zues at sinundan ng pag-inom sa hawak na wine. Hindi siya nagtanong, hinintay na lang ang sasabihin ng kaibigan. "It's a pack of condom and it's all branded." Parang babaing tumirik ang kaniyang mata. "M

  • INSTANT DADDY    Chapter 86

    DUMATING ang araw ba pinakahihintay ni Aedam. Tila may nagrarambulang daga sa dibdib niya habang matiyagang naghihintay sa pagpasok ng bride. Sa tabi niya'y nandoon ang kaniyang ama, bagama't may ngiti sa labi ay alam niyang may kaunting lungkot itong nadarama. Hindi nila kasama sa pagpasok sa dambana ng Maykapal ang kaniyang ina at alam niyang miss na miss na ito ng kaniyang daddy, ganoon din siya, pero sa tuwing makikita ang mata ni Meadow maagap na nawawala ang kaniyang pagka-miss sa ina. Hindi pa rin niya lubos maisip na ito ang babaing sinalinan ng mata ng kaniyang ina. Kung sana'y nalaman lang niya nang maaga at kung nakilala niya ito, hindi na siguro hahantong sa nawalan ito ng alaala, hindi na siguro ito nagdusa nang matagal. Nilinga niya ang mga kaibigan, nakalinya sa mga nakahanay na bangko. Sa kabilang gilid ay ang mga kakabaihan. Si Jun-jun ay nandoon din na siyang ring bearer nila, nasa tabi nito si Jelly, na makikita ang sobrang kasihayan sa mukha. Lalong bumilis ang t

  • INSTANT DADDY    Chapter 85

    NAGPAPAHANGIN si Meadow sa terrace, nagbabalik-tanaw sa mga nangyari sa kaniya. Ang pagpasok niya bilang secretary ni Aedam, palagi itong nakasigaw sa kaniya at ipinapahiya pa sa harap ng maraming tao na para bang mabigat siyang nagawang pagkakamali rito. Naalala rin niya ang huling araw na ipinahiya siya nito. Nasa meeting sila noon. Kung bakit naman kasi ang clumsy niya, natapunan ng juice ang damit nito. Katakot-takot na sermon ang iginawad nito sa kaniya, hindi lang 'yon, nilakad pa niya pabalik ng office. Nang mag-out siya'y ipinalinis pa ang condo nito. Kahit hindi na sakop ng trabaho niya'y sinunod pa rin ito. Sa sobrang pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya at doon na nabuo si Avi. Nag-resign siya kahit pa nga ayaw pumayag ni Brenda. Umuwi siya ng probinsiya at doon na nalamang nagbunga ang isang gabing pagkakamali. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may pumulupot sa kaniyang baywang, bahagya pa siyang napapitlag sa gulat. Si Aedam pala. Nagsumiksik pa ang mukha

  • INSTANT DADDY    Chapter 84

    HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status