LOGIN
Read at your own Risk.....MATURE CONTENT and Language 🔞
R-18(Adult Only) Alice POV Isang lingo na ang dumaan mula ng ilibing namin ang ama ko sa kanyang huling hantungan.At ito rin ang isang lingo ko bilang kapitana sa barangay ng Santa Barbara. Ang pagkawala ng butihin kong ama ay hindi namin napaghandaan.Wala siyang sinasabe sa amin o nakitang senyales na may mabigat na pala siyang karamdaman.Hindi namin iyon napapansin,dahil masigla siya sa tuwing kasama namin. Bago siya mawala sa amin,masaya pa kami ng araw na iyon,pero iyon na pala ang huli namin siyang makakasama at maririnig ang pagtawa niya . At nang araw na ilibing siya,halos kalahati ng taong barangay ang nakipag libing at nagluksa. Mahal na mahal kasi siya ng taong bayan dahil sa kabaitan, maayos na pamamalakad at may mabuting puso. Ang pag-upo ko bilang kapitana sa bayang ito ay hindi ko kailanman pinangarap at kailanman naisip na pasuking trabaho. Ang pangarap ko talaga sa aking buhay ay magturo sa mga bata.Kaya nang unang beses nila akong ihalal bilang kapitana,tinanggihan ko, dahil alam kong mahirap at hindi ko kakayanin. Kaya lang mapilit ang taong bayan na ako ang papalit sa ama ko at tatapusin ang termino niya bilang kapitan.Dahil dalawang taon na lang daw,matatapos na ang termino nito. Wala akong nagawa,kaya napagpasyahan kong tanggapin ang paghalal nila sa akin bilang Kapitana kapalit ng aking ama.Total, dalawang taon lang naman matatapos na at sa edad kong bente sais. Naisip ko na lang...para sa bayan.Para sa aking butihing ama at sa mga taong nagtitiwala sa akin....gagampanan ko ang tungkuling ito,kahit alam kong mahirap. Mga katok mula sa labas ng pinto ang pumukaw sa aking malalim na pag-iisip.Bumukas iyon at pumasok ang secretary kong si Ate Ara,na dating secretary rin ng ama ko. Napansin kong balisa ito.Kaya naman,napakunot ang noo ko. Si ate Ara ay matandang dalaga.At wala na yatang balak na mag-asawa pa dahil umabot na sa kuwarenta(40) ang edad.Maganda naman siya at mabait.Pero bakit hinayaan niyang tumanda siyang dalaga.Hindi naman ako naniniwala na walang nanligaw at wala siyang nagustuhang na lalaki.Siguro may mabigat na dahilan kaya hindi na nag-asawa pa. "kapitana, magandang hapon po.May masamang balita."pauna niyang sabi. Bahagya akong gumalaw at naging seryoso. "sabihin mo.Anong masamang balita ate Ara?"tanong ko sa kanya. "si manong Mario,sinugod sa hospital dahil nahagip ng rumaragasang truck ang patrol Tricycle na minamaneho niya.Mabuti na lang naihatid muna niya ang midwife at nurse na galing rito bago nangyari ang aksidente.At ang driver naman ng truck,dinala sa himpilan ng pulisya at agad na kinulong...napag alamanan naming nakainom pala ito."mahabang paliwanag ni Ara.Napatayo ako. "kamusta si Manong Mario?"agad kong tanong sa kanya. "wala pa pong balita mula sa dalawang tanod na siyang nagdala kay manong Mario sa Hospital,kapitana." Tumango ako. Sinulyapan ko ang oras sa suot kong relo,nakita kung alas singko na pala nang hapon. "hindi ka pa ba uuwi,ate Ara?Kung hindi pa, puntahan natin si Manong Mario sa Hospital upang tingnan ang kalagayan niya."sabi ko, na agad namang ikinatango ni ate Ara. Nauna nang lumabas si ate Ara.Kaya ako, dinampot ko na rin ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa ko saka lumabas ng opisina ko. Paglabas ko,naabutan ko si ate Ara at ang isa pang tanod at nag-uusap ang mga ito.Pero sabay silang napalingon ng magsalita ako. "tara na po ate,Ara." "si Carlo