مشاركة

Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter
Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter
مؤلف: CANEDY

Kabanata 1: Ang Puting Tableta

مؤلف: CANEDY
last update تاريخ النشر: 2026-07-29 13:50:13

Biglang nagliwanag ang cellphone nang may lumabas na notification.

Karga-karga ni Arabella ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng isang lugar na maaari niyang mapagtataguan nito.

Dalawang buwan na ang lumipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon.

Buong puso niya itong pinaglaanan ng oras at pagsisikap, umaasang kapag nakita ito ni Damien Ashford sa araw ng kanyang kaarawan ay masisilayan niya ang ngiti at saya sa mukha nito.

Nais niyang bigyan ang kanyang asawa ng isang sorpresang hindi nito malilimutan.

Dahan-dahang lumuhod si Arabella at yumuko upang silipin ang ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom.

Sa pinakamalalim na bahagi sa ilalim ng kama, may napansin siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito at inilagay sa kanyang palad.

Napakaliit nito—higit na maliit kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot.

Makinis ang ibabaw nito at walang kahit anong nakasulat na maaaring magsabi kung ano iyon.

Ilang beses niya itong pinagmasdan at iniikot sa pagitan ng kanyang mga daliri, ngunit kahit anong pagsusuri niya ay hindi niya pa rin ito nakilala.

Kinuha ni Arabella ang kanyang cellphone, kinuhanan ng litrato ang maliit na kapsula, at binuksan ang AI Image Search.

Nang lumabas ang resulta, bigla siyang natigilan;

“Pambabaeng contraceptive capsule para sa panlabas na paggamit. Naglalaman ng spermicide at maaaring gamitin bilang alternatibo sa condom.”

Nanatiling nakatitig si Arabella sa mga salitang lumitaw sa kanyang screen. Para bang biglang huminto ang mundo sa kanyang paligid.

Hindi siya kailanman bumili ng ganoong uri ng gamot.

Dalawang taon na silang kasal. Ngunit sa loob ng dalawang taong iyon, ni minsan ay hindi pa nila naranasang mamuhay bilang isang tunay na mag-asawa.

Si Damien ay halos palaging abala sa trabaho o kaya naman ay nasa isang business trip. At tuwing umuuwi ito, palagi niyang nakikita ang pagod sa mukha ng kanyang asawa.

Hindi man lang siya nito nilalapitan o hinahawakan.

Mahigpit na kinuyom ni Arabella ang maliit na kapsula sa kanyang palad.

Matagal siyang napatulala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. O kung alin ang higit na mas masakit, ang bagay na kanyang natuklasan, o ang unti-unting katotohanang nagsisimula niyang maunawaan.

Biglang tumunog ang kanyang telepono, dahilan upang mapabalik siya sa kasalukuyan.

Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang nanginginig at umiiyak na boses ng kanyang tiyahin na si Tiya Rosa.

“Arabella! Bilisan mo! Pumunta ka agad sa hospital! Ang Tiyo Arthur mo, nawalan ng malay! Sabi ng doktor, agarang operasyon ang kailangan niya!”

Sa labas ng operating room ng St. Raphael Medical Center, isa sa mga ospital na pag-aari ng Ashford Group.

“Mga kamag-anak ni Mr. Arthur Echavez! Narito ba ang pamilya ni Arthur Echavez?”

Umalingawngaw ang matinis na boses ng nurse sa dulo ng hallway.

Agad na lumapit si Arabella.

“Ako po, pamangkin niya po ako.”

Lumapit ang nurse, may inabot sa kaniyang papeles.

“May pancreatic cancer siya. Alanganin na ang kanyang sitwasyon, kaya kailangan na siyang ma-operahan agad.”

Sandaling tumigil ang nurse bago muling nagsalita.

“Paki lagdaan na lang po ang consent form para sa operation.”

Para bang biglang sumakit ang ulo ni Arabella.

Bilang isang medical student, batid na batid niya ang bigat ng diagnosis na iyon.

