مشاركة

Kabanata 2: Ang Pagbabalik

مؤلف: CANEDY
last update تاريخ النشر: 2026-07-29 13:52:19

Pagdating ni Arabella sa kwarto ng kaniyang tiyo, malalim na ang pagtulog nito dahil kakatapos lang din nito uminom ng gamot.

"Arabella, umuwi ka na muna at magpahinga," malumanay na sabi ni Nathan. 

"Bukas ka na lang ulit ng umaga pumunta."

Tahimik siyang tumango.

Kasabay ng paglabas niya ang pagkawala ng amoy ng disinfectant sa kaniyang ilong. Naglalakad siyang nakayukod kung kaya’t bigla na lamang siyang may nabangga.

"Pasensya na..."

Hindi niya man lang ito tinapunan ng tingin. Umiwas lamang siya at saka nagpatuloy na naglakad.

Tila napako ang kaniyang paa ni Adrian Carter sa kaniyang kinatatayuan. Tahimik niyang pinagmasdan ng tingin likod ng paalis na dalaga.

"Adrian Carter?"

Tinapik siya nang marahan ng lalaking nasa tabi niya.

"Ano'ng nangyari?"

Sinundan ni Ethan ang direksiyon ng kaniyang tingin bago tumango nang bahagya.

"Ah... siya pala."

"Naka-admit dito ang tiyuhin niya. Nasa simpleng ward sa 2nd floor."

"Hindi ba hospital ito ng Ashford Group?" mahina ngunit mabigat na wika ni Adrian.

"Oo."

Pinababa ni Ethan ang kaniyang boses.

"Narinig ko, ang binibigay lang na allowance ni Damien sa kaniya ay 200 thousand lamang. Ni wala siya natatanggap na kahit ano kahit sa mga byeban niya, maging sa kompanya ay wala rin."

Sandali siyang natigilan bago ipinagpatuloy ang sinasabi.

"May usap-usapang ding ayaw tulungan ng Ashford ang negosyo ng pinsan niyang si Nathan Hayes."

Hindi nagsalita si Adrian. Nanatili lamang ang kaniyang tingin sa direksiyong tinahak ni Arabella.

"Tara na. Naghihintay na si Mr. Carter."

Tumalikod si Ethan at nagsimulang maglakad.

"Mamaya, hindi na papayagang bumisita."

"Ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan."

Natigilan sandali si Ethan. Ngunit iniabot pa rin niya ang susi.

Hindi na muling lumingon si Adrian. Mabilis siyang lumabas habang patakbong tinatahak ang daan.

Napailing na lamang si Ethan.

"Hindi ka na nga niya naaalala. Bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo?

Habang naghihintay ng GrabCar, nakatayo si Arabella sa gilid ng kalsada. Katatapos lamang ng visiting hours. Puno ng sasakyan ang harap ng ospital. Walang tigil ang mga busina.

Pagtingin niya sa kaniyang cellphone, dalawang kilometro pa ang layo ng na-book niyang sasakyan.

Pula ang buong traffic map.

Malamig ang hangin. Mas isinara niya ang kuwelyo ng kaniyang trench coat.

Maya-maya, isang itim na SUV ang huminto sa kaniyang harapan. Dahan-dahang bumaba ang bintana ng sasakyan. Lumitaw ang mukha ng isang lalaking halos perpekto ang mga katangian.

Naka-three-piece suit siya, yari sa telang may banayad na kintab.

"Sayo ba ang numerong nagtatapos sa 4592?"

Iyon ang huling apat na numero ng kaniyang cellphone. Muli niyang sinilip ang booking. Hindi pa rin umaandar ang tunay niyang driver.

"Kaibigan ako ng driver."

Iniabot ng lalaki ang kaniyang cellphone, driver's license, rehistro ng sasakyan, at ID.

"Dahil sobrang traffic kaya hindi na siya makapunta. Pinakiusapan niya akong sunduin ka. Sabi rin niya... kung maaari daw, huwag mo siyang bigyan ng bad review."

Napatingin si Arabella sa driver's ID.

Adrian Carter.

Ang nakarehistrong address ay isang pribadong bahay sa sentro ng lungsod, hindi condominium o subdivision.

Nagdalawang-isip siya sandali.

