ILANG beses ko ng pinraktis sa harap ng salamin ang mga dapat kong gawin at sabihin mamaya pagdating sa kompanya. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang harapin ngayon si Iñigo. Wala rin sana akong balak na pumasok pero ayoko naman na madamay pati ang trabaho ko.Isinukbit ko na ang aking bag. Dinampot ko na rin ang susi ng aking kotse at nagmamadaling lumabas ako ng silid. Tinanghali rin kasi ako ng gising kaya't paniguradong traffic na naman."Sumabay ka na sa'kin!" Bahagya akong napaigtad ng marinig ko ang boses ni Nicole. Buong akala ko ay nakaalis na ito."Ginulat mo 'ko do'n ah! Teka, ba't nandito ka pa?''"Naku naman Sam! Syempre hinintay kita! Dalian mo na. Late na ako oh.""Eh, wala naman kasi tayong usapan na magsasabay -"''Huwag ka ng magreklamo. Sumakay ka na sa kotse ko at ihahatid na kita sa kompanya ni Daddy Iñigo." Ani Nicole na halos kaladkarin na ako papasok sa kanyang sasakyan.Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.Nang pareho na kaming lulan sa kanya
KINABUKASAN ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mainit na sikat ng araw na tumatama saaking balat. Iginala ko ang aking paningin at napabalikwas ako ng bangon, matapos kong ma-realize na wala ako sa aking silid.Bigla akong nakaramdam ng ibayong kirot sa may sentido ko kaya naman muli akong napahiga sa kama. Saka ko lang naalala na nag-bar nga pala kami nina Nicole at Dylan kagabi.Pilit kong inalala kung nasaan ako ngunit wala man lang kahit kaunting ideya na sumagi sa isip ko kung kaninong silid nga ba ako naroroon. Kaya naman pinilit kong bumangon ulit at sinipat ko ang aking sarili.Iba na ang suot kong damit. Nakapantulog na ako pero sigurado akong hindi 'yon saakin.Bigla akong kinabahan. Maingat akong tumayo at pinakiramdaman ko ang pagitan ng aking mga hita ngunit wala naman'g nabago do'n. Napadako ang tingin ko sa vanity mirror na nakadikit sa dingding kaya't marahan ko itong nilapitan at sinipat ko ang aking mukha patungo sa aking leeg at bato
ALAS sais na ng hapon ng ihatid ako ni Iñigo sa bahay namin ni Nicole. Hindi ko na rin nagawa'ng pumasok pa sa opisina dahil hindi na ako pinayagan ni Iñigo.Hindi rin maayos ang pakiramdam ko kaya't napagdesisyunan namin'g magpahinga at matulog na lang matapos ang aming p********k.''See you tomorrow baby.'' Ani Iñigo matapos akog halikan sa noo.''Sige. Mag-iingat ka sa pagda-drive huh!''''Yeah. I love you.'' Dagdag pa nito at kapagkuwa'y kinintalan pa ako ng halik sa labi."I love you too.''Nang tuluyan ng makaalis si Iñigo ay pumasok na ako sa loob. Dumiretso na ako sa aking silid pagkatapos kong hubarin ang aking sapatos.Humilata agad ako sa kama at doon ay muli kong sinariwa ang mga naganap kaninang umaga.Napapangiti ako habang inaalala ko kung gaano kasarap ng aming pinagsaluhan'g sandali. Subalit agad rin akong natigilan nang maisip kong paano pala kung magbunga iyon? Panagutan kaya ako ni Iñigo? Nakahanda na ba talaga siya sa magiging responsibilidad niya o baka naman magay
MATAPOS i-check ng doctor ang kondisyon ko ay pinakiusapan ko itong huwag ipaalam kay Iñigo ang totoo kong kalagayan. Ikinuwento ko rin sa doctor ang totoo kong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na may amnesia kaya't agad naman itong pumayag. Ngayon ay nasa labas na ng silid ang doctor at masinsinan na silang nag-uusap ni Iñigo Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng ward. "My dear Samantha! OMG! Mabuti naman at nagising ka na!" bulalas ni Nocole. Akmang tatakbo ito papalapit saakin ngunit mabilis soyang napigilan ni Iñigo. "Just stay here." Ani Iñigo sa seryoso at maawtoridad na tinig. "Ano ba? Kukumustahin ko lang 'yong kaibigan ko!" Pagprotesta nito habang pilit pa rin siyang hinahawakan ni Iñigo sa braso. "Sandali! Makinig ka nga muna." Ani Iñigo na puno na ng iritasyon sa tinig. "Bakit ba kasi ayaw mo akong palapitin? Eh gising na ang kaibigan ko oh!"giit pa ni Nicole. "Nicz, gising na nga si Sam, ngunit nakakalungkot ang sitwasyon niya ngayon.