Ang pancreatic cancer ay kilala bilang isa sa mga pinaka nakamamatay na uri ng cancer. Madalas ay wala itong malinaw na sintomas sa mga unang yugto, at karamihan sa mga pasyente ay natutuklasan lamang ito kapag malala na ang kondisyon.

Hindi niya napigilang maalala ang mga pangyayari noon. Dose anyos pa lamang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente.

Isang papeles din ang inabot sa harap niya sa araw na iyon.

Masyado pa siyang musmos noon upang maisulat nang maayos ang sarili niyang pangalan. Ang tiyuhin na lamang niya ang nag lagda para sa kanya.

Matapos nitong pumirma, mahigpit siya nitong niyapos at malumanay na sinabi,

“Arabella, huwag kang mangamba. Nandito ako, ang tiyuhin mo.”

Unti-unting napabalik sa realidad ang kaniyang isip.

Ilang beses niyang sinubukang hawakan ang ballpen sa kanyang kamay. Ngunit hindi nito mapigilan ang matinding panginginig nito. Hindi niya magawang mailapat ang kanyang pirma sa papel.

Hinanap ni Arabella ang numero ni Damien Ashford sa kaniyang cellphone bago ito agad na tinawagan. Matagal na umalingawngaw ang ring ng telepono. Maya-maya pa, saka lamang ito sinagot.

"Ano'ng kailangan mo?"

Malamig at walang anumang emosyon ang boses ni Damien, na para bang isa lamang abala ang tawag niya.

Maingay ang nasa kabilang linya. May halakhakan ng mga tao, saliw ng musika…

At maya-maya, narinig din niya ang sunod-sunod na putok ng mga paputok, na tila may engrandeng fireworks display sa di-kalayuan.

"Nasa operating room ang tiyuhin ko..." Halos manginig ang boses ni Arabella.

"Pancreatic cancer ang sabi ng doktor. Maaari ka bang pumunta? Mag-isa lang ako rito..."

"Nasa business trip ako."

Apat na salitang maikli, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.

"Kung gano'n... papapuntahin ko si Nathan."

"Wala si Kuya sa Westbridge. Siya ay—"

"Ikaw na ang bahala." Halata ang pagkainip sa boses ni Damien. "Kung gayon, ikaw na lang ang humarap diyan," saad niya na may halatang pagmamadali. "Hindi ako makaalis ngayon."

Kaagad na naputol ang tawag sa kabilang linya.

Hindi gumalaw si Arabella. Nakatayo lamang siya sa pasilyo ng ospital habang mahigpit na hawak ang kaniyang cellphone.

Sa waiting area sa di-kalayuan, may nakabukas na telebisyon na kasalukuyang nagpapalabas ng balita.

"Kasalukuyang idinaraos sa Marina Bay ang engrandeng fireworks display bilang pagdiriwang ng ika-isandaang anibersaryo ng pagkakatatag ng Singapore International Port. Patuloy na nagbibigay-liwanag sa kalangitan ang makulay na palabas…"

Unti-unting itinaas ni Arabella ang kaniyang ulo.

Sa screen ng telebisyon, nagniningning ang kalangitan ng Marina Bay sa ilalim ng makukulay na paputok.

Dumaan ang kamera sa observation deck na siksik sa mga tao bago ito biglang nag-zoom in.

Isang lalaki at isang babae ang magkatabing nakatayo sa tabi ng bakal na hawakan. Sa itaas nila, walang tigil ang pagsabog ng makukulay na paputok.

Ang lalaki ay nakasuot ng kulay abong overcoat.

Sa tabi ni Damien ay nakatayo ang isang babaeng may napakagandang tindig. Magkatabi silang nakatingala sa kalangitan habang tahimik na pinagmamasdan ang marangyang fireworks display.

Ang lalaking iyon…

Si Damien Ashford, ang kaniyang asawa.

At ang babaeng nasa tabi nito… ay si Elise Morgan. Ang unang babaeng minahal nito.

