Share

Chapter 121

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-26 11:54:27

Chapter 121

“Get lost! Wala kang karapatang pumunta dito at sabihin niyan sa ASAWA ko!” mariing sigaw ni Solidad, halos umalingawngaw sa loob ng silid.

Napatigil si Reinn, pero hindi siya umatras. Hawak pa rin niya ang bulaklak, nanginginig ang kamay niya. “Asawa? Siya?!” matalim ang tingin niya kay Solidad bago bumaling sa akin. “Alessandro, sabihin mo nga—totoo ba ’yan? Siya ang asawa mo? Hindi ba’t ako ang—”

“Tumigil ka, Reinn!” halos pasigaw na putol ni Solidad, nangingilid ang luha sa mga mata niya. “Kung may respeto ka man kahit kaunti, umalis ka na. Hindi mo na kailangang guluhin pa ang pamilya namin!”

Ramdam ko ang bigat ng bawat salita. Parang hinihila ako sa dalawang magkaibang direksyon. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong paniwalaan. Tumingin ako kay Solidad—ang babaeng sinasabi nilang asawa ko, at sa mga mata niya, halata ang sakit pero may matibay na paninindigan.

Pero paglingon ko kay Reinn, may kakaibang kirot akong naramdaman. May kung anong pamilyar sa kanya, isan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 150

    Chapter 150 Tahimik ang buong paligid habang nagluluto si Solidad ng tanghalian. Ang amoy ng sinigang na baboy ay kumalat sa buong bahay. Si Gabriel naman ay nakaupo sa sahig, abala sa pag-aayos ng kanyang laruan, habang si Julie ay nasa kanyang kwarto, nag-aaral. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may kung anong bigat na bumabalot sa dibdib ni Solidad—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mula sa bintana, tanaw niya ang kalye kung saan dumaraan ang mga sasakyan paminsan-minsan. Lalo siyang kinabahan nang mapansin niya ang isang itim na SUV na dahan-dahang huminto sa may kanto. “Siguro, bisita lang ng kapitbahay,” mahinahon niyang bulong sa sarili, sabay pinatay ang kalan. Ngunit hindi mawala ang kaba. Lumapit siya kay Gabriel at hinaplos ang buhok nito. “Anak, matapos ka diyan, ha? Mamaya kakain na tayo.” “Opo, Mommy Sol,” masigla nitong tugon, ngunit napansin niyang panay ang silip ng bata sa bintana. “Mukhang may naghahanap po sa labas,” inosenteng sabi ni Gabriel. Na

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 149

    Chapter 149Third Person POV (Solidad side)Sa isang tahimik na bayan sa paanan ng bundok ng San Isidro del Norte, maagang gumigising si Solidad para maghanda ng almusal. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tinatamaan ng liwanag ang maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at bato.“Julie, anak, gising na. Papasok ka pa sa eskwela,” malambing na tawag niya habang nag-aayos ng mesa.Maya-maya, lumabas si Julie, ngayon ay labindalawang taong gulang na, may mahabang buhok at ngiti na kasingliwanag ng araw.“Good morning, Mommy!” bati nito, sabay halik sa pisngi niya.Kasunod naman si Gabriel, dalawang taong gulang, bitbit ang maliit na laruan niyang kotse.“Mommy Sol, gutom na po ako,” inosente nitong sabi, sabay akyat sa upuan.Ngumiti si Solidad. “Ayan na, baby. Eat well ha? Para lumakas ka.”Habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata, napangiti siya nang may halong lungkot. Sa puso niya, alam niyang kulang pa rin ang mundong ginagalawan nila—isang bahagi ng buhay

