"KAYE, kumusta ang costumer mo? Masarap ba ang first time?"
Napatawa ang karamihan sa narinig mula kay Rose. Napahinto siya't pinukol ito ng masamang tingin.
"Ops, sorry!"
Hindi niya natiis ang galit na umusbong sa kanyang dibdib, sinugod niya si Rose, "Hindi ka nakakatuwa. Hindi ka nakakatulong. Kung okay sa inyo dahil kumikita kayo ng malaking pera, ako hindi!"
Inawat siya ng mga kasama ngunit bago siya tuloyang naawat, nakalmot niya ang braso ni Rose.
"Aray! Buwisit ka! Sinira mo ang katawan ko." Akmang ito naman ang susugod.
"Tama na. Tama na iyan!" Pumagitna si Olga. "Hindi ito ang tamang panahon para mag-away-away tayo. Ikaw, Rose, n'ong una ka ba rito, may nagtanong ba sa iyo ng marasap ba ang first time mo? Hindi ba't wala?"
Sa halip na lumambot si Rose ay nagalit pa ito. Lalo na't siya ang kinampihan nang ilan, idagdag pa ang tama ng kuko sa braso nito.
Lalong nadagdagan ang galit sa dibdib niya. Tumakbo siya sa cr at doon inilabas ang hinanakit. Umiyak siya nang umiyak habang yakap ang tuhod.
Kahit hindi nakuha nang tuloyan ang pagkababae ni Kaye ay masakit pa rin ang katawan niya kinabukasan. Nanatili siyang nakahiga kahit pa nga tinatawag ng iba para mag-almusal. Matalim din ang mata niya't kuyom ang kamao. Samo't samo sari ang nasa isipan niya na nakakadagdag ng galit at poot sa dibdib niya. Hindi pala dapat siya nagtiwala sa kahit sino, kahit pa nga kaibigan.
"Buwisit! Paano kung makita ito ng magiging costumer ko? Paano kung mandiri sila at tanggihan na ako?"
Sinulyapan ng mata niya si Rose. Nagrereklamo ito sa natamong kalmot sa braso.
"Nakakainis! Kasalanan ito ng isang tao riyan eh! Kapag lang talaga tinanggihan ako ng costumer ko ngayon, pipilipitin ko ang braso niyan." Galit itong nakatingin sa gawi niya.
"May kasalanan ka rin naman, Rose. At tama si Olga," lumapit dito si Pinky. "Iba kasi ang dating nang sinabi mo kagabi kay Kaye. Medyo masakit sa tainga."
Pina-ikot ni Rose ang mata, "Masakit kasi sabi niya ay hinding-hindi siya ay magiging katulad natin pero iyon naman pala ay hanggang sa salita lamang." Pinukol nito ng masamang tingin si Kaye.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Kaye. May punto nga rin naman si Rose. Nagbanggit siya nang ganoong salita pero matutulad din pala siya sa mga kasamahan niya. Nang oras na hinahalikan siya ng lalaki, wala siyang nagawa. Hindi niya naipagtanggol ang sarili. Hindi niya naprotektahan ang kanyang iniingatang pagkababae. Nawalan ng saysay ang pagdarasal niya at maging ang kaliit-liitang pag-asa na makatakas sa madilim na lugar ay naglaho nang iwan siya ng lalaking akala niya ay may mabuting kalooban. Pero, bakit pa nga ba siya umasa na tutulongan siya nito? Hindi man tuloyan nito tuloyang nakuha ang pagkababae niya, naramdaman pa rin niya ang sakit at magpahanggang ngayon ay nandoon pa rin ang sakit.
