Chapter 4
Hindi ko maiwasang mapaungol sa kanyang ginagawa. May halo itong sakit at kiliti sa bawat pagkagat niya sa aking leeg— isang kakaibang sensasyon na ngayon ko lang naranasan. "You like it?" tanong niya sa mababa at malamig na boses, may kasamang mapang-akit na ngiti sa kanyang labi. Napahiya ako. Gusto kong ikaila, pero mas nauna ang kilos ng katawan kaysa sa isipan. Dahan-dahan akong tumango. Bigla siyang lumayo. Tumayo siya at dumiretso sa isang maliit na mesa. Isinaksak niya ang aux cord at ilang sandali pa’y tumugtog ang isang mabagal na musikang sensuwal. Umupo siyang muli sa sofa at sinapo ng kanyang siko ang armrest, habang ang kanyang mata ay nakatitig lang sa akin—mapagmasid at mapanganib. "Sayawan mo ako," utos niya. "Don't worry, may kapalit ang bawat galaw ng katawan mo ngayong gabi." Nanlamig ang aking palad. "S-sayaw? Per—" Hindi ko na natapos ang sasabihin. Napatingin ako sa basong may natitirang alak. Hindi na ako nagdalawang-isip. Hinawakan ko ito, at inubos ang laman nang walang pag-aalinlangan—isang lunas sa hiya at kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko. Habang unti-unting lumalakas ang tugtog, dama ko ang init na unti-unting umaakyat sa aking pisngi. Ang alak ay tila nagbigay ng tapang na hindi ko alam na nasa loob ko rin pala. Huminga ako nang malalim. Para kay Kaven, bulong ko sa sarili. At sa unti-unting paggalaw ng aking balakang, nagsimula akong sumayaw—hindi bilang isang babae na nahihiya, kundi bilang isang ate na handang ialay ang lahat para sa kaligtasan ng kapatid niya. Agad akong nagsimulang sumayaw. Buti na lang at sanay ang katawan ko sa galaw—malambot, dumadaloy, sumusunod sa kumpas ng musika. Gumiling ako pababa, dahan-dahan, saka muling umaangat sa bawat indak ng balakang ko. Narinig ko ang bigla niyang pagbitaw ng malutong na mura. “Damn, woman!" Hindi ko alam kung galit siya o natutuwa, pero hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin. Basta ako, patuloy sa pagsayaw. Ginilingan ko pa habang nakatitig sa kanya, tinutukso ang kanyang titig na ngayon ay lalong naging mabigat at mainit. Ang mga mata niya ay parang apoy na sumusunog sa bawat galaw ko, at sa kabila ng kaba, may bahagyang kapangyarihang nabubuo sa loob ko—na ako, kahit sandali lang, ay may kontrol sa isang lalaki gaya niya. Hindi ko alam kung ito na ba ang simula ng pagbagsak ko... o ng paggising ko sa isang mundo na hindi ko kailanman pinangarap pasukin. Habang patuloy ako sa pagsayaw, hindi ko inaasahan ang bigla niyang paglapit. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, mabigat ang bawat hakbang, tila may itinatagong bagyo sa loob niya. At bago ko pa man maipihit ang katawan ko palayo, naramdaman ko ang init ng kanyang palad sa aking bewang—at kasunod niyon, ang biglaan, mapusok na halik sa aking mga labi. Mariin. Mapangahas. Mapang-angkin. Para akong natigilan sa gulat. Ngunit dala ng epekto ng alak, at marahil na rin ng mga emosyong matagal ko nang kinikimkim—takot, lungkot, pangungulila—napapikit ako at tinugon ang kanyang halik. Wala na ang kaba. Pinalitan iyon ng init at kakaibang tapang. Hindi ko alam kung ito ba’y dulot ng alak o ng desperasyon. Basta ang alam ko—sa sandaling ito, tinanggap ko ang init na iniaalok niya. Ang mga labi niya ay parang apoy na tumutupok sa natitirang kontrol ko. At sa bawat segundong lumilipas, unti-unting nabubura ang mundo sa paligid namin—at tanging kami na lang ang natitira. Ang kanyang mga palad ay dumadampi sa aking balat na tila ba isa-isang ginuguhit ang init sa aking katawan. Dahan-dahang gumagapang ang kanyang mga kamay, mula sa aking likod paakyat sa batok, pababa sa aking balakang—tila ba sinusuri ang bawat hibla ng aking pagkatao. Hanggang bigla…pinunit niya ang suot kong pulang damit—manipis, marupok, at tila isinuko rin ang sarili sa kanyang kamay. Napasinghap ako, hindi lamang sa gulat kundi sa halong kaba at pagkailang. Niyakap ko ang sarili kong braso, pilit tinatakpan ang bahagi ng katawang ngayo’y lantad na sa kanyang paningin. Ngunit sa kanyang