LOGINDalawang taon na pinaniwala ni Arabella ang sarili na mahal siya ng kanyang asawa. Ngunit isang simpleng natuklasan ang gumising sa kanya sa mapait na katotohanan. Kasal sila sa papel, ngunit sa puso nito, iba ang tunay na babae. Matapos siyang ipagpalit, ipahiya, at pabayaan kahit sa oras na desperado niyang iligtas ang buhay ng kanyang tiyuhin, dumating si Adrian Carter, isang misteryosong bilyonaryong CEO na laging nasa tabi niya sa bawat pagkakataong kailangan niya ng masasandalan. Habang unti-unting tinatahak ni Arabella ang landas ng paghilom at kalayaan, isang tanong ang bumabagabag sa kanya. Bakit tila matagal na siyang hinihintay ni Adrian? At bakit sa bawat tingin nito ay para bang matagal na siyang minahal?
View MoreBiglang nagliwanag ang cellphone nang may lumabas na notification.
Karga-karga ni Arabella ang isang malaking kahon habang palinga-linga siyang umiikot sa buong bahay, naghahanap ng isang lugar na maaari niyang mapagtataguan nito. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang ipagawa niya ang regalong iyon. Buong puso niya itong pinaglaanan ng oras at pagsisikap, umaasang kapag nakita ito ni Damien Ashford sa araw ng kanyang kaarawan ay masisilayan niya ang ngiti at saya sa mukha nito. Nais niyang bigyan ang kanyang asawa ng isang sorpresang hindi nito malilimutan. Dahan-dahang lumuhod si Arabella at yumuko upang silipin ang ilalim ng kama sa kanilang master’s bedroom. Sa pinakamalalim na bahagi sa ilalim ng kama, may napansin siyang isang maliit na puting kapsula. Inabot niya ito at inilagay sa kanyang palad. Napakaliit nito—higit na maliit kaysa sa karaniwang kapsula ng gamot. Makinis ang ibabaw nito at walang kahit anong nakasulat na maaaring magsabi kung ano iyon. Ilang beses niya itong pinagmasdan at iniikot sa pagitan ng kanyang mga daliri, ngunit kahit anong pagsusuri niya ay hindi niya pa rin ito nakilala. Kinuha ni Arabella ang kanyang cellphone, kinuhanan ng litrato ang maliit na kapsula, at binuksan ang AI Image Search. Nang lumabas ang resulta, bigla siyang natigilan; “Pambabaeng contraceptive capsule para sa panlabas na paggamit. Naglalaman ng spermicide at maaaring gamitin bilang alternatibo sa condom.” Nanatiling nakatitig si Arabella sa mga salitang lumitaw sa kanyang screen. Para bang biglang huminto ang mundo sa kanyang paligid. Hindi siya kailanman bumili ng ganoong uri ng gamot. Dalawang taon na silang kasal. Ngunit sa loob ng dalawang taong iyon, ni minsan ay hindi pa nila naranasang mamuhay bilang isang tunay na mag-asawa. Si Damien ay halos palaging abala sa trabaho o kaya naman ay nasa isang business trip. At tuwing umuuwi ito, palagi niyang nakikita ang pagod sa mukha ng kanyang asawa. Hindi man lang siya nito nilalapitan o hinahawakan. Mahigpit na kinuyom ni Arabella ang maliit na kapsula sa kanyang palad. Matagal siyang napatulala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. O kung alin ang higit na mas masakit, ang bagay na kanyang natuklasan, o ang unti-unting katotohanang nagsisimula niyang maunawaan. Biglang tumunog ang kanyang telepono, dahilan upang mapabalik siya sa kasalukuyan. Mula sa kabilang linya ay narinig niya ang nanginginig at umiiyak na boses ng kanyang tiyahin na si Tiya Rosa. “Arabella! Bilisan mo! Pumunta ka agad sa hospital! Ang Tiyo Arthur mo, nawalan ng malay! Sabi ng doktor, agarang operasyon ang kailangan niya!” – Sa labas ng operating room ng St. Raphael Medical Center, isa sa mga ospital na pag-aari ng Ashford Group. “Mga kamag-anak ni Mr. Arthur Echavez! Narito ba ang pamilya ni Arthur Echavez?” Umalingawngaw