“Mahal na prinsesa, gising na!” Ilang beses na niyugyog ni Jessica ang kaniyang balikat subalit ayaw pa niyang imulat ang mga mata. Hinila niya pataas ang kumot upang takpan ang kaniyang mukha. “Gusto mo bang si Tisoy ang gumising sa ‘yo?”
Bumalikwas siya ng bangon nang banggitin nito si Erhart. Tinulugan siya nito nang nagdaang gabi at pagkatapos noon ay mag-isa siyang nanood. Pagkatapos…
“Huwag kang tumulala riyan!”“Paano ako nakarating dito?” takang tanong niya. Mahimbing ang tulog ng binata habang nakasandal ito sa kaniyang balikat. Nahiya siyang gisingin ito kaya pinabayaan niya na lang itong matulog at pagktapos noon… Nakatulog din ba siya?Nagkibit-balikat ito sabay ngiti. “Ready na ang breakfast. Bumaba ka na.” Tinalikuran siya nito at pakendeng-kendeng na naglakad.Niligpit niya ang pinaghigaan habang pilit na ina-analyse kung paano siyang nakarating sa kama. Hindi kaya… “Hindi ka niya binuhat! Huwag kang assuming!” kausap niya sa sarili.Nang matapos siyang magligpit ay pinusod niya ang buhok na walang suklay. Kinapa niya ang sulok ng mga mata upang matiyak na walang mutang nagkalat sa kaniyang mukha. Sa ganoong tagpo siya naabutan ni Erhart.“Good morning!” masiglang bati nito.Namilog ang kaniyang mga mata. “Bakit ka nandito?” Pag-akyat sa taas ng bahay ay ‘yon na mismo ang kanilang kuwarto. Open ‘yon kaya walang pinto at makikita agad ang kama at ibang mga gamit nila. “Umalis ka nga!”“Bumaba na tayo.” Humakbang ito palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya pababa ng hagdanan.
“Sino ka ba sa akala mo?” bulyaw niya. Napakaaga nitong mambulabog. “Hindi por que pumayag ako na pumasok ka sa bahay namin ay basta-basta ka na lang papanhik sa taas.”“Ang ingay mo.”Aba, ito pa talaga ang may ganang magreklamo? Piniga niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Maingay pala, ha? Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. Pinagtaaasan niya nito ng kilay pero nginitian lang siya nito.“Don’t worry, hindi mo na kailangang higpitan ang hawak sa akin dahil hindi naman ako mawawala sa ‘yo.”Umawang ang kaniyang bibig dahil sa winika nito subalit walang namutawing salita mula roon.“Itikom mo ‘yang bibig mo. Umaalingasaw ang hindi kaaya-ayang amoy at may panis na laway pa sa sulok ng labi mo.”What the hell? Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Ang plano niyang inisin ito ay nag-backfire sa kaniya. Asar na asar na siya! Lalo niyang diniinan ang pagpiga sa kamay nito at sinipa niya ang alak-alakan ng binata. Nabigla ito sa kaniyang ginawa kaya pinakawalan nito ang kaniyang kamay. Muntik pa itong matumba pero gad din itong nakabalanse. Dali-dali siyang naglakad palayo rito at tinungo ang lababo upang magmumog.Nilagpasan niya si Jessica at Harry na nakapuwesto na sa hapag-kainan. Sumunod naman si Erhart at umupo. “Sorry, binibiro lang naman kita,” anito pero hindi niya pinansin.“Ang sweet-sweet n’yo kagabi ‘tapos ngayon nagbabangayan na kayo,” komento ni Jessica.Padabog niyang hinila ang upuan at pabagsak na umupo. Wala siyang alam sa tinutukoy nito kaya lalo siyang nainis. “Hindi ako na-inform na may salo-salo pala rito.” Naiimbyerna talaga siya. Napapadalas na yata ang pagkain nila nang sabay-sabay. Hindi siya natutuwa sa bagay na ‘yon dahil ayaw niyang mapalapit sa mga ito.“Tinulungan ako ni Tisoy na mag-prepare ng breakfast kaya kumain ka na lang at huwag nang magreklamo.”Ano pa nga ba ang magagawa niya? Grasya ‘yon na hindi puwedeng tanggihan kaya kumain na lang siya. Sa awa ng Diyos ay tahimik naman ang lahat pero napansin niyang panay ang sulyap sa kaniya ni Jessica at pangiti-ngiti pa ito, gayon din si Erhart. Si Harry naman ay nakatutok lang ang atensyon sa pagkain.Hindi na siya nakatiis. Tinanong niya ang kaibigan pagkatapos nilang kumain. “Bakit hindi mapuknat-puknat ‘yang ngiti sa labi mo?”“Hindi ko alam na clingy ka pala,” nanunudyo ang tinig nito.Clingy? Siya? Paano? “What do you mean?”“Jess, mayroon ka bang alam na mabibilhan ng mumurahing kitchenware at furniture?” sabat ni Erhart. “Nahihiya na kasi ako kay Aling Nena dahil pansamantala niya kaming pinahiram ng gamit sa kusina. Gusto ko sanang bumili ng sariling gamit.”
