Panaka-nakang sinulyapan ni Cataleya si Santino habang seryoso itong nagmamaneho. Nakatingin lang ito sa daan. Kahit saang anggulo tingnan, si Santino ay isang perpektong lalaki. Matalino, may porma, at hindi maikakailang guwapo. Nangunguna sa karamihan. Hinahangaan, tinitingala. Lalaki na mula pa noong una niya itong makita ay parang unti-unting binura ang katinuan niya. Kahit pa masungit ito sa kanya.
"Kanina mo pa ako tinitingnan."
"Paano mo naman nalaman na tinitingnan kita, Ninong? May side eye ka ba? Or are you looking at me?"
"Just shut up, Cataleya." Nakabibingi na naman ang sigaw nito. Minsan nasasaktan siya sa mga pagsigaw at pagtataboy nito, pero hindi niya pinapakita. Kung alam lang nito na bawat salitang binibitawan ay naiipon sa puso niya. Hindi niya alam kung kailan sasabog ang sakit o kung hanggang kailan niya kakayanin.
May mahal nang babae si Santino kaya hanggang pang-aakit lang ang ginagawa niya. Malapit na rin itong ikasal, kaya hindi niya alam kung kailan siya titigil.
Hindi na siya nagsalita. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Pinilit niyang abalahin ang sarili sa panonood sa mga kabahayan kahit wala namang maganda sa tanawin. Gusto lang niyang itago ang sakit ng loob dahil sa pagsigaw nito.
Pagkarating nila sa bahay, agad siyang bumaba ng sasakyan. Hindi naman siya pinag-buksan ng pinto ni Santino katulad ng ginagawa nito sa nobya, kaya bakit pa siya aasa?
Sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya ang nagpahinto sa kanya sa paglalakad.
"Hello, who is this?" tanong niya.
"Hi, babe!"
Napairap siya nang marinig ang boses ng tumawag. "Saan mo na naman nakuha ang number ko, Kyle. Tigilan mo nga ako."
“Cataleya, get inside the house now!” Malakas ang sigaw ni Santino. Dahil sa inis, nagkunwari siyang kausap pa si Kyle.
"Oo, hindi ako nakapasok kanina. Masama kasi pakiramdam ko. Why Kyle? Did you miss me?"
Sinadya niyang lakasan ang pagsasalita.
"Cataleya!" Sigaw muli ni Santino. Tumalikod siya at palihim na napangiti. Si Santino, na daig pa ang Daddy niya sa pagbabantay, ay palasigaw at masungit. Pero kahit ganon, hindi pa rin mawala ang paghanga niya rito. Gusto niya si Santino. Sa buong buhay niya, ito lang ang lalaking hinangaan niya nang sobra. Lahat ginagawa niya para mapansin siya.
Nabitawan niya ang cellphone nang bigla siyang hatakin nito.
"I said get inside the house. Kung hindi ka kayang patinuin ng Daddy mo, ibahin mo ako, Cataleya. I will tame you. Sisiguraduhin kong susunod ka sa gusto ko at mawawala ang pagka-spoiled brat mo."
Mariin ang pagkakahawak nito sa braso niya. Gusto niyang magreklamo dahil masakit, pero pinigilan niya ang sarili.
Katulad din talaga ng iba si Santino. Ang tingin sa kanya ay spoiled brat. Yumuko siya para pigilan ang luha. Akala ba nito hindi siya nasasaktan?
"Damn it."
Marahas siyang binitawan nito. Dinampot niya ang cellphone na ngayon ay basag na. Napatingin siya sa braso niyang namumula. Hinawakan siya ni Santino at hinila papasok ng bahay.
Hindi na siya nagsalita sa sobrang inis. Lagi na lang siyang tinatawag nitong spoiled brat. Hinatak niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito at tumayo sa sala, hinihintay na igiya siya patungo sa magiging silid niya.
"What do you want to eat for dinner?" Mahinahon ang tanong nito pero hindi niya ito tiningnan. Nakayuko lang siya. Ramdam niya ang hapdi sa braso niya. Ang gusto lang niya ay mahiga at hindi na muling makita ang kasungitan ng Ninong niya.
"Where is my room?"
Nag-angat siya ng tingin. Mariin ang titig ni Santino sa braso niyang namumula. Bumuntong-hininga ito nang mabigat.
"Marunong din pala maawa ang masungit na si Santino Rosales," sigaw ng isip niya.
"Where is my room? I'm tired."
Umupo siya sa sofa. Tahimik pa rin si Santino. Nang marinig nito ang katok sa pinto, agad itong nagtungo roon. Pagbalik, kasama na nito si Professor Marie.
"What is she doing here, babe?" Maarteng tanong ng babae. Inirapan niya ito.
"Hon, di ba nasabi ko na sa’yo na inaanak ko si Cataleya? Nasa Cebu ang Daddy niya kaya dito siya matutulog."
Tumaas ang kilay niya sa malambing na tono ni Santino.
"I thought we were going out tonight for dinner? Kanina pa kita hinihintay sa bahay."
Muling tumaas ang kilay niya sa kaartehan ni Professor Marie.
"Ninong, where is my room?"
Mas mabuting matulog na lang kaysa pakinggan ang lambingan nilang dalawa.
"Upstairs, Cataleya. The first room on the left."
Wala siyang sinabi. Umakyat siya at iniwan silang dalawa.
"Nagiisang anak ba ang inaanak mo, babe? May pagka-spoiled brat." Narinig pa niya ang sabi ni Professor Marie, na ikinataas ng kilay niya.
"I'm not a spoiled brat," bulong niya.
Malalaki ang hakbang niya paakyat. Tuwing nakikita niya ang lambingan ng dalawa, nakakaramdam siya ng panibugho. Gusto niya ng atensyon mula sa kanyang Ninong Santino, pero kahit isang ngiti, hindi niya makuha. Puro sigaw, puro galit.
"Siguro sinabi ni Ninong na spoiled brat ako sa nobya niya kaya ganon din ang sinabi ni Marie. Wala naman kami sa university, kaya hindi ko siya kailangang tawaging Professor."
Binuksan niya ang unang pintuan sa itaas. Hinubad niya ang suot hanggang panloob na lang ang natira. Bumagsak siya sa kama at dumapa. Naamoy niya ang pabango ni Santino sa kama. Mas lalo niyang nilubog ang mukha niya.
Napakabango.
Pumikit siya. Bumibigat ang talukap ng mga mata niya hanggang sa makatulog.
"Hmm? What Daddy? I'm tired." Nagising siya sa pagyugyog sa braso niya. Ayaw pa niyang imulat ang mata niya.
"Cataleya, the dinner is ready."
"Bakit naririnig ko ang boses ni Ninong sa silid ko?" mahinang bulong niya.
"You're not in your room, Cataleya—"
Kasabay nang pagmulat ng mga mata niya ay ang pagputol ng Ninong niya sa sasabihin nito. Kumunot ang noo niya nang mabungaran na nakatitig ito sa kanya at sunod-sunod ang nagiging paglunok.
Ilang sandali pa ay doon niya lang napagtanto na natulog siyang walang saplot. N*******d siya at ngayon ay nakatitig ang Ninong niya.
Agad siyang bumangon. Sa sobrang taranta, nahulog siya mula sa kama.
Panaka-nakang sinulyapan ni Cataleya si Santino habang seryoso itong nagmamaneho. Nakatingin lang ito sa daan. Kahit saang anggulo tingnan, si Santino ay isang perpektong lalaki. Matalino, may porma, at hindi maikakailang guwapo. Nangunguna sa karamihan. Hinahangaan, tinitingala. Lalaki na mula pa noong una niya itong makita ay parang unti-unting binura ang katinuan niya. Kahit pa masungit ito sa kanya."Kanina mo pa ako tinitingnan.""Paano mo naman nalaman na tinitingnan kita, Ninong? May side eye ka ba? Or are you looking at me?""Just shut up, Cataleya." Nakabibingi na naman ang sigaw nito. Minsan nasasaktan siya sa mga pagsigaw at pagtataboy nito, pero hindi niya pinapakita. Kung alam lang nito na bawat salitang binibitawan ay naiipon sa puso niya. Hindi niya alam kung kailan sasabog ang sakit o kung hanggang kailan niya kakayanin.May mahal nang babae si Santino kaya hanggang pang-aakit lang ang ginagawa niya. Malapit na rin itong ikasal, kaya hindi niya alam kung kailan siya ti
Pagkarating ni Cataleya ng bahay ay maghapon siyang nagkulong sa silid. Pinatay rin niya ang cellphone para walang gumambala sa kanya. Naroon pa rin ang takot na iniwan ng ginawa ng kanyang Ninong Santino kaninang umaga. Papagabi na nang muli niyang buksan ang cellphone.“You are just nice to me when Daddy is around,” mahina niyang sabi habang tinititigan ang litrato ng Ninong niya sa cellphone. Palihim niya itong kinuhanan habang abala itong kausap ang Daddy niya.Makailang beses niyang pinitik ang ilong ng Ninong niya sa screen ng telepono bago niya muling nilapag ito sa tabi niya. Humiga siya ulit sa kama.“Balang araw, ikaw din ang maghahabol sa akin, Ninong sungit.”Mabilis niyang kinuha ang cellphone nang tumunog ito. Inakala niyang ang kanyang Ninong ang tumatawag, pero nang makita niyang si Daddy lang ito, napabuntong-hininga siya."Hello, Dad," bungad niya. "Huwag ka nang magalit. Hindi ako pumasok today. Bumalik ako sa bahay. Nakakainis si Ninong. Tinakot niya ako. Ang bilis
Medyo late nagising si Cataleya ng araw na iyon. Ayaw niyang sumabay sa Ninong Santino niya ngayon. Plano na lang niyang magpahatid sa Daddy niya.“Good morning, Dad. Puwede ba akong magpasabay sa'yo papuntang university?”“Bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo ngayon?”Napasimangot siya. Bigla na naman siyang nainis. Hindi niya sinagot ang ama at diretsong umupo sa hapag. Tahimik siyang nagsimulang kumain, pilit iniiwasan ang tingin ng Daddy niya. Alam niyang kukulitin na naman siya nito tungkol sa galit niya sa Ninong Santino niya.Habang nakayuko siya sa pagkain at walang gana, hindi niya napansin na may isang taong matamang nakatingin sa kanya.“Cataleya, bakit ayaw mong sumabay sa ninong mo?”“Dad, ilang beses mo na ‘yang tinanong,” tugon niya habang hindi pa rin tumitingin rito. Nakayuko lang siya, pinaglalaruan ang kutsara habang paulit-ulit siyang bumubuntong-hininga.“You know you can tell Daddy everything, right? I just want to remind you, just in case my baby forgot that she
At katulad ng gusto mangyari ni Cataleya, nakuha niya ang atensyon ng Ninong Santino niya.“Cataleya, I want to talk to you.”Lihim na natuwa si Cataleya. Kahit alam niyang sesermonan na naman siya ng Ninong niya ay masaya siyang makakasama ito kahit sandali lang. Sanay na siya sa mga saway nito sa tuwing may ginagawa siyang ikinaiinis nito. Nanatili siyang nakaupo, nakalumbaba habang pinapanood ang mga kaklase niyang palabas ng silid. Nang silang dalawa na lang ang natira, ngumiti siya sa ninong niya.Nakasalubong ang kilay nito. Masama ang tingin sa kanya.“What do you think you're doing?” tanong nito.Hindi nagpadaig si Cataleya. Ngumisi pa siya at tumayo sa harapan ni Santino. Mariin niya itong tinitigan.“What, Ninong Santino? What did I do?” Nagkunwari siyang walang alam. Alam niyang ikinagagalit nito kapag binubuka niya ang mga hita at kinagat ang labi habang nakatitig rito. Lagi niya itong inaakit sa tuwing nagtuturo ito, at lagi siyang umuupo sa unahan para matitigan niya ito
Napangisi si Cataleya, bago umupo sa unahan ng classroom nila, siguradong tiyak na makikita siya ng kanyang Ninong Santino. Naka-skirt siya, suot na alam niyang ayaw nitong isuot niya. Nang pumasok ang Ninong nito ay naroon ang magandang ngiti nito—pero agad din iyong naglaho nang makita siyang naka-upo sa harap.Nang tumingin ito sa kanya, bahagyang ibinuka ni Cataleya ang mga hita, kinagat ang ibabang labi, at tiningnan ito nang diretso sa mga mata. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa nito. Napangisi ulit siya.“Bibigay ka rin sa akin, Ninong Santino,” bulong niya sa sarili.Hindi na siya pinansin pa nito at nagsimula na itong magturo. Nang malaman ni Cataleya na dito nagtuturo ang Ninong niya sa university, agad niyang sinabi sa ama niya na dito niya gustong mag-aral.Dalawang linggo pa lang mula nang una niyang makilala ang Ninong niya, pero simula noong araw na 'yon, hindi na niya ito tinigilan. At sariwang-sariwa pa sa isipan niya ang araw na iyon.“Good morning, Daddy! Ang ganda