mga mata, hindi ko nakita ang pang-uusig. Wala roon ang libog lamang. May kung anong mas malalim—parang pagnanasa na may halong paghanga… o pagkasira. “Napakaganda mo…” mahina niyang bulong, tila hindi para sa akin kundi para sa sarili niyang pagtanggap na ako na nga ang nasa harap niya—ang kabayaran ng isang kasunduan, ang babaeng nagdesisyong isuko ang sarili alang-alang sa pagmamahal ko sa aking kapatid. Tumambad sa kanya ang aking kahubaran walang saplot, walang pagtatakip, kundi tanging panty na pula lamang ang natira upang matakpang ang masisilang bahagi sa aking ibaba. Napalunok ako dahil ito ang ka una-unahang may nakakita sa aking hubad na katawan. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang apoy ng pagnanasa, parang apoy na noon pa man ay pinipigilan at ngayo'y tuluyang pinawalan. Hindi niya ako tinitigan lang—tila ba nilalasap niya ang bawat kurba, bawat aninong nilikha ng liwanag sa aking balat. Sa kanyang mga mata, ako'y hindi na isang babae lamang... kundi isang tukso, isang alindog na hindi niya na kayang iwasan pa. Kung wala akong gamit ma maskara sigurado ako na kitang kita nito ang pamumula sa aking pisngi dahil sa hiya. Ang akala ko ay magtitigan lamag kami pero agad muli inangking ang aking labi. "Ughhh," tanging ungol ko dahil ang isa nitong kamay ay nasa aking isang dibdib , pinipisil pisil ito habang mapusok Niya akong hinalikan. Dahil sa unang pagkakataon naay umangking sa akin kaya hindi pamilyar sa akin ang kanyang ginagawa. Ang bawat galaw sa kanyang labi ay aking ginagaya hanggang nagpalitan kami ng laway sa aming bibig. Hindi ko namalayan na nabuhat na pala niya ako papasok sa kanyang silid. Nararamdaman ko na lamang na tumama ang likod ko sa malambot na kama. Ang akala ko ay tapos na dahil pinakawalan niya ang aking labi pero nagkakamali ako dahil ang kanyang mainit ma labi ay gumapang sa aking punung tainga at kinagat niya ito ng mahinag dahilan upang mapaungol ako ng malakas. "Aaahhhh!"Chapter 150 Tahimik ang buong paligid habang nagluluto si Solidad ng tanghalian. Ang amoy ng sinigang na baboy ay kumalat sa buong bahay. Si Gabriel naman ay nakaupo sa sahig, abala sa pag-aayos ng kanyang laruan, habang si Julie ay nasa kanyang kwarto, nag-aaral. Ngunit sa kabila ng katahimikan, may kung anong bigat na bumabalot sa dibdib ni Solidad—isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mula sa bintana, tanaw niya ang kalye kung saan dumaraan ang mga sasakyan paminsan-minsan. Lalo siyang kinabahan nang mapansin niya ang isang itim na SUV na dahan-dahang huminto sa may kanto. “Siguro, bisita lang ng kapitbahay,” mahinahon niyang bulong sa sarili, sabay pinatay ang kalan. Ngunit hindi mawala ang kaba. Lumapit siya kay Gabriel at hinaplos ang buhok nito. “Anak, matapos ka diyan, ha? Mamaya kakain na tayo.” “Opo, Mommy Sol,” masigla nitong tugon, ngunit napansin niyang panay ang silip ng bata sa bintana. “Mukhang may naghahanap po sa labas,” inosenteng sabi ni Gabriel. Na
Chapter 149Third Person POV (Solidad side)Sa isang tahimik na bayan sa paanan ng bundok ng San Isidro del Norte, maagang gumigising si Solidad para maghanda ng almusal. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa pagitan ng mga ulap, tinatamaan ng liwanag ang maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at bato.“Julie, anak, gising na. Papasok ka pa sa eskwela,” malambing na tawag niya habang nag-aayos ng mesa.Maya-maya, lumabas si Julie, ngayon ay labindalawang taong gulang na, may mahabang buhok at ngiti na kasingliwanag ng araw.“Good morning, Mommy!” bati nito, sabay halik sa pisngi niya.Kasunod naman si Gabriel, dalawang taong gulang, bitbit ang maliit na laruan niyang kotse.“Mommy Sol, gutom na po ako,” inosente nitong sabi, sabay akyat sa upuan.Ngumiti si Solidad. “Ayan na, baby. Eat well ha? Para lumakas ka.”Habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata, napangiti siya nang may halong lungkot. Sa puso niya, alam niyang kulang pa rin ang mundong ginagalawan nila—isang bahagi ng buhay
