Share

Chapter 33

TAHIMIK ang dalawang nag-aalmusal. Masasarap ang pagkain sa kanilang harapan, sinangag na may halong assorted veggies and shrimp na halatang sariwa pa, small fried fishes, tocino, longganisa, may fried egg pa na mula sa native na manok, at ang pinakanagustuhan talaga niya ay ang hot chocolate drink na mula pa sa cacao bean na minano-mano ang paggiling at isinalang sa traditional na palayok upang malasap ang tunay na lasa ng local cuisine.

Maganang kumakain si Cassandra habang kinukuwentuhan siya ni Manang Bell. Ipinapakilala nito ang mga pagkain sa kanilang harapan na ito pa pala mismo ang naghanda at ang asawa nitong si Manong Rene ang nanghuli sa maliit na fishpan malapit sa dagat doon.

Ang sabi pa ng matanda ay mahilig ang asawa nitong mag-alaga ng mga hayop na ang karamihan ay imported pa galing ibang bansa. Mahilig din itong magtanim ng iba’t ibang klase ng puno at halaman na nakikita nila sa buong paligid ng resthouse.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status