ang matinis na boses ng nurse sa dulo ng hallway. Agad na lumapit si Arabella. “Ako po, pamangkin niya po ako.” Lumapit ang nurse, may inabot sa kaniyang papeles. “May pancreatic cancer siya. Alanganin na ang kanyang sitwasyon, kaya kailangan na siyang ma-operahan agad.” Sandaling tumigil ang nurse bago muling nagsalita. “Paki lagdaan na lang po ang consent form para sa operation.” Para bang biglang sumakit ang ulo ni Arabella. Bilang isang medical student, batid na batid niya ang bigat ng diagnosis na iyon. Ang pancreatic cancer ay kilala bilang isa sa mga pinaka nakamamatay na uri ng cancer. Madalas ay wala itong malinaw na sintomas sa mga unang yugto, at karamihan sa mga pasyente ay natutuklasan lamang ito kapag malala na ang kondisyon. Hindi niya napigilang maalala ang mga pangyayari noon. Dose anyos pa lamang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Isang papeles din ang inabot sa harap niya sa araw na iyon. Masyado pa siyang musmos noon upang maisulat nang maayos ang sarili niyang pangalan. Ang tiyuhin na lamang niya ang nag lagda para sa kanya. Matapos nitong pumirma, mahigpit siya nitong niyapos at malumanay na sinabi, “Arabella, huwag kang mangamba. Nandito ako, ang tiyuhin mo.” Unti-unting napabalik sa realidad ang kaniyang isip. Ilang beses niyang sinubukang hawakan ang ballpen sa kanyang kamay. Ngunit hindi nito mapigilan ang matinding panginginig nito. Hindi niya magawang mailapat ang kanyang pirma sa papel. – Hinanap ni Arabella ang numero ni Damien Ashford sa kaniyang cellphone bago ito agad na tinawagan. Matagal na umalingawngaw ang ring ng telepono. Maya-maya pa, saka lamang ito sinagot. "Ano'ng kailangan mo?" Malamig at walang anumang emosyon ang boses ni Damien, na para bang isa lamang abala ang tawag niya. Maingay ang nasa kabilang linya. May halakhakan ng mga tao, saliw ng musika… At maya-maya, narinig din niya ang sunod-sunod na putok ng mga paputok, na tila may engrandeng fireworks display sa di-kalayuan. "Nasa operating room ang tiyuhin ko..." Halos manginig ang boses ni Arabella. "Pancreatic cancer ang sabi ng doktor. Maaari ka bang pumunta? Mag-isa lang ako rito..." "Nasa business trip ako." Apat na salitang maikli, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan. "Kung gano'n... papapuntahin ko si Nathan." "Wala si Kuya sa Westbridge. Siya ay—" "Ikaw na ang bahala." Halata ang pagkainip sa boses ni Damien. "Kung gayon, ikaw na lang ang humarap diyan," saad niya na may halatang pagmamadali. "Hindi ako makaalis ngayon." Kaagad na naputol ang tawag sa kabilang linya. Hindi gumalaw si Arabella. Nakatayo lamang siya sa pasilyo ng ospital habang mahigpit na hawak ang kaniyang cellphone. Sa waiting area sa di-kalayuan, may nakabukas na telebisyon na kasalukuyang nagpapalabas ng balita. "Kasalukuyang idinaraos sa Marina Bay ang engrandeng fireworks display bilang pagdiriwang ng ika-isandaang anibersaryo ng pagkakatatag ng Singapore International Port. Patuloy na nagbibigay-liwanag sa kalangitan ang makulay na palabas…" Unti-unting itinaas ni Arabella ang kaniyang ulo. Sa screen ng telebisyon, nagniningning ang kalangitan ng Marina Bay sa ilalim ng makukulay na paputok. Dumaan ang kamera sa observation deck na siksik sa mga tao bago ito biglang nag-zoom in. Isang lalaki at isang babae ang magkatabing nakatayo sa tabi ng bakal na hawakan. Sa itaas nila, walang tigil ang pagsabog ng makukulay na paputok. Ang lalaki ay nakasuot ng kulay abong overcoat. Sa tabi ni Damien ay nakatayo ang isang babaeng may napakagandang tindig. Magkatabi silang nakatingala sa kalangitan