po ang maghahatid sa atin sa hospital,kapitana."sabe sa akin ni ate Ara.Agad akong tumango at nauna nang sumakay sa patrol car na service namin rito sa barangay. Pagkarating namin sa hospital,agad naming nakausap ang dalawang tanod na siyang nagdala kay manong Mario.Nalaman naming, kailangan maoperahan agad si manong Mario dahil napurohan ang kanang binti niya.Kung hindi agad maoperahan,baka kalahati ng katawan niya ang masisira at hindi na siya makakalakad pa kailanman.Kung maoperahan agad,makakalakad pa siya gamit ang saklay. Naawa ako sa matanda,dahil mabait ito.Pero ganito ang sinapit niya. Napabuntong-hininga ako. "sige po.Nakausap niyo na ba ang asawa ni manong Mario?"tanong ko sa kanila. "opo kapitana, at papunta na siya rito."agad na sagot ni Manong Erwin. Tumango-tango ako "mabuti naman po kong ganun.Babalik po kami bukas upang dalawin si manong Mario.Sa ngayon, kailangan niyo munang hintayin ang asawa ni manong Mario bago kayo umuwi.At kami naman ni ate Ara,dadaan muna kami sa police station upang makibalita sa kaso ng driver."sabi ko. Kumuha ako ng pera sa loob ng bag ko saka binigay kay manong Erwin. "pakibigay na lang po sa asawa ni manong Mario pagdating niya." Alam ko kasing walang pera ang ginang dahil may bahay lamang ito at umaasa sa sahod ng asawa niya bilang tanod sa barangay.Pero ngayon,hindi na makakapag trabaho si manong Mario kaya wala na silang pagkukunan ng panggastos nila araw-araw. Nagpaalam na kami sa dalawang tanod na umalis. Pagdating naman namin sa police station,agad naming nakausap ang hepe ng pulisya.Nakakulong na raw ang driver.Hintayin lamang namin na mahimasmasan ito upang pag-usapan ang nangyaring aksidente. Agad din kaming nagpaalam matapos kaming mag-usap ng hepe. "kapitana!"tawag ni Carlo ng akma akong bababa na ng sasakyan. "May sasabihin ka ba, Carlo?"tanong ko. Sandali muna niya akong tinitigan,na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabe.-O baka may dumi ako sa mukha kaya nakatitig siya sa mukha ko. Bahagya siyang ngumiti.Kaya lumabas ang mga dimple niya sa pisngi. "wala po,kapitana." Ngumiti ako ng pabalik.Pagkatapos,bumaba na ako ng sasakyan at hindi na lumingon pa. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay namin,agad na sumalubong sa akin ang mabango at masarap na ulam.Amoy pa lang, nakakatakam na,paano na lang kong nakita ko.Bigla akong nagutom. Ibinaba ako ang mga gamit ko sa sofa at pumunta ng kusina.Naabutan ko si mama na abala sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "mano po ma."sambit ko. "kaawaan ka ng panginoon anak."sabi ni mama sa akin. "ma,anong niluluto mo?"tanong ko,saka tinignan ang nilulutong ulam ni mama. "syempre,ano pa nga ba...edi ang paborito niyo ng papa mo." Ngunit biglang natigilan si mama ng banggitin nito si papa.Pagkatapos, narinig ko ang pagsinghot niya.Kaya nalaman kung umiiyak siya. Naninikip din ang dibdib ko,at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha.Masakit pa rin,as in sobrang sakit,dahil sariwa pa rin sa aming isipan ang pagkawala ng papa ko. Niyakap ko si mama,upang iparamdam sa kanya na narito lang ako sa tabi niya.Dadamayan ko siya sa kanyang kalungkutan hanggang sa unti-unti naming matatanggap na wala na talaga ang mahal kong ama dahil pinagpahinga na siya ng maykapal. Matapos ang naging drama namin ni mama,ako na ang nagpatuloy sa kanyang ginagawa at hinayaan siyang magpahinga muna sa kanilang silid ni papa.Alice POV "Kinagabihan,mahimbing na ang