Pagkaraan ay kinansela ang booking.

Ibinalik niya ang mga dokumento.

At tahimik na sumakay sa likurang upuan. Malinis ang loob ng sasakyan. Halatang personal na gamit iyon ng isang taong kabilang sa mataas na antas ng lipunan.

Kahit ganoon pa man, nakakaramdam pa rin siya ng kaba.

"Malamig ba ang aircon?" tanong ni Adrian.

"Tama lang." Tipid siyang napangiti.

Madalas ay sinusulyapan siya ni Adrian sa rearview mirror.

Bilugan ang mga mata ng dalaga. May bahagyang baby fat pa sa kaniyang mga pisngi. Tila siya ang uri ng unang pag-ibig na pinapangarap ng maraming lalaki.

Hanggang balikat ang haba ng kaniyang buhok.

Nakasuot siya ng kulay kremang bestida.

Malinis at makinis ang kaniyang kutis. Kaunting ayos lamang, at mistula na siyang sikat na artista sa isang malaking pelikula.

Tumunog ang message chat ni Arabella.

Mula kay Damien ang mensahe.

[Ano'ng kailangan mo?]

Agad siyang nag-type ng sagot sa asawa niya.

[Hindi maganda ang lagay ng tiyuhin ko. Kailangan niya ng isang partikular na gamot. Matutulungan mo ba akong makahanap nito?]

Hindi nagtagal, sumagot si Damien.

[Sabihin mo kay Wilfred.]

Si Wilfred Cruz ang personal chief secretary ni Damien.

[Sige.]

Muling nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Ilang sandali pa, biglang nagsalita si Adrian.

"Bakit tuwing tagsibol nalalagas ang mga dahon ng mga puno sa Greenridge?"

Napabalik sa ulirat si Arabella.

"Dahil kapag tumutubo ang mga bagong dahon, itinutulak nila ang matatanda hanggang sa malaglag."

Bahagyang ngumiti si Adrian. "Matagal na rin akong wala rito… Nakalimutan ko na."

Napatingin si Arabella sa mamahaling suot ng lalaki.

Pakiramdam niya ay hindi iyon nalalayo sa halaga ng mga custom-made suit ni Damien.

Huminto ang sasakyan sa harap ng The Grand Meridian Residences.

"Thank you."

Ibinalik niya ang mga dokumentong hiniram. Tahimik lamang na tinanggap ni Adrian ang mga ito at hindi na ito muling nagsalita pa.

Isa ang The Grand Meridian Residences sa pinakamahal na luxury residential complex sa bagong CBD ng Silvercrest City.

Mahigit tatlong daang square meters ang sukat ng pinakamaliit na unit. At ang pinakamababang presyo nito ay umaabot pa rin sa milyon-milyong piso.

Pagbukas ni Arabella Echavez ng p***o ng duplex penthouse, malamig na katahimikan ang sumalubong sa kaniya.

Dalawang taon na ang lumipas mula nang ikasal sila ni Damien Ashford.

Ito ang kanilang tahanan. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay isa na lamang itong malaking bahay.

Tahimik siyang naupo sa malambot na sofa. Damang-dama niya ang kaniyang pagod.

Wala nang tissue sa kahon na nakapatong sa mesa. Nasa dining table pa rin ang mga hindi nahugasang plato.

Hindi sila kailanman nagpasok ng kasambahay. Siya mismo ang umaako sa lahat ng gawaing-bahay.

Dahil ayaw niyang may ibang tao sa kanilang tahanan.

"Ibang tao..."

Saglit siyang natigilan. Sino ba talaga ang ibang tao. Noon pa man, alam na niyang may ibang babaeng minamahal si Damien.

Alam niya na iyon bago pa man sila maging mag-asawa.

Gayunpaman, nagpakatanga pa rin siyang pasukin ang relasyong iyon. Matagal na silang magkakilala.

14 years old pa lamang siya noon, nagtitinda sila ng pinsan niyang si Nathan sa night market nang lapitan at guluhin ng ilang tambay. 

Sakto namang dumaan si Damien mula sa kaniyang tutorial class. Siya ang tumulong sa kanila. 17 years old pa lamang siya noon.

