Share

Chapter 3

Penulis: AILEEN
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-16 22:06:36

Medyo late nagising si Cataleya ng araw na iyon. Ayaw niyang sumabay sa Ninong Santino niya ngayon. Plano na lang niyang magpahatid sa Daddy niya.

“Good morning, Dad. Puwede ba akong magpasabay sa'yo papuntang university?”

“Bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo ngayon?”

Napasimangot siya. Bigla na naman siyang nainis. Hindi niya sinagot ang ama at diretsong umupo sa hapag. Tahimik siyang nagsimulang kumain, pilit iniiwasan ang tingin ng Daddy niya. Alam niyang kukulitin na naman siya nito tungkol sa galit niya sa Ninong Santino niya.

Habang nakayuko siya sa pagkain at walang gana, hindi niya napansin na may isang taong matamang nakatingin sa kanya.

“Cataleya, bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo?”

“Dad, ilang beses mo na ‘yang tinanong,” tugon niya habang hindi pa rin tumitingin rito. Nakayuko lang siya, pinaglalaruan ang kutsara habang paulit-ulit siyang bumubuntong-hininga.

“You know you can tell Daddy everything, right? I just want to remind you, just in case my baby forgot that she can talk to her Daddy about anything.”

Napabuntong-hininga siyang muli. Siguro kailangan na niyang sabihin para mabawasan ang bigat sa loob niya.

“Naiinis ako kay Ninong kahapon. Sinabihan niya ako na nakikipagharutan kay Kyle—sa harap ng maraming tao. Eh hindi naman ako nakikipagharot sa Kyle na ‘yon, Dad. Hinarang niya ako at kinulit. He even grabbed my hand kaya napasubsob ako sa lalaking ‘yon.”

Hindi na niya napigilang ilabas ang sama ng loob niya sa ama.

“Eh ‘di kasalanan mo pala, Santino, kung bakit ayaw sumabay ng inaanak mo sa'yo,” biglang sabat ng Daddy niya.

Napalingon si Cataleya. Hindi niya napansin na naroon pala ang kanyang Ninong Santino. Natulala siya. Ilang segundo rin siyang nakatingin rito, hindi makakilos. Parang bigla na lang nawala ang inis niya nang makita niya ang ngiti ng ninong niya. Kakaibang kiliti ang naramdaman niya sa katawan.

“Sorry, Cataleya. I didn’t mean what I said yesterday. Galit pa ba sa akin ang inaanak ko?”

Ang sarap sa pakiramdam ng malambing na bosboseg kanyang Ninong Santino. Alam niyang sinadya lang nitong maging sweet dahil naroon ang kanyang Daddy. Pag wala ang ama niya, lagi itong suplado. Pero ayos na rin, at least nag-sorry ito. Unti-unting nawala ang inis niya.

“Let’s go. Late na tayo pareho,” ani ng kanyang Ninong.

Agad siyang tumayo. Hinalikan muna niya ang Daddy niya bago kinuha ang bag. Hinila niya ang kamay ng ninong niya paalis. Kahit madalas siyang sungitan nito, hinahayaan naman siya nitong maging malambing. Kahit pa sabihing paulit-ulit na sinasabi nitong anak lang ang turing sa kanya.

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto. Tumakbo siya papunta sa passenger side ng mamahaling sasakyan. Maayos siyang umupo at nag-ayos ng upo. Nagulat siya nang lumapit sa Ninong Santino niya. Akala niya hahalikan siya nito, pero seatbelt lang pala ang ikinakabit.

Bago pa tuluyang lumayo ang mukha ng ninong niya, mabilis niyang dinampian ng halik ang labi nito.

“Cataleya!”

“What?” Nagmamaang-maangan siya habang tumingin sa labas ng bintana. Lihim siyang ngumiti.

Ilang minuto rin siyang nakatitig sa labas pero hindi pa rin pinapaandar ng ninong niya ang sasakyan. Lumingon siya rito.

“Ninong, paandarin mo na. Late na tayo.”

Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Nilagay ng kanyanf Ninong Santino ang palad sa pisngi niya at bigla siyang hinalikan. Isang halik na ngayon lang niya naranasan—malambot, mainit, at nakalalasing.

Pinikit niya ang mga mata at ninamnam ang labi nito.

“What the hell are you doing, Cataleya?”

