Share

Chapter five

Hindi mapuknit ang ngiti ko habang nakatingin kay Raphael habang ibinababa ang mga pasalubong niya mula sa bangka.

Kasama niya ang dalawang lalake na ipinakilala niya sa amin kanina ni nanay si Kuya Adrian at si Kuya Miko na mga pinsan pala niya.

Kanina pa rin sila nagbubulungan na hindi ko alam kung para saan namula ako ng maalala ko ang ginawa ko kanina kaya nahihiya ako sa kanila hanggang ngayon.

At isa pa mga ibang lenggwahe ang mga pinaguusapan nila, english yata ang tawag dito dahil halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.

"Napakarami naman ng mga ito hijo pang limang buwan na yata iyan." Sabi ni nanay na hindi makapaniwala sa mga nakikita namin na mga pagkain.

"Kulang pa po iyan bumili ako ng maraming tubig na inumin nasa yate pa yong iba para hindi kayo kumukuha sa talon ng inumin na tubig." Sabi ni Raphael na binubuhat na ang galon ng tubig.

"Pasensya na kayo dito sa pinsan namin at nagpa grocery ng ganito karami." Natatawa na turan ni Kuya Adrian kaya napangiti ako saka siya tumingin sa akin kaya napayuko ako.

"You know what-" Natigil ito sa pagsasalita ng hampasin siya ni Raphael kaya nagulat ako.

"Pwede ba mag-tagalog ka." Sabi niya dito pero natawa lang si Kuya Adrian

Natapos silang mag-lagay ng mga grocery sa bahay at halos mapuno ng mga karton ang buong sala namin.

"Oo nga pala punta ho tayo sa yate nagpaluto ako ng masarap na hapunan para mai-celebrate natin ang birthday ni Heart." Napatingin ako kay Raphael na may isang paperbag na binigay sa akin.

"Isuot mo iyan mamaya doon ka na lang maligo at mag-bihis." Sabi niya sa akin kaya napatango lang ako.

Matapos nilang maisara ng mabuti ang pinto ng bahay ay sumakay na kami sa bangka nina Raphael.

Kinakabahan ako dahil matapos ang ilang taon ay ngayon lang ulit ako makakasakay ng bangka, naramdaman ko na hinawakan ni Raphael ang kamay ko at pinisil niya ito.

Napanatag ako at napatingin sa isang malaking bangka napatingala ako dito at may mga letra na nakasulat sa katawan nito.

Hindi ko ito maintindihan pero napakaganda nito.

"Nandito na tayo halika na." Bulong ni Raphael kaya anabot ko sa kanya ang kamay ko at inalalayan niya ako na makapunta sa malaking bangka.

Napatingin ako sa paligid ng makaakyat na kami dito sa taas at hindi ako makapaniwala na makakasakay ako sa ganito ka ganda na bangka.

Halos maliit lang ito na natatanaw ko mula sa isla pero ngayon ay nakasakay na ako.

"Napakaganda naman dito anak." Napatingin ako kay nanay na nasa tabi ko at katulad ko ay mangha rin siya na nakatingin sa paligid.

"Nagustuhan niyo po ba dito?" Pareho kami na napatingin kay Raphael na nakangiti.

Sabay kami na tumango sa kanya niyaya na niya kami sa loob at lalo akong namangha sa loob dahil may mga lobo at iba't ibang palamuti.

Sa pinakagitna ay may nakasulat na happy birthday kasabay ng pangalan at edad ko kaya napaiyak ako lalo na ng mag-simula silang kumanta.

Napatingin ako kay Raphael na may hawak na cake at may kandilang maliit sa gitna habang kumakanta siya.

"Happy Birthday Heart Serenety." Bulong niya kaya napangiti ako habang umiiyak.

"Mag-wish ka na bago mo hipan." Sabi niya ulit kaya sinunod ko siya.

Pumikit ako at hiniling na sana ay laging ligtas at malakas si nanay at sana ay lagi kong kasama si Raphael, nang matapos ako ay saka ako dumilat at hinipan ang kandila saka sila nagpalakpakan.

"Happy Birthday Serenety." Napatingin ako kina Kuya Adrian na binati ako at may binigay na regalo tig-isa na parang ayokong tanggapin dahil nahihiya ako.

"Tanggapin mo na Heart minsan lang maglabas ng pera ang dalawang iyan at ma swerte ka." Napatingin ako kay Raphael na nakangiti kaya tinaggap ko na lang ito at nagpasalamat sa kanila.