Suot pa nito ang uniporme ng paaralan.

Sa ilalim ng ilaw ng poste, para itong pangunahing bida sa isang lumang pelikula. Tumawag lamang ito sa kaniyang cellphone, at agad na dumating ang hepe ng presinto.

Mula noon, nagsimulang mahalin ni Arabella ang lalaking iyon.

Alam niyang hindi sila magkapantay.

Hindi rin niya inakalang darating ang araw na magiging posible ang lahat. Hanggang sa isang araw, hindi niya sinasadyang mailigtas si Lola Eleanor Ashford.

Iginiit ng matanda na pakasalan siya ng sariling apo. 

Sa blind date na inihanda ng pamilya, saglit siyang tiningnan ni Damien.

"Ikaw pala."

Iyon lamang ang sinabi.

Hinawakan ng matanda ang kaniyang kamay.

"Wala nang mangulang ang apo ko mula pa ng bata siya. Lumaki man siyang tahimik at mailap, pero mabuti ang puso niya. Arabella... matanda na ako. Pwede mo ba siyang alagaan para sa akin?"

Sa araw ng kanilang kasal, iika-ika siyang naglalakad dahil hindi naman siya sanay sa may takong na sandals.

Huminto si Damien at inilahad nito ang kaniyang kamay sa kanya. "Tara na."

Dalawang simpleng salita lamang, pero sapat na para sa kaniyang paniwalain ang sarili na balang araw ay mamahalin din siya nito nang buong puso.

Umaasa siyang balang araw ay matututuhan din siyang mahalin nito. Sa unang isa't kalahating taon ng kanilang pagsasama, bagaman malamig si Damien, magalang pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.

Ngunit anim na buwan na ang nakalipas, umalik sa bansa si Elise Morgan. Muli silang nagkita sa pagtitipon ng kanilang batch.

Simula noon, hindi na umuuwi si Damien. Hindi na rin ito nagre-reply sa kaniyang mga mensahe. Hindi na sumasagot sa message chat.

At kapag sinusubukan niya itong tawagan, palaging "May ginagawa ako" ang naririnig niya bago agad nito ibaba ang tawag.

Noong nakaraang buwan, 2nd wedding anniversary nila. 2 o’clock na ng madaling-araw nang makauwi ito.

Tinanung niya ito kung alam niyang anniversary nila ng kasal ngayon.

May pagtataka sa mukha nitong tinignan siya. "May ganoon pala?"

Tahimik niyang inilagay ang mga plato sa sterilizer. Sa drawer ng guest room nakatago ang divorce papers.

Napirmahan na niya ang kasunduan. Wala siyang hihinging anumang bahagi ng ari-arian. Ang gusto lang niya ay makaalis nang hindi tuluyang nawawala ang kaniyang dignidad.

Ngunit...

Kailangan pa rin niyang isantabi ang kaniyang pride. Para sa gamot ng kaniyang tiyuhin ay handa niyang tiisin ang lahat ng sakit. Para sa taong nag-aruga at nagpalaki sa kaniya, kailangang mabuhay ang kaniyang tiyuhin.

Hindi alam ni Arabella na nananatili pa ring nakaparada sa ibaba ng gusali ang itim na SUV na naghatid sa kaniya.

Hindi pa ito umaalis. 

Dahan-dahang ibinaba ni Adrian ang bintana. Nagsindi siya ng sigarilyo, saka niya tinawagan si Ethan.

"Adrian, pupunta ka pa ba rito?"

"Nasaan si Damien?" tanong niya.

"Saan pa ba? Nasa hospital. Binabantayan ang ang babae niya. Ang balita ko, doon na rin siya magpapalipas ng gabi."

Napabuga na lamang ng hangin si Adrian.

"Noon mo pa kasi dapat siya inagaw, kung hindi mo pa siya makalimutan. Ikaw naman noon ang tunay na nagligtas sa kaniya."

Hindi sumagot si Adrian at iniba na lang ang usapan. "Pupunta ako. Yung sasakyan, ibabalik ko."

Pagkatapos ng tawag, muli niyang binaling ang tingin sa bintana ng gusali.

Kung maibabalik lamang niya ang alaala ni Arabella para maalala nito ang trahedya sa dagat. Maalala rin nito kung paano nalunod sa mismong harapan niya ang kaniyang mga magulang.