Kaya pala business trip ang sinabi nito. Pero ang totoo, sinamahan nito si Elise sa Singapore upang panoorin ang fireworks display.

Hindi man lamang kumurap si Arabella.

Nanatili siyang nakatitig sa screen, tila nanigas ang kaniyang buong katawan. Habang siya ay nag-iisang naghihintay sa labas ng operating room, balisa sa kalagayan ng kaniyang tiyuhin.

Samantalang ang kaniyang asawa ay mahigpit na yakap ang ibang babae. Sa ilalim ng nagliliwanag na mga paputok. Sa harap ng napakaraming tao. Sa harap ng buong mundo.

"Pamilya ng pasyente! Pakipirmahan na po!"

Muling lumabas ang nurse mula sa operating room.

Muli ring ibinaba ni Arabella ang kaniyang tingin sa consent form. Hindi pa rin mapigil ang panginginig ng kaniyang kamay.

Mahigpit niyang hinawakan ang kanang pulsuhan gamit ang kaliwang kamay bago niya isinulat ang huling pirma.

Bahagyang tabingi ang pagkakasulat. Ngunit mababasa pa rin ang kaniyang pangalan.

Makalipas ang tatlong araw.

Sa silid ng Head Physician.

"Sa ngayon, hindi masyadong effective ang karaniwang gamutan dito sa bansa para sa kalagayan ni Mr. Gabriel Hayes."

Sandaling nanahimik si Director Bennett bago ipinagpatuloy ang kaniyang paliwanag.

"Nitong nakaraang taon, may inalabas na bagong gamot ang Russia. Naging maganda ang resulta ng mga pag e-examine nito. Ang usapan pa nga ay maging ang pangulo nila ay sinubukan ito. Pero hindi nga lang iyon madaling nakukuha. Kailangan ng malalakas na koneksiyon."

Hindi pa man siya tuluyang natatapos magsalita ay mahigpit nang nakakuyom ang mga kamao ni Arabella.

Ngumiti nang magalang ang direktor.

"Young Madam, sa palagay ko naman ay kayang makakuha ni President Ashford ng gamot na iyon, hindi ba?"

Napakunot ng noo si Nathan na nasa kanilang tabi.

Bahagyang tumango si Arabella. "Oo... kakausapin ko siya.”

"Mabuti naman. Kapag si President Ashford na ang kumilos, siguradong walang magiging problema."

Paglabas nila ng opisina, hindi tuluyang nagsara ang p***o kaya bahagya itong bumukas muli.

"Director, ano po'ng itinawag ninyo sa kaniya?" tanong ng assistant mula sa loob ng silid.

"Hindi mo ba siya kilala? Siya ang Young Madam ng Ashford Group... asawa ni President Ashford."

"Ganoon po ba? Parang ang bata pa niya. Pero, bakit nasa simpleng ward lang ang tiyuhin niya?"

"Shh..."

Pinahina ng direktor ang kaniyang tinig.

"Problema na ng mayayamang pamilya ang iyan. Huwag ka nang maki-isyoso pa."

Natigilan si Nathan. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng kaniyang pinsan.

"Arabella... ayokong magmakaawa ka sa kaniya."

Ngumiti si Arabella, ngunit kitang-kitang pilit lamang ang ngiting iyon. "Kuya, bakit naman ako magmamakaawa? Asawa ko siya."

Napatitig na lamang si Nathan sa kaniya.

"Kuya, puntahan mo muna si Tiyo. May tatawagan lang ako."

Dumiretso si Arabella sa lobby at inilabas ang kaniyang cellphone para kausapin si Damien. Pero bago pa niya ma-dial ang numero nito, bigla siyang natigilan.

Nakatayo siya sa hallway sa ikalawang palapag, nakatingin sa entrance ng inpatient building sa ibaba.

Isang itim na Porsche ang dumating sa harap ng gusali.