habang tahimik na pinagmamasdan ang marangyang fireworks display. Ang lalaking iyon… Si Damien Ashford, ang kaniyang asawa. At ang babaeng nasa tabi nito… ay si Elise Morgan. Ang unang babaeng minahal nito. Kaya pala business trip ang sinabi nito. Pero ang totoo, sinamahan nito si Elise sa Singapore upang panoorin ang fireworks display. Hindi man lamang kumurap si Arabella. Nanatili siyang nakatitig sa screen, tila nanigas ang kaniyang buong katawan. Habang siya ay nag-iisang naghihintay sa labas ng operating room, balisa sa kalagayan ng kaniyang tiyuhin. Samantalang ang kaniyang asawa ay mahigpit na yakap ang ibang babae. Sa ilalim ng nagliliwanag na mga paputok. Sa harap ng napakaraming tao. Sa harap ng buong mundo. "Pamilya ng pasyente! Pakipirmahan na po!" Muling lumabas ang nurse mula sa operating room. Muli ring ibinaba ni Arabella ang kaniyang tingin sa consent form. Hindi pa rin mapigil ang panginginig ng kaniyang kamay. Mahigpit niyang hinawakan ang kanang pulsuhan gamit ang kaliwang kamay bago niya isinulat ang huling pirma. Bahagyang tabingi ang pagkakasulat. Ngunit mababasa pa rin ang kaniyang pangalan. – Makalipas ang tatlong araw. Sa silid ng Head Physician. "Sa ngayon, hindi masyadong effective ang karaniwang gamutan dito sa bansa para sa kalagayan ni Mr. Gabriel Hayes." Sandaling nanahimik si Director Bennett bago ipinagpatuloy ang kaniyang paliwanag. "Nitong nakaraang taon, may inalabas na bagong gamot ang Russia. Naging maganda ang resulta ng mga pag e-examine nito. Ang usapan pa nga ay maging ang pangulo nila ay sinubukan ito. Pero hindi nga lang iyon madaling nakukuha. Kailangan ng malalakas na koneksiyon." Hindi pa man siya tuluyang natatapos magsalita ay mahigpit nang nakakuyom ang mga kamao ni Arabella. Ngumiti nang magalang ang direktor. "Young Madam, sa palagay ko naman ay kayang makakuha ni President Ashford ng gamot na iyon, hindi ba?" Napakunot ng noo si Nathan na nasa kanilang tabi. Bahagyang tumango si Arabella. "Oo... kakausapin ko siya.” "Mabuti naman. Kapag si President Ashford na ang kumilos, siguradong walang magiging problema." Paglabas nila ng opisina, hindi tuluyang nagsara ang p***o kaya bahagya itong bumukas muli. "Director, ano po'ng itinawag ninyo sa kaniya?" tanong ng assistant mula sa loob ng silid. "Hindi mo ba siya kilala? Siya ang Young Madam ng Ashford Group... asawa ni President Ashford." "Ganoon po ba? Parang ang bata pa niya. Pero, bakit nasa simpleng ward lang ang tiyuhin niya?" "Shh..." Pinahina ng direktor ang kaniyang tinig. "Problema na ng mayayamang pamilya ang iyan. Huwag ka nang maki-isyoso pa." Natigilan si Nathan. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng kaniyang pinsan. "Arabella... ayokong magmakaawa ka sa kaniya." Ngumiti si Arabella, ngunit kitang-kitang pilit lamang ang ngiting iyon. "Kuya, bakit naman ako magmamakaawa? Asawa ko siya." Napatitig na lamang si Nathan sa kaniya. "Kuya, puntahan mo muna si Tiyo. May tatawagan lang ako." Dumiretso si Arabella sa lobby at inilabas ang kaniyang cellphone para kausapin si Damien. Pero bago pa niya ma-dial ang numero nito, bigla siyang natigilan. Nakatayo siya sa hallway sa ikalawang palapag, nakatingin sa entrance ng inpatient building sa ibaba. Isang itim na Porsche ang dumating sa harap ng gusali. Naghihintay na roon ang ilang matataas na opisyal ng ospital na pawang nakasuot ng mamahaling suit. Agad lumapit ang isa sa kanila upang pagbuksan ng p***o ang sasakyan. Dalawang tao ang bumaba. Isang lalaki at isang babae. Ang lalaki ay may pambihirang tindig at kaguwapuhan, na tila