Nangako siya noon sa mga ito ma habang buhay niyang poprotektahan ang kanilang anak. At gagawin ang lahat upang maging masaya ito.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Umunat ang mga ugat sa kaniyang kamay sa tindi ng pagkakahawak.

Alam niyang may hindi dapat siya pagkatiwalaan. Hindi siya agad-agad nagtitiwala sa iba.

Kaya paano niya nagawang ipagkatiwala si Arabella… sa iba?

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 33: Pahalagahan Si Bella

    Sinundan ni Damien si Arabella papasok sa gusali, at nakita niyang kakasara lang ng pinto ng elevator. Tahimik na nakatayo si Arabella sa loob ng transparent na sightseeing elevator, nakatalikod sa kanyaMay karatula sa lobby sa first floor na nakasulat: Yintai Bio-Academic Symposium. Nasa sixth floor ang meeting room.Inisip ni Damien na nandito si Arabella para sa isang meeting.Pumasok siya sa elevator at pinindot ang button papuntang sixth floor.Paglabas ko pa lang ng elevator, nakita ko agad si Arabella na nakikipagkuwentuhan sa isang lalaking naka-suit. Relax ang mga kilay niya, nakangiti ang mga mata; wala ni katiting kagaya niyon ang nararamdaman kapag siya ang kasama.Lumapit siya at tinawag, "Bella.”Lumingon si Arabella at nagulat nang makitang siya pala.Paliwanag ni Damien, "Kumakain kami ng mga kaibigan ko sa baba kanina nang makita kita, kaya sinundan kita para kumustahin.”Tiningnan niya yung lalaking naka-suit at necktie sa harapan niya: "At ito naman?”Pinakalma ni

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 32: Kahit ang Maliit na Kuneho May Ngipin Din

    Nang marinig ni Ethan na iimbitahan siya ni Arabella sa hapunan, patakbo siyang pumunta roon nang tuwang-tuwa.Galit na galit siya nang ilang araw na. Ngayon na siya na mismo ang nag-imbita sa kanya sa hapunan, ano kaya ang ibig sabihin nito? Natakot ba siya? Sa wakas ba ay natauhan na siya?Gusto niyang makita kung anong mga kalokohan pa ang kaya gawin ng dalagang ito ng pamilya Ashford.Sandaling napahinto si Ethan nang itulak niya ang pinto papunta sa pribadong kwarto.Nakaupo si Arabella sa loob. Naka-silk na blusa siyang kulay puti na bahagyang nakabukas ang kuwelyo, kaya aninag ang manipis niyang kwelyar. Nakalugay ang buhok niya at nakapatong sa mga balikat, kaya mas lalong maliit tingnan ang mukha niya. Magaan lang ang makeup niya, kaya mas nagmukha siyang malambot.Mas lalong nakakaakit ang isang magandang babae sa ilalim ng ilaw ng lampara habang mas tinititigan mo siya.Ngumisi si Ethan, isinara ang pinto sa likod niya, at dahan-dahang lumapit para maupo."Bakit ang bait-ba

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 31: Ikaw ba Iyon?

    Umuwi si Arabella, naligo nang mabilis, at nagpalit ng komportableng damit. Nang bumaba siya, nakita niya si Adrian na naghihintay sa kanya kasama ang aso niya sa di kalayuan.Nang makita siya ni Nemo, umiikot ang buntot nito na parang elisi, at halos hindi na kaya ng tali.Sa likuran ng Lanting ay may maliit na burol na may daanan. Dahan-dahan silang umakyat sa banayad na mga batong hagdan. Si Nemo ay tumakbo pauna, paminsan-minsang lumingon para hintayin sila, na may lubid na nakasabit sa bibig nito, na para bang natatakot na magkahiwalay sila.Lito ang isip ni Arabella, iniisip kung paano tatapusin ang mga pangyayari ngayong gabi.Ang pamilya ni Ethan ay malaking kliyente ni Chairman Rowken. Kung makasakit siya rito, malamang mawala ang kliyenteng iyon. Wala rin siyang mukhang ihaharap para magpatuloy sa pagtatrabaho kay Chairman Rowken.Magre-resign nang ganito? Talagang hindi ko matanggap.Habang nag-iisip ako, napadulas ako at sumubsob pasulong.Isang kamay ang matatag na pumigi

