**********
HEAVEN FERRER’S POV:
"Hello, Mom?" sagot niya sa kanyang teleponong nakaipit sa pagitan ng balikat at pisngi niya dahil may hawak siyang tray. Maingay sa bar na pinagtatrabahuhan niya kaya lumayo muna siya ng konti para marinig ang ina. Nasa America siya at nagtatrabaho bilang isang waitress.
"Where are you, baby? Bakit maingay diyan?"
"Mom, I’m working!" sigaw niya at tinatakpan ang kabilang tenga para marinig ang pinag-uusapan nila.
"What?! Di ba sabi ko tigilan mo na yang kahibangan mo? You're working in a bar at a very late hour?! Baka mapagtripan ka pa ng mga lasing na kalalakihan dyan?!" galit na galit na sabi ng mommy niyang si Jenna Smith Ferrer. Isang international model ang ina niya at tutol ito sa pagtatrabaho niya sa bar.
"Kulang ba ang pera na pinapadala namin sa'yo para magtrabaho ka pa diyan? Bakit hindi ka na lang magtapos ng pag-aaral nang matiwasay? Bakit kailangan mo pang magtrabaho???"
Napangiwi siya sa pagsigaw ng ina sa kabilang linya. Kahit maingay na doon, naririnig at nararamdaman pa din niya ang galit nito. Sinisermunan na naman siya nito. Ilang beses na siyang pinapatigil sa pagtatrabaho pero ayaw niya.
"Mom, gusto ko lang maging independent na hindi umaasa sa inyo ni Daddy. I’m not a kid anymore! Kaya ko na ding kumita ng sarili kong pera!"
"Magtapos ka ng pag-aaral at magtrabaho bilang doctor, hindi jan sa bar na puno ng mga lasing! I care about you, baby!"
Muli cyang napangiwi, kahit matanda na cya ay "baby" pa din ang tawag nito sa kanya.
"Mom, kaya ko ang sarili ko. I’m a black belt in taekwondo, remember? Tito Fred taught me!" Paalala nya sa ina para hindi ito mag-aalala sa kanya.
Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya takot sa mga kalalakihan na bastusin siya. Bata pa lang siya ay black belt na sila ng kambal niyang si Earth dahil tinuruan sila ng private bodyguard at tito na nila ngayon na si Tito Fred, asawa ito ng tita nilang si Tita Abby na pinsan ng mommy niya.
Sa totoo lang, walang nakakakilala sa kanya doon sa bar na pinapasukan niya. Pamilya nila ang isa sa pinakamayaman sa bansa. Her dad is Angelo Ferrer, who owns a lot of businesses not just all over the Philippines but also in other parts of the world as well.
"Go home here in the Philippines, baby. I miss you so much! Mag-model ka na lang kung gusto mo talagang magtrabaho at kumita ng sarili mong pera. We have a modeling agency, remember?"
Napangiwi siya. Kung dati ay pangarap niyang maging isang model pero iba na kasi siya ngayon. Hindi na siya mayabang at maarte tulad ng dati, nag-mature na siya.
Maging ang mga magulang at kapatid niya ay hindi din makapaniwala na nag-iba na siya. Everybody thinks na siya ang susunod sa yapak ng ina niyang maging isang international model. Yun din ang pangarap niya nung una, pero as she grew older, ayaw niya nang maging model... Ang gusto niya ay maging isang doctor.
"Mom, I’m going home soon. Malapit na ang vacation namin sa school, and I also want you to meet my boyfriend. He already proposed to me, and we're getting married as soon as we finish graduating!" masayang balita nya sa ina.
"Really, baby? I’m so happy for you! Finally ay nag-boyfriend ka na din, ang akala ko ay tatanda kang dalaga!"
Muli na naman cyang napangiwi, wala kasi cyang pinapakilalang boyfriend sa mga ito.
"Thank you, Mom. I hate to say this, but I really have to go… May work pa ako, at nagagalit na ang boss ko. I will call you later, okay?" sabi niya sa ina. Nanlilisik na kasi ang mata ng boss niya, kanina pa siya sa telepono.
Agad-agad niyang tinapos ang tawag ng ina saka bumalik sa trabaho.
"You’re working, Heaven! Bakit ka nakikipag-chismisan sa telepono while everybody here is busy? Di mo ba nakikita na madaming customer?" asik ng manager niyang bakla nang makalapit na siya.
"Sorry, Boss. It was an important call from my mom." pagdadahilan niya, pero ang totoo ay hindi naman gaanong importante iyon.