MAHABA na ang leeg ko sa kahihintay kay Iñigo ngunit hindi pa rin ito dumadating."Hoy! Akala ko ba masakit pa 'yang leeg mo. Eh bakit, kanina ko pa napapansin na parang may tinatanaw ka sa malayo? Hinihintay mo pa rin ba siya?" Ani Nicole.''Tsk...kailangan niyang pumunta rito upang alagaan ako." Sagot ko na ang tinutukoy ay si Iñigo.Napagkasunduan kasi namin na tuwing umaga at hapon ay pupunta rito si Iñigo upang asikasuhin ako."Sus, 'yon lang ba talaga ang dahilan?" Pangungulit ni Nicole habang nakataas ang isang kilay."Oo naman! Bakit, may iba pa ba?"Hindi na nito nagawa'ng sagutin ang tanong ko dahil may biglang kumatok.Bahagya akong nakaramdam ng excitement dahil inisip kong si Iñigo iyon. Ngunit gayo'n na lamang ang aking panlulumo ng si Jordan pala ang dumating.Tinitigan ko siya at gano'n rin ang ginawa niya. Sa huli ay ako rin ang unang nag-iwas ng tingin."Uhm...ikaw na naman? Pa-pa'no mo nalaman ang bahay ko?"pambungad na tanong ko sa kanya."Matagal ko ng alam 'to. K
MATULIN na lumipas ang mga araw at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagpapanggap. Unti-unti ko na rin'g nasasaktan si Iñigo sa tuwing magpapang-abot sila ni Jordan. At kahit anong gawin ni Iñigo ay hindi niya pa rin maawat si Jordan sa pagdalaw sa'kin. Nakakasawa rin pala minsan na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ang parehong mukha na lang nila ang palagi kong nakikita. Ngunit hindi ko inaasahan na sa araw na ito ay maiiba ang bisita ko."Anong ginagawa mo rito?" dinig kong tanong ni Nicole matapos pagbuksan ang kumakatok."Dadalawin ko si Samantha."Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay batid kong si Lesley ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Bigla akong nakaramdam ng kaba at bahagyang panghihina. Subalit nang maalala ko ang panloloko nila sa'kin ni Iñigo ay muli akong nagkaroon ng lakas para harapin siya."Aba't ang-""My dear Samantha! Where are you frenny?" Maarteng pagtawag nito sa'kin at hindi man lang nagpaawat kay Nicole. Nagtuloy-tuloy ito sa buong kabahayan a
NGAYON'G araw ay nagsimula akong magtrabaho'ng muli sa kompanya ni Iñigo. Sinundo niya ako sa amin kahit pa nga labag sa kalooban niya na magtrabaho na ako lalo pa't alam niyang may amnesia ako. Kapwa kami tahimik sa buong biyahe. Kaya naman nang dumating na kami sa kanyang office ay hindi ako nakatiis at ako na ang unang kumausap sa kanya."Okay ka lang ba?""Yeah." Tipid niyang tugon."Kanina mo pa akong hindi kinakausap eh. May nagawa ba akong mali?" Muli kong tanong sa kanya."Wala. May iniisip lang ako. By the way, ano nga pala ng gusto mong almusal? Magapapa-deliver na lang ako.""Huh? Kumain na ako bago umalis ng bahay Di'ba't naabutan mo pa nga ako na kumakain?" kunot noong sambit ko. "Okay ka lang ba talaga Iñigo?" Naguguluhan'g usisa ko pa sa kanya."Oh, sorry i forgot!" Napahawak pa ito sa kanyang sentido.Kukulitin ko pa sana siya kaya lang ay naunahan ako ng pagtunog ng kanyang cellphone. Bahagya ko itong sinulyapan at nahagip ng tingin ko ang pangalan ni Lesley sa screen
SA halip na umuwi sa bahay ay naisipan kong magpahatid muna kay Jordan sa isang park na malapit lang sa bahay."Sigurado ka ba na dito ka muna?" Ani Jordan. Habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench."Yeah. Puwede mo naman akong iwanan dito, tutal malapit naman na ito sa bahay.""Hindi. Sasamahan kita rito. Alam kong kailangan mo ng makakausap." he insisted."Salamat Jordan.""Wala 'yon. Hmm...bakit nga ba nakipaghiwalay ka kay Iñigo?"bigla ay tanong niya saakin.Isang malalim na buntonghininga muna ang aking pinakawalan bago ko siya sinagot ng isang panibagong katanungan."Ikaw ba, kapag nalaman mo bang niloloko ka ng taong mahal na mahal mo, magagawa mo pa bang ipagpatuloy at ipaglaban ang pag-iibigan niyo?" seryosong tanong ko sa kanya."Syempre hindi. Bakit ko pa ipipilit, kung araw-araw naman akong nasasaktan at nahihirapan? Mas pipiliin ko pang bumitaw na lang lalo na kung alam kong ako na lang ang mag-isang lumalaban.""Tama. So, ngayon alam mo na ang sagot sa tanong mo sa