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 30: Ang Taong Totoong Mahal Ka Ay Ang Tanging Nais Lamang Ay Manalo Ka

    Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin," sabi ni Arabella na medyo garalgal ang boses.“Ang init naman ng ulo mo kapag ako ang kausap mo.”Humarang siya sa harap nito at tinakpan ng tangkad niya ang mga dumadaan. Walang nakakita sa mantsa ng wine sa damit niya pati na rin sa mukha niya.Tumayo muna siya roon sandali bago tumingala at nagtanong, "Anong ginagawa mo rito?”Kasama ko lang ang boss ko nag-didinner dito sa parehong restawran." Ngumiti siya nang bahagya. "Kung susundin ang sinasabi ni President Ashford, e di mukha lang pala akong nakikipag-inuman sa kanya.”Natigilan si Arabella nang sandali, pumulot ang ngiti sa labi niya pero hindi siya natawa.“Tama ka noong huli." Yumuko siya. "Gago siya. Hinayaan ko ang isang gago na ibaba ang sarili niya, kaya pati tuloy ako…”“Hindi ganoon," pagputol ni Adrian, seryoso ang boses. "Matagal ko nang gustong humingi sa'yo ng sorry.”Umiling si Arabella. "Alam ko, kaya ka nandito e dahil hindi matiis ng kapatid ko na pagalitan ako,

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 29: Matinding Protekta sa Kanyang Asawa

    Hindi pa nagtatagal nang magsimula ang hapunan, sinimulan na ni Gamian na ipakilala ang mga produkto ng kumpanya. Ilang minuto lang itong pinakinggan ni Ethan at bigla na lamang siyang pinatigil: "Chairman Rowken, nasaan ang inyong mga babaeng sales rep? Hayaan ninyong sila ang magpakilala ng mga produkto.”Binigyang-diin ang salitang "Miss".Nanggigigil na ikinuyom ni Arabella ang mga kamao niya. Kung hindi lang sana sila nakaharap kay Chairman Rowken, nasampal niya na sana ito kanina pa. Kaso ngayon, wala siyang ibang magawa kundi ang magpakatatag at tiisin ito.Tumayo siya para kunin ang product brochure, tapos maingat niyang ipinaliwanag kung paano gumagana ang reagent pati na rin ang mga parameter at clinical application nito. Mahina ang boses niya, pero sobrang linaw.Humilig si Ethan sa upuan niya, nag-de-kwatro, tapos tiningnan siya nang may ngiti.Nang matapos siyang magpahayag, marahan itong pumalakpak at sinabing: "Isang kahanga-hangang paglalahad. Seryosong susuriin at pag

  • Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter   Kabanata 28: Paano Mo Ako Naging Pamangkin?

    Matatagpuan ang mga kainan sa isang pamayanan sa lungsod, na may labindalawang mesa na kahoy sa ilalim ng isang bubong na yero, kasama ang mga magkakatulad na pulang plastik na silya. Wala kasing available na pribadong silid ngayon, kaya napilitang mag-roll up ng manggas si Adrian at maghugas ng mga plato gamit ang tsaa.Naglakad papalapit ang may-ari, na naka-tsinelas, at tinapik sa balikat si Adrian.“Adrian, nandito ka na pala. Ano'ng gusto mong kainin?”“Ihanda mo na lang kung anong masarap ngayon, ikaw na ang bahala.”“Oo naman." Tumingin ang tindera kay Arabella. "Ang ganda niya ha, kapatid mo ba?”“Pamangkin ko”“Hello Pamangkin” Bati ng tindera.Arabella: "Teka, diba pinsan mo ako? Bakit naging pamangkin mo na ngayon?”Tumawa ito at sinabing, "Magkaiba kasi tayo ng henerasyon, kaya bibigyan kita ng red envelope sa Chinese New Year.”Ngumuso si Arabella. "Hindi ka pa naman kasal, kaya dapat ako ang nagbibigay sa iyo.”Matapos ang ilang magaan at masayang biruan, tuluyang nag

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status