"Wala akong pakialam! Ang importante sa akin ay magtrabaho ka!... Go back to your work!"
Napasimangot siya nang tumalikod na ang manager niya. Palagi siya nitong pinapagalitan kahit pa nagtatrabaho naman siya ng maayos. Hindi alam ng mga ito ang tunay niyang pagkatao. Kung tutuusin, pwede niyang bilhin ang buong bar na yun kung gugustuhin niya.
Bumalik na siya sa trabaho. Namana ata niya sa daddy niya ang pagiging workaholic, kaya kahit na hindi naman niya kailangang magtrabaho ay ginagawa pa rin niya. Iba ang satisfaction na nakukuha niya kapag pinaghirapan niya ang perang ginagastos niya.
Napangiti siya ng maalala ang reaksyon ng mommy nya ng sinabing uuwi sya kasama ang nobyo. Malapit na silang matapos sa kanilang kurso sa pagiging doctor.... sila ng boyfriend niyang si Curt Sanchez.
Mayaman din ang pamilya ni Curt sa Pilipinas, pero hindi kasing yaman ng pamilya niya. Actually, hindi niya kilala ang pamilya ni Curt. Hindi naman sa pagmamayabang ay halos lahat ng mayayaman sa Pilipinas ay kung hindi business partners, ay family friends nila... at wala doon ang pamilya ni Curt.
Pero lagi nitong binibida sa kanya na mayaman ito. May pagka-mahangin ang nobyo niya, pero ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao... nabubulagan ka.
HEAVEN’S POV Habang naglalakad ako papunta sa altar, ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang, hindi dahil sa gown, kundi dahil sa emosyon. Parang lahat ng alaala nila ni Theo mula sa unang pagkikita sa bar hanggang sa nagka-inlaban sila ay nag flashback ang lahat sa utak nya Nagtama ang kanilang mga mata na para bang sila lang ang tao sa paligid. Hindi niya maiwasang mapangiti habang naiisip... Grabe, ganito pala ‘yung feeling… yung tipong kahit daan-daang tao ang nanonood, isa lang ang mahalaga sa’yo? Sa gilid ng kanyang paningin, kita niya si Isla na nakangiting parang batang kinikilig habang nakatitig kay Earth. Halos marinig niya ang tibok ng puso ng kambal niya mula sa malayo. "Finally, Earth… natagpuan mo rin ‘yung taong para sa’yo." She is happy for her twin. Pagsapit sa tapat ni Theo, inabot nito ang kamay niya. “Hi, Doc.” mahinang bulong nito na may kasamang ngiti. Napatawa ako ng mahina. “Hi, hubby.” balik biro din niya. Narinig nyang nagtawanan ang mga bisita, pero
THE WEDDING DAY: HEAVEN'S POV: Kasalukuyan siyang nasa kwarto niya sa kanilang mansion at inaayusan. Doon sa garden nila idadaos ang kasal nila ni Theo, kasabay ng sa kambal niyang si Earth at si Isla. It’s going to be a double wedding! Dati doon din kinasal ang Mommy Jenna at Daddy Angelo nila. Tandang-tanda pa niya iyon dahil siya ang flower girl at si Earth naman ang ring bearer. Ang mommy at daddy nila ang kanilang pamantayan sa pagpapakasal. Sa kanyang part, kung hindi lang din katulad ng daddy niya ang mapapangasawa ay huwag na lang. Sa part naman ni Earth, kung hindi lang din katulad ng mommy niya ang mapapangasawa ay huwag na lang din. Idol nila ang parents nila. Sino naman ang hindi? Ang mommy lang niya ang minahal ni daddy simula noong college ito. Nagkahiwalay pero nagkabalikan dahil na din sa kanilang dalawa ni Earth. Sila ang gumawa ng paraan kung paano magkabalikan ang parents nila dahil walang kamuwang-muwang ang daddy nila na may anak na ito... at kambal pa! Tin