Maghapon siyang tulala't nakahiga lamang. Walang gana at walang lakas ng loob. Kahit nakakaramdam ng pagkalam ng sikmura ay hindi niya binigyang pansin. Hanggang sa sumapit na naman ang gabi. Nanatili pa rin siyang nakahiga kahit ang mga kasamahan niya'y nag-aayos na ng kanya-kanyang sarili. Sa isang sulok ng kanyang mata, pansin pa rin niyang matalim ang titig ni Rose. Napahinga siya ng malalim. Wala na nga bang paraan na makaalis siya sa lugar na iyon? Muli siyang huminga ng malalim. Paano na lamang ang kinabukasan niya? Hanggang dito na lang ba siya? Tuloyan nang nalaglag ang luhang pinipigil niya. Wala na siyang dangal na maipagmamalaki sa iba. Wala na ang puring iningatan niya nang ilang taon. Ang puring ipinangakong ibibigay sa lalaking makakasama niya habangbuhay. At ang isa pang tanong sa isipan niya, matanggap kaya siya ng lalaking makakasama niya habangbuhay?
Naramdaman niya ang paglapit ng sinuman. Ipinatong nito ang palad sa braso niya. "Kaye, okay ka lang ba?" Si Olga pala.
Dahan-dahan siyang bumangon at umupo. Pilit siyang ngumiti rito bilang tugon.
"Ganiyan din ang naramdaman namin n'ong una pero nasanay na rin kami."
Nagbitiw siya ng malalim na hangin, "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kahit naman umayaw ako e wala na rin akong magagawa dahil tulad niyo, naibenta na rin ako. Ang hindi ko pa matanggap ay ang ginawa ni Ate Menchi, pinagkatiwalaan ko siya at ng aking magulang, pero ano ang ginawa niya? Inilubog niya ako putik."
"Masasanay din ang katawan mo," singit ni Pinky na nagsusuot ng short.
Hindi na siya nagsalita pa ngunit ang naghuhumiyaw ang isipan niya. Hindi siya mananatili roon habangbuhay. Gagawa pa rin siya ng paraan para makaalis at pagbabayarin niya ang taong naglagay sa kanya sa ganoong buhay.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at muli ay nagtawag ng pangalan si Salvacion. Isa-isa nang tinawag ang mga naroon at una ay si Olga na nagdaang gabi ay wala itong costumer. Inaasahan na niyang tawagin siya. Hindi nga nagkamali ang hinala niya. Nauna siyang tawagin kay Rose at bago siya tuloyang lumabas ng silid ay nakarinig pa siya ng maanghang na salita mula rito.
"Paayaw-ayaw pa, gusto rin naman. Pwee!"
Hindi na lamang niya ito pinatulan para wala nang gulo at para hindi madagdagan ang galit ni Rose sa kanya. Sumunod na siya sa matanda at tulad nang nagdaang gabi, may kadiliman ang silid na pinasukan niya. Bahagyang umusad ang paa niya patungo sa kama't umupo sa gilid niyon.
Lumangitngit ang kabilang pinto, hudyat na may papasok. Nagsimula na namang kumabog ang dibdib niya. Pabilis na pabilis. Lalo na nang marinig niya ang yabag. Ayaw niyang lumingon dahil natatakot siya. Natatakot sa maaaring mangyari. Kanina lamang ay nagpaplano siya kung paano makakatakas at isa lamang ang pumasok sa isipan--dumaan sa pintong papasukan ng magiging costumer niya. Ang gagawin lamang niya ay unahan ang costumer ngunit ngayon ay hindi niya magawa. Nangangatog ang mga tuhod niya at tila ba'y walang lakas na maglakad patungo sa pinto. Naramdaman niya ang pag-upo rin ito. Hindi pa rin siya kumikilos, nakikiramdam lang sa susunod na gagawin ng lalaki.
Lumapit na nang tuloyan ito sa kanya at walang pasubaling h******n siya nito. Maingat siyang inihiga, hindi tulad ng lalaki nang nagdaang gabi na kinuha siya sa dahas, marahil ay dala ng kalasingan. Ang balak sana niya ay tatakbuhan ang lalaki ngunit nang h****n siya nito'y hindi na nagawa. Unti-unti na siya nitong hinubaran at kahit gusto niyang manlaban ay ayaw sumunod ng katawan niya. Tuloy sa pagpapaligaya ang lalaki. Siya nama'y lalo nang nawalan ng lakas na lumaban. Nagpa-ubaya na lamang siya rito.
