Share

Chapter 3

TARAH

It never felt like I was married. For a while I've forgotten about it, that I was married to someone. I was too occupied taking care of my mother. Her operation was successful. And thankfully she didn't have any fatal illness, but still they're serious.

This school year has started, but I skipped my class for two days now. Kailangan ako sa hospital ni mama, atsaka opening of classes palang naman. They won't start the lessons yet.

For a while I've forgotten about my marriage, but coming to school reminded me about it. Kalat na naikasal ako sa pangalawang anak ng mga Schneider. Sa dalawang araw na hindi ko pagpasok ay ako pala ang usap-usapan ng halos buong school. Lantaran nila akong pinagchischismisan. Ang iba ay nagtatanong pa sa akin kung totoo ba. Wala akong binigyan ng pansin sa kanila.

Tinignan ko ang schedule ko, at agad na hinanap ang room ng klase ko.

"So totoo ngang may anak sa labas?"

"Kung hindi totoo, edi kanino kinasal si Tarah? Malamang totoo dahil kinasal siya."

"Totoo din kaya na pangit siya? Diba ang sabi kaya lalong tinago ang anak sa labas dahil sa itsura niya? Narinig ko pinag-uusapan noon nina mama na may nakakita raw noon doon sa anak sa labas noong bata pa siya."

Hindi ko pinahalata pero ang buong atensyon ng mga tenga ko ay nasa pinag-uusapan nila. I didn't know na may mabuting mapapala sa akin ang maging laman ng chismis. Nakakakuha ako ng impormasyon tungkol sa asawa ko. I can still feel that I now have a husband.

"Nakita nila ang itsura niya? Ano daw ang itsura?"

"Parang may peklat daw sa mukha."

"Peklat? Nasunog siya?"

"Baliw! Sunog agad?"

"O anong naiisip mong dahilan bakit may peklat siya sa mukha?"

"Malay mo naaksidente!"

"Hindi ba aksidente ang sunog?"

"Tumahimik nga kayo! Kayo ang magkekwento o ako?!"

Pinigilan kong matawa nang manahimik ang dalawa.

"In born daw."

"Baka karma dahil anak sa labas. Lam na, kasalanan."

"Malala ba?"

"Ang karma?"

"Hinde! Ang peklat sa mukha."

"Hindi ko sure. Pero hula ko ay kundi ang buong mukha baka kalahati ay balot ng peklat. I mean, kalat na pangit siya diba? Baka dahil doon na deform ang mukha niya kaya ganon, naging pangit."

"Baka nga."

"True."

Grabe naman. Deform talaga? Huminga ako ng malalim. Totoo kaya? Hindi ako natu-turn off sa mga naririnig ko tungkol sa itsura niya. Ang totoo ay nakaramdam ako ng awa. What happened to him? I'm not so concerned about his looks. Concern ako sa pagkatao niya. Aanhin ko ang gwapo kung demonyo naman ang ugali.

Most of my subjects today made me introduce myself. They're not really interested about me, my name or such, they just wanted to know if the rumor was true. Yoon lang ang pakay nila.

On my way to the cafeteria, I passed by Sam. Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko pinansin. Hinabol niya ako at hinablot ang braso para lang pansinin ko siya.

"Hindi kana namamansin porket sikat kana? You're famous now." Nakangisi niyang sabi. "Thanks to you." Nanunuya kong sagot. Mas lalo siyang nainis dahil hindi niya ako nainis.

I knew this would happen. Wala silang ibang mapagtripan kundi ako.

I've been the talk of the school for a week. It didn't help me forget the part that I got married through a contract. A part of me was waiting for news from him. But there was none. Which I should be grateful for, right? It's like I wasn't married at all. Sa usap-usapan at sa kontrata lang ako kinasal.

Dahil mabilis na kumalat sa school ang tungkol sa pagpapakasal ko ay umabot ang usapan kina papa. Narinig nila ang usapan na naikasal na nga raw ako. Isa ito sa kinakatakutan ko. Ayokong malaman nila. Hindi nila hahayaan maikasal ako sa ganoong paraan. Ayaw ni papa. Ipaglalaban ako ni papa. Kaya hindi ko muna sinabi sa kanila bago ako nagdesisyon, dahil alam kong kahit anong maging kapalit ay hindi nila ako gustong makasal sa lalaking hindi ko mahal, sa lalaking hindi ko pinipili.

Ayoko silang mag-alala. Protective sa akin si papa lalo na mula sa mga lalaki. At kahit tapos na, kahit nakapirma na ako at nailakad na ang papeles sa kasal ay kikilos siya para mabago iyon, para hindi ako makasal. Kaya nagsinungaling ako.

"Hindi po iyon totoo. Pinagkakalat lang tungkol sa akin. Nagkaroon lang kami ng maliit na away nina Sam at Pam kaya ginagantihan ako."

"Away?"

"Ma, pa. Huwag niyo ng problemahin iyon. Kaya ko. Matapang ako diba? Takot sa akin 'yang dalawa kaya ganiyan ang paraan ng pagganti nila sa'kin. Saka ayaw niyo non? Kalat na kasal na ako. Walang mangaahas na manligaw sa akin. Kaya hindi ko kinokontra ang chismis para akalain talaga nila na kasal na ako."

"Ang daming may alam. Kaya akala namin totoo."

"Hindi po 'yon totoo. Kanino po kayo maniniwala? Sa mga marites, o sa akin na anak niyo?"

"S-sayo." Mahinang sambit ni mama. Nakauwi na siya sa bahay. Pero hindi parin namin pinapakilos, baka bumuka ang operado. Sigurado atat na siyang maglinis, kaya pinapabantay ko kay papa.

"Akala namin totoo dahil binigyan ka ng malaking pera ni Mrs. Lucille."

"Diba puba sinabi ko na sa inyo na pinahiram niya sakin 'yon? Naging successful yung isang business niya dahil sa idea ko kaya nakakuha siya ng malaking pera, at tinulungan tayo. Magtatrabaho po ako doon, kaya baka may chance na lumipat po ako ng bahay. Baka mag stay in ako malapit doon sa pagtatrabauhan ko."

Naghahanda na ako baka sa biglang pagpaparamdam ng asawa ko ay hilingin niyang magsama kami sa isang bahay. Mabuti ng magsabi ako ng maaga tungkol sa maaring paglipat ko para hindi sila magtaka kapag nangyari na.

***

Lunch break, puno ang cafeteria. Ang namataan kong bakanteng upuan ay inunahan ako ni Sam sa pag-upo kasama ang mga barkada niya. Humanap ako ng iba.

Titingin na sana ako sa mabilang side nang may kumausap sa akin. "Here. May bakanteng upuan pa. I don't mind." Aniya. Nagulat ako. First because he was kind to offer me a seat. Obvious naman na naghahanap ako ng mauupuan dahil may hawak akong tray at tumitingin-tingin ako. At mukhang nakita niya kung paano nakipag-unahan sa akin sa upuan si Sam. Nakaharap siya sa doon, makikita niya. Second, it's my first time seeing his face, and boy he's handsome. He gestured the chair in front of him.

Lumapit na ako bago pa niya maisip na natulala ako sa kaniya. He doesn't look Asian. Sa mata at ilong palang ay alam ko ng may dugo siyang iba. Kulot ng bahagya ang buhok niya. Puti ang balat. Makapal ang kilay habang manipis naman ang labi. Umupo ako. Pinanatili ang tingin sa pagkain ko. Makakain kaya ako nito?

I'm not comfortable eating around many people, more so eating with a stranger. And boy, gwapo siya. Parang naconscious ako. I got completely conscious when I noticed pairs of eyes looking at us. Isa na doon si Sam. Bakas ang gulat at taka nakatingin sa amin. Hmm. Hula ko ay tipo niya anv lalaking ito. Binalik ko ang tingin sa aking plato.

Rinig kong pinag-uusapan nila siya. Kaya pala ngayon ko lang siya nakita. Siya pala ang bagong salta na usap-usapan din ng halos lahat, mostly girls. Gwapo, e.

"It sucks being the talk of the school." He said. I looked at him, who was looking back at me. He have this friendly stare at me. Nagkibit balikat siya. So, he heard. And yes, it sucks.

"My name's Elliot. And I heard you're Tarah." Aniya. Buti at hindi niya inalok ang kamay niya. I don't want to be rude, but I know I wouldn't shake his hand if ever he asks for a handshake. Good looks isn't enough for me to be friendly. And I wouldn't dare get close with him. Lalo lang akong pag-uusapan at pagtutuunan ng pansin. I already have my fair share of rumors, I don't want to add another.

"Nice meeting you." Friendly niyang sabi. Nakangiti sa akin. Tumango lang ako.

"Hmm. No talking. Okay. Sorry. Kain kana." Aniya nang hindi ko kausapin, at nag-umpisa ng kumain. He stayed silent the whole time. Nauna siyang natapos kumain pero hindi agad umalis. May ginagawa sa phone niya.

Tumayo ako bitbit ang aking bag at tray. "Thanks." Sambit ko bago siya iwan doon.

I was on my way to my third subject for today when I passed by him on the way. Hindi ko siya mapapansin kung hindi niya ako nilapitan, at napigilan sa paglalakad.

"Hi! Tarah? Hi, again." Aniya. Hawak niya ang kaniyang telepono. Nahihiya siyang tumingin sa akin at lumapit na ng tuluyan.

"Alam mo ba kung saang building ito? I'm new here. Nalilito parin ako sa mga building." Aniya, saka ipinakita sa akin ang nakaflash niyang schedule na siya palang tinitignan niya sa kaniyanh telepono. Tinignan ko kung anong building siya.

"Diyan din ang punta ko. Sumunod ka nalang." Nauna akong maglakad. Maya maya ay patakbo siyang naglakad para magkasabay kami.

"Why sunod kung pwede naman sabay?" Aniya. Kumislot ang kaniyang mga kilay. Nakangiti sa akin. I looked at him weirdly, and stopped walking.

"Sorry. Ok. Sunod. Ladies first." Aniya. Humakbang ng isang beses paurong, tapos ay itinuro ang daan sa harapan. Hindi ko siya inimikan at pinagpatuloy nalang ang paglalakad.

I don't want people to think that we're close. I'm not planning to get close or be friends with him. Not that I don't think he's kind, I think he's kind. But I've never met friends of opposite sex became really just friends. And I've seen how other people don't see them just being friends even if they are just really friends. And in the end it destroys their friendship. I don't think it's a good idea to be friends with a guy, especially guys like him. Good looking. Girls will hate on me. They would think I'm stealing their crush.

We reached the building. I know what floor his room is. Third floor. "Your floor. Hanapin mo nalang ang room." Dry kong sabi saka na tinahak ang hagdan.

"Saang floor ka?" Tanong niya. Tumigil ako at nilingon siya. Nagtama ang aming mga mata.

"None of my business. Ok. Hanapin ko na ang room ko. Thank you, and bye, Tarah." Aniya agad nang makitang wala akong balak sumagot.

The next day bigla nalang siyang sumulpot sa aking harapan, dala ang tray ng kaniyang pagkain. Ngumiti siya nang makitang nakatingin ako. Nakaputing oversized shirt, blue jeans at puting sapatos lang siya. Napakalinis tignan. Kahapon ay naka plain skyblue hawaiian shirt siya.

"Can I seat here?" he asks, looking at the seat in front of mine. I didn't answer. I went back to eating. I don't want to be rude, but I don't want him to join me on my table. I can feel the eyes of some students on us. He pulled the chair, then sat. I guess he doesn't need an answer.

"I'm not trying to hit on you. I've heard the rumor. I just want to be friends." he said before he started to eat his meal. I just looked at him. We silently eat. I was the first one to leave just like yesterday. And just like yesterday, I found him searching for his building again.

"Hi!" bati niya bago ko siya malagpasan. Tapos ay ipinakita sa akin ang phone. Alam ko na agad kung ano. "That building." Tinuro ko ang gitnang building.

"Thanks." He said all smile. I just nod, then left.

For the third time this week, nagkita nanaman kami sa cafeteria. Mukhang parehong oras ang break namin kaya kami laging nagtatagpo.

"Pwede bang makiupo?" tumango nalang ako. Uupo din naman kahit hindi ko sagutin. Hindi naman siya maingay kumain at nangungulit kaya parag wala din akong kashare sa table.

"I'm not stalking you or anything. Just wanna be friends. And I prefer to sit with you. Though you're not talking to me. But that's better than what others do. You know, nonstop talking." aniya habang inaayos ang pagkain. Pansin ko lang, either tatlo or dalawa ang ulam niya.

Ako din naman minsan dalawang klase ng luto ang ulam ko, kapag tiyempo na mabait ang nagseserve.

"Are you really silent? Or ayaw mo lang kausap ako?" tanong sa gitna ng aming pagkain.

"First." tipid kong sagot.

"Uy! First word." mapagbiro niyang sabi.

"I don't like talking. I don't like noise." Hindi ko sadyang maging masungit, but its natural of me. "Okay. Sorry. Kain lang. Ok." mabilis niyang sabi. Itinuon ang tingin sa kaniyang pagkain. Sumandok siya ng ulam at inihalo sa kanin. Yumuko siya, humamba ng sumubo pero bigla niyang inangat ang tingin sa akin. Hindi ko pinahalata na nagulat ako na nahuli niya akong nakatingin.

"But we're friends now, right?" tanong niya. HIndi ako sumagot. Walang emosyon ko siyang tinignan. "No? No. Ok." aniya saka na muling kumain. Gusto kong matawa kapag sinasagot niya ang sarili niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status