Share

Chapter four

Kanina ko pa hinahawakan ang mga labi ko pakiramdam ko ay namamantal na ito.

Lalo lang itong namula kinabahan ako dahil baka mahalata ni nanay at magtanong siya.

Ano ang sasabihin ko? Napabuntong-hininga na lang ako hindi ko alam kung bakit kailangan kong magustuhan iyong halik na iyon.

Ang halik ay para lamang sa mga taong mayroong relasyon sa isa't isa tulad ng mga mag-kasintahan o mag-asawa, wala naman kaming relasyon ni Kuya Raphael kaya sa palagay ko mali ang ginawa namin pero nakaramdam ako ng kakaiba lalo at tuwing hahawakan niya ako at ang halik na iyon ay nagugustuhan ko kahit alam kong bawal.

Tumanaw na lang ako sa papalubog ng araw at hinihintay si nanay.

Napatingin ako sa may kubo ni kuya nakita ko siyang nakatanaw rin sa dagat parang ang lalim ng iniisip niya. Nakakalungkot nga lang alam kong pinipilit niyang maka-alala pero lagi rin sumasakit ang ulo niya.

Tulad kanina ng nasa ilog kami.

Bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin dahil biglang kumirot ang ulo niya at paulit-ulit na humingi ng tawad.

'Gusto kong makaalala para hindi na ako maging misteryo sa inyo' iyon ang sinabi niya yumakap na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano siya matutulungan.

Kumabog ang dibdib ko ng tumingin siya sa gawi ko kumaway siya kaya kumaway rin ako.

Mayamaya pa ay natanaw ko na si nanay kaya lumabas na ako ng balkonahe.

"Nay!" Masaya kong salubong sa kanya pero nawala rin ito ng makita ko na parang balisa si nanay.

"Serenity anak!" Niyakap niya ako ng mahigpit na ipinagtaka ko.

Bakit ganito parang pakiramdam ko ay madudurog ang puso ko sa nakikita ko.

"Mahal na mahal ka ni nanay, tandaan mo yan ha." Napatango ako kay nanay at niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal rin po kita nanay." Tumulo ang luha ko ng hindi ko namalayan, napatingin ako kay kuya na mataman lang siyang nakatingin sa amin. Sa paraan ng tingin niya ay magiging ayos rin ang lahat.

Nandito na kami sa bahay nakaupo lang ako at nakasunod ang tingin kay nanay, hindi pa rin nawawala ang kaba ko para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Nay, ano po nangyari sa inyo kanina sa bayan?" Lakas loob kong tanong napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

"Maniniwala ka ba kung may ibubunyag akong sekreto sayo?" Kinabahan ako sa sinabi ni nanay, sa labing-pito kong kasama si nanay at si lola ay sila na ang tumayo kong pamilya at bukod dito ay wala na at matagal na rin kaming nakatira dito sa isla.

Pero bakit ngayon na mayroong sikreto si nanay ay parang unti-unti kong matutuklasan ang tungkol sa pagkatao ko.

"Aling Nely?" Narinig kong kumatok si kuya kaya binuksan ni nanay ang pinto. Pumasok mula dito si kuya balisa rin siya. Ano ba nangyayari? Naitanong ko na lang sa sarili ko.

"May problema ka ba hijo?" Tanong ni nanay dito sabay upo sa kawayang upuan.

"I know who i am now, I remember everything." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni kuya, pero si nanay ay naguguluhang tumingin kay kuya parang naintindihan niya ang sinabi nito.

"Anong nangyari sayo hijo bakit may tama ka ng baril at agaw-buhay ng araw na iyon?" Tanong ni nanay seryoso ang boses niya napatingin ako kay kuya kinakabahan ako sa maari niyang ibunyag.

Naaalala na niya ang sarili niya ibig sabihin nito ay babalik na siya sa kanila at hindi na kami magkikita bigla akong nalungkot sa bagay na iyon dahil kaming dalawa na naman ulit ni nanay ang matitira sa isla na ito.

"Ako po si Rafael Endymion Leviste. At ang nangyari sa akin ay hindi aksidente may mga tao na nagtangkang pumatay sa akin." Nagulat kami ni nanay sa sinabi niya napatingin siya sa akin kaya napayuko ako.

"I manage to survive on that killers nasa yate ako at sila ang kasama ko doon pero hindi ko rin alam na sila rin ang magpapahamak sa akin. Nakaligtas ako dahil nagawa kong mapatay ang isa sa kanila ang isa naman ay napaamin ko at nalaman ko kung sino ang gumawa. Pero sumabog na yong yate at buti na lang ay nakatalon ako sa dagat, and here i am, i survive." Nagpasalamat ako sa diyos dahil nakaligtas si Kuya Rafael, at nalaman niya kung sino yung taong nagtangka sa buhay niya.