Chapter 148Alessandro POV “Sol… Julie… please, magpakita na kayo.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa litrato naming tatlo — nakangiti si Solidad, buhat ko si Julie na noo’y tatlong taong gulang pa lang. Ngayon, siguro malaki na siya… baka hindi na nga ako kilala.Limang taon na ang lumipas, pero bawat araw, parang sugat pa rin na ayaw maghilom.Nang mawala sila, parang kasabay ding nawala ang dahilan ko para mabuhay.Ngayon, habang hawak ko ang isang report mula sa tauhan ko, muling bumilis ang tibok ng puso ko.May nakakita raw ng batang babae na hawig kay Julie sa isang bayan sa norte. Kasama raw ng isang babaeng kahawig ni Solidad.Napakapit ako sa mesa.“Kung totoo ‘to… baka sila nga.”Naroon sa tabi ko si Brandon Pattern Villaceran, tahimik pero kita sa mukha niya ang pag-aalala rin.“Pinsan,” sabi niya, “kung sakaling totoo nga ‘yan, tutulungan kitang hanapin sila. Alam kong hindi mo sila basta susukuan.”Tumingin ako sa kanya at bahagyang tumango.“Hindi ko kayang sukua
Chapter 147Third POV Samantala, habang abala si Solidad sa tahimik na buhay nila nina Julie at Gabriel, sa kabilang panig naman ay nagngangalit ang galit ni Alessandro Villaceran. Limang taon na ang lumipas simula nang mawala ang kanyang mag-ina, at bawat araw ay parang sugat na ayaw maghilom.Nakatayo siya sa loob ng kanyang opisina, mahigpit na hawak ang lumang larawan nina Solidad at Julie. “Where are you, Solidad?” mahinang wika niya, ngunit ramdam ang poot at pangungulila sa bawat salita. Sa likod ng malamig na titig ng isang negosyante ay ang puso ng isang amang sabik muling makapiling ang pamilya.Sa kabilang banda, si Brandon Pattern Villaceran ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, hawak-hawak ang larawan ni Khanna at ng anak nilang si Gabriel. Puno ng pagsisisi at pangungulila ang kanyang mukha. “Bakit mo ako iniwan, Khanna? Hindi mo man lang ako pinagbigyan na makita ang anak natin…” bulong niya, habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.Dalawang lalaking ma
Chapter 146Tahimik muna kami ni Khanna sa video call. Kita ko sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Hindi ko na kayang itago ang totoo. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Khanna… may kailangan akong sabihin sa’yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano ‘yon, Sol? May nangyari ba kina Julie at Gabriel?”“Wala, ligtas sila,” sagot ko agad, sabay iwas ng tingin. “Pero may isang matandang babae na lumapit sa amin sa simbahan… tumingin siya kay Gabriel na parang kilalang-kilala niya. Ang sabi niya, kamukhang-kamukha raw ng anak niya.”Nakita kong unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Khanna.“Matandang babae? Sino ‘yon?”“Ang pangalan niya…” saglit akong tumigil, pinili ko ang mga salitang sasabihin, “…Doña Filicidad Pattern.”Nanlaki ang mga mata ni Khanna nakita ko sa screen ng phone. Halos mapatayo siya mula sa upuan.“Anong… anong sabi mo? Si Doña Filicidad Pattern? Sino siya?"Tumango ako. “Oo. At mukhang alam niyang may kinalaman si Gabriel sa pamilya nila. K
Chapter 145“Hmmm, why not, Mommy,” sabi ni Julie habang nakangiti. “Kung mag-video call po tayo sa kanya? Para po magkita sila ni Tita Khanna?”Napatingin ako sa anak kong si Julie. Inosente ang ngiti niya, puno ng pag-asa.Si Gabriel naman ay agad napatingin sa akin, kumislap ang mga mata. “Totoo po, Mommy Sol? Pwede po ba?”Napalunok ako at bahagyang napayuko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Matagal nang walang balita si Khanna — walang tawag, walang sulat, walang paramdam. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalong bumibigat ang tanong kung babalik pa nga ba ito.“Ahm…” mahina kong sabi, pinilit kong ngumiti. “Hindi natin siya matawagan ngayon, anak. Baka busy pa si Tita Khanna sa ospital o baka nasa biyahe pa.”Bumagsak ang balikat ni Gabriel. “Gusto ko lang po sanang sabihin sa kanya na marunong na akong maglakad mag-isa…” bulong niya habang pinaglalaruan ang daliri niya.Napaluha ako sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.“Makikita ka rin