Share

Chapter 3

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2022-04-27 12:43:17

HINDI halos dalawin ng antok si Kaye. Maaaring nakaligtas siya sa gabing iyon, ngunit paano ang susunod na mga gabi? Magiging isang basahan na rin siya. Isang babaing bayaran tulad ng iba niyang kasama. Kahit yata manalangin siya sa lahat ng Santo ay walang mangyayari. Ang tanging paraan upang maligtas siya ay ang makatakas. Ngunit paano? Paano siya makakatakas? Papaano niya matatakasan ang putik na kinasadlakan? 

"Inay, Itay..." sambit niya. 

"Matulog ka na, Kaye. Walang makakarinig sa iyo rito kahit pa ang Diyos." Mababakas sa tinig ni Rose ang galit. Nadama niya ang hirap na tiniis nito mabigyan lamang ng sapat na salapi ang pamilya. 

Tulad niya, si Rose lamang ang inaasahan ng pamilya nito. May dalawa itong kapatid ngunit mga bata pa. Ang ama ay baldado na dahil sa naganap na trahedya tatlong taon na ang lumipas. Ang ina nito'y nagtitinda lamang ng kakanin. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayang napapikit na rin siya ng mga mata kahit ayaw niyang matulog. Ayaw man niyang sumapit ang bukas pero hindi niya kayang pigilan iyon. 

Kinabukasan. Kumakabog ang dibdib niya sa bawat oras na dumaraan lalo na nang sumapit ang ika-pito ng gabi. Kaniya-kaniya na namang bihis ang mga babaeng kasama niya. Tulad nang nagdaang gabi, halos lumabas na ang kaluluwa ng mga ito sa suot, maging si Rose. Siya nama'y isang kupasing jogging pants at t-shirt ang isinuot. Tumunog ang orasan, hudyat na ika-walo na ng gabi. Hindi na siya halos humihinga. Nanlalamig ang palad at buo niyang katawan. 

Bawat minuto, bawat segundo na lumilipas lalong nadaragdagan ang kaba sa dibdib niya. Daig pa niya ang isasalang sa silya-elektrika. Alas-nuwebe impunto, bumukaa ang pinto. Pakiwari niya'y tumigil sa pag-inog ang mundo. Ngunit, panandalian siyang nakahinga nang hindi pangalan niya ang tinawag. 

"Rose."

Sumunod agad ang nakangiting si Rose. Ilang minuto pa ang lumipas, bumukas muli ang pinto. Tinawag ang pangalan ng tatlong babae, kabilang ang babaeng naratnan niya roon na umiiyak. Nakita niya ang mariing pagtanggi ng dalaga ngunit wala rin itong nagawa nang kaladkarin ng dalawang lalaki, ito 'yong mga lalaking nakita niya sa agency. Muli pang tinawag ang ibang babae hanggang sa maging dalawa na lamang sila.

Ika-sampu ng gabi, muling bumukas ang pinto at halos panawan siya ng ulirat nang siya ang tawagin. 

"Kaye."

"Hindi! Ayaw ko!" Tanggi niya na sinabayan pa ng iling. 

Pumalag siya nang hilahin siya ng dalawang lalaki. Sapilitan siyang isinama ng mga ito at ipinasok sa isang madilim na silid. Mabango man ang amoy niyon ngunit hindi niya alintana iyon, mas nanunuot sa katawan niya ang takot na nagdudulot ng panlalamig, idagdag pa ang hangin na nagmumula sa aircon. 

"Huwag! Maawa kayo! Buksan ninyo ang pinto!' Kinalampag niya nang kinalampag ang nakapinid na pinto ngunit napagod na lamang ay nanatiling pa ring nakasara iyon. "Diyos ko, bakit?" naitanong na lamang niya sa sarili. 

Tahimik siyang tumatangis hanggang sa napalingon siya nang may marinig mula sa likuran. Bumukas ang isa pang pinto at mula sa malamlam na liwanag na nagmula sa labas ng pinto ay tanaw niya ang pagpasok ng isang lalaki. Isinarado nito ang pinto. Sa tantiya niya'y may taas itong limang talampakan at siyam na pulgada at tama lang ang pangangatawan. Hindi niya masyadong maaninag ang hitsura nito dahil sa may kadilimang ang silid na iyon. 

Abot-abot ang hininga niya habang papalapit ito sa kanya. Napaatras siya ngunit lalo lamang siyang nakadama ng takot nang mapadikit ang likod sa nakapinid na pinto. 