isang artista sa pelikula. Ang babae naman ay napakaganda, namumutla ito marahil sa karamdaman, kaya lalo itong kahahabagan. Maingat na inalalayan ni Damien si Elise habang naglalakad papasok ng hospital. Hindi niya ito binitiwan kahit saglit. Agad silang sumakay sa VIP elevator. Tumigil iyon sa palapag ng VIP ward. Maya-maya, sumakay rin si Arabella sa kabilang elevator. Parehong palapag ang kaniyang pinindot. Isa-isang umakyat ang mga numero sa digital display. Tahimik ang buong VIP ward. Makapal ang karpet sa sahig kaya halos walang tunog ang bawat hakbang. May isang silid na bahagyang nakabukas ang p***o. Mula sa loob ay may maririnig na nagsasalita. Sa maliit na bukas ng p***o, nakita ni Arabella si Damien. Busy ito sa tabi ng kama, pinagsisilbihan si Elise. Wala na ang malamig at seryosong anyo ng isang bilyonaryong CEO. Sa sandaling iyon, isa lamang siyang lalaking tapat na nag-aalaga sa babaeng mahal niya. Nakasandal si Elise sa ulunan ng kama at bahagyang napangiti. "Damien, simpleng sipon at lagnat lang naman ito. Hindi mo na kailangang mag-alala nang ganito." "Kailan ang huli mong general check-up?" tanong ni Damien. "Tutal nandito ka na, ipapagawa na natin ang lahat na lab test sa katawan mo. Sasamahan kita." Bahagyang yumuko si Elise. May banayad na ngiti sa kaniyang mga labi. Inabot ni Damien ang milk tea na nilagyan na niya ng straw. "Kakapainit ko lang, pero hindi na ito masyadong mainit.” May biglang sumagi sa isip ni Arabella. Naalala niya ang isang beses na napapayag niyang isama siya ni Damien sa pamamasyal. Humingi rini siya noon ng milk tea. Pang iinsulto lamang ang isinagot nito sa pamamagitan ng tingin. "Anong edad mo na ba? Pang bata lang ang inumin na yon." Sa loob ng kwarto, muling lumapit si Damien sa maliit na folding bed na kasya lamang ang isang tao. Sinubukan niya ang lambot nito sa pamamagitan ng marahang pagpisil. "Ito ba ang higaan ng bantay?" tanong niya paglingon niya kay Elise. "Dito na lang ako matutulog ngayong gabi." "Huwag na..." mahina nitong sabi. "Magagalit siya." "Hindi.” Kalmadong sumagot si Damien. "Sinabi ko na sa kaniya na nasa business trip ako ngayong gabi." Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Arabella. Agad siyang napatingin dito. Noon niya lamang napagtantong hindi sinasadyang napindot ng kaniyang daliri ang call button. Tumunog ang cellphone ni Damien. Tiningnan lamang nito ang screen, wala man lang dalawang pag-iisip na pinatay niya ito. "Tumatawag ba siya? Umuwi ka na,” sabi ni Elise sa malumanay na tinig. "Ano bang mahalagang dahilan para tawagan niya ako?" Tinago muli ni Damien ang cellphone sa kaniyang bulsa. "Nagpapapansin lang 'yon." "Nagpapapansin?" "Pinilit lang naman sa akin ang babae na ‘yon ni Lola Eleanor. Wala namang alam sa buhay." Tumigil lamang siya saglit. "Wala rin naman kaming mapag-usapan." Unti-unting tumalikod si Arabella. Para bang wala na siyang maramdaman sa sobrang pamamanhid ng kaniyang katawan. Tahimik siyang lumakad palayo. Kasabay ng pag-alis niya ay ang dahan-dahang pagkawala ng kaniyang pag-asa.Bago pa magbukang-liwayway, nakarinig si Adrian ng mahinang pagsara ng pinto at agad siyang nagising. Bumangon siya, pumunta sa sala, at nakita ang isang kaldero ng bagong lutong puting lugaw at ilang side dishes sa hapag-kainan.Bumaba ang tingin niya.Ganoon kaaga itong bumangon para magluto ng almusal.Wala na si Arabella sa bahay; malamang umalis na. May iniwan itong note sa mesa:Kuya Adrian,Babalik muna ako sa lumang bahay para dalawin si Lola. Medyo matagal na rin kasi akong hindi umuuwi at nag-aalala ako sa kanya.Sinabihan ko na si Kuya, sabi niya pupunta siya para tingnan ka. Kumain ka nang maayos ha, at inumin mo yung gamot na nasa ibabaw ng ref. Huwag mong kalimutan.BellaTinitigan ni Adrian ang linyang iyon ng teksto.Maliit at maayos ang sulat-kamay, pero parang may pagmamadaling hinagod ang dulo. Nanatili ang tingin niya sa salitang "babalik din ako agad" nang matagal, bago dahan-dahang tinupi ang papel at muling ibinalik sa mesa.Bumalik sa lumang bahay. Para dalawin