"Hijo mabuti naman at nakaligtas ka sa mga taong iyon" nahihintakutang turan ni Nanay, buti na lang at nakaligtas siya hindi ko alam na mayroon palang mga ganoong klase ng tao. Kaya nilang pumatay ng kapwa isang makasalanang bagay na labag sa mata ng mga tao lalo na sa mata nang Diyos.

"Kayo po bakit nandito kayo sa ganitong lugar, may pinagtataguan ba kayo?" Biglaang tanong ni Kuya kaya napatingin ako kay Nanay. Tinatagong ano?

Napatingin tuloy ako kay Nanay.

"Isa lang kaming dayo sa lugar na ito ang aking ina ay pumanaw na at ng mawala siya ay hindi na rin kami bumalik sa kabihasnan." Tama iyon dahilan para dito na rin kami naglagi ni nanay at wala namang naging problema dito dahil wala namang sumita sa amin sa loob ng maraming taon na pananatili namin dito.

"Si Serenity hindi ko siya totoong anak." Bigla akong napatingin kay nanay, sa sinabi niya nakatingin rin siya sa akin at malapit ng umiyak kahit ako ay nakaramdam rin ng kaba.

"Ano po ang ibig niyong sabihin nay?" Gumagaralgal kong tanong lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa rebelasyon ni nanay.

Papaanong nangyari iyon buong buhay ko ay ni minsan wala akong inisip na anak ba talaga ako ni nanay kung siya ba talaga ang ina ko pero ngayong nalaman ko ang katotohanan ay parang pinipiga ng husto ang puso ko sa sobrang sakit pero wala naman akong maramdamang galit kay nanay tampo meron pero hindi naman malalim.

Tumayo ako at saka lumabas ng walang paalam sa kanila dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang katotohang nalaman ko lang ngayon lang, nasasaktan ako pero hindi ko maisip na sumbatan si nanay dahil siya ang nag-alaga sa akin mula noong bata pa ako.

Naupo ako sa buhanginan at yumupyup sa mga tuhod ko at umiyak.

Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napatingin ako dito si Kuya Raphael pala at nakita ko na nakikisimpatya siya.

"Mahal ka ng iyong ina kahit hindi kz niya totoong anak." Sabi niya kaya muki akong napaiyak.

"Hindi po ako galit siya pa rin po ang nanay ko kaya lang po nakakaramdam pa rin po ako ng tampo." Umiiyak ko na turan sa kanya kinabig niya ako at niyakap.

Ilang sandali rin kaming magkayakap at nakatingin lang sa banayad na karagatan.

"Naaalala niyo na po kung sino kayo babalik na po ba kayo sa inyo?" Tanong ko kay kuya mayamaya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa dahil gusto ko muna na mag-isip ng paraan kung paano ko huhulihin ang taong iyon." Seryoso niyang turan kaya napatango ako at muking sumiksik sa kanya.

"Naalala ko pala na ang pamilya namin ang may-ari ng islang ito." Napatingin ako sa kanya at gulat na napatingin sa kanya hindi ako makapaniwala.

"Kung ganun ikaw po ang may-ari ng Puerto Luna?" Bigla kong tanong sa kanya kaya napangiti siya at tumango.

Napatayo ako at tumingin sa kabilang isla at napangiti kung ganon ay pwede akong pumunta sa lugar na iyon dahil si Kuya Raphael ang may-ari nito.

"Matagal ko na po gustong makarating sa kabilang isla sabi ni nanay ay napaka ganda sa lugar na iyon." Sabi ko sa kanya kaya tumayo na rin siya at hinawakan ako sa kamay kaya napatingin siya sa akin.

"Pupunta tayo doon pero hindi na muna ngayon ang kailangan ko ay makatawag sa amin." Sabi niya kaya napatango ako.

"May telepono po sa bayan pero malayo." Sabi ko kay kuya kaya tumango siya.

"Halika na kailangan na natin makauwi para makahingi ka ng tawad sa nanay mo." Sabi ni Kuya Raphael kaya napatango na lang ako.

Magkahawak kamay kami na bumalik sa bahay at ng malapit na kami ay napahinto ako kaya tumingin sa siya sa akin.

"Kinakabahan ako." Bulong ko kaya napangiti lang siya.

Inakay na niya ako papasok ng bahay at naabutan namin si nanay na naghahanda na ng hapunan tumigil siya ng makita ako at kiming ngumiti.