Labis ang pasasalamat ko sa kanilalalo na kay Kuya Raphael dahil pinaranas niya sa akin ang ganitong kasaya na kaarawan.

Napatingin ako kay nanay na nakatulog na nandito pa rin kami sa yate ni Kuya Raphael at bukas na raw kami babalik sa isla.

Binigyan niya kami ng isang kwarto dalawa ang kwarto dito at kina Kuya Raphael ang kabilang silid.

Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya dahan-dahan ako na lumabas ng kwarto at umakyat sa taas kung saan banayad ang karagatan at maraming bituin sa kalangitan.

May kalamigan ang hangin pero kaya ko naman buti na lang at medyo makapal ang damit ko at nakalugay lang ang buhok ko na nililipad ng hangin.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Nagulat ako ng may mag-salita sa likod ko si Kuya Raphael pala.

"Hindi pa po ako inaantok." Sagot ko sa kanya sa mahinang boses kaya napatango lang siya at tumabi sa akin.

"Inima Luna." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

"Inima Luna?" Ulit ko na patanong dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Ibig sabihin ay Heart Moon napakagandang pangalan diba?" Napatango ako iyon pala ang ibig sabihin nito.

"Heart ikaw ang buwan na dumating sa akin kaya ito ang regalo ko sa iyo." Biglang umilaw ang isang kwintas na tumama sa liwanag ng buwan ng bigla itong lumabas mula sa mga ulap kaya nagliwanag ang buong paligid.

"Ang ganda po." Nasabi ko na lang habang tinitigan ang kwintas na hawak niya. Isang kalahating buwan at sa tabi nito ay maliit na korte ng puso ang ganda ng pagkakadesenyo.

"Talikod ka dali." Sabi niya kaya napatango ako at sinunod siya hanggang sa naramdaman ko siya sa likod ko at naramdaman ko ang malamig na bagay na sinuot niya sa akin.

"Para ito sa iyo ingatan mo dahil ako ang nagbigay." Bulong niya sa akin kaya hinawakan ko ito at biglang yumakap sa kanya.

"Salamat po sobra iingatan ko po ito pangako." Umiiyak ko na turan sa kanya dahil hindi ko napigilan ang hindi maiyak.

"Heart gusto ko na nakikita ang mga ngiti mo dahil lalo kang gumaganda sa tuwing nakikita ko na masaya ka." Malambing niyang turan kaya napatango ako at muling yumakap sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit malakas ang tibok ng puso ko pero alam ko na hindi ito masamang bagay sa sarili ko dahil si Kuya Raphael ang dahilan nito.

Nakabalik na kami sa isla at hindi pa rin ako makapaniwala na lumipas na ang kaarawan ko at labing walong taong gulang na ako sabi ni nanay ay ganap na akong dalaga pero wala naman akong pakialam doon.

Lumabas ako ng bahay namin at para na rin abangan ang pagbalik ni Raphael pero ala una na ng hapon at katatapos lang namin kumain ng tanghalian ni nanay.

Pagkahatid nila sa amin kanina ay bumalik ulit sila sa yate mukhang seryoso ang usapan nila kanina at halatang may problema si Raphael kaya sumama ulit siya sa mga kaibigan.

"Anak mamaya pa iyon babalik magpahinga ka muna." Napatingin ako kay nanay kaya tumango ako sa kanya.

"Dito na po muna ako sa kubo mahangin po dito." Tumango lang si nanay at pumasok ulit sa loob.

Umakyat ako dito sa papag na ginawang tulugan ni Raphael at kinuha ang unan niya ang kumot na ginagamit niya humiga ako at inamoy ang naiwan na amoy niya dito.

Ang bango at lalaking-lalaki ang amoy kaya napangiti ako at pumikit sana paggising ko ay nandito na siya.

Nang muli akong magising ay parang hindi ako makahinga at may humahalik sa akin kaya napamulat ako para lang mabungaran ko si Raphael na nakadagan pala sa akin.

"Hi my sweet baby." Bulong niya matapos niyang bitiwan ang mga labi ko.

Pareho kaming humihingal at hindi ako makapaniwala na nakabalik na siya kaya yumakap na lang ako sa kanya at napangiti.