Tahimik na bumagtas sa highway sa gitna ng gabi ang isang Mercedes-Benz van na may dalawang plaka.Nakaupo si Damien sa loob, tahimik na pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga ilaw sa labas ng bintana. Walang ni isang salitang lumalabas sa bibig niya.Pitong araw siyang nag-imbestiga sa Hong Kong Island — para lang sa isang babae. Si Dylan Klein. At kung sino ang taong pinaglilingkuran nito.Ilang beses ko nang nakaharap ang babaeng iyon, at palihim ko ring pinaiimbestigahan ang background niya. Akala ko malapit na ako sa katotohanan — pero bigla na lang siyang naglaho sa Hong Kong Island.Umupo si Elise sa tabi ni Damien, tinititigan ang gwapo nitong profile, at mahinang nagsalita, "Damien, diretsyo na ba tayong umuwi? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa ibang lugar? Wala naman ang asawa mo sa bahay, hindi ba?"Nakatitig lang si Damien sa labas ng bintana at hindi agad sumagot.Bahagyang nalungkot si Elise.Kahit isinantabi niya ang lahat ng trabaho sa kumpanya para sa kanya, pitong
Muling tumingala sa kanya si Adrian."Brownout dito sa amin, takot ako sa dilim," sabi niya sa telepono, patag ang boses. "Ilang araw na akong tumutuloy kina mama at papa.”Tahimik si Damien ng dalawang segundo, saka sinabing medyo walang pakialam, "Susunduin kita bukas, sabay tayong maghapunan.""Um."Ibinaba niya ang tawag, itinago ang telepono, at lumingon kay Adrian."Kuya, nilalagnat ka pala. Bakit hindi mo agad sinabi?""Kakaumpisa lang uminit," mahina at paos niyang sabi.Hindi naniwala si Arabella. "Kakaumpisa lang uminit? Paano naman? Hindi ka matinong kumilos buong araw.”Kahit ganoon, pinilit pa rin niyang magluto ng hapunan at turuan siya tuwing gabi.Inilahad niya ang kamay at hinawakan ang braso nito. "Halika, sandalan mo muna yung sofa."Inalalayan niya itong maupo sa sofa at siniguradong komportable ito.Lumapit si Nemo, ipinatong ang ulo sa tuhod niya, at nagkikiskis habang mahinang umuungol."Kuya Adrian, nasaan yung thermometer? At yung gamot, nasaan yung first-aid
Umuwi si Adrian at isinara ang pinto.Patay ang ilaw sa sala. Sa kadiliman, nakasandal siya sa pinto nang matagal.Isang linya ng mga salita ang lumutang sa isip niya: [Ang birhen ay lubusang nalinis.]Parang sasabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng puso niya, at nanginginig pati ang eardrums niya.Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Paano pa rin siyang...Pero totoo.Parang nag-aapoy ang katawan niya, sinusunog siya mula sa loob palabas, hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng direksyon.Pumasok siya sa banyo, binuksan ang malamig na tubig, at hinayaang humampas ang tubig sa balikat niya at dumaloy pababa sa likod niya.Nakasandal sa pader, nakayuko ang ulo, hinayaan niyang matagal na bumuhos sa kanya ang malamig na tubig.Nakikita ang mukha niya sa salamin; basa ang mga mata at kilay niya, at hindi mabasa ang ekspresyon niya.—Sa ikalawang araw ng klase, malinaw na naramdaman ng lahat na wala sa tamang kondisyon si Adrian.Malinaw pa rin siyang magsalita, maayos pa rin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews