Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng hotel matapos ko suotin ang uniform na binigay sa akin. Saktong sakto lang sa akin ang long sleeve suit and skirt na kulay wine red. Ang ganda.
Habang pinapantay ko ang make up, napaisip ako sa estrangherong si Alexander na stepbrother pala ni Perry. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang lalaking iyon. Nawala siya sa isip ko simula nang malaman kong siya ang stepbrother ng boyfriend ko na anak ng may-ari ng hotel na ito.
Naalala ko nang magising akong magkayakap kaming nakahiga sa backseat ng kotse. Bigla akong natauhan sa pinaggagagawa ko. Sinabi kong hindi ko pagsisisihan na bumigay ako sa lalaking ‘yun, pero nagising na lang ako na nagsisisi. Kung bakit kasi sobra akong nagpakalasing kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos at binigay ko pa ang sarili ko sa kanya, na kung sa boyfriend ko nga ay hindi ko nagawa.
Nang magising ako at matauhan, basta na lang akong umalis. Natutulog pa siya noon at hindi ko na siya tinangkang gisingin pa. Doon ko na tinuldukan ang lahat at pinilit na kalimutan siya, kahit hindi ko magawa dahil parati niyang ginugulo ang isip ko. At ngayon, dito ko siya sa hotel matatagpuan, stepbrother pa siya ni Perry.
Siguro paninindigan ko na lang talaga na kunyari ay hindi ko siya kilala. Nagawa ko na ‘yun noong nagkita kami uli sa penthouse niya. Kahit napakahirap magpanggap na wala lang siya sa akin, ginawa ko para hindi maging awkward ang sitwasyon namin. Magiging kumplikado ang lahat dahil stepbrother siya ni Perry, kaya paninindigan ko na lang na isipin niyang hindi ako ang babaeng nakasama niya noong gabing ‘yun.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa CR. Pumunta muna ako sa locker room at tinago doon ang mga gamit ko, saka ako pumunta na sa front desk.
"You're late!" bungad na sabi sa akin ng supervisor pagdating ko sa front desk.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Dalawang minuto lang naman akong late, pero kung makapagtaas ng kilay ang supervisor na ito, parang ilang oras na ang katumbas nun.
"Sorry po. Medyo traffic ang papunta dito kaya po ako natagalan," pagdadahilan ko sa supervisor.
"So ano, araw-araw ganito tayo? You should learn time management!" panenermon niya sa akin.
Napatingin ako sa receptionist na nasa front desk. Sumesenyas siya sa akin na sumang-ayon lang ako kaya iyon ang ginawa ko.
"Noted po!" magalang kong sabi.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang ineestima ang ayos ko.
"Dagdagan mo pa ‘yung make up mo. Maputla kang tignan. Ikaw ang unang makikita ng mga guest kaya dapat magandang maganda ka!" Sumunod naman ako sa sinabi niya.
Bumalik ako sa locker room at dinagdagan ang make up ko. Matapos kong gawin ‘yun ay bumalik na ako sa reception at tumayo malapit sa front desk, na malapit rin sa main entrance door.
Habang nakatayo sa reception, napatingin ako sa malaking pangalan ng hotel sa wall.
Napatingin ako sa elevator nang lumabas ang mom at stepfather ni Perry. Naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Alexander parating busy ang dad niya at ang mom niya ay yumao na.
Palabas na sa exit door ang mama ni Perry nang mapatingin sa akin. Ngumiti siya at nilapitan ako.
"Delancy!"
"Tita!" sambit ko at nginitian siya.
"Okay ka lang ba sa trabaho mo dito? Just tell me kung nahihirapan ka, pwede kong i-request sa HR na ilipat ka."
"Ay, okay lang po ako, Tita! Gusto ko po itong trabaho ko. Salamat po!" nahihiya kong sabi.
"Tell me if you need anything, okay!" sambit niya saka umalis sa harap ko at lumapit sa stepdad ni Wade na naghihintay malapit sa exit door.
Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya. Natuwa akong mababait talaga sila sa akin. Agad namang nawala ang ngiti ko nang makita si Alexander sa likod ng dad niya.
Hindi ko alam kung kanina pa siya doon. Ngayon ko lang siya napansin. Nakatingin siya sa akin at hindi ko maintindihan ang expression sa mukha niya. Ganun din ang mukha niya noong kasama ko si Perrt sa penthouse niya, ibang iba sa mukha niya noong gabing parati siyang nakangiti.
Naka-business attire siya. Mukhang may business meeting siya kasama ang dad niya. Napaka-formal ng ayos niya kumpara noong magkasama kami na tanging T-shirt at pantalon lang ang suot niya. Parang mas okay pa sa akin ang Alexander na nakasama ko noon kaysa ngayon. Feeling ko tuloy magkaibang tao ang Alexander a kasama ko noon sa Alex ngayon.
