Indigo POV Nagpalit na ako ng bagong damit at lumabas na ng silid ko. Sakto na tumunog na ang intercom. Nasa baba na pala ang kambal pati ang delivery man. Isang minuto pa at tumunog na ang doorbell. Bumungad sa akin ang pagod na itsura ng kambal at ang nakangiting mukha ng delivery man. Binayaran ko na ang aking order at binigyan ng tip ang delivery man. “Maglinis na kayo ng katawan at kakain na tayo mamaya lang.” Ginayak ko na ang mga pagkain sa dining room. Gusto ko naman sa pagkakataong ito na sila ang pagsilbihan ko. Na-gu-guilty ako sa pagpanaw ni Gomer. Buhay pa sana ang kaibigan ko kung hindi ako naghangad ng maging malaya mula sa mga magulang ko. Pero, nangyari na ang lahat. Hindi na mabubuhay pang muli si Gomer kahit na magsisi man ako. “Kumain na tayo,” nakangiti kong saad sa kambal. Ngunit, imbes na kumain ay tila natigilan sila sa mga nakahai
Indigo POV “What are you doing here, Beatrice?” tanong ko sa taong hindi ko inakalang dito ko pa makikita. “Dinadalaw lang naman si Matilda at Maddison,” seryoso niyang sagot sa akin. Nang tingnan ko si Matilda ay seryoso ang mukha nito na palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Beatrice. Napangiti ito sa akin lalo at nag-aalala ako sa mga pwedeng sabihin nito kay Maddison. “Relax. I know how to keep a secret. As we all know, malamang sa malamang ay alam ni Matilda ang tungkol sa akin,” kampanteng saad ni Beatrice. “Mabuti kong ganoon. Ayoko na magiging komplikado ang sitwasyon sa pagitan namin ni Maddison sa hinaharap. Matilda, may pag-uusapan lang kami ni Beatrice sa labas. Excuse us for a while.” Hinila ko na palabas ng silid si Beatrice at pumiksi siya nang makalabas na kami. Hinaplos niya ang parte kung saan madiin kong hinawakan k
Indigo POV Gusto kong matawa sa itsura ni Winston at Benedict. Tulog pa ang dalawa at nakabalot ng kumot. Halatang galing pa sa lambutsingan dahil tawang-tawa na tumawag si Gener sa akin at ayon dito ay katatapos lang magtalik ng dalawa nang dukutin nila ang mga ito. Naiinip na ako at naisin ko man silang kusang magising ay baka matagalan pa kami. “Gardo, doon ka sa tagong bahagi. Huwag kang magpapakita at gusto kong makuhanan mo ang pagpaparusa ko sa mga baboy na ito,” utos ko. Tumango naman si Gardo at nagtago na sa isang sulok. Maliwanag naman ang kabuuan ng parte na iyon ng bodega at sigurado akong malinaw na makukuha ang mga footage ng gagawin ko. Nagtagis ang aking bagang. Hawak ang aking paboritong kutsilyo na si Kudlit, nilapitan ako ang tulog pa na si Winston. Tinapik ko ang pisngi niya at nang hindi pa rin magising kahit halos alugin ko na siy
Indigo POV “Relax, boss Trace. Hindi naman kasi naka-register ang number mo sa cellphone ko kaya hindi ko kaagad kayo nakilala. Pasensya na talaga_--” Ang beep ng binanabang linya na ng cellphone ang narinig. Ang gulo talaga ng utak ng bossing kong kulot! Minsan napapaisip na lang ako. Paano kaya napagtitiisan ni Master Lev si Boss Trace? Para talaga silang North and South Pole. Opposite kung opposite. Ilang milya na pasensya kaya ang baon ni Master Lev para intindihin ang pugad na si Boss Trace? Mga tanong na alam kong matagal pa ang mga kasagutan at malalaman ko lang kung oobserbahan ko sila. Pagod ako at kumikirot ang aking sugat. Nag-browse na ako ng aking cellphone at umorder ako ng pagkain naming tatlo. As usual, ang paborito ng kambal ang inorder ko. Filipino platter ang napili ko lalo pa at alam kong pagod at gutom ang dalawa sa mga pinagawa kong pagliligpit sa bangkay ng mga tampalasan. Thirty minut
