Share

Chapter 12

Warning; SPG alert.

NAKATULONG kay Earl ang masaheng ginawa ni Kaye. Nang oras na iyon ay maayos na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa higaan. Bilin sa kanya ay huwag munang maliligo pero iyon ang isang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman.

"Hayst!" Bumangon siya't nagtungo sa pinto. Sumilip lang siya sa labas at muling lumapit sa higaan. "What I'm gonna do?" Padapa siyang nahiga. Makaraan ang ilang minuto ay tumihaya na siya. Itinutok ang mata sa kesame.

Nanumbalik ang sandali nang una niyang nakilala si Kaye. Nakita niya ang picture nito na ipinakita ng lalaking nakausap niya sa bahay-aliwan, doon pa lang ay tila tinamaan na siya rito. Kahit may tama siya ng alak nang gabing iyon ay alam niya, ramdam niya na humanga na siya rito. Kahit labag sa kalooban, pilit niya itong inangkin at ginawa ang lahat para siya lamang ang tanging lalaking gumalaw dito. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari ng bahay-aliwan para rito, na tanging siya lamang ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status