tulog ni Carlo sa tabi ko.Ngunit ako,mulat na mulat pa rin ang mata.Kanina ko pa iniisip kong sino o ano ang pakay ng mga nakasakay sa itim na sasakyan kaninang umaga.Kung sakaling wala silang pakay,bakit may dala ang mga ito na mga baril,at bakit bigla silang umalis na makita nilang may paparating na mga pulis.Napabuga ako ng hangin. Napahaplos ako sa napakalaki kong tiyan ng biglang sumipa ng sabay ang mga babies sa loob ko.Napangiti ako. "ang dalawa kong makulit na babies,ang kukulit."wika ko ng mahina habang hinihimas ko aking malaking tiyan.Tumawa ako ng mahina ng maramdaman kong sumipa ulit sila. "excited na si mama na mahawakan kayo,mga anak."masaya kong wika.Patuloy pa rin ang paggalaw nila sa loob ko. Ang kwento sa akin ni mama—noong ako ang pinagbubuntis niya makulit din daw ako habang nasa loob ako ng kanyang sinapupunan.Ginigising ko pa raw siya kapag madaling araw para lang magbawas.Ganun din ang ginagawa sa akin ngayon ng k
Alice POV Alas singko na nang hapon,malapit nang dumilim.Malamig na rin ang simoy nang hangin.Narito ako sa may veranda,nakaupo habang hinihimas ang napakalaki ko ng tiyan.At ang aking tingin ay sa malawak na bukirin sa mismong likod ng bahay nila Carlo. Napangiti ako.Ilang buwan na ang dumaan mula ng muntik mawala sa buhay ko ang mga anak ko—oo,hindi lang iisa ang nasa loob ng sinapupunan ko,kundi dalawa—dalawang lalaki. Nalaman namin iyon nang magsagawa kami ng ultrasound ko upang malaman kung maayos lang ba ang sanggol sa loob ng tiyan ko.Ngunit bago ako sumalang sa ultrasound,kinausap agad ako ng doctor at sinabing maraming dugo ang nawala sa akin.At kong malaman na wala ng tibok ang sanggol sa sinapupunan ko,agad itakda ang operation para raspahin ako.Takot na takot ako ng mga sandaling iyon,ayaw kong mawala ang nagbibigay lakas sa akin.Kaya agad akong piping nagdasal sa panginoon na huwag pabayaan aking anak.At salamat nga sa may kapal,agad niyang dininig aking palangin
Alice POV Hindi imahinasyon..... Bago mag-alas dose ng tanghali, dumating si Carlo at may dala itong mga paper bags na naglalaman ng pagkain.Mukhang sinadya pa nitong bumili sa mamahaling restaurant sa bayan dahil sa brand ng lagayan nito. "mahal,kumain muna tayo."sabe niya,kinuha ang ballpen na hawak ko at pinatong sa papel na sinusulatan ko. Ngumiti ako."opo." Inalalayan niya akong tumayo at ganun din sa aking pag-upo.Siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko at tubig na rin. Asikasong-asikaso talaga niya ako at wala akong masabe.Napaka swerte ko talaga,dahil dumating sa buhay ko ang isang Carlo. Hinawakan ko ang isa niyang kamay habang nasa labi ko ang ngiti. "salamat Mahal.Napakaalaga mo sa akin.Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita."masaya kong sabe. Ipinatong naman nito ang kanyang kamay sa kamay kong nakahawak sa kamay niya saka ngumiti. "dahil mahal kita,Alice.Tulad ng ipinangako ko,aalagaan,mamahalin at rerespetuhin.Kayo ang uunahin ko bago ang sarili