“Si Sarah ang expert sa ganyang bagay,” tugon nito sa binata at binalewala ang tanong niya. “Samahan mo si Tisoy sa binibilhan natin ng gamit.”“Bakit ako? Ituro mo na lang kung saan ‘yon. Malaki na ‘yan, may bibig, at marunong magtanong kaya hindi na ‘yan maliligaw.”
“Hindi siya sanay sa lugar na ‘to,” singit ni Harry. “Kailangan niya ng kasama.”“Samahan mo siya.”“May importante akong pupuntahan,” wika nito at nagpaalam na.“Jess, ikaw na lang ang sumama sa kaniya.”“Gustuhin ko man pero may pasok na ako mamayang gabi. Kailangan kong magpahinga.”“Ganoon ba?” Tinakasan ng sigla ang mukha ng binata. “Next week na lang siguro ako bibili.”“Ngayon ka na bumili.” Nagkatinginan ang dalawa bago nagtatakang tumingin sa kaniya. “Nakakahiya kay Aling Nena na nanghihiram kayo ng gamit sa kaniya samantalang sumusuweldo naman kayo,” paliwanag niya.“Sasamahan mo ako?” Nagliwanag ang mukha nito.“Oo.” May sasabihin sana ito pero mabilis niyang tinakpan ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay. “Huwag ka nang magsalita dahil baka magbago pa ang isip ko.” Tumango ito kaya tinaggal niya ang kamay sa bibig nito. “Maliligo lang ako.”“Okay.”Binilisan niya ang pagligo dahil baka mainip ang binata. Ngunit sa kasamaang palad, tapos na siyang mag-ayos pero wala pa ito. “Nasaan na ‘yon?” tanong niya sa kaibigan. Nakaupo ito sa sofa.
“Nagpapapogi pa siguro,” kinikilig nitong saad. Inirapan niya ito.Sampung minuto ang lumipas nang dumungaw ito sa pintuan. Nakasuot ito ng itim na v-neck fitted shirt, itim na shorts, at itim na espadrille. Lutang na lutang ang kaputian nito sa itim na kasuotan. Mistula itong bampira na bumangon mula sa hukay subalit hindi ito nangangamoy bangkay. Nanuot sa kaniyang ilong ang minty nitong amoy na kay sarap singhot-singhutin.“Let’s go.”He grinned at her that made her heart flutter. “Bakit ngayon ka lang?” singhal niya rito. “Ayoko pa namang pinaghihintay ako.” Padabog siyang naglakad palabas ng bahay. Hindi niya nagustuhan ang kaniyang naging reaksyon nang masilayan ito. Hindi siya puwedeng magkagusto sa binata.
DINALA ni Sarah si Erhart sa isang second hand shop. Pawang imported ang produkto na ibenebenta roon sa mababang presyo at kapag natiyempuhan ay may brand new ring kagamitan. Nakabili sila ng 4-pc plate set, 8-pc spoon and fork set, pitcher and 4-pc glass set, cooking pot, at grill pan sa halagang One Thousand Five Hundred Pesos. Kung sa department store sila bumili ay baka kulang pa ang Three Thousand Pesos para sa mga ‘yon. Suwerte sila dahil may bagong dating na stocks kaya may napili silang naka-set.
“Totoo ba ‘to?” manghang tanong ng binata. “One Thousand Five Hundred Pesos lang ba talaga ang binayaran natin?”“Oo nga, ang kulit mo naman!” Pinatabi niya muna sa kahera ang kanilang pinamili dahil mamimili pa sila ng upuan. “Anong klaseng upuan ba ang gusto?” pag-iiba niya sa usapan. Naiilang siya rito. Nahuhuli niya kasi itong nakatitig sa kaniya at kapag nagtatama ang kanilang paningin ay nginingitian siya nito.“Ikaw na ang bahalang pumili. May tiwala ako sa desisyon mo.”“Bahala ka.” Gusto na niyang umuwi kaya ang unang nakaagaw ng kaniyang pansin ang pinili niya. “Iyon na lang.” Tinuro niya ang Cleopatra chair. Makinis pa ‘yon, makintab ang varnish, at gawa sa matibay na kahoy. “Dalawa lang naman kayo at maliit lang ang bahay. 2-in-1 na ‘yan, puwedeng higaan at upuan.”“Okay.”At talagang ipinaubaya na nito sa kaniya ang pagpili. Kinawayan niya ang may-ari ng tindahan. Magkakilala na sila dahil suki siya roon at marami na siyang dinalang customer doon.“Kuya Berto, magkano ‘to?” tanong niya paglapit nito.“Seven Hundred Pesos na lang ‘yan para sa ’yo, TM ganda.”“Five Hundred pesos na lang,” tawad niya.“Okay na ‘yong Seven Hundred Pesos. Babayaran ko na.” Hinugot nito ang pitaka mula sa bulsa pero pinigilan niya ito.“Pabayaan mo na ako. Diskarte ko ‘to.”“Pero—”Sinamaan niya ito ng tingin kaya nanahimik ito. Binalik niya ang atensyon sa ginoo. “Kuya, Five Hundred Pesos na lang.”
