"Dito?" Umikot ang paningin ni Irish sa paligid."Dito talaga?" Excited pa naman s'yang nag-ayos ng sarili, mukha s'yang panauhing-pandangal sa isang cocktail party ng mga socialite.
Kumunot ang noo ni Gab, inilagay sa loob ng bulsa ng pantalon ang dalawang kamay at blangko ang ekspresyon nito na matamang nakamasid sa asawa.
"Bakit dito?" Naguguluhang tiningnan n'ya ang asawa. Madaming tao, nakahilera ang mga tiangge at mga stall ng fishball vendor, barbeque at ilang iniihaw na hindi pamilyar sa kaniya. Nakita n'ya ang ilang maliliit na kulay bilog na kulay orange na nakalagay sa malaking mangkok na katabi ng mga garapon ng tila sauce na may mga nakalutang na buo na paminta. Ihawang umuusok at mga vendor na panay ang paypay sa iniihaw. Nakahilera ang mga mesang bilog sa paligid na may mga umbrella at mga mono-blocks. Halos wala na silang mapwestuhan dahil halos okupado na ang lahat.
"Ayaw mo?" Sarkastiko nitong tanong.
Tiningnan ni Irish ang sarili. Akala niya kasi ang pupuntahan nila ay isang Class Hotel Restaurant, nahiya siya sa ayos n'yang parang may dadaluhang party. Nag-effort pa mandin siya sa ayos ng buhok n'ya at napaka-elegante ng napiling bestida."Akala ko kasi.. nevermind."
"Akala mo dadalhin kita sa isang class na restaurant? Expectation ng mga anak ng mayamang gaya mo."
"Okey na ako dito." Irap n'ya. Aarte pa ba siya? Baka bigla pang magbago ang ihip ng hangin.
Nakahanap ito ng bakanteng mesa kaya sumunod s'ya rito. Umupo s'ya, hahayaan n'ya na lang itong mag-order ng para sa kan'ya. Unang beses na nakapunta s'ya sa ganung lugar. Dahil madalas sa mga naglalakihang Malls at Hotel Restaurants s'ya dinadala ng kan'yang Daddy Alfred.
"Tumayo ka 'dyan!" Marahan s'yang tinapik ni Gab sa balikat.
"Bakit? I-order mo na lang ako." Kung kanina'y okey na sa kan'ya ngayon gusto n'ya ng magmaktol.
"Tumayo ka 'dyan at pumili ka ng kakainin mo. Hindi ka pagsisilbihan dito." Gusto n'ya sanang sagutin ang pagiging presko nito pero mabilis na itong tumalikod at lumapit sa nagtitinda ng barbeque.
Inirapan n'ya ito. Sana hindi na lang s'ya pumayag na makipagdate, aniya sa isip. Hindi ganito ang mga napapanood n'yang love story sa mga romance movies. Inaalalayan ng bidang lalake ang bidang babae at ang lalake ang umuorder para sa ka-date.
Nakakainis!
Tumayo si Irish at sumunod rito. Hirap na hirap s'ya sa suot n'ya, ipinanganak s'yang mayaman pero hinayaan s'ya ng mga magulang na isuot ang mga damit kung saan s'ya komportable at huli sa listahan n'ya ang pagsusuot ng ganitong damit, mas pipiliin n'yang magjumpsuit tulad ng madalas n'yang suot. Nagmukha s'yang party girl socialite na naligaw ng pupuntahan. Nagsuot pa mandin s'ya ng sapatos na three inches ang takong na gusto n'ya ng hubarin at ibato sa asawa.
Nakita n'yang pumili ito ng limang stick ng barbeque at tila hugis-zigzag na nakatuhog din, limang paa ng manok at naglagay ito ng sauce sa isang cup. Napalunok s'ya. kinakain pala 'yun? Ginaya n'ya na lang ito, maging ang napili nitong sago't gulaman na nakalagay sa twenty-two onz na plastic cup. Bumalik sila sa mesa matapos makapagbayad. Inabangan n'yang sumubo ang kaharap.
"Kumain ka na!" Utos nito.
Kumagat s'ya ng konti at sinabayan ng pagsipsip ng juice. Naiiling na tiningnan s'ya nito.
"Irish masarap 'yan. Ang tawag 'dyan isaw." Seryoso ito, pero naiiling na tiningnan s'ya.
"I-isaw?" Tama ba isaw ang 'dinig niya?
"Yap, bituka 'yan ng manok." Kaswal nitong paliwanag.
"Ano?" Napangiwi si Irish at namilog ang mga mata.
"Masarap 'yan huwag kang maarte." Ikinunot nito ang noo at tila nauubusan na ng pasensya sa kan'ya.
"Bakit papakainin mo ako nito? Buong-buhay ko ngayon ko lang ito matitikman!"
Bakit ba siya nito ginaganito? Bakit hindi na lang siya patayin? Ibalik sa mommy niya?
"Yan ang dahilan kaya gusto kong matikman mo." Seryoso itong tila nanenermon.
"Sabi mo liligawan mo ako?" Irap n'ya.
"Nililigawan na kita."
"Ganito ka manligaw?"
"Yap, at gusto kong matutunan mo ang realidad ng buhay."
"Matuto?" Napahalukipkip si Irish.
Bakit ba kung minsan grabe ito magpakilig pero minsan masarap ding iwanan?
"Marami ka pang dapat matutunan Irish, 'yun ang kahilingan ng Tito Alfred."
"Ang sabi niya, aalagaan mo 'ko!" Umikot ang eyeball ni Irish.
"Ano ka baby?" Sarkastikong sagot nito.
"Huwag mo na nga akong ligawan!" Singhal niya sa asawa, napapahiya na talaga s'ya.
"Umiral na naman ang pagkaisip-bata mo! Kailangan pa ba? My God, Irish! Mag-asawa na tayo Irish! At nagawa na 'din nating 'yung ..." Napahinto ito sa pagsasalita at pilyong ngumiti nang makitang nagblush ang pisngi ng asawa.
"Sabi mo sa papel!" Namumulang asik nito.
"Ayaw mong kainin?!" Matiim s'ya nitong tinitigan. Inis na sinunod n'ya ito. Napalitan ng pagkainis ang kanina lang ay umaapaw na kilig na nararamdaman.
Aaminin n'yang masarap naman ang mga kinain at nabusog talaga s'ya pero ang hindi niya maintindihan? Bakit sa first-date nila ay dito s'ya dinala?
Hindi n'ya tuloy naranasan kung papaanong tugtugan ng violin habang sabay silang umiinom ng champaigne. Ganun kasi ang mga napapanood niya sa mga korean-novela. May pa-tulips at candlelight dinner ang inaasahan n'ya. Umingos s'ya ng makitang nakatitig ito.
Gwapo pero napaka-kuripot!
"Hindi ako kuripot Irish! Matuto kang maging praktikal!"
"May pera ako."
"Na mauubos agad kapag hindi ka marunong humawak."
Bakit ba tila nababasa nito ang iniisip niya?
"Bakit hindi pa tayo umuwi?" Naiinip na tiningnan n'ya ang paligid. Magkakalahating-oras na yata silang nakaupo lang doon at nakamasid sa paligid. Amoy-usok na siya ng barbeque. Hindi n'ya talaga maintindihan ang kaharap sa mga pinag-gagawa nito sa buhay?
"May hinihintay pa ako."
"Sino? "
"Isang kaibigan." Kibit-balikat nitong sagot.
"Akala ko ba date natin ito? May imimeet-up ka lang pala." Ingos n'ya.
"Nagkataon lang." Hinahanap ni Irish sa loob ng dalang sling bag ang wet wipes tissue ng marinig ang boses ng isang babae.
"Hello Gab!" Nag-angat s'ya ng tingin, nakita n'ya ang matangkad at sexy na babaeng yumuko at mabilis na h*****k sa pisngi ng asawa. Nagulat s'ya at pinanood na lamang ang dalawa na tila nakalimutan ng asawa ang presensiya n'ya. Pasimple n'yang sinipat ang suot nito, mukha itong office girl na nagtatrabaho sa isang bangko. Ipinaghila ito ng upuan ni Gab at masaya itong nakipag-kwentuhan. Tila naalala s'ya ng asawa at ipinakilala s'ya nito.
"Schoolmate ko si Jeanny. Jean si Irish 'yung naikwento kong minsan. . . I mean, my wife."
Natigilan ito. Tiningnan s'ya nito mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa pakiramdam ni Irish ang pekeng ngiti ng kaharap.
"Ah siya ba 'yung kinakapatid mong...?"
Nagulat man, ngumiti si Irish. Pinilit n'ya ang sariling sabayan ang pagiging artista nito.
"Yap, i'm his wife. Hindi ka ba inimbita sa wedding namin?" Nakaramdam s'ya ng inis rito lalo na ng makitang komportable itong nakahawak sa braso ni Gab. Gusto n'yang hablutin ang kamay nito at sampalin ang asawa na mukhang gustong-gusto naman.
"Inimbita pero ano naman ang gagawin ko 'dun? Ang hirap manood ng arrange marriage wedding, para kasing seremonya ng isang kasal-kasalan." Tumawa ito ng mahina. Nasaktan s'ya sa narinig at ipinahalata ang pagkairita. Pero mas naiinis s'ya kay Gab. Ka-lalakeng tao, tsismoso!
Tumikhim si Gab na tila gusto s'yang awatin. Inirapan ito ni Irish. Mamaya ka lang! Sa isip n'ya.
"Ganun ba? Sayang sana kahit 'yung eksena na lang sana ng "kiss the bride", eh nasaksihan mo man lang."
"Anyway hindi na kailangan hindi naman ako interesadong makita." Tumayo na ito.
"Hindi na ako magtatagal. . .sorry Gab kailangan ko ng bumalik sa sasakyan. Actually, wala naman kaming usapang magkikita, nagkataon lang talaga na napadaan kami ng mga friends ko." Sa kan'ya ito nakatingin.
Tiningnan n'ya na lang ito at pinipigilan ang sariling taasan ito ng kilay, muli itong yumuko at h*****k kay Gab. At hindi na sa pisngi kundi sa labi na ikinagulat n'ya. Tila hindi naman nagulat ang asawa.
Inis na sinundan n'ya ito ng tanaw, lalong nakadagdag sa inis n'ya ang ganda nito. Nang makitang tuluyan na itong nakalayo, padabog s'yang tumayo at s'ya naman ang naglakad pabalik sa sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. Sumunod sa kan'ya si Gab na tila naguguluhan sa ikinikilos n'ya. Napahalukipkip s'yang sumandal sa pintuan ng kotse. Nagpupuyos ang kalooban nang maalala kung paano ito hinalikan sa harapan n'ya!
"Sino 'yun?" Asik n'ya sa asawa.
"Kaklase ko, ipinakilala ko na nga diba." Pabalewalang sagot nito.
"Bakit parang may relasyon kayo? Sobrang close n'yo ba at pati 'yung tungkol sa'tin alam niya?" Sita n'ya.
"Irish. . ." Napabuntong-hininga ito. Bakit ba hindi niya napaghandaan ang ganitong eksena?
"Umuwi na tayo!" Nakasimangot si Irish , hindi maipinta ang mukha nito.
"Kaibigan ko lang 'yun."
"Wala akong pakialam sa malanding babaeng 'yun!"
Ibinagsak nito ang pintuan ng sasakyan ng makababa ng kotse. Mabilis itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Naiiling na sinundan ito ng tingin ni Gab. Pero palihim na napangiti sa isiping nagseselos ito. Nang umakyat siya sa itaas ay nasalubong n'yang yakap nito ang sariling unan at ang malaking Teddy Bear na palagi nitong katabi sa pagtulog.
"San ka matutulog?" Natatawang tinitigan niya ito.
"Sa kabilang kwarto!" Singhal nito.
"Nagseselos ka ba kay Jeanny?"
"Bakit naman ako magseselos?" Kulang na lang ay matunaw s'ya sa pamamagitan ng masamang tingin nito.
"Irish kaibigan ko lang 'yun."
"Kaya ba may pahalik-halik pa sayo?"
"Friendly-kiss lang 'yun Irish."
"Sa lips?" Natatawang hinapit s'ya ni Gab at niyakap.
"Wala kaming relasyon. Ganun lang si Jeanny." Pumiksi ito mula sa pagkakayakap ni Gab. Hindi n'ya ito nakumbinsing maniwala sa paliwanag n'ya.
Nagpupuyos ang kalooban ni Irish, lalo na ng maalalang alam nito ang dahilan kung bakit sila naging mag- asawa? Hindi nito itinuloy ang paglipat ng tutulugan dahil takot s'yang mapag-isa.
Matapos makapagpalit ng pantulog ni Gab ay tinabihan n'ya na ang asawang nakatalikod, yakap nito ang paborito nitong stuffedtoy. Halos malaglag na ito sa dulo ng kama dahil ayaw nitong madikit sa kan'ya. Nang muntik na itong mahulog nagpanggap siyang walang nakita. Pero nahirapan s'yang pigilan ang mahinang pagtawa na ikinamula nito sa galit at inis na pinaghahampas s'ya ng unan.
"Magsama kayo ng Jeanny mo!"
"Irish...please...I'm really sorry."
Ang cute pa rin ni Irish kahit galit ito.
Tila nakadagdag lang sa nararamdaman niya para rito ang ganitong pag-iinarte ng asawa. Napabuntong-hininga si Gab, at hinayaan na lamang itong makatulog na nagtatampo sa kan'ya. Naalala n'ya ang pangako sa mga magulang ng asawa. Pu-protektahan n'ya ito tulad ng pangako n'ya sa ama nitong ilang taon na 'ding namayapa. Tama ang kaniyang Daddy, matututunan 'din n'ya itong mahalin."Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin