Share

Tampuhan

DALAWANG linggo na rin buhat ng maging kami ni Iñigo. At walang sino man ang nakakaalam no'n kundi kami lamang dal'wa. Napagkasunduan kasi namin na ilihim na lang muna ang aming relasyon para iwas na rin sa mga pakialamera at tsismosa sa paligid. Maging kay Nicole ay hindi ko pa ito sinabi. Hindi ko rin kasi alam kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kaya naman hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung tama nga ba ang ginawa ko. Paniguradong magagalit 'yon saakin sa oras na malaman niyang naglilihim ako sa kanya.

"Oh, ba't hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo? H-hindi mo ba nagustuhan ang pinadeliver ko?'' Sita sa'kin ni Iñigo habang sabay kaming nagtatanghalian sa loob ng office niya.

''Huh? So-sorry, may bigla lang akong naalala.'' Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

''What is it baby? You can share it to me para hindi ka diyan nalulungkot. Tsk...daig mo pa 'yong batang inagawan ng lollipop sa sobrang pagbusangot niyang mukha mo eh.'' Ani Iñigo na sinabayan pa ng pang-aasar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status