“TM ganda, may tawad na ‘yong Seven Hundred Pesos. Malulugi na ako kapag ibinigay ko sa ‘yo ‘yan sa halagang Limang-daang Piso.”“Ah…” Pinalungkot niya ang itsura. “Marami pa naman kaming binili rito. Hindi na lang siguro namin kukunin ‘yan,” tukoy niya sa upuan. “Wala na kaming pambayad ng taxi. Mahirap naman kung magje-jeep kami, baka hindi kami pasakayin dahil sa dami ng dala namin,” matamlay niyang turan.Binulungan siya ni Erhart, “Mayroon pa akong pambayad ng taxi. Kunin na natin ‘yan.”Nilingon niya ito. “Tumahimik ka nga riyan!”“May boyfriend ka na pala,” nangingiting wika ng matanda.“Ho?”“Opo,” tugon ng binata. Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Pasensya na po dahil napakakuripot ng nobya ko.”Kinurot niya ito sa tagiliran. “Anong sinasabi mo?” Hindi siya nito pinansin.“Naalala ko tuloy ang kabataan ko,” natatawang pahayag nito. “Ganyan na ganyan din kami noon ng misis ko. At malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa kakuriputan niya, nakapagpundar kami ng negosyo.”“Pero hindi ko naman—”“Kunin mo na ‘tong Cleopatra sa halagang Seven Hundred Pesos. Ihahatid ko na kayo nang libre para hindi na kayo mamasahe.”“Talaga po?” Iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari. Alam niyang sobrang baba na ng presyo ng upuan, gusto niya lang talaga makalibre ng sakay.“Oo. Malakas ka sa akin, eh. O siya, ilalagay ko na ‘to sa sasakyan. Sumunod na lang kayo sa akin sa labas.”“Opo.” Abot-tainga ang ngiti niya. “Salamat po.” Hinila niya si Erhart papunta sa counter upang magbayad. “Bhe, kukunin ko na ‘yong pinamili namin,” aniya sa anak ni Berto pagkatapos magbayad ng binata.“Sure.” Binigay nito kay Erhart ang mga gamit at sabay sabing, “Ate, ang guwapo naman ng boyfriend mo. Mayroon ba siyang kapatid na lalaki?”“Malay ko,” tugon niya at kinaladkad na ang binata palabas ng tindahan.Wala siyang pakialam kung may kapatid ito o wala. Ang mahalaga’y makaalis agad sila sa lugar na ‘yon dahil naiimbyerna siya sa hindi malamang dahilan.Pagkaalis na pagkaalis ng mag-ina ay agad na tinawagan ni Sarah si Remi. Tiyak na makakakuha siya ng impormasyon mula rito, pero bigo siya. Hindi raw nito kilala ang mga ‘yon. Halos hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari. Mabuti na lang at Christmas break na nila sa school kaya kahit papaano ay nakahabol pa siya ng tulog.Iyon nga lang, hindi siya makapag-focus sa trabaho. Mainit din ang ulo niya kaya mabilis siyang mairita. May napagalitan siyang agent kanina at maging ang kaniyang nobyo ay nasusungitan niya.“You look bothered,” puna ni Erhart habang nakatitig sa kaniyang mukha. “Is there something wrong?”Umiling siya ngunit hindi ito kumbinsido. Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kaniya. “Wala nga.”“You don’t have to deny it. Sinabi na sa akin ni Jessica,” anito sa nag-aalalang tinig. “Bakit hindi mo man lang ako ginisi
“Huwag mong ilagay riyan!” Napakamot si Sarah sa kaniyang ulo nang pilit na isiniksik ni Erhart ang ham sa fridge. Paano naman kasi magkakasya ang apat na pirasong hamon sa loob ng maliit na refrigirator lalo pa’t may iba pang nakalagay roon? Nagbigay na ng pamasko ang company nila kaya umuulan ng hamon. “Tanggalin mo muna ‘yong mga bote ng tubig at ilipat mo sa baba, bago mo ‘yan ilagay.”“E ‘di na gaanong malamig ‘yong iinumin nating tubig.”Nagpapalamig ng tubig ang nobyo gamit ang kanilang ref dahil wala naman ito no’n at doon na rin ito kumakain sa kanila. Kulang na lang ay sa kanila ito tumira. Wala naman siyang reklamo dahil nagbibigay ito ng pang budget kahit hindi naman niya hinihingi at kung minsan ay naggo-grocery din iton.“Pagtiyagaan mo muna ‘yong hindi nagyeyelong tubig. Tubig pa rin naman ‘yon at nakakapawi pa