Naghihintay na roon ang ilang matataas na opisyal ng ospital na pawang nakasuot ng mamahaling suit.

Agad lumapit ang isa sa kanila upang pagbuksan ng p***o ang sasakyan.

Dalawang tao ang bumaba. Isang lalaki at isang babae.

Ang lalaki ay may pambihirang tindig at kaguwapuhan, na tila isang artista sa pelikula.

Ang babae naman ay napakaganda, namumutla ito marahil sa karamdaman, kaya lalo itong kahahabagan.

Maingat na inalalayan ni Damien si Elise habang naglalakad papasok ng hospital. Hindi niya ito binitiwan kahit saglit.

Agad silang sumakay sa VIP elevator. Tumigil iyon sa palapag ng VIP ward.

Maya-maya, sumakay rin si Arabella sa kabilang elevator. Parehong palapag ang kaniyang pinindot. Isa-isang umakyat ang mga numero sa digital display.

Tahimik ang buong VIP ward.

Makapal ang karpet sa sahig kaya halos walang tunog ang bawat hakbang. May isang silid na bahagyang nakabukas ang p***o. Mula sa loob ay may maririnig na nagsasalita.

Sa maliit na bukas ng p***o, nakita ni Arabella si Damien. Busy ito sa tabi ng kama, pinagsisilbihan si Elise.

Wala na ang malamig at seryosong anyo ng isang bilyonaryong CEO.

Sa sandaling iyon, isa lamang siyang lalaking tapat na nag-aalaga sa babaeng mahal niya.

Nakasandal si Elise sa ulunan ng kama at bahagyang napangiti.

"Damien, simpleng sipon at lagnat lang naman ito. Hindi mo na kailangang mag-alala nang ganito."

"Kailan ang huli mong general check-up?" tanong ni Damien. "Tutal nandito ka na, ipapagawa na natin ang lahat na lab test sa katawan mo. Sasamahan kita."

Bahagyang yumuko si Elise.

May banayad na ngiti sa kaniyang mga labi.

Inabot ni Damien ang milk tea na nilagyan na niya ng straw.

"Kakapainit ko lang, pero hindi na ito masyadong mainit.”

May biglang sumagi sa isip ni Arabella.

Naalala niya ang isang beses na napapayag niyang isama siya ni Damien sa pamamasyal. Humingi rini siya noon ng milk tea.

Pang iinsulto lamang ang isinagot nito sa pamamagitan ng tingin.

"Anong edad mo na ba? Pang bata lang ang inumin na yon."

Sa loob ng kwarto, muling lumapit si Damien sa maliit na folding bed na kasya lamang ang isang tao.

Sinubukan niya ang lambot nito sa pamamagitan ng marahang pagpisil.

"Ito ba ang higaan ng bantay?" tanong niya paglingon niya kay Elise. "Dito na lang ako matutulog ngayong gabi."

"Huwag na..." mahina nitong sabi. "Magagalit siya."

"Hindi.” Kalmadong sumagot si Damien. "Sinabi ko na sa kaniya na nasa business trip ako ngayong gabi."

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Arabella. Agad siyang napatingin dito.

Noon niya lamang napagtantong hindi sinasadyang napindot ng kaniyang daliri ang call button.

Tumunog ang cellphone ni Damien. Tiningnan lamang nito ang screen, wala man lang dalawang pag-iisip na pinatay niya ito.

"Tumatawag ba siya? Umuwi ka na,” sabi ni Elise sa malumanay na tinig.

"Ano bang mahalagang dahilan para tawagan niya ako?"

Tinago muli ni Damien ang cellphone sa kaniyang bulsa.

"Nagpapapansin lang 'yon."

"Nagpapapansin?"

"Pinilit lang naman sa akin ang babae na ‘yon ni Lola Eleanor. Wala namang alam sa buhay."

Tumigil lamang siya saglit.

"Wala rin naman kaming mapag-usapan."

Unti-unting tumalikod si Arabella. Para bang wala na siyang maramdaman sa sobrang pamamanhid ng kaniyang katawan.

