Share

Chapter 13

PATIHAYA, naka-upo, nakatagilid at kung minsa'y tutuwad, iba't iba ang posisyon ni Kaye habang kausap si Earl sa telepono. Nasa kabilang silid lang ito pero tumawag pa at habang kausap niya ito'y kilig na kilig siya sa mga pa-sweet nitong salita. Sweet message pa lang nito'y parang mamatay na siya sa sobrang kilig. Sa silid nito siya pinapatulog ngunit tumanggi siya, bagama't pumayag ito'y ramdam niya ang labis na pagkadismaya nito. Gusto niya itong makasama't makapiling, sa bawat oras, minuto na dumaraan ngunit may bahagi ng kaniyang pagkatao ang pumipigil. Hindi niya alam kung bakit at ang kung ano ang dahilan.

"Sweetheart," paulit-ulit ang salitang iyon sa isipan ni Kaye. Katatapos lang nilang mag-usap, ang cellphone niya'y nasa kaniyang dibdib at ang mata niya'y nakatutok sa puting kesame. Nakapaskil din ang matamis na ngiti sa labi niya. Sweetheart, iyon ang tawag sa kanya ni Earl, ang katagang halos magpa-ihi sa kaniya dala ng kilig na nararamdaman. Nanunuot iyon sa kaibuturan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status