Blanko ang isipan niya. Wala na siyang maramdaman na kahit ano. Hindi rin niya alam na natapos na pala sa pagpapasarap ang lalaking ngayon ay nasa tabi na niya.
"H-hi!"
Hindi siya tumugon, sa halip ay iinot-inot na tumayo at inapuhap ang nagkalat na damit.
"Wait!" Hinawakan nito ang braso niya.
"Bitiwan mo ako!"
"I'm sorry."
Napansin ni Kaye na magkapareho ang boses ng lalaking umangkin sa kanya nang nagdaang gabi at ngayon. Hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil sa may kadiliman ang silid na iyon. Marahil ay sinadya iyon ng may-ari na sa tuwing papasok ang costumer ay madilim ang silid at pabor din naman iyon sa kanya.
"Ikaw din ang lalaki kagabi, hindi ba?"
"Yes. I am. And," binitiwan na nito ang braso niya. Kinuha ang mga damit at habang nagsusuot ay nagpapaliwanag ito sa kanya.
Napanganga siya sa sinabi nito. "Bakit?'
"I don't know. For now, safe ka na sa ibang papasok dito. Walang ibang gagalaw sa iyo kundi ako lamang."
Kunot ang noo ni Kaye at nasa mukha ang labis na pagtataka. Matapos nilang mag-usap ng lalaki ay umalis na rin agad ito, siya nama'y lumabas na rin. Pagkapasok sa tinutuloyang silid ay agad siyang naupo sa gilid ng kama at tulad nang nagdaang gabi, binigyan siyang muli ng lalaki ng pera. Sinulyapan niya ang nasa palad. Sa tingin niya ay lima na tig-iisang libo iyon. At bago pa niya iyon mailagay sa kanyang bag ay bumukas muli ang pinto. Pumasok ang lalaking nag-interview sa kanya.
"Kaye, sumama ka sa akin."
Kinabahan siya bigla magkagayunpaman ay sumama na rin siya. Ilang pinto ang kanilang nilampasan bago narating ang pakay. Naghihintay doon ang may-ari ng agency at isa pang lalaki. Lalo siyang kinabahan. Halos mabingi siya sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Nagsisimula ring pagpawisan siya lalo nang mapansin ang hawak na baril ng lalaki. Papatayin ba siya ng mga ito? Baka ay may nagsumbong na kasamahan niya sa sinasabi niyang pagtakas.
"Puwede mo nang makausap ang iyong pamilya," ini-abot ng may-ari ang cellphone.
Napalunok siya ng laway. Mali pala ang nasa isipan niya. May panginginig ang kamay ng damputin niya ang cellphone. Napasulyap siya sa may-ari.
"Wala pong cellphone sa amin," nasambit niya.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. "Sir, sabihin mo na lang sa kanya.""Okay," tumingin ito sa kanya. "Nagpunta rito si Mercy, ma.."
"Si Mercy?" Umakyat bigla sa ulo ang dugo niya. Ang kaninang naramdamang takot ay napalitan ng galit. "Ang hayop na babaeng 'yon! At kayo," pinagduduro niya ang tatlong lalaking nasa harapan niya. "Mga hayop kayo! Mga sinungaling kayo! Kasambahay ang pinasukan ko tapos ang babagsakan ko pala ay prostitute. Nasaan ang konsensiya ninyo?"
"Nasa hospital ang tatay mo."
Nalaglag ang panga at biglang humupa ang galit na nararamdaman niya. Bigla-bigla rin siyang nanlamig at unti-unti ay nawawalan ng lakas.
NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p
NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is