Tahimik siyang lumakad palayo. Kasabay ng pag-alis niya ay ang dahan-dahang pagkawala ng kaniyang pag-asa.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 31: Ikaw ba Iyon?

    Umuwi si Arabella, naligo nang mabilis, at nagpalit ng komportableng damit. Nang bumaba siya, nakita niya si Adrian na naghihintay sa kanya kasama ang aso niya sa di kalayuan.Nang makita siya ni Nemo, umiikot ang buntot nito na parang elisi, at halos hindi na kaya ng tali.Sa likuran ng Lanting ay may maliit na burol na may daanan. Dahan-dahan silang umakyat sa banayad na mga batong hagdan. Si Nemo ay tumakbo pauna, paminsan-minsang lumingon para hintayin sila, na may lubid na nakasabit sa bibig nito, na para bang natatakot na magkahiwalay sila.Lito ang isip ni Arabella, iniisip kung paano tatapusin ang mga pangyayari ngayong gabi.Ang pamilya ni Ethan ay malaking kliyente ni Chairman Rowken. Kung makasakit siya rito, malamang mawala ang kliyenteng iyon. Wala rin siyang mukhang ihaharap para magpatuloy sa pagtatrabaho kay Chairman Rowken.Magre-resign nang ganito? Talagang hindi ko matanggap.Habang nag-iisip ako, napadulas ako at sumubsob pasulong.Isang kamay ang matatag na pumigi

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 30: Ang Taong Totoong Mahal Ka Ay Ang Tanging Nais Lamang Ay Manalo Ka

    Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin," sabi ni Arabella na medyo garalgal ang boses.“Ang init naman ng ulo mo kapag ako ang kausap mo.”Humarang siya sa harap nito at tinakpan ng tangkad niya ang mga dumadaan. Walang nakakita sa mantsa ng wine sa damit niya pati na rin sa mukha niya.Tumayo muna siya roon sandali bago tumingala at nagtanong, "Anong ginagawa mo rito?”Kasama ko lang ang boss ko nag-didinner dito sa parehong restawran." Ngumiti siya nang bahagya. "Kung susundin ang sinasabi ni President Ashford, e di mukha lang pala akong nakikipag-inuman sa kanya.”Natigilan si Arabella nang sandali, pumulot ang ngiti sa labi niya pero hindi siya natawa.“Tama ka noong huli." Yumuko siya. "Gago siya. Hinayaan ko ang isang gago na ibaba ang sarili niya, kaya pati tuloy ako…”“Hindi ganoon," pagputol ni Adrian, seryoso ang boses. "Matagal ko nang gustong humingi sa'yo ng sorry.”Umiling si Arabella. "Alam ko, kaya ka nandito e dahil hindi matiis ng kapatid ko na pagalitan ako,

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 29: Matinding Protekta sa Kanyang Asawa

    Hindi pa nagtatagal nang magsimula ang hapunan, sinimulan na ni Gamian na ipakilala ang mga produkto ng kumpanya. Ilang minuto lang itong pinakinggan ni Ethan at bigla na lamang siyang pinatigil: "Chairman Rowken, nasaan ang inyong mga babaeng sales rep? Hayaan ninyong sila ang magpakilala ng mga produkto.”Binigyang-diin ang salitang "Miss".Nanggigigil na ikinuyom ni Arabella ang mga kamao niya. Kung hindi lang sana sila nakaharap kay Chairman Rowken, nasampal niya na sana ito kanina pa. Kaso ngayon, wala siyang ibang magawa kundi ang magpakatatag at tiisin ito.Tumayo siya para kunin ang product brochure, tapos maingat niyang ipinaliwanag kung paano gumagana ang reagent pati na rin ang mga parameter at clinical application nito. Mahina ang boses niya, pero sobrang linaw.Humilig si Ethan sa upuan niya, nag-de-kwatro, tapos tiningnan siya nang may ngiti.Nang matapos siyang magpahayag, marahan itong pumalakpak at sinabing: "Isang kahanga-hangang paglalahad. Seryosong susuriin at pag

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 28: Paano Mo Ako Naging Pamangkin?