"H-huwag!" Wala siyang narinig na anumang salita mula sa lalaking patuloy na lumalapit."Lord, tulungan Mo po ako.” Taimtim niyang panalangin kasabay ang muling pagdaloy ng luha sa pisngi niya. 

Hindi pinakinggan ang kaniyang dalangin. Naramdaman niya ang marahas na paghila ng lalaki sa braso niya at pasalyang inilapag sa higaan.

Mabilis siyang kumilos. Paupo siyang umatras. "Huwag po! Maawa po kayo!" pagmamakaawa niya rito.

Wala na naman siyang narinig na tugon mula rito. Sa halip, sinunggaban siya at inapuhap ang kanyang labi. Wala siyang magawa. Hindi niya nagawang manlaban lalo na't mahigpit nitong kapit ang dalawa niyang kamay.

Litong-lito na ang isip niya, idagdag pa ang hininga nitong amoy alak. Sadya yatang wala na siyang ligtas. S******p nito ang leeg niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang sarili. Bakit parang gusto niyang umungol?

Gumapang ang isa nitong palad sa dibdib niya, nagdulot iyon ng milyong kiliti. Hindi niya napigil ang mapaliyad. Hindi man niya aminin ngunit kakaiba ang dulot niyon sa kaniya. Hindi rin niya alam kung paano natanggal sa pagkaka-hook ang suot niyang bra. Naramdaman niya ang palad nito sa kanyang dibdibn.

“Shit!” anas ng isipan niya. Nawala na siya sa katinuan. Ang kanina lamang pagtanggi ay naglaho na parang bula dahil sa ginagawa nito sa kaniya— nalalasing din siya. 

Sa sobrang abala ng isipan niya'y wala na pala siyang anumang saplot sa katawan. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang paglapat ng h***d na katawan nito sa katawan niya. Muli ay sinakop nito ang labi niya. Bumaba ang labi nito sa leeg niya at tulad kanina, kinagat niya ang pang-ibabang labi upang walang kumawala roon. Muling bumaba ang labi nito sa dibdib niya. Nilaro-laro ng dila nito ang kaniyang nipples at sa 'di malamang dahilan ay nasabunutan niya ang lalaki. Kahit tumatanggi ang isipan niya'y ayaw namang makisama ng katawan niya. Hindi niya maipaliwanag ang kiliting dulot ng ginagawa ng lalaki sa kaniya. Paulit-ulit nitong s******p ang tuktok ng dibdib niya na lalong nagpatuliro sa isipan niya.

Naramdaman niya ang paghaplos ng isang palad nito sa kaniyang puson. Bumaba pang muli ang palad nito sa kaniyang maselang bahagi ng katawan. Nilaro-laro nito ang clitoris niya. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok nito at halos lumubog na rin ang ngipin niya sa kaniyang labi dahil sa sobrang diin ng kagat niya. Umangat ang mukha nito habang patuloy ang paglalaro ng daliri sa maselan niyang katawan. 

"You're so wet, baby." 

Halos manuot ang boses nito sa kailaliman ng kaniyang katawan. Abot-abot na ang kaniyang hininga at tila ba'y hinahalukay ang kaniyang kalamnan sa ginagawa nito sa maselang parte ng kaniyang katawan. Tuluyan na siyang bumigay. 

"Ohhh..." Umalpas sa bibig niya ang isang mahabang ungol. May naramdaman siyang tila pilit na kumakawala sa kaniyang pagkababae at hindi siya mangmang para hindi malaman kung ano ang tawag doon. Nang malapit na siya sa sukdula'y inihinto nito ang ginagawa. Doon niya namalayang wala na rin itong anumang saplot sa katawan. 

Naramdaman niya ang bahagyang pagkiskis ng p*********i nito sa maselan niyang katawan. Bumalik siya sa reyalidad na sitwasyon. Inipon niya ang lakas at balak sanang itulak ang lalaki, subalit, hindi pa man tuluyang nakakalapit ang palad niya sa dibdib nito'y agad na nitong ipinasok ang p*********i nito sa kaniyang pagkababae. Napaigik siya. Tuluyan na niyang inilapit ang dalawang palad dito at sa pagkakataong iyon ay hindi para itulak, kundi para kumuha ng lakas. Napaluha na siya sa sakit. Hindi pa man buong nakakapasok iyon sa kaniyang pagkababae, pakiramdam niya'y nawasak na ang buo niyang pagkababae.

Napahinto ang lalaki at napaatras. Wari ba'y nahimasmasan. "You're still—" Hindi nito naituloy ang iba pang sasabihin. Mabilis itong lumayo sa kanya, inapuhap ang mga damit at nagdudumaling isinuot. 

