Share

Chapter 33

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-02 14:54:18

Chapter 33

Nene POV

Pagkasab8 ni Sol ay agad ko ito g sinagot.

“Oo, Sol. Sige, tutulungan ka namin sa bahay kapag uwi na kayo mula sa Manila. Huwag kang mag-alala,” sabay ngiti ko kay Solidad, kahit alam kong seryoso siya sa kanyang sasabihin.

Tiningnan ko si Julie na naglalaro sa sofa. “Baby, tutulong ka ba sa Tito Carlo mamaya sa paghatid?” tanong ko habang inaayos ang buhok niya.

“Pwede po!” sagot ni Julie sabay pumalo sa ere ng maliit niyang kamay, excited na kahit hindi niya alam ang eksaktong mangyayari.

Tumingin ako kay Carlo, nakangiti at handang sumabay. “Handa ka na ba, delivery boy?” tanong ko habang pinapasa ang cake sa kanya.

“Always ready!” sabay salpok niya sa cake box, at hindi maiwasang matawa si Julie sa pagkakainit ng dalawa.

Habang naglalakad kami palabas ng bakeshop, napatingin ako sa paligid—lahat ay maayos na, maliban sa kaunting kalat na iiwan ni Solidad, pero alam kong kaya niyang ayusin iyon sa Manila.

“Baby, ingat ka sa Tito Carlo ha,” sabi ko kay Julie haba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 52

    Chapter 52 “Hello, baby girl,” nakangiting bati ni Grandpa habang yumuko para maglevel sa mata ng bata. “Alam mo ba na kamukha mo ang ugok na ito?” sabay turo niya sa akin. Natawa si Julie, pero agad ding nagtaka. “Ugok?” Tumawa si Grandpa. “Oo, apo ko ’yan. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun?” Kibit-balikat lang ang bata, inosenteng umikot ang mga mata niya kay Mommy. “Hindi po,” sagot niya habang nakangiti. Nagtawanan sina Nene at Solidad, pero ako? Nanatili lang akong tahimik, pilit pinapakalma ang sarili. Damn it, Grandpa. Bakit mo pa kailangang sabihin yun? Hindi ko alam kung matatawa ako o madudurog. Ang inosenteng kibit-balikat ng batang iyon ay parang sampal. Wala siyang kamuwang-muwang, pero bawat ngiti niya, bawat tingin, ay lalong nag-uukit ng tanong sa utak ko. Kung anak ko nga siya… paano ko haharapin ang katotohanang ako ang halimaw na nagbunga ng inosenteng buhay na ito? “Alam mo bang siya ang ama mo?” diretsong sabi ni Grandpa sa bata. Natahimik ang pa

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 51

    Chapter 51“Alessandro, apo,” wika ni Grandpa habang nakatitig sa bata. “She looks like you… noong bata ka pa.”Parang tinamaan ako ng malamig na hangin.Napatitig ako kay Julie. Hindi ko mapigilang mapansin ang bilog niyang mga mata, ang kurba ng kanyang pisngi, pati ang paraan ng pagkakangiti niya habang nakayakap kay Solidad.Damn it… totoo ba ‘to?Naramdaman kong unti-unting bumigat ang dibdib ko. Pinilit kong umiwas ng tingin pero lalo lang akong nabibitin. Parang may humihila sa akin pabalik.“Apo, tama ako ‘di ba? Parang ikaw na ikaw noong two years old ka.” Masayang sambit ni Grandpa, parang wala siyang kaalam-alam na nilulunod ako ng sariling isip.Hindi ako agad nakasagot. Napakuyom lang ako ng kamao, pilit na nilulunok ang laway.Kung siya nga… paano ko haharapin si Solidad?“Mommy, buti at umuwi ka na. Buti at walang masamang mangyari sa ’yo nang kinuha ka ng bad guy!” wika ng bata, sabay tingin diretso… sa akin.Parang biglang may malamig na tumusok sa aking likod.Bad gu

