Share

Chapter 5 Aiah

~~~~~~

IT WAS THE LAST NIGHT for Esaac’s funeral. Napagpasiyahan nilang gawing tatlong araw na lang ang burol dahil wala naman silang pinaglalamayang katawan. Until now, Esaac’s body is nowhere to be found. Ni wala ngang nakitang bangkay na nasa yateng pinangyarihan ng insidente.

Police reports said that someone neatly fixed the crime scene when they arrived. Nakalayo na rin ang yate mula sa mismong pinangyarihan ng insidente at siguradong dinala ang bangkay ng nabaril na biktima sa ibang lugar. Hanggang ngayon, umaasa pa rin sila na mahahanap din ang bangkay ni Esaac sa lalong madaling panahon.

Dumating sa AL Hall ang mga nakikiramay sa pagkamatay ni Esaac. Some AL Alumni were there, and they were in sympathy with the family of the victim.

Enie stayed beside Seth. She is actually thinking of Charity’s welfare. Hanggang ngayon, nasa hospital pa rin ito at hindi pa rin nagigising. Days had passed, and her body is still recovering from the trauma in the yacht. Idagdag pang kapapanganak lang nito at siguradong nasaksihan ang lahat ng mga pangyayari.

“I will be starting the eulogy.”

Agad na tumayo si Enie at nagpunta sa harap para magsalita. Iginala niya ang mata sa mga tao. Her heart throbbed and went out of focus when her eyes nailed on a certain person. Actually, two people. Nabitiwan niya ang mikropono kaya nakagawa ito ng ingay ng feedback sa speaker.

Kita sa mga mukha ng mga tao ang pagkagulat sa nangyari. Mas kita rin naman sa mukha ni Enie ang pagkagulat sa nakita. Then she found herself in Seth’s arms, her late best friend’s brother, when she was about to faint.

“Enie, are you sure you’re okay?” he whispered. “Magpahinga ka kaya muna.”

Ilang araw din siyang walang tulog. Ilang linggong balisa dahil sa pag-iisip at pag-iinitindi sa pamilya ni Esaac. Naroon naman si Seth upang tumulong kaya pareho silang pagod at puyat. Yet, they are doing everything just to give Esaac, a decent night, and Charity, a peaceful life with their son, Missiac.

“No, I can do this, Seth.”

She can do that but she looks so incapable. Bigat na bigat ang mga mata niya at mga ilang segundo na lang ang itatagal at makakatulog na siya, pero ang katuwiran niya, nakainom na siya ng maraming kape kanina.

“Sure about that, Love?” anito.

Then she nodded.

Inabot niya ang microphone mula kay Seth at saka tumayo nang tuwid. Iniwanan siya nito ng isang halik sa sentido at saka bumaba upang panuorin.

“I was a disaster. I am sorry.” She sniffed and started her speech. “Years have passed since the day I met Esaac. He became my best friend even though he is not really into committing to girls. I have been barging in his life since then and I do not mind it at all. We do not mind it at all. We just limit ourselves to what extent should we barge each other.

“Maraming beses na rin kaming nag-away ni Esaac sa kung anu-anong bagay but one thing’s for sure, magbabati rin kaming dalawa. I admire him. I admire how he handled my toxic self. He is my best of best friends kaya alam niya ang lahat ng nangyari sa akin.

“Pinasaya niya ako sa mga panahong sobrang lungkot ko. He often goes to my condo just to be with me. Siya ang kaibigan kong hindi busy sa mga panahong kailangan ko siya. He understood why I am like this. Naiintindihan niya kung bakit sobrang pakialamera ko. Naiintindihan niya kung bakit ang dami-dami kong sikreto sa ibang tao, kasi lahat alam niya.”

“Dinamayan niya ako sa mga panahong depressed ako dahil sa pagkawala ng mga taong mahal ko but now, he is n-not–“ Bumigay ang mga mata niyang may naipong mga luha. This is what she is afraid of–breaking down in front of many people, seeing her weak and helpless in the middle of the crowd. “–he is not here to tell me to smile even if it hurts. He is not here to pat my shoulders and say, ‘it will pass.’ Wala na siya para ipaalala sa akin na huwag akong titigil na magmahal at wala na rin siya para sabihin sa aking ibang tao naman ang mahalin ko.”

Nagtama ang mga mata nila ni Ethan. She saw him and Keanna, her ex’s new girl, looking so sweet to each other, and this kills her more. Sa dinami-rami ng mga panahong puwede silang magkita, bakit ngayon pa. This really added to her burden. Hindi siya sanay na makita ang lalaking mahal niya sa yakap ng ibang babae.

Keanna kissed the temple of Ethan. This kills her the most. She actually wishes that she could die right after Esaac and be with her best friend so that he can comfort her. At kapag namatay na siya, makakalimutan na niya ang kung anumang sakit na idinulot ni Ethan.

“I miss you,” she said, looking to where Ethan is settled. “I miss you… Ez.”

Agad na tumakbo siya pababa ng entablado. Hindi na niya alintana kung maraming tao ang nakatingin sa kanya, basta makaalis siya sa lugar na iyon. She could take several pains, but she cannot take this anymore. This is not just an ordinary pain but a torture for her heart. She is already over it. Hindi na siya magpapatalo sa sakit ng puso niya. She must be stronger now.

She directed herself towards the parking space. Agad siyang napaupo sa gutter at saka hinilamos ang sariling mga palad sa kaniyang mukha. She was swimming in her tears. She is pained and nobody could cure her except the reason for her pain.

“Same old gutter girl.” Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. It sounded so familiar, painfully familiar to her ears. “You’re crying on the gutter again, Enie.”

Parang may kumurot sa puso niya nang makitang si Ethan pala iyon. She flipped her hair and immediately stood up to get away from him. Pinunasan niya ang mga luha at naglakad papalayo sa binata pero hindi iyon umubra.

Sinundan siya ni Ethan at saka biglang hinablot ang kamay niya.

“Eniessia. Talk to me.”

Lumingon siya rito na may galit sa mga mata. “Talk about what?” she and her stern voice. “Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip nang mag-isa. Gusto kong hanapin ang sarili ko nang mag-isa. So leave me alone! Leave me alone like what you are used to…”

He pulled her near and took the opportunity to kiss her quick. Natulos sa kinatatayuan niya si Enie na halos matumba kanina dahil sa lakas ng pagkakahila sa kaniya ni Ethan. Lalong lumala ang sakit na nararamdaman niya sa puso. It shattered her heart into pieces as his lips met hers again. She misses him a lot, but she knows that it is not a good thing for her heart. She told herself to be tougher and number.

And she knows that she can.

Hinayaan niya lang na pumatak ang luha niya at magpanggap na matigas. Ethan slowly released her and looked into her eyes.

“I missed you, too, Agape.”

She smirked bitterly. “And you really think that your kiss is too magical to ease my pain.” It actually does. Her pained heart slowly heals inside… but it’s barely healed.

“No, Enie. Of course not.” Napatigil si Ethan ng saglit. “I am so sorry for that… I just want to tell you that I am here.” His voice got hushed. “I am back, Agape.”

Tinitigan lang siya ni Enie. Kumikirot ang puso ng dalaga nang muling marinig mula kay Ethan ang salitang iyon. ‘Agape’. That endearment had made her reminisce many painful and hopeful situations. Hopeful for something that could work out between them.

She stiffened on her place. Nanginginig ang mga labi niya nang dahil sa sakit at pagkalungkot subalit kailangan niyang maging matatag. She promised herself not to get into him again but she cannot. Titig pa lang ni Ethan, kuhang-kuha na siya.

Her teary eyes became heavier. Ilang segundo niya na ring pinipigilan ang maiyak pero hindi na niya kaya. A lone tear came falling from her gray eyes. Kung hindi pa siya iiwas, makikita siya nitong malungkot at mahina.

“Wala ka nang babalikan, Ethan.”

Napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses at doon tumambad ang bulto ni Seth na nakatingin sa kanilang dalawa. Agad niyang hinapit ang baywang ni Enie at saka niyakap ang dalaga.

“Pretend, Enie.” He whispered.

Umiling-iling si Enie habang nakayakap sa kanya. “Hindi ko kaya,” bulong niya rito.

“You can, Love,” bulong nito sa kaniya.

“Ethan, babe!” a girl shouted.

“Just hug me, Enie,” Seth whispered once more.

“Ethan, bakit bigla mo akong iniwan?” It was Keanna.

“Keanna, ‘wag ngayon–”

“Halika na, Love, pasok na tayo.” Agad na inaya siya ni Seth upang magtungo sa loob.

She understands him. Ayaw nitong nakikitang nasasaktan ang kaibigan kaya gusto niyang ilayo si Enie mula sa kanila. Marahang naglalakad sina Enie at Seth papalayo kina Keanna at Ethan nang magsalita ito… but Ethan blurted, “Kung totoong nagmamahalan kayo… halikan mo siya. Right in front of me, Seth.”

Nilukob ng kaba si Enie sa sinabi ni Ethan. She looked at him and he looks so dark. Agad na dumilim ang mukha ni Ethan na para bang naghihintay ito sa gagawin niya.

Napabaling naman siya kay Seth na may mukhang inosente. Hinawakan nito ang labi niya at tila pinunasan ang halik ni Ethan kanina. Her eyes were still teary but she can really see how Seth looks at her lips with passion. Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Seth upang makapantay si Enie.

~~~~~~

AIAH WOKE UP CRYING because of another bad dream. Humahangos siyang napabangon nang dahil sa isang panaginip na tila ba masakit na alaala mula kay Enie. She felt the same pain that her best friend felt back then. The scenario hurt like daggers, ripping her heart into pieces. It felt so real, as if she was Enie, standing there, and seeing that scenario. Patuloy na pinahid ni Aiah ang mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Panay ang paghangos ng dalaga habang iniisip ang napanaginipan.

She got her notebook and wrote her 21st dream. It was detailed, from the conversations up to every single moment that happened. She writes them down to remember. Gusto niya ring tanungin ang kaibigang doktor tungkol dito kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

She gets confused whenever she has those dreams. Muli na naman siyang ginugulo ng isip tungkol sa mga napapanaginipan niya. Bumalik ang lahat ng pangyayaring ito nang magising siya mula sa mahabang pagkakatulog. Paulit-ulit siyang dinadalaw ng masasamang panaginip na tila may pahiwatig.

Napamulagat siya nang tumunog ang kaniyang telepono. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.

“Aiah.”

The voice made her tremble in fear. She wants to cry even harder, but she has to be strong, specially when talking to that person.

“Have you forgotten about all of my commandments?”

Napalunok si Aiah sa kaniyang narinig. Pinahid niya ang halos matuyo nang mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi at sinabi, “No, Miss Jed. Hindi ko po nakakalimutan.”

“Oh, okay.” The Madame sounded sarcastic. “I need you in my office now.”

Alas kwarto ng umaga, napamaneho si Aiah papunta sa gusali ng Alpha Lohikal. Bente kwarto oras ang trabaho nila kaya alam na niyang hindi magandang senyales ang pagtawag sa kaniya ng nanay-nanayan.

Agad na nanlamig ang batok ni Aiah nang muling makaapak sa loob ng opisina. Everything feels so new to her, even though it has been days since she started her work again. Nanginginig ang daliri niyang pinindot ang buton papunta sa pinakamataas na bahagi ng gusali kung nasaan ang opisina ng head Madame.

“What happened to you?” Agad siyang sinalubong ni Miss Jed ng isang katanungan nang makapasok siya sa opisina nito. “Talaga bang sinusuway mo na ako ngayon?”

Nanlalamig niyang hinarap ang boss. Nabato sa kinatatayuan si Aiah habang nag-iisip ng isasagot. Pinagmasdan niya ito na nakaupo at nakatingin sa kaniya na tila ba naghihintay ng sagot at sinusuri ang buo niyang pagkatao. “Hindi naman po sa ganoon Miss–”

“Then why did you agree on Montellano?” she said with a stern voice. Nagulat si Aiah sa inasta nito at nanatiling tulala sa ina-inahan.

Her lips were shaking. “I-I did not mean to agree on him–”

“But you agreed with him!” Miss Jedaiah exclaimed as she stood up from her swivel chair. “Hindi ba ang kabilin-bilinan ko, bantayan mo ang apo ko pero dapat lumayo ka kay Zach Ethaniel Montellano!”

“Y-yes, Madame.”

“Then what happened to your mission?” Natawa nang pagak si Miss Jed. “Simpleng direksyon lang ang sinabi ko sa ‘yo, Aiah. Hindi ka na naman ba susunod?”

“H-hindi naman po sa ganoon–”

“That’s it!” Miss Jed exclaimed. “I told you before not to love a Montellano, but what did you do? You even got–”

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina at lumitaw mula roon si Anne. Bakas sa mukha ng dalaga ang pamumutla nang tuluyang makapasok sa opisina. Miss Jed hit the table to release her anger and chose to about face to calm herself. Aiah was still in shock as Anne composes herself.

“Madame, I am sorry to interrupt you but it seems like you almost forgotten to keep a very important data.”

Hinarap ni Miss Jed si Anne at kinausap ng palihim, malayo kay Aiah. Sa kabilang banda, sinusubukang niyang tatagan ang loob matapos mapagalitan ng kanilang boss.

From the first day that she woke up, Miss Jedaiah Oliveria has become hands on to ensure her physical recovery. Her boss did nothing but to keep her secured and fine. Sa kabilang banda, ipinatigil nito ang psychological therapies ni Aiah dahil nais nitong bumalik nang kusa ang alaala ni Aiah.

Gayunpaman, minsan iniisip niya kung bakit napakabait nito sa kaniya pero bigla na lang sasabay rito ang katuwirang, ‘Siguro nakokonsensya si Miss Jed kaya siya mabait sa akin.

Her experience was traumatic if ever she remembers it. Pinahirapan hanggang sa muntikan nang malagutan ng hininga at halos patayin, she remembered sneakily reading her profile on time in Miss Jed’s office. Aiah was tortured in the hands of the Marciano Strata. He is one of the Triumvirate that has never been caught. Of the three, he is notorious and always nowhere to be found. They identified one of them as dead–Don Santiago de Sevilla–and the other one is hiding–Epiphania Sultera.

Hanggang ngayon, kahit marami na silang naikuwento tungkol sa pagkatao niya, tila ba higit pa rin sa kalahati ang pangamba niya. Minsan, umaasa na lang siyang bumalik nang muli ang alaala niya upang malaman na niya ang mga misteryo tungkol sa mga panaginip niya, kung totoo man ito o pahiwatig ni Enie.

“Thank you,” Miss Jed said as Anne bids goodbye.

Muling naiwan ang nangangambang si Aiah habang nakatungo at hindi makatingin ng mata sa mata. Iniisip ng dalaga kung anong napag-usapan nila at kung anong susunod na sasabihin nito sa kaniya.

“Another mission,” Miss Jedaiah said in her same austere voice. “Since you did not complete your last mission properly, I am handling you another one.”

Minsan iniisip ni Aiah na umalis na lang at mag-resign subalit dala ng utang na loob, nananatili siya at kinakaya ang mga pagalit ni Miss Jedaiah.

“Dahil gusto mo namang lumalapit kay Montellano, sige, pagbibigyan kita.”

Kung ano ang dumaan at tila ba pumalakpak ang tainga ni Aiah nang marinig ang sinabi nito. Lumiwanag nang bahagya ang kaniyang mukha kasabay ng pag-angat nito.

“But one condition.” That statement made her worried. “You are not allowed to do sweet things with Montellano. Si Elio Zacharias ang babantayan mo at hindi si Ethan.”

Madali lang para sa kaniya na pigilan ang sarili subalit hindi sa kaso ni Ethan. He knows how to play it well and surely Aiah will lose it. Hindi naman sa mahina ang dalaga subalit hindi niya lang talagang kayang labanan ang mga kalokohan ni Ethan sa kaniya.

“Yes, Madame.” She still had no choice.

“At magpapadala rin ako ng kapwa mo agent para tignan kung nagagawa mo ang trabaho mo.”

Nilukob ng kaba si Aiah dahil sa sinabi nito. Mga mata ng tunay na tao ang nakabantay sa kanila nina Ethan. If an agent will spy on her during their vacation in Isla de Esperanza, she will surely feel the uneasiness. Mahahalata lang ni Ethan na mayroon siyang misyong kailangang gawin.

“Along with that, I want you to investigate about my son’s death. I believe that he is still alive but hidden on that island.”

Miss Jedaiah knows so much about of her son’s case but she does not want to spoil it. Hindi niya inunang asikasuhin ang nawawalang anak bagkus, mas inaalala niya ang nabubuhay niya pang anak na si Enie. Since her daughter has died years ago, she pursued investigating her son’s case once more.

“It was your first mission and I assume that you will also work on it while you are on your vacation.

Her boss’s presence threatens her. Kung hindi lang nanay-nanayan ang turing niya rito, baka gumawa na siya ng paraan upang makaalis sa poder nito.

“Yes, Madame,” she answered demurely.

Nang makauwi siya sa sariling condo unit, lumipas na lang ang oras at hindi na siya muling nakatulog. Aside from the fear of having bad dreams once more, kinatatakutan niya rin ang mga posibilidad ng kaniyang gagawing misyon. Simple lamang iyon kumpara sa mga ipinagagawa sa agents ng Alpha Lohikal subalit para kay Aiah, buhay ang katumbas…dahil mukhang puso niya ang mas gagana kaysa sa utak.

Rosie Santiago

Thank you very much for reading and subscribing! I would also love to read your comments!

| 2

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status