Napamulat siya. Nakatunghay sa kanya ang kanyang Ninong Santino, seryoso ang mukha.

“Another daydreaming, Cataleya?”

Sa unang pagkakataon, nakita niyang ngumiti ito. Ang ngiti nitong napakagandang pagmasdan.

“Ninong, ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng labi mo?”

Tinitigan niya ito ng matagal.

“Ninong, can you kiss me?”

Mapang-akit ang pagkakasabi niya.

“Shut up, Cataleya.” Malakas ang sigaw ng Ninong niya. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Mabilis ang pagpapatakbo nito. Kinabahan siya. Napakapit siya sa braso ng ninong niya dahil sa takot.

“Ninong, please slow down!” sigaw niya.

Pakiramdam niya ay nawalan siya ng hininga. Pinikit niya ang mga mata hanggang sa maramdaman niyang bumagal na ang sasakyan. Bumitaw siya at hinawakan ang dibdib niya.

Pakiramdam niya’y pinagpapawisan siya ng malamig. Nang abutan siya ng tubig ng ninong niya, tinabig lang niya ito.

“Eto na ang huling beses na sasabay ako sa’yo, Ninong. Magta-taxi na lang ako. Ayaw ko pang mamatay,” galit niyang sabi habang humalukipkip.

Wala siyang imik hanggang makarating sila sa university. Agad siyang bumaba.

“Nakakainis talaga.”

“Cataleya, come back here.”

Hindi niya ito pinansin. Alam niyang hindi siya hahabulin nito, lalo’t maraming estudyante ang naroon. Agad siyang lumiko sa kabilang daan, alam niyang hindi mapapansin ni Ninong Santino na hindi siya pumasok.

“Bakit si Ninong Santino pa ang nagustuhan ko? Ang sama ng ugali niya. Mapanakit siya. Magsama sila ng nobya niyang masungit.”

Pumara siya ng taxi. Sa sobrang pagkainis niya, wala na siyang balak pumasok. Uuwi na lang siya. Alam niyang wala na si Daddy sa bahay sa mga oras na ito.

"I should stop this feeling, ngayong maaga pa. Hindi na dapat ako umabot sa punto na nababaliw kay Ninong," bulong niya sa sarili.

Inis siya napasabunot ng buhok dahil tila naglalaban ang mga desisyon niya. Parang hindi na nga niya ata kaya na pigilan ang nararamdaman.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • In Ninong Santino's Bed   Chapter 5

    Panaka-nakang sinulyapan ni Cataleya si Santino habang seryoso itong nagmamaneho. Nakatingin lang ito sa daan. Kahit saang anggulo tingnan, si Santino ay isang perpektong lalaki. Matalino, may porma, at hindi maikakailang guwapo. Nangunguna sa karamihan. Hinahangaan, tinitingala. Lalaki na mula pa noong una niya itong makita ay parang unti-unting binura ang katinuan niya. Kahit pa masungit ito sa kanya."Kanina mo pa ako tinitingnan.""Paano mo naman nalaman na tinitingnan kita, Ninong? May side eye ka ba? Or are you looking at me?""Just shut up, Cataleya." Nakabibingi na naman ang sigaw nito. Minsan nasasaktan siya sa mga pagsigaw at pagtataboy nito, pero hindi niya pinapakita. Kung alam lang nito na bawat salitang binibitawan ay naiipon sa puso niya. Hindi niya alam kung kailan sasabog ang sakit o kung hanggang kailan niya kakayanin.May mahal nang babae si Santino kaya hanggang pang-aakit lang ang ginagawa niya. Malapit na rin itong ikasal, kaya hindi niya alam kung kailan siya ti

  • In Ninong Santino's Bed   Chapter 4

    Pagkarating ni Cataleya ng bahay ay maghapon siyang nagkulong sa silid. Pinatay rin niya ang cellphone para walang gumambala sa kanya. Naroon pa rin ang takot na iniwan ng ginawa ng kanyang Ninong Santino kaninang umaga. Papagabi na nang muli niyang buksan ang cellphone.“You are just nice to me when Daddy is around,” mahina niyang sabi habang tinititigan ang litrato ng Ninong niya sa cellphone. Palihim niya itong kinuhanan habang abala itong kausap ang Daddy niya.Makailang beses niyang pinitik ang ilong ng Ninong niya sa screen ng telepono bago niya muling nilapag ito sa tabi niya. Humiga siya ulit sa kama.“Balang araw, ikaw din ang maghahabol sa akin, Ninong sungit.”Mabilis niyang kinuha ang cellphone nang tumunog ito. Inakala niyang ang kanyang Ninong ang tumatawag, pero nang makita niyang si Daddy lang ito, napabuntong-hininga siya."Hello, Dad," bungad niya. "Huwag ka nang magalit. Hindi ako pumasok today. Bumalik ako sa bahay. Nakakainis si Ninong. Tinakot niya ako. Ang bilis

