LOGINAlice POV Ngunit pagdating ko ng sala,si Carlo pala ang taong sinasabi ni Lorna na naghahanap sa akin. "Carlo!"mahinang sambit ko sa pangalan niya. "Alice,kamusta kana?"masaya nitong sabe.At akma din sana niya akong lapitan, ngunit bigla siyang natigilan.Siguro ay may naalala ito. Parang may nagbago rito? "maayos naman Carlo.Maupo ka." Umupo naman siya.Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin ito sa aking likuran. Napalingon naman ako.Kaya naman pala.Nakatayo si Gabriel sa aking likuran. Napabuntong hininga ako.At binalingan si Carlo. "kamusta kana,Carlo?"masaya kong ani sa kanya. "hindi ako sigurado,Alice.Ngunit ngayon nakita ko na kayo,okay na ako.Masaya na ako."madamdamin niyang sagot habang may ngiti sa kanyang labi. Napangiti naman ako. "anong pakay mo pala rito?Nakausap muna ba si ate Ara?"tanong ko upang mawala ang pagkakangiti nito sa kanyang labi. "huwag na natin pag-usapan ang taong wala rito, Alice.Kayo lang ang sad
Alice POVSa kalagitnaan ng gabi, at sa mahimbing kong tulog—naalimpungatan ako hindi dahil nagising o umiyak ang isa sa kambal,kundi naalimpungatan ako dahil may humahaplos sa mukha ko.Pagmulat ko ng mata,purong kadiliman lamang ang nakikita ko.Napabalikwas ako ng bangon at akma kong kukunin ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet, nang may humawak sa mga braso ko at pinigilan ako."sino ka?Anong kailangan mo?"kinakabahan kong tanong.Ngunit hindi siya sumagot.Sa halip, naramdaman ko ang balat niyang sumagi sa gilid ng pisngi ko at parang may tinanggal siya sa likod ng ulo ko.Hanggang sa unti-unti kong nasilayan ang liwanag ng ilaw.Napapikit ako dahil naging blurd aking paningin.Pagmulat kong muli sa aking mga mata, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng taong nilalaman ng puso ko—si Gabriel.Napatingin ako sa kanan kong nasaan natutulog ang dalawang kambal.Baka isa lamang itong panaginip.Nakita kong nandun ang crib at ang mga anak kong mahimbing na natutulog.Nanlalaki ang dala
Alice POV Matapos ang paghaharap naming tatlo sa barangay hall,hindi na nagpakita sa akin si Carlo.Walang paramdam.Wala rin akong balita mula kay nay Rena.Ang sabe lang niya sa akin,bumalik daw ito sa Maynila.Nag-aalala rin ako para rito dahil naging bahagi din siya sa buhay naming mag-iina.Sana lang ay mapatawad niya ako sa pinili kong desisyon. At si ate Ara naman ay araw-araw pa rin siyang pumapasok,pero tahimik lang siyang maghapon na nagtatrabaho.Saka lamang siya magsasalita kong may importante siyang sasabihin tungkol sa trabaho.Walong buwan na rin ang pinagbubuntis niya.Isang buwan na lang manganganak na siya.Isang buwan na lang magli-leave na siya sa trabaho.Mayroon naman akong makakasama habang naka leave siya,pero iba pa rin kapag ang sanay sa trabaho ang kahalili ko.Napabuntong hininga ako habang binabasa ko ang mga papeles sa harapan ko.Lumalapit na ang araw ng pasko,marami na namang trabaho.Mas lalo na naman kaming busy. Napahilot na lang ako sa aking noo. "ka-kapita
Alice POV "nasaan ngayon si Gabriel ma?"tanong ko sa aking ina. Dahil gusto ko siyang makausap.Gusto kong siya mismo ang magpaliwanag sa mga nangyayari.At syempre, gusto ko rin siyang makita. "lumabas siya ng bansa anak last month pa.".............. Natigilan ako.Umalis siya ng bansa? "kelan daw siya babalik ma?"agad kong tanong. Humugot nang malalim na paghinga aking ina. "anak,nasaan na ang singsing?Na'sayo pa ba?"tanong sa akin ni mama at hindi sinagot ang tanong ko. "anong singsing ma?"nagtataka kong tanong. "Yong iniwan sayo ni Gabriel bago siya umalis." Nagulat ako. Sa kanya nga talaga galing ang singsing na nagkakahalaga ng isang bilyon—isang taon kong itinago. Dali-dali kong kinuha sa loob ng safety drawer ko ang singsing at agad ipinakita kay mama. "ma, sinabe rin ba niya sayo ang tungkol sa singsing?" Tumango naman agad ang ina ko. "oo anak.At herlum daw ito ng pamilya nila.Ipinapasa sa susunod na maging manugang nang pamilya nila at ikaw iyon
Alice POV Isang lingo ang dumaan,wala akong kinausap sa kanilang dalawa.Ilang beses na rin nagpabalik-balik dito sa bahay si Carlo, ngunit matigas akong hindi siya hinarap.Hindi pa ako handang harapin siya.Pumasok na rin ako ng barangay hall dala ang dalawang kambal.May kasama naman akong mag-aalaga sa kanila.Kaya makakapag trabaho pa rin ako.Hindi ko pwedeng pabayaan ang nakaatang kong trabaho.Ilang buwan na lang, matatapos na ang terminong sinimulan ni papa.Hindi ko alam kung papasok ngayon si ate Ara matapos ang nangyari.Pero sana papasok pa rin siya dahil hindi pa tapos ang pagiging secretary niya.Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa kanila.Ang ikinagagalit ko lang sa kanya—bakit itinago niya sa akin ang tungkol sa gabing iyon.Bakit hindi siya naging totoo sa akin.Masama ba akong tao para gawin nila sa akin ito?May pumatak na luha sa aking mata,na agad ko namang pinahid.Nag-angat ako ng ulo dahil may pumasok.Nagkasalubong ang mga mata namin, ngunit siya ang unang nagba
Alice POV Katatapos ko lang paliguan ang dalawang kambal,kaya dinala muna sila rito sa veranda at dito ko napagdesisyunang patulogin.May kuna naman silang nilagay rito—at sakto maganda ang sikat ng araw pagtingin ko sa kalangitan.Sakto lang ang ihip ng hangin—hindi malamig,hindi rin mainit.Napakapayapa rin ang paligid,tanging maririnig mo lang ay mga huni ng ibon. Napangiti ako at tumingin sa dalawang kambal na mahimbing ng natutulog sa kanilang kuna ng mapayapa.Gabi nila ngayon,kaya kahit siguro maingay ang paligid nila,hindi sila magigising. Mabuti pa ang bata,walang iniisip na problema.Hindi tulad naming matatanda,ang daming iniisip na problema. Muli akong napangiti ng may humalik sa tuktok ng ulo ko at yumakap sa aking likuran. "bakit hindi mo ako ginising mahal."may pagtatampo ang kanyang tinig. Unti-unti akong lumingon sa asawa ko paharap sa kanya,saka ngumiti sa kanya. "kasi, ayaw naming sturbohin ang masarap mong tulog."sabe ko sabay haplos sa gwapong mukha ni C
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem
Alice POV Maaga pa lang,gumayak na ako.Dadaan pa kasi ako ng police station para makausap ang driver ng truck at si Hepe.Kawawa naman si manong Mario kong hindi ko agad asikasuhin ang problemang ito at panagutin ang may sala. Isa pa naman si manong Mario ang pinaka tapat at mabait na naglilingk
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa tra