"Kailan ka dumating?" Mayamaya ko na tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Kani-kanina lang nakita ko ang tsinelas mo kaya dito agad ako pumunta at naabutan kita na natutulog." Sabi niya sa mahinang boses akma niya ulit akong hahalikan ng marinig ko si nanay na tinatawag ako kaya napabangon ako bigla.

"Si nanay tinatawag niya ako." Sabi ko kay Raphael pero wala siyang balak umalis sa tabi ko kaya ako na lang ang bumaba sa papag.

Inayos ko muna ang sarili ko at hinawakan ang labi parang namamaga ito pero binasa ko na lang ito ng laway para hindi mahalata ni nanay.

Tumakbo ako papunta sa bahay at pinuntahan si nanay sa likod bahay.

Narinig ko siya na inuubo kaya napalapit ako sa kanya.

"Nay inuubo ka po." Sabi ko sa kanya pero natakot ako na may dugo sa kamay niya.

"Ano po yan bakit may dugo?" Nahintakutan ko na tanong kay nanay.

"Anak wala ito mainit kasi ang panahon." Inuubo pa rin niya na tanong pero hindi ako mapakali.

"Baka kailangan niyo po magpa cheackup." Sabi ko sa kanya tinulungan ko na lang siya na maghugas.

Inalalayan ko na rin siya na makapasok sa loob ng bahay at pinaupo saka ako kumuha ng tubig para ipainom sa kanya, kinakabahan ako pero ayokong ipahalata sa kanya at gusto kong maiyak.

Naalala ko si lola nagkasakit ito ng malubha at walang doktor na tumingin sa kanya kaya naiiyak ako.

Pagbalik ko ay nakapikit si nanay kaya tinabihan ko siya at yumakap sa kanya.

"Anak hindi na ako matatakot na iwan ka dahil alam ko na hindi ka pababayaan ni Raphael." Bigla niyang turan kaya napaiyak ako ng tuluyan.

"Ayoko po wag po kayong magsalita ng ganyan." Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit mayamaya pa ay nakatulog na siya kaya inayos ko ang pagkakahiga niya habang umiiyak.

Nang lumabas ako ay nakaabang na si Raphael sa akin kaya tumakbo ako payakap sa kanya.

Sinabi ko sa kanya na lumalala na ang sakit ni nanay alam niya ito dahil sinabi sa amin ni nanay ito kahit manggagamot siya ay hindi niya kayang pagalingin ang sarili niya.

"Ayoko siyang mawala Raphael hindi ko kaya." Umiiyak ko na turan sa kanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit.

"Dadalhin natin siya sa Albay at ipapagamot." Sabi niya kaya hindi ko na inisip na sobra na ang ginawa niya ang tanging gusto ko lang ay magamot si nanay.

Napilit namin si nanay na mag-punta sa doktor at may ginamit na magandang telepono si Raphael at may tinawagan ito.

Deretso daw kami ng Maynila para ipagamot dahil walang doktor na availble ito ang paliwanag niya sa akin.

"Sobra-sobra na ito Raphael hindi mo dapat ito ginagawa." Sabi ni nanay na umiiyak.

"Wag niyo iyang isipin kapalit po ito ng pagligtas niyo sa buhay ko at ayoko po na nakikitang malungkot si Serenety." Sabi ni Raphael na hawak ang kamay ni nanay.

Hindi ako makapaniwala na sa mabilis na oras ay nakarating kami sa Manila at kinabahan ako ng makita ko kung gaano karaming tao at mga gusali at sasakyan.

"Nagustuhan mo ba sa lugar na ito?" Napatingin ako kay Raphael na lumapit sa akin habang nakatingin ako dito sa labas ng bintana ng isang malaking kwarto daw ito.

Dito kami pansamantala na titira sabi niya at si nanay ay ang mga doktor na daw ang bahala dahil hindi ako pinayagan na sumama doon ni Raphael kaya nandito kami.

"Ang ganda po at sobrang lawak ng lugar." Mangha ko na turan sa kanya.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko naramdaman ko na niyakap ako ni Raphael mula sa likod at hinalikan sa ulo ko kaya napangiti ako.

"Mamamasyal tayo mamaya gusto mo ba?" Tanong niya kaya napatango ako sa kanya.

"Pupuntahan ba natin si nanay?" Bigla ko na tanong kaya napatango siya at mas lalo akong niyakap ng mahigpit.

Nalulungkot ako na may sakit si nanay at nasa hospital siya pero dahil nandito sa tabi ko si Raphael ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status