  • In Ninong Santino's Bed   Chapter 3

    Medyo late nagising si Cataleya ng araw na iyon. Ayaw niyang sumabay sa Ninong Santino niya ngayon. Plano na lang niyang magpahatid sa Daddy niya.“Good morning, Dad. Puwede ba akong magpasabay sa'yo papuntang university?”“Bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo ngayon?”Napasimangot siya. Bigla na naman siyang nainis. Hindi niya sinagot ang ama at diretsong umupo sa hapag. Tahimik siyang nagsimulang kumain, pilit iniiwasan ang tingin ng Daddy niya. Alam niyang kukulitin na naman siya nito tungkol sa galit niya sa Ninong Santino niya.Habang nakayuko siya sa pagkain at walang gana, hindi niya napansin na may isang taong matamang nakatingin sa kanya.“Cataleya, bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo?”“Dad, ilang beses mo na ‘yang tinanong,” tugon niya habang hindi pa rin tumitingin rito. Nakayuko lang siya, pinaglalaruan ang kutsara habang paulit-ulit siyang bumubuntong-hininga.“You know you can tell Daddy everything, right? I just want to remind you, just in case my baby forgot that she

  • In Ninong Santino's Bed   Chapter 2

    At katulad ng gusto mangyari ni Cataleya, nakuha niya ang atensyon ng Ninong Santino niya.“Cataleya, I want to talk to you.”Lihim na natuwa si Cataleya. Kahit alam niyang sesermonan na naman siya ng Ninong niya ay masaya siyang makakasama ito kahit sandali lang. Sanay na siya sa mga saway nito sa tuwing may ginagawa siyang ikinaiinis nito. Nanatili siyang nakaupo, nakalumbaba habang pinapanood ang mga kaklase niyang palabas ng silid. Nang silang dalawa na lang ang natira, ngumiti siya sa ninong niya.Nakasalubong ang kilay nito. Masama ang tingin sa kanya.“What do you think you're doing?” tanong nito.Hindi nagpadaig si Cataleya. Ngumisi pa siya at tumayo sa harapan ni Santino. Mariin niya itong tinitigan.“What, Ninong Santino? What did I do?” Nagkunwari siyang walang alam. Alam niyang ikinagagalit nito kapag binubuka niya ang mga hita at kinagat ang labi habang nakatitig rito. Lagi niya itong inaakit sa tuwing nagtuturo ito, at lagi siyang umuupo sa unahan para matitigan niya ito

  • In Ninong Santino's Bed   Chapter 1

    Napangisi si Cataleya, bago umupo sa unahan ng classroom nila, siguradong tiyak na makikita siya ng kanyang Ninong Santino. Naka-skirt siya, suot na alam niyang ayaw nitong isuot niya. Nang pumasok ang Ninong nito ay naroon ang magandang ngiti nito—pero agad din iyong naglaho nang makita siyang naka-upo sa harap.Nang tumingin ito sa kanya, bahagyang ibinuka ni Cataleya ang mga hita, kinagat ang ibabang labi, at tiningnan ito nang diretso sa mga mata. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa nito. Napangisi ulit siya.“Bibigay ka rin sa akin, Ninong Santino,” bulong niya sa sarili.Hindi na siya pinansin pa nito at nagsimula na itong magturo. Nang malaman ni Cataleya na dito nagtuturo ang Ninong niya sa university, agad niyang sinabi sa ama niya na dito niya gustong mag-aral.Dalawang linggo pa lang mula nang una niyang makilala ang Ninong niya, pero simula noong araw na 'yon, hindi na niya ito tinigilan. At sariwang-sariwa pa sa isipan niya ang araw na iyon.“Good morning, Daddy! Ang ganda

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status