    Matatagpuan ang mga kainan sa isang pamayanan sa lungsod, na may labindalawang mesa na kahoy sa ilalim ng isang bubong na yero, kasama ang mga magkakatulad na pulang plastik na silya. Wala kasing available na pribadong silid ngayon, kaya napilitang mag-roll up ng manggas si Adrian at maghugas ng mga plato gamit ang tsaa.Naglakad papalapit ang may-ari, na naka-tsinelas, at tinapik sa balikat si Adrian.“Adrian, nandito ka na pala. Ano'ng gusto mong kainin?”“Ihanda mo na lang kung anong masarap ngayon, ikaw na ang bahala.”“Oo naman." Tumingin ang tindera kay Arabella. "Ang ganda niya ha, kapatid mo ba?”“Pamangkin ko”“Hello Pamangkin” Bati ng tindera.Arabella: "Teka, diba pinsan mo ako? Bakit naging pamangkin mo na ngayon?”Tumawa ito at sinabing, "Magkaiba kasi tayo ng henerasyon, kaya bibigyan kita ng red envelope sa Chinese New Year.”Ngumuso si Arabella. "Hindi ka pa naman kasal, kaya dapat ako ang nagbibigay sa iyo.”Matapos ang ilang magaan at masayang biruan, tuluyang nag

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 27: Handang Magpasakop sa Ilalim ng Kanyang Palda

    Masarap talaga ‘yung mga pagkain doon. Maganda ang mood ni Arabella kaya nakakain siya ng mas marami—may dagdag na kalahating mangkok ng kanin kaysa sa usual niyang kinakain.Napatingin si Everett sa kanya at biglang binitiwan ang linyang, "Alam mo, Arabella, may natural na talento ka talaga sa medisina.”Napahinto sandali si Arabella at sinabing, "Ang hindi ko pag-undergo ng residency training ang pinakamalaking pinagsisisihan ko.”“Marami pa namang ibang pwedeng tahakin ang mga med student bukod sa maging doktor," ani Everett. "Pwede mong sundan ang ginagawa ni Ben Rowken, o kaya naman kung gusto mo pang mag-grow, mag-aral ka para sa postgraduate entrance exam.”Habang nagsasalita siya, biglang napako ang tingin niya sa likuran nito.Hindi lumingon si Arabella. Nagtindigan na ang mga balahibo niya sa katawan.“Bella." Tumaginting ang pamilyar at malalim na boses ni Adrian mula sa likuran niya.May kamay na lumitaw mula sa gilid ng mukha niya. Tumayo si Everett at nakipagkamay.“Ako

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 26: Kahit Saan Ay Nariyan Siya

    Sumakay si Arabella sa isang ride-hailing car, at tinanong siya ng drayber kung saan ang kanyang patutunguhan. Nag-isip siya nang ilang saglit at sinabing, "Sa Antero Road.”Magkakaroon kaya ng mga live music jamming mamayang gabi?Mabuti na lang at talagang naroon ito. Ang mismong lugar, ang parehong mang-aawit, at ang parehong kanta.Humanap ng bakanteng upuan si Arabella, nakinig sa ilang kanta, ngunit hindi na nito naramdaman ang parehong sigla tulad ng huling beses niya roon.Tuwang-tuwa siya nang panahong iyon dahil buo ang paniwala niyang sadyang puno ng himala ang buhay.Nawalan na siya ng ganang manatili at balak na sanang umalis nang may naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.“Kuya Adrian, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Arabella.Hindi umimik si Adrian, kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-swipe patungo sa isang post sa Weibo na kakapost lamang nito:Huwag na po sanang magpalaganap ng iba't ibang haka-haka. Magkasama naming inasikaso ng aking asawa ang pagli

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status