Alice POV Naalimpungatan ako dahil sa pagyakap ni Carlo mula sa aking likuran—dahilan kaya hindi na ako ulit nakatulog.Wala naman siyang ginawa,nakayakap lang siya sa akin at mahimbing nang natutulog.Mabilis ang tibok ng puso niya,parang pagod na pagod. Halos kalahating oras din ang hinintay ko bago ko napagdesisyunang babangon na.Kaya dahan-dahan kong tinanggal ang braso niyang nakadagan sa tagiliran ko at dahan-dahan din akong bumangon—hindi gumawa ng ingay.Tumingin ako kay Carlo na asawa ko na ngayon,ang sarap ng tulog niya.Napaka gwapo niya talaga.Talagang nagtataka ako—bakit ako ang nagustuhan niya.Maraming mga babae diyan ang nagpapansin sa kanya at nahuhumaling pati nga ang anak ni kapitan sa kabilang barangay sinasadya pang puntahan siya rito para lang magpapansin.Pero ako ang pinakasalan na buntis sa ibang lalaki.Napangiti ako at hinaplos ang napaka gwapo niyang mukha."maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin at sa baby natin, Carlo.Ngayon,ako naman.Susuklian ko ang p
Carlo POV Maling Silid.... Kaunti lang naman ang nainom ko,pero bakit pakiramdam ko lumagok ako ng ilang bote ng vodka.San Mig lang naman ang ininom namin ni Lexus,wala akong balak na nagpakalasing dahil unang gabi namin ito ni Alice na magkasama sa iisang silid.Sabik na sabik na akong makasama siya,pero kong hindi pa siya handa—kaya ko naman magtiis basta ang sa akin lang,makatabi ko siya sa pagtulog.... kuntento na ako du'n at malaki ang respeto ko sa kanya. "bro,una na ako.Puntahan ko na asawa ko sa silid namin."paalam ko sa kaibigan ko.Tumango naman ito. "sige lang bro.Magdahan-dahan ka lang ha,buntis pa namn ang asawa mo?"sabi niya sabay kindat sa akin. Tinapik-tapik ko ang balikat niya saka tumawa ako ng mahina. Kahit nanlalabo aking paningin, pinilit kong makarating sa silid namin ng asawa kong si Alice.Tuloy-tuloy akong pumasok,nakita kong nakahiga na siya sa kama ko at nakatalikod.Kaya nagmamadali kong hinubad ang damit ko maliban sa brief kong sout.Hindi naman sigur
Alice POVKasal at imahinasyon ni Alice...... Ito na ang araw ng pinakahihintay namin—ang kasal namin ni Carlo.Lahat ng babaeng ikakasal ay damang-dama ang nag-uumapaw na kaligayahan dahil ikakasal na sa lalaking mahal niya.Ngunit kabaliktaran naman sa akin o mas sabihing hindi ako ramdam iyon.Masaya naman ako,pero hindi tulad ng ibang babaeng ikakasal. Inaamin ko sa sarili ko na —hindi ko ramdam ang kilig,ang tibok ng puso ko at masayang awra.Hindi ko alam kung bakit? Ngunit kailangan kong ipakita sa lahat na masayang-masaya ako ngayong araw,dahil nga ito ang araw namin ni Carlo bilang mag-asawa.At ang pakiramdam nang babaeng ikakasal ay siguro hindi pa ngayon,baka sa sandaling magkasama na kayo sa iisang bubong. Sinuyod kong tinignan ang kabuuan ko sa salamin matapos akong ayusan ng make up artist—at natutuwa ito ng makita ang kinalabasan kahit simple lang naman ang ginawa niya. "super beautiful!perfect."tuwang-tuwa niyang sabe.Umikot pa ito,sinisigurong maayos na talaga ang suo
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem
Alice POV Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong mga kaluskos mula sa labas ng bahay.Bumangon ako at kinuha ang selpon ko sa ibabaw ng drawer upang tingnan kong anong oras na.Baka si mama lang iyon na naglilinis na sa bakuran.Pero pagtingin ko ng oras....alauna palang ng madaling araw.Kaya nap
Gabriel Clark/Adan Montes POV "sir Gabriel,may maganda akong balita...nakuha ko na po ang files na magdidiin kay Don Ignacio."bungad agad ng tauhan ko sa kabilang linya. "good."agad kong tugon. "ah sir Gabriel.May nais pa akong sabihin sayo." Hindi ako umimik at alam na niya iyon. "Narini
Alice POV Maaga pa lang,gumayak na ako.Dadaan pa kasi ako ng police station para makausap ang driver ng truck at si Hepe.Kawawa naman si manong Mario kong hindi ko agad asikasuhin ang problemang ito at panagutin ang may sala. Isa pa naman si manong Mario ang pinaka tapat at mabait na naglilingk