Indigo POVHalos malalag ang panga ko sa sinabi niya sa akin. Nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya lalo pa at kahit kami lang ang naroon ay nakakahiya na marinig ng mga medical personnel ang mga sinabi ni Matilda. Hinamig ko ang sarili ko. Ayoko naman na bastusin si Matilda sa harap ng ibang tao. Lola pa rin siya ng mapapangasawa ko at may paggalang pa rin naman ako sa mga nakakatanda kahit papaano. “You know that I have always been cautious when it comes to that ‘thing’ Matilda,” protesta ko. “It’s just a test Indi. So you better do it and be done with it. It is not as if you will be harmed in any way. It’s for my peace of mind,"Aniya. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya sa kanyang kagustuhan. I have come this far para mahawakan ang bilyones ng mga Lee. At wala naman akong nakakahawang sakit kaya wala akong dapat itago at ikatakot. Napaigik pa ako nang humigpit na ang rubber na tinali sa taas ng aking br
Indigo POV Kahit hindi maalis sa sistema ko ang galit, nagmaneho ako pabalik sa condo. Habang nasa daan inisa-isa kong binalikan ang lahat ng mga pinagdaanan naming apat para maabot ko ang kinalalagyan ko ngayon. Ang initiation pa lang sa Foedus ay halos sukuan ko na pero tiniis ko dahil sa kasunduan namin ni Matilda. I feel betrayed! Akala ko ay may tiwala na si Matilda sa akin. Hindi ko lubos maisip na pag-iisipan pa niya ako ng masama. Gusto pa na ako ay pumirma ng prenuptial agreement na hindi ako pwedeng makialam sa mga ari-arian na mamanahin ni Maddison. After that humiliating routine check up in the clinic, nanliit ako sa sarili ko. I feel like a sex worker trading my flessh to common people to be treated as such! I may be a scammer but I have taste; I don’t just do it with some random women! Pakiramdam ko ay para kaming mga peste na gusto ng puksain ni Matilda. Kung sa tingin niya ay pwede niya akong maisahan
Indigo POV Dalawang oras din ang pinaghintay ko sa labas ng kwarto ni Maddison. Kasalukuyan pa ring ginagamot si Matilda dahil wala pa rin siyang malay dahil sa shock nang muntikan ng madukot si Maddison. Bumukas ang pinto ng kanilang silid at lumabas na ang isang doktor at isang nurse. Tumayo na ako para kausapin ang manggamot sa kalagayan ni Matilda. “Dok, gising na po ba ang pasyente?” tanong ko rito. “She is in a state of shock. Nakasama pa ang maselan na kalagayan ng kanyang puso kaya kailangan po siyang ilipat sa ICU for observation,” sagot nito. Kaya, wala na akong nagawa nang ilipat na si Matilda sa ICU. Unconscious pa rin ito bagaman stable naman ang BP nito. Matapos na maayos na si Matilda sa ICU, inutusan ko ang kasambahay nito at isang bodyguard na siyang magbantay sa labas ng silid. Tinawagan ko na rin ang abogado ng mga Lee na si
Indigo POV Days passed by so quickly. Katulad ng kung paano na hindi ako nainip sa tuluyang gumaling si Matilda. On the fifth day after her breakdown from fright, she is finally awake. Ako kaagad ang hinahanap niya at si Atty. Benedicto. The latter rushed to the hospital upon learning that Matilda regained her consciousness. “Mabuti at narito ka sa aking pagkamulat, Indi,” bungad kaagad ni Matilda. May malay na siya ngunit bakas pa rin ang pagal sa kanyang boses. I don’t know the exact details of her ailment as I respected her decision of not disclosing it to me. “First, I would like to apologize for not trusting you enough after what you have been through,” mahina pa rin niyang saad. Inangat niya ang kanyang kamay na may kakabit pa na swero. Inabot ko naman ang kamay niya at marahang pinisil iyon. “Save your energy Matilda. You need to rest more. Dadalo ka pa sa kasal namin ng apo mo,