(Hindi na nagbibigay ng pera ang nanay mo. Balita ko mayroon kang magandang trabaho. Kailangan namin ng pera.)Nangunot ang kilay ni Sarah sa text mesasage na natanggap mula sa hindi kilalang numero. Hindi ‘yon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe kaya inignora niya lang ‘yon. Baka wrong sent lang. Pero nitong mga nagdaang araw, napansin niyang madalas na siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa parehong numero na ‘yon.Buburahin na sana niya ang message nang biglang may nag-text, ‘yon din ang numero na gamit.(Pupuntahan kita kapag hindi mo ako pinadalhan ng pera.) Banta ng nag-text. Nag-text din ito kung kanino ipapadala ang pera. Ano ‘to, sinusuwerte? Napagdesisyonan ni
Erhart received a call from unknown person and warned him to stop his plan. Ang tinutukoy nitong plano ay ang patuloy na pagsuway sa kaniyang ama. Kailan lang siya naging masaya dahil kay Sarah ‘tapos heto na naman ang problema niya. Parang wala na siyang karapatang maging masaya dahil may kapalit ‘yon.Sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng ama na kumuha ng kursong Political Science. Okay naman ang unang dalawang taon niya sa kolehiyo pero ang mga sumunod na semester ay naging bangungot na para sa kaniya. Napabayaan niya ang pag-aaral dahilan upang bumagsak siya sa ibang subjects. Naka-graduate na dapat siya kung hindi siya nagloko.Hindi niya ‘yon gustong mangyari pero nagsawa na siya sa pagdidikta ng kaniyang ama kung ano ang dapat niyang gawin at hindi. Wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto nito kahit labag ‘yon sa kaniyang kalooban pero may hangganan ang lahat.Na
Marahang pinunansan ni Sarah ang mukha ni Erhart gamit ang basang bimbo. Inapoy ng lagnat ang binata nang makabalik sila sa Quezon City. Nagpresinta siyang alagaan ito kaya pumasok si Harry sa trabaho. “Sarah…” Kumurap-kurap ang mga mat ang binata bago ‘yon tuluyang dumilat. Bumangon ito pero agad ding napahiga. “Anong oras na?” nanghihinang tanong nito. “Baka ma-late ako.” Sinubukan ulit nitong bumangon subalit bigo ito. “Masakit ang katawan mo, ‘no?” “Wala ‘to,” pagkakaila nito. “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Sa pangatlong pagkakataon ay bumangon ito ngunit bumagsak ulit ang katawan nito sa higaan. “Mas malakas pa sa kalabaw, ha? E, mukhang tinamaan ka ng sakit dahil sa kalabaw.” Inalalayaan niya ito sa pagbangon. “Iniisip mo pang pumasok samantalang nahihirapan kang makatayo.” “Naalala ko kasi ‘yong sinabi mo na maaapektuhan ang buong team kapag may um-absent. Tama
Natagpuan ni Sarah si Matilda at Erhart sa labas ng bahay ni Mang Tonyo. Ilang bahay lang ang layo noon mula sa kanila. Gaya nang nagdaang araw, basang-basa sa pawis ang binata. Gayon pa man, maaliwalas pa rin ang itsura nito. Pansin niyang pawang kababaihan ang nakapila roon upang mag-igib ng tubig samantalang noon, sa ganoong oras, halos mga lalaki ang nag-iigib ng tubig. At ang ibang naroon na nakapila ay mayroon namang liny ang tubig. Napailing siya. Kakaibang karisma talaga ang taglay ng binata. “Tiya, nakahanda na ang almusal,” aniya nang lapitan ang ginang. “Lalamig na ho ang pagkain. Umuwi na tayo.” “Good morning, Sarah!” masiglang bati ng binata nang masilayan siya. Nginitian niya ito. “O siya, ‘yan na ang huling timba na pupunuin mo. Bilisan mo riyan nang makabalik na tayo sa bahay. Ayokong pinaghihintay ang grasya.” “Sige po.” Kaniya-ka