NAPABUGA ng hangin si Ian bago muling hinarap ang matanda. Halata sa mukha nito ang pag-aalala sa ikinilos ng dalaga. Marahil ay iniisip ni Manang Bell na nag-away silang dalawa kung kaya umiiyak ito. Subalit maging siya ay hindi rin naman alam ang ipinagkakaganoon ni Cassandra.
“Masakit yata ang tiyan, Manang Bell,” kapagdakan ay biro niya sa matanda upang hindi na ito mag-alala pa sa dalaga.
Ganoon kasi ang matanda, hindi ito natatahimik at labis ang pag-aalala kapag may nangyayari sa kaniyang pamilya.
Naalala pa ng binata noong panahong iwanan sila ng kaniyang stepmother. Ilang buwan na hindi nagsalita at tahimik lamang si Manang Bell na kaiba sa tunay na gawi nito. Inakala pa nila na kukunin ito sa kanila ng Maykapal sapagkat bigla na lamang na bumagsak ang katawan nito.
Ipinag-alala nilang mag-ama ang naging kalagayan ni Manang Bell noon dahil ina na at lola ang turing nila sa matanda, lalong-lalo na ang kaniyang ama dahil ito
SAMANTALA, hindi na napigilan ni Cassandra ang mapaluha sapagkat hindi niya kinakaya ang ngumangatngat na selos sa kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.“Nakakainis! Napakamanhid talaga niya!” inis na wika niya sa sarili na nahahampas pa ang inuupuang silya sa ilalim ng malaking punong mangga. Nasisipa rin niya sa hangin ang mga paa dahil sa iritang nadarama. “Bakit pa kasi kailangang tanungin kung nagseselos ako? Hindi pa ba obvious?” muling saad niya at hindi na naman maampat ang luha sa kaniyang mga mata.Kaninang nasa silid siya at mag-isa, upang makalimutan ang sakit na nadarama ay nagpasya ang dalaga na maglaro na lamang ng candy crush saga na paborito niyang laruin sa kaniyang cellphone.Ayos na nga sana siya dahil kahit papaano ay nawawala na ang panliliit niya sa sarili dahil sa pagkukumpara niya sa asawa ni Ian.Alam niyang siya rin lang naman ang nagpapasakit sa sarili n
MULING bumalik sa kasalukuyan si Ian nang marinig niya ang boses ni Cassandra na animo namamangha sa nakita.Bumaling naman siya ng tingin dito upang alamin ang ikinamangha nito. Nakita naman niya na nakatingin ang dalaga sa paparating na matanda, si Manong Rene, na may bitbit na iba’t ibang klase ng isda kagaya na lamang ng hito, tilapia, bangus at marami pang iba na galing mismo sa fish pond nito.“Ang dami naman po niyan, Manong Rene,” narinig pa niyang bulalas ni Cassandra na sinalubong ang matanda. “Oh, my God, buhay pa!” tili pa ng dalaga noong kumawag-kawag ang isda sa kamay ng matanda.Tipid siyang napangiti sa pagkagiliw sa dalaga, sa pagiging inosente nito na animo isa itong bata na curious sa lahat ng bagay na nakikita nito roon.Nangalumbaba si Ian habang mataman pa ring nakatitig kay Cassandra. Sinusuri niya ang bawat galaw, parte ng katawan at maging ang ekspresy
NAGISING si Cassandra na wala na si Ian sa tabi niya. Kagabi ay hindi na niya namalayan kung anong oras siya pinatulog nito. Maliban pang tila may hangover siya ngayon dahil sa nainom niya kagabi. First time sa kaniya iyon. Kahit na nakapagtrabaho siya sa club kung saan kinakailangang heavy drinker sila ay hindi naman siya nagtagal doon kung kaya hindi siya naging expert sa pag-inom mg alak. Bukod pang simula nang manganak siya ay hindi na nasayaran ng alcohol ang kaniyang lalamunan maliban na lamang kung ito ay wine.Nasapo niya ang noo dahil kumikirot iyon saka marahang hinilot paikot upang maibsan ang sakit. Nang tingnan ni Cassandra ang orasan ay pasado alas-diyes na ng umaga.Agad siyang napabangon nang mapagtanto na tanghali na pala. Nakakahiya sa mga kasama niya sa bahay na tanghali na siya bumangon. Baka isipin ng mga ito na tamad siya or what. Maigi na ang magpakitang gilas siya sa mga ito upang hindi siya ayawan.Minsan talaga ay hind
ILANG beses pinunasan ni Cassandra ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maiwasang mapaluha dahil sa wakas nakahanap na rin siya ng taong maaari niyang masabihan ng tunay niyang nararamdaman sa katauhan ni Manang Bell.Bagama’t nasasabi naman niya ang lahat sa kaniyang inang si Dolores ay tikom ang bibig niya pagdating kay Ian.Gustuhin man niyang ipagtapat na sa ina ang tungkol sa binata ay sigurado siyang mag-aalala ito sa kaniya. Maliban pang masama ang loob nito sa ama ng kaniyang anak kahit hindi nito sinasabi.Pagdating naman kay Ian, kahit ipinapakita nito ang affection sa kaniya ay hindi rin naman niya maamin dito ang lihim niyang pagtingin.Tanging si Manang Bell lamang ang naging sandalan niya na nakakakilala nang husto kay Ian at ang alam na may pagmamahal siya para sa binata. Kung kaya hindi niya maiwasang ubuhos dito ang nararamdamang kaytagal na niyang kinikimkim.“Thank you, Manang Bell. Hindi n&
NANG marinig ni Cassandra na hinahanap ng lalaki si Ian ay agad siyang napatayo upang kilalanin ang lalaki. Maging si Lotie ay hindi rin nakasagot agad sa tanong nito at bumaling ng tingin sa kaniya. Marahil ay humihingi ito ng permiso kung magbibigay ba ito ng impormasyon patungkol sa amo.Marahan siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa hamba ng pintuan. Bumaling din naman ito ng tingin sa kaniya na animo sinusuri ang buo niyang pagkatao.Samantalang napagmasdan din ni Cassandra ang kabuuan nito na nahihinuha niyang kasing tangkad din ni Ian. Bagama’t mestizo ang kulay nito na kabaliktaran naman sa pagiging moreno ng minamahal. Nakikita niya ang asian looking vibes sa lalaki kagaya na lamang sa mga idolo ng mga kabataang Kpop group ngayon.Ang mukha ay makinis na halatang bagong ahit lang, labi na mamula-mula na hindi niya pagtatakahan kung may inilagay itong lipstick doon. Maging ang mga mata ng lalaki ay tila nangungusap na animo nakangiti parati. A boy-
NANG mahimasmasan si Cassandra ay agad siyang kumawala sa pagkakayakap kay Joshua. Mabilis din niyang pinunasan ang basang pisngi. Hindi siya makapaniwala na nagpakita siya rito ng kahinaan na bihira niyang ipakita sa isang estranghero. Nagtataka rin si Cassandra kung bakit ang babaw ng luha niya ngayon?“I’m sorry,” paumanhin niya rito at agad itong tinalikuran.Aalis na sana siyang aalis sa harapan nito subalit mabilis din naman siyang napigilan ng binata at nahawakan sa kaniyang braso.“Cass, I’m sorry, hindi ko alam na matatakot ka for my safety. I just want to be friend with you. So please, forgive me this time? Promise, I will never do that again,” pangakong pakiusap pa ni Joshua sa kaniya. Halatang sencere ito sa paghingi nito ng tawad.Natigilan naman siya sa sinabi nito. Muli siyang bumaling ng tingin dito upang mabistahan nang husto ang mukha ng binata. Nagdadalawang-isip siya kung patatawarin niya
MARAMI pa silang pinuntahan ni Joshua. Iyong mga hindi pa niya nararating ay nakapagtatakang narating nila. Namangha pa si Cassandra nang pumunta sila sa kaloob-looban na animo kagubatan na. Hindi niya alam kung paanong natuklasan ni Joshua iyon subalit tila kabisado nito ang buong kapaligiran?“Nakarating ka na ba rito, Josh?” hindi niya napigilang itanong sa binata habang hinahawi ang nakaharang na makapal na dahon sa kaniyang mukha.“No, this is my first time too,” tipid din namang tugon nito na bumaling sa kaniya saka ngumiti.“Kung gano’n, paano mo nalaman ang pasikot-sikot dito?” tanong pa niya.“Instinct,” sambit ni Joshua na tinapik pa ng hintuturong daliri ang sintido sabay ngisi sa kaniya.“I don’t believe you,” nagdududang saad din naman niya rito. Subalit hindi na siya pinansin ng binata sapagkat sa isang bagay ito nakatuon.Hindi kalayuan sa gawi nila
SAMANTALA, maagang nakarating si Ian sa mansyon nila sa Batangas. Naabutan pa niya ang amang si Manuel na abalang naghahanda dahil tila may pupuntahan itong importante. Aligaga rin itong inaayos ang suot na polo at ilang ulit na sinuklay ang buhok na numinipis na dahil sa katandaan. Bagama’t may ibubuga pa rin naman ang ama na isa sa mga tinitingala ng mga kababaihan noon pagdating sa pagandahang lalaki. Nagkataon nga lamang na mali ang minahal ni Manuel dahil sinaktan lamang ito ng madrasta.Wala sa loob na sinundan ni Ian ng tingin ang bawat kilos ng ama. Hindi rin siya napansin nito na ilang beses nang dinaanan nito. Maging ang mga kasambahay nila ay hindi magkandaugaga sa bawat utos ng matanda. Naisip ni Ian na kung nandito lamang si Manang Bell ay siguradong nakagalitan na nito ang ama.Napailing-iling habang bahagyang napangisi si Ian nang maalala ang kaingayan ng matandang katiwala, at kasabay nga niyon ay ang pag-alala niya kay Cassandra. Sagl