Share

CHAPTER 53

ZANEVY FREALIZA

Pagmulat ng mata ko. Purong puti ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid kaya nalaman ko na nasa hospital ako. Kumunot ang noo ko ng makita si Tristan na nakaupo sa silya sa tabi ng hospital bed, hawak nito ang kamay ko habang nakasubsob ang mukha sa kaniyang braso na nakapatong sa kama at mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan kong binawi sa kaniya ang kamay ko at maingat na umupo para hindi siya magising pero mukhang kahit ihip ng hangin magigising si Tristan.

Napahilamos ito sa kaniyang mukha gamit ang sarili niyang mga palad. Napansin ko ang benda ang kaniyang kamao. May galos ang kaniyang mukha. Magtatanong na sana ako sa kaniya kung anong nangyari ng maunahan niya ako.

“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?”

Umiling ako bilang tugon sa kaniya. Nagmamadali itong tumayo at pinindot ang monitor sa may uluhan ko upang tumawag ng doctor.

Inisip ko kung ano ang nangyari sa akin para humantong ako sa hospital. Hindi masyadong malinaw at p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status