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 50

    Chapter 50Pagpasok namin sa kotse, agad sinabi ni Grandpa na dideretso kami sa Cavite—kung nasaan daw ang anak ni Solidad.Napailing ako. Alam ko kasi na wala naman talaga siyang anak… pero may bata raw doon.At nang marinig kong dalawang taong gulang ang bata, napahinto ang isip ko. Two years old?Mabilis kong binilang sa isip ang mga taon. Kung nabuo ang gabing iyon—ang gabing una ko siyang inangkin matapos kong bilhin ang kanyang puri…Sigurado akong… anak ko iyon.Pero hindi ko pa makita nang malinaw ang mukha ng bata. At isa pa, sinabi ni Lillian na anak iyon ng kaibigan ni Solidad.Tsk. Lillian… Solidad… alin ba ang totoo sa inyo?Habang tahimik ang biyahe, kumukulo ang dugo ko. Hindi ko alam kung mas galit ako sa posibilidad na niloko nila ako… o sa kaba na baka nga… ako ang ama ng batang iyon.“Apo, bakit ang tahimik mo yata?” tanong ni Grandpa habang nakatingin sa akin.“May iniisip lang akong trabaho, Grandpa,” mabilis kong palusot, pilit na pinapakalma ang sarili.Ngumiti

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 49

    Chapter 49Alessandro POVKahit galit na galit ako kay Solidad, wala akong magawa. Ang bawat titig ko sa kanya, gusto ko sanang lamunin siya ng lupa, para mawala na lang siya sa paningin ko.Pero… ayaw kong ma-stress si Grandpa. Kahit anong inis ko, hindi ko kayang isugal ang kalusugan niya. Kaya heto ako, ginagawa ang inuutos niya—binayaran ko ang bill sa ospital, inilakad lahat ng papeles, at tiniis ang init ng ulo ko.Habang pinipirmahan ko ang huling dokumento, napakuyom ang kamao ko. Kung hindi lang dahil kay Grandpa… matagal ko nang pinalayas ang babaeng ‘yon sa mansyon.Ngunit heto ako, parang aso na sumusunod sa utos. At siya? Nakikita kong nakadikit kay Grandpa, parang angel na malinis at mabait.Tsk. Hindi niya ako maloloko. Alam kong may tinatago ka, Solidad.Pagkatapos kong magbayad ay agad akong bumalik sa private yard kung saan nagpapahinga si Grandpa.Pagdating ko roon, agad akong napatigil. Kumunot ang noo ko nang makita ko silang dalawa—si Grandpa at si Solidad—na mas

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 48

    Chapter 48Paglabas ng apo ko, matalim pa ang tinging iniwan niya kay Solidad—parang espada na dumikit sa kanya bago siya tuluyang umalis. Halos maramdaman ko ang init ng kanyang galit kahit ako’y nakaupo lang dito.Napailing na lamang ako sa kanyang inasta.Palibhasa’y bata pa at puno ng yabang. Hindi alam kung alin ang mas mabigat: ang pag-ibig o ang pride. Tsk, tsk.Ngumisi ako nang lihim. Para bang mas lalo lang akong naaliw sa nakikita kong tensyon.“Apo…” bulong ko kahit wala na siya roon, “kahit anong pag-irap o matalim na titig ang ibato mo… sa huli, ikaw rin ang susuko.”Saka ako tumingin kay Solidad na nananatiling tahimik, halatang hindi alam kung siya ba’y kaalyado o sakripisyo sa plano ko.“Wag kang matakot, iha,” sambit ko na may halong biro at seryoso. “Kung gaano siya katigas, ganoon din siya kasimple bumigay. Hehe.”“Pero Don Ernesto… ayaw kong madamay ang aking anak,” mahinang sambit ni Solidad, halos nanginginig ang boses. Kita ko sa kanyang mga mata ang pangamba, a

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 47

    Chapter 47Don Ernesto POVNapangisi ako ng lihim sa sinagot ng aking apo. Ayun! Kumagat ka rin, Alessandro.Sa totoo lang, wala naman akong iniindang sakit. Oo, medyo sumasakit ang mga buto ko paminsan-minsan, pero hindi pa ako tatapusin ng langit! Hindi ako basta-bastang matitibag ng simpleng hika-hika. Pero, syempre, kailangan ng konting drama para gumana ang plano.“Ahhh… hindi ako makahinga…” sabi ko kanina. Kung nakita mo lang ang mukha ng apo ko—para siyang batang nawalan ng kendi! Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon, baka natawa na ako nang malakas.Pero seryoso ako sa isang bagay: kailangan na niyang tumino. Kailangan niyang makita kung ano ang tunay na halaga ng buhay—hindi puro negosyo, hindi puro babae, at lalong hindi puro pride.At ano ang pinakamabisang paraan? Simple. Itulak siya sa direksyon na hindi niya inaasahan. Si Solidad.Alam kong magagalit siya, baka nga kamuhian pa ako. Pero ayos lang. Ang galit ay lumilipas, pero ang leksyon… nananatili.Napatingin ako sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status