"Sino po ang totoo kong mga magulang?" Tanong ko bigla kay nanay kaya napatingin siya sa akin habang kumakain kami maging si Kuya Raphael ay tumigil rin sa pagkain.

"Wala na sila anak naiwan ka nila sa akin naaksidente sila at namatay." Kusang tumulo ang luha ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Naalala ko kanina habang pauwi na ako dito na malapit na ang ika-labing walong kaarawan nila at iyon ang araw ng kaarawan mo." Sabi ni nanay kaya napatango na lang ako.

Mula noong malaman ko na hindi si nanay ang totoo kong ina ay lalo ko lang siyang minahal dahil kahit hindi niya ako totoong anak ay minahal niya ako at pinalaking mabuting tao.

Wala na akong mahihiling pa dahil dito naging tahimik ulit ang mga sumunod na araw at bukas ay kaarawan ko na at sobrang saya ko.

Hindi lang kasi kaming dalawa ni nanay ang magkasama sa araw ng pagiging ganap kong dalaga nandito rin si Kuya Raphael kaya wala na akong mahihiling pa.

Pero nalungkot ako ng magpaalam siya sa amin na babalik na muna ng bayan at para na rin makausap ang taong pwedeng tumulong sa kanya.

"Pangako babalik ako at makakarating sa kaarawan mo." Malambing na turan ni Raphael kaya napayuko ako at napahawak sa bestida ko.

"Babalik ka ha." Mahina kong turan sa kanya kaya napangiti siya at tumango.

"Babalik ako pangako." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako.

Nagpaalam na siya sa amin at hanggang sa wala na ang bangk na sinasakyan niya hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Anak kanina ka pa diyan halika ka na at baka sipunin ka." Sabi ni nanay na lumapit sa akin.

Sumunod na lang ako sa kanya na nanlalamya.

"Malungkot ka ba dahil umalis si Raphael?" Tanong ni nanay kaya napatingin ako sa kanya dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Nalulungkot po ako." Mahina kong turan sa kanya.

"Gusto mo ba siya?" Tanong ni nanay kaya namula ako at napayuko naramdaman ko na tumabi siya sa akin at pinaharap niya ako sa kanya.

"Dalaga ka na talaga anak ko parang kailan lang alam mo ba na masaya ako na lalo kong nakita ang napatamis mong ngiti mula ng dumating ang Kuya Raphael mo." Sabi niya sa akin kaya napangiti ako.

"Hindi ka po galit?" Tanong ko kay nanay kaya napangiti siya at umiling.

"Mabuting tao si Raphael at hindi ako tututol kung magkakagusto ka sa kanya pero anak lumaki siya sa ibang mundo malayo sa mundo natin." Napatango ako kay nanay at ngumiti.

Oo nga pala alam ni nanay kung sino ang pamilyang pinanggalingan ni Kuya Raphael at nasabi niya na mayaman ang mga ito kaya nga ang ilan sa mga isla dito ay nabili mismo ng pamilya nila.

Hindi raw biro ang pamilya ng mga Leviste dahil maimpluwenysang tao ang mga ito.

Kaya alam ko na maliit na tyansa lang na bumalik pa dito si Kuya Raphael bagay na ikinalulungkot ko.

Sa maghapon ay wala akong gana at lagi lang akong nandito sa kubo ni kuya at minsan ay tumatanaw sa karagatan.

Gusto kong maniwala na baka hindi na siya babalik pero nangako siya at alam ko na tutuparin niya ito.

Hanggang sumapit ang gabi ay halos hindi ako makatulog at kung hindi pa ako tinabihan at hinele ni nanay ay hindi ako dadalawin ng antok.

Nagising ako kinabukasan na binati ng napakagandang araw lalo na at binati ako ni nanay pagkagising ko pa lang.

Lumabas ako at tumingin sa kubo ni kuya at napahinga ako ng malalim dahil baka hindi na siya bumalik.

Hanggang sa magtanghalian ay wala pa rin siya nakita ni nanay ang panlalamya ko kaya hindi na lang niya ako muna kinausap.

Pero pagsapit ng hapon ay napatingin ako sa dagat ng may marinig akong tunog ng bangka kaya napabangon ako at bumaba sa kubo.

Napatakbo ako papunta sa dalampasigan at napanngiti nakita ko na may kasama si kuya sa bangka at kumaway siya sa akin at bumaba ng bangka.

Hindi ko napigilan ang hindi tumakbo sa kanya at agad ko siyang dinamba ng yakap kaya napatawa siya ng malakas.

"Happy birthday my love." Ito ang bulong niya sa akin bago niya ako hinalikan ng mariin sa mga labi ko.

Ito na siguro ang pinakamasya kong kaarawan dahil bumalik ang lalaking mahal ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status