Sa kabila ng pagluha at pagkamuhi niya'y naroon ang pagtataka. Nais man niyang magtanong ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. 

"I-I'm s-sorry. I really don't know."

Lalo siyang nagtaka. Pinahid niya ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Lahat ba ng mga lalaking pumapasok doon ang pananaw sa babaing tulad niya ay hindi na birhen? 

"I thought that you are—"

"Akala mo na marumi akong babae, ganoon ba?" Wala na siyang pakialam kung hindi siya nito maunawaan dahil tagalog ang isinagot niya.

Nakadama siyang muli ng galit at nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. "Marumi na ako ngayon dahil sa mga hayop na taong akala ko ay may mabubuting kalooban." Nagsimulang maglandas ang luha sa magkabila niyang pisngi. 

"What do you mean?" Umupo ito sa gilid ng kama. 

Pinag-isipan muna niya kung sasabihin ba sa estrangherong lalaki ang gusot na kinasasadlakan. Nakita niyang gumalaw ang braso ng lalaki, inabot nito ang kumot sa kaniya. Lalo siyang napaluha. Ibinalabal niya ang kumot habang isinasalaysay ang putik na kinasasadlakan. Wala na siyang pakialam kung maniwala o hindi ang kausap. Magbabaka-sakali lang siya na may maitulong ito sa kanya.

"Lahat kami, kasambahay ang pinasukan pero ganitong uri pala ng trabaho ang babagsakan. Ang iba sa amin ay tinanggap na lamang dahil sabi nila ay malaki ang kita rito. Pero ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pagparausan ng kung sinu-sinong lalaki. Nanaisin ko pang bumalik na lamang sa amin." Muli siyang napaluha. Kahit papaano ay may napagsabihan na siya at nagbabaka-sakaling matulungan siya nito. 

Napahinga nang malalim ang lalaki. "I'm really, really sorry. Napilitan lang ako na pumasok dito. I mean..." Hindi nito maituloy-tuloy ang gustong sabihin. Sa huli’y napabuntonghininga na lang ito ulit.

Pinahid niya ang luha sa magkabilang pisngi. "Okay lang po, Sir. Sigurado ako na hindi man kayo pumasok dito, may aangkin pa rin sa akin na ibang lalaki."

Sandaling namayani ang katahimikan, mayamaya lang ay may narinig siyang tunog. Dinukot ng lalaki mula sa bulsa ang cellphone. Nakipag-usap ito sandali. "I have to go. May appointment nga pala ako. And again, I'm sorry." 

Nakita niyang may dinukot muli ito sa bulsa. Isang wallet. Kumuha ng pera at iniabot iyon sa kanya. 

"Take this." Isinuksok nito ang pera sa kanyang palad. 

Ang kaninang namumuong pag-asa, ngayon ay unti-unting naglalaho. Wala rin pala itong pinagkaiba sa mga lalaking customer ng mga kasama niya. Naikuyom niya ang kamay na may pera. Tuluyan nang umalis ang lalaki at muli ay nabuhay ang galit sa dibdib niya. Naiwan siyang nagngangalit ang mga ngipin. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • If It's Wrong To Love You   Finale

    NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 29

    NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 28

    "ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 27

    "PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 26

    NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 25

    MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 24

    ILANG araw ang inilagi ni Earl sa hospital at sa bawat araw na naroon siya ay hindi nakaliligtaang dumalaw ni Kaye. Labis ang kaligayahan niya sa tuwing dumadalaw ito. Sabik na sabik na rin siyang masilayan ang sanggol na bunga ng kanilang pagmamahalan. Maya't maya niya iyong kinakausap. Hindi rin umalis sa tabi niya si Jacob. Pero nang araw na ma-discharge siya ay parang ayaw na niyang pumayag. Mas gusto na niyang mamalagi sa pagamutan, dahil tiyak na ibabalik siya ni Jacob sa Manila at matatagalan pa ang pagkikita nila ni Kaye. Muntik na siyang batukan ng kaibigan nang sabihin niya iyon dito. "May sayad ka na nga talaga!" naiiling na lang nitong turan. "Sige na, sweetheart. Magkikita pa naman tayo at hindi ba, usapan natin na aayusin mo ang problema mo sa Manila." "Isang araw na lang, please!""Naku, pare, hindi na raw puwede sabi ng doktor. Marami pa ang nakapilang pasyente.""Sabihin mong uukopahin ko ang silid na ito. Kahit magbayad ako ng isang milyon.""Huwag ka nang tumawa

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 23

    NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye

  • If It's Wrong To Love You   Chapter 22

    NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status