LOGINChapter 53