Lumipas pa ang ilang araw at mas pinagsikapan nila ang pag-usad ng kaso laban kay Doc Rodrigo. Dahil na rin sa koneksyon ng pamilya nila, nabawian ng lisensya si Doc Rodrigo at nakulong pa.Kasalukuyan silang nasa garden ng pamilya at nag-uusap. Hawak niya ang kamay ni Isla. Si Theo at Heaven ay ganun din sa kabilang banda. Si Aero ay naglalaro sa alagang aso nito na si Sasha.Si Liza naman ay bumalik na sa Japan. Hindi na nito hinintay ang kanilang kasal. Malungkot man si Heaven dahil hindi ito makakadalo and best friend, wala siyang magagawa.... kailangan ni Liza ang pamilya sa tabi lalo na sa ganitong sitwasyon. Sabihin mang tapos na ang kaso, ang trauma na iniwan kay Liza at sa iba pang kababaihan ay hindi biro. Nakakaawa pero nagpapasalamat na din kahit papaano ay nakatulong sila dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay malaya pa ring nambibiktima si Doc Rodrigo."Ngayon, malinis na ang konsensya ko dahil nakahingi na ako ng tawad kay Doc Liza at pinatawad niya ako… I can conf
"Dito muna kayo. Heaven, alagaan mo si Liza. Pupunta kami ni Theo sa ospital para makipag-ugnayan at alamin kung sinu-sino pa ang mga biktima ni Doc Rodrigo, para madagdag sa kaso niya." Tumango si Heaven."Mag-iingat kayo, love," sambit niya kay Isla, sabay hawak sa kamay nito. "Ihahatid muna kita sa inyo?""No… dito lang ako. Sasamahan ko si Heaven na bantayan si Liza.""S-sure ka?" tanong niyang may pag-aalinlangan."Yes, love… don’t worry about me.""Oo nga, Earth. Dito lang si Isla para makapag-bonding naman kami," sabat ni Liza na nakangitin pero halatang may pinagdadaanan."Sige, basta kapag may kailangan ka, tumawag ka lang ha.""Hihihi… okay."Humalik sya sa pisngi ng nobya umalis na sila ni Theo.Pagdating nila sa ospital, sinalubong sila ng head nurse na halatang nag-aalala."Sir Earth, Sir Theo… mabuti at dumating kayo. Nakausap na namin ang ilan sa mga dating staff. May iba pang biktima si Doc Rodrigo, pero karamihan sa kanila natatakot magsalita."Napakuyom siya ng kamao
Maya-maya ay may katok silang narinig sa kanyang pinto."Come in!" sigaw niya. Si Theo ang pumasok."Bro, gising na si Liza. Hinahanap ka niya."Nagkatinginan sila ni Isla. "Susunod na ako, bro," sambit niya kay Theo.Tumayo siya sa kama at hinawakan ang kamay ni Isla. Magkasabay silang lumabas ng kwarto at pumunta kay Liza."Earth! Huhuhu…" agad na iyak ni Liza nang makita siya. Lumapit siya sa kama at sa pagkagulat niya ay niyakap siya nito nang mahigpit. Nandoon din si Heaven na umaalo sa bestfriend nito."Salamat at nailigtas niyo ako sa baliw na lalaking yun. Ang akala ko ay katapusan ko na kanina." humahagolhol na sabi ni Liza."Wag mo nang isipin yun, Liza. Tapos na ang lahat. Ligtas ka at nakalulong na si Doc Rodrigo.""Ayaw ko nang bumalik sa bahay, natatakot ako… huhuhuh…"Nagkatinginan sila ni Heaven."Sige, dito ka muna pansamantala, bestfriend, para mapanatag ka. Alam ko ang trauma na nararanasan mo ngayon. Makikipag-ugnayan na din ako sa ospital at sasabihin ko ang ginaw
"Wag mo na isipin 'yan, Doc Liza. Andito na kami ni Theo, 'di ka namin pababayaan... Ang mabuti pa, doon ka muna sa amin para mapanatag ka."Tumawag ng pulis si Theo para i-turn over si Doc Rodrigo. Pagkatapos ng imbestigasyon sa police station, bumalik na sila sa Manila, dala si Liza. Si Theo ang nagda-drive, sinamahan niya sa likod si Doc Liza. Buong biyahe lang itong nakayakap sa kanya.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Heaven."Hello, Earth. Kamusta si Liza? Is she okay?""Uuwi na kami d'yan. Kasama siya namin. Mabuti na lang at napaaga ang pagpunta namin ni Theo, naagapan namin ang masamang balak ni Doc Rodrigo sa kanya.""S-si Doc Rodrigo?""Oo, ang kasamahan n'yo. Siya pala ang nangha-harass kay Doc Liza.""She’s okay now. Nakatulog siya sa bisig ko. Pauwi na kami.""Okay, mag-iingat kayo," nag-aalalang sabi ni Heaven saka pinatay na ang telepono."Hindi ko lubos maisip, Earth, na kung na-late tayo ng konti, ay baka kung ano na nga ang nangyari kay Doc Liza.""Yeah, nai