Umiwas na ako ng tingin sa kanya para hindi na rin niya ako tignan pa, hanggang mapansin kong lumabas na siya ng hotel.
Apat na oras akong nakatayo. Feeling ko mas gusto ko pa ang room attendant o housekeeper na tagalinis ng mga kwarto kaysa sa ganitong trabaho.
Nang biglang bumungad ulit si Alexander sa paningin ko. Bumalik na siya mula sa business appointment niya.
"Good afternoon, Sir!" sabay-sabay naming pagbati sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Hindi naman siya nakangiti pero maaliwalas ang mukha niya.
"Good afternoon!" pagbati rin niya habang naglalakad ng mabagal.
Ngumiti siya at tumingin sa mga kasama ko hanggang tumingin rin siya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko, na hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.
May dumating na guest kaya doon na nabaling ang atensyon namin. Napatingin uli ako kay Alexander na pasakay na ng elevator. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa araw-araw na ganito. Hindi ko siya maiiwasan kahit anong gawin ko dahil nasa iisang lugar kami, at ang tanging magagawa ko na lang ay magpanggap na hindi siya kilala.
Ilang minuto ang nagdaan nang lumapit ang supervisor sa akin.
"Delancy, umakyat ka sa penthouse. Naubusan na ng tissue si Sir Alex kaya pakidala ito doon," sabi niya sabay abot ng box ng tissue.
"Bakit po ako? Diba po trabaho ng room attendant ito o ng housekeeper?" protesta ko.
"Dahil ikaw ang available. Sige na, hinihintay na yan ni Sir Alex." At tumalikod na siya.
Kumilos na ako at umakyat sa penthouse. Kinakabahan ako habang nasa elevator. Alam kong sinasadya ito ni Alexander, pero para saan?
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang huminto na sa penthouse ang elevator at naglakad ako patungo sa pinto. Sarado ang pinto nang pihitin ko. Pinindot ko ang doorbell at tumapat sa intercom.
Naalala ko na ganito ang ginawa noon ni Perry. May camera ang intercom kaya nakikita mula sa loob kung sino ang nasa labas. Ilang segundo ang lumipas, wala akong naririnig mula sa intercom. Expect kong magsasalita doon si Alexander pero wala, baka wala siya.
Sinubukan kong pihitin uli ang doorknob. Hindi na nakalock.
Automatic ba?
Pumasok ako sa loob. Nagulat ako nang may kung anong bumangga sa paa ko. Napatitig ako sa bagay na ‘yun na parang aso.
Robot?
Nakatingala sa akin ang ulo ng robot na parang tinitignan ako. Siya ba yung nagbukas ng pinto?
Napatingin ako sa paligid, walang tao sa loob. Baka wala nga si Alexander.
Siguro nasa office niya?
Naisipan kong ilapag na lang iyon sa center table. Lumapit ako doon at nilapag ang tissue. Paalis na ako nang mapansin kong nakabuntot pa rin sa akin ang asong robot.
Mula pa kaninang pagpasok ko ay nakabuntot na siya sa akin. Umupo ako sa sahig at tinignan siya.
"Hi!" sambit ko.
As if naman na sasagot siya.
"Hello!"
Nagulat ako nang magsalita siya. Natuwa ako na nagsasalita ang robot.
"What's your name?" tanong ko. Baka kasi magsalita uli siya.
"Knight!"
Umalis ang robot sa harap ko. Sinundan ko siya nang umandar siya. Dire-diretso siyang pumasok sa isang kwarto. Naalangan ako kung papasok pa ako doon, pero lumingon sa akin ang robot na parang pinapasunod ako kaya sumunod ako.
Pagpasok ko sa loob, ‘yung malaking kama agad ang bumungad sa paningin ko. May malaking TV sa tapat ng kama. May mga couches. Malalaki ang closet. Napakalaki ng kwarto, parang kasinlaki na rin ng bahay.
Tingin ko ay kwarto ito ni Alexander.
Naisipan ko nang lumabas pero nainterest akong tignan pa ang paligid. May nakita akong malaking picture frame na nakasabit sa wall.
Family picture. Pero wala roon si Perry at ng mommy niya. Ibang babae ang narito. Ito siguro ang mommy ni Alexander.
Dumako ang paningin ko sa mga gitara na nakasabit. Mahilig siguro siya sa gitara dahil ilang piraso ang nandoon. May bookshelf din at maraming iba't ibang libro.
Napatingin ako sa digital clock na nakapatong sa office table. Alas sais y media na pala.
Palabas na ako ng kwarto nang mapansin ko sa kama ang isang bagay na pamilyar sa akin. Lumapit ako doon at kinuha iyon na nakapatong sa unan.
Yung panty ko!
Naalala kong hindi ko mahanap ang panty ko sa kotse noong isuot ko na ang damit ko. Naghinala ako noon na nadaganan ni Alexander ang nakahiga. Dahil ayaw ko na siyang gisingin, hinayaan ko na lang.
Umuwi ako ng walang suot na panty dahil doon, at ngayon makikita ko ito sa kwarto ni Alexander. Nasa kama niya at nakapatong sa unan niya.
Ano namang ginagawa niya sa panty ko at nasa kama niya?
Akala ko itatapon na lang niya ang panty ko, pero inuwi pa niya sa penthouse niya at katabi matulog?
Pinagnanasaan siguro ako ng lalaking iyon sa panty ko!
Nainis ako kaya kukunin ko na lang. Tinupi ko ang panty sa maliit at ibinulsa iyon.
Pero natigilan ako nang makarinig ng tinig.
"Why are you taking that? Is that yours?" saad ng baritonong tinig na ayoko na sanang marinig, pero parang biglang lumukso ang puso ko nang marinig siya.
Lumingon ako sa likod at nakita ko siyang nagpupunas ng tuwalya sa basang buhok. Bagong ligo siya, kagaya noong unang beses na nakapunta ako rito kasama si Perry.
Tanging boxer shorts lang ang suot niya. Nakatingin siya sa panty na hawak ko habang ibinubulsa ko. Nagpapanggap akong hindi siya kilala, pero nakita niyang ibinulsa ko ang panty.
Ang tanga mo naman, Delancy!
Sinabi kong paninindigan kong iparamdam sa kanya na hindi ko siya kilala, pero paano pa ako makakalusot ngayon ibinulsa ko ang panty ko at nakita pa niya?
Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin sa CR ng hotel matapos ko suotin ang uniform na binigay sa akin. Saktong sakto lang sa akin ang long sleeve suit and skirt na kulay wine red. Ang ganda.Habang pinapantay ko ang make up, napaisip ako sa estrangherong si Alexander na stepbrother pala ni Perry. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang lalaking iyon. Nawala siya sa isip ko simula nang malaman kong siya ang stepbrother ng boyfriend ko na anak ng may-ari ng hotel na ito.Naalala ko nang magising akong magkayakap kaming nakahiga sa backseat ng kotse. Bigla akong natauhan sa pinaggagagawa ko. Sinabi kong hindi ko pagsisisihan na bumigay ako sa lalaking ‘yun, pero nagising na lang ako na nagsisisi. Kung bakit kasi sobra akong nagpakalasing kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos at binigay ko pa ang sarili ko sa kanya, na kung sa boyfriend ko nga ay hindi ko nagawa.Nang magising ako at matauhan, basta na lang akong umalis. Natutulog pa siya noon at hindi ko na siya tin
Two weeks ago.Napagtripan akong gawing premyo sa isang karera na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko. At kung sino raw ang mananalo ay masosolo ako.Hindi ko rin alam kung bakit ba ako pumayag. Siguro dala ng excitement, kasabay ng pagrerebelde ko sa bahay dahil nagdala na naman ng bagong babae ang papa ko.Simula kasi ng mamatay si mama ay kung sino-sino na ang babaeng inuuwi niya. Umabot na sa parati kaming nag-aaway kaya kailangan ko muna huminga. Kahit ngayon lang ay gusto ko makalimot sa mga problema ko.Kaya heto, halos ilang lata na ng beer ang naubos namin ni Alexander. Bukod sa pangalan na yan ay wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.Siya ang nanalo kanina sa racing kaya bilang premyo niya ay sumama ako sa kanya."Hey, you told me na mag-iinuman tayo hanggang umaga!" sabi niya at bahagyang niyugyog ang balikat ko, na mas ikinahilo ko.Hinampas ko naman ang braso niya."Stop it!" sambit ko at tumingin sa kanya, pero hindi ko na maimulat ng maayos ang mga mata ko. Ibinags
"Wow! Ang ganda naman dito, Perry!" namamangha kong bulalas habang inililibot ko ang paningin sa loob ng isang sikat na five-star hotel pagpasok namin ng boyfriend kong si Perry. "Akala ko dati mamayaman lang ang pwede rito!"First time kong makapasok sa loob ng hotel na dati-rati ay nadadaanan ko lang ito.Mahina naman natawa ang boyfriend ko. "Pwede rin naman ang iba pumunta rito kahit hindi mayaman.""Basta may pera sila?" At mas lalo pa siyang natawa. "Ikaw talaga. Halika nga. Baka naghihintay na ang HR sayo. Galingan mo."Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay. "Wala ka bang bilib sa girlfriend mo? Makakapasok ako dito, tandaan mo yan. Parati mo akong makikita dito."Nandito kami sa hotel dahil may interview ako sa HR manager. Tinulungan ako ni Perry para makapasok ng trabaho. Stepfather niya kasi ang may-ari ng hotel, at sinabi raw nitong magtungo ako ngayong araw para sa interview.Natuwa ako matapos kausapin ang HR manager at tanggapin ako dahil napabilib daw siya sa akin.Pumunt