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 148

    Chapter 148Alessandro POV “Sol… Julie… please, magpakita na kayo.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa litrato naming tatlo — nakangiti si Solidad, buhat ko si Julie na noo’y tatlong taong gulang pa lang. Ngayon, siguro malaki na siya… baka hindi na nga ako kilala.Limang taon na ang lumipas, pero bawat araw, parang sugat pa rin na ayaw maghilom.Nang mawala sila, parang kasabay ding nawala ang dahilan ko para mabuhay.Ngayon, habang hawak ko ang isang report mula sa tauhan ko, muling bumilis ang tibok ng puso ko.May nakakita raw ng batang babae na hawig kay Julie sa isang bayan sa norte. Kasama raw ng isang babaeng kahawig ni Solidad.Napakapit ako sa mesa.“Kung totoo ‘to… baka sila nga.”Naroon sa tabi ko si Brandon Pattern Villaceran, tahimik pero kita sa mukha niya ang pag-aalala rin.“Pinsan,” sabi niya, “kung sakaling totoo nga ‘yan, tutulungan kitang hanapin sila. Alam kong hindi mo sila basta susukuan.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang tumango.“Hindi ko kayang sukua

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 147

    Chapter 147Third POV Samantala, habang abala si Solidad sa tahimik na buhay nila nina Julie at Gabriel, sa kabilang panig naman ay nagngangalit ang galit ni Alessandro Villaceran. Limang taon na ang lumipas simula nang mawala ang kanyang mag-ina, at bawat araw ay parang sugat na ayaw maghilom.Nakatayo siya sa loob ng kanyang opisina, mahigpit na hawak ang lumang larawan nina Solidad at Julie. “Where are you, Solidad?” mahinang wika niya, ngunit ramdam ang poot at pangungulila sa bawat salita. Sa likod ng malamig na titig ng isang negosyante ay ang puso ng isang amang sabik muling makapiling ang pamilya.Sa kabilang banda, si Brandon Pattern Villaceran ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, hawak-hawak ang larawan ni Khanna at ng anak nilang si Gabriel. Puno ng pagsisisi at pangungulila ang kanyang mukha. “Bakit mo ako iniwan, Khanna? Hindi mo man lang ako pinagbigyan na makita ang anak natin…” bulong niya, habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.Dalawang lalaking ma

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 146

    Chapter 146Tahimik muna kami ni Khanna sa video call. Kita ko sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Hindi ko na kayang itago ang totoo. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Khanna… may kailangan akong sabihin sa’yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano ‘yon, Sol? May nangyari ba kina Julie at Gabriel?”“Wala, ligtas sila,” sagot ko agad, sabay iwas ng tingin. “Pero may isang matandang babae na lumapit sa amin sa simbahan… tumingin siya kay Gabriel na parang kilalang-kilala niya. Ang sabi niya, kamukhang-kamukha raw ng anak niya.”Nakita kong unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Khanna.“Matandang babae? Sino ‘yon?”“Ang pangalan niya…” saglit akong tumigil, pinili ko ang mga salitang sasabihin, “…Doña Filicidad Pattern.”Nanlaki ang mga mata ni Khanna nakita ko sa screen ng phone. Halos mapatayo siya mula sa upuan.“Anong… anong sabi mo? Si Doña Filicidad Pattern? Sino siya?"Tumango ako. “Oo. At mukhang alam niyang may kinalaman si Gabriel sa pamilya nila. K

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 145

    Chapter 145“Hmmm, why not, Mommy,” sabi ni Julie habang nakangiti. “Kung mag-video call po tayo sa kanya? Para po magkita sila ni Tita Khanna?”Napatingin ako sa anak kong si Julie. Inosente ang ngiti niya, puno ng pag-asa.Si Gabriel naman ay agad napatingin sa akin, kumislap ang mga mata. “Totoo po, Mommy Sol? Pwede po ba?”Napalunok ako at bahagyang napayuko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Matagal nang walang balita si Khanna — walang tawag, walang sulat, walang paramdam. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalong bumibigat ang tanong kung babalik pa nga ba ito.“Ahm…” mahina kong sabi, pinilit kong ngumiti. “Hindi natin siya matawagan ngayon, anak. Baka busy pa si Tita Khanna sa ospital o baka nasa biyahe pa.”Bumagsak ang balikat ni Gabriel. “Gusto ko lang po sanang sabihin sa kanya na marunong na akong maglakad mag-isa…” bulong niya habang pinaglalaruan ang daliri niya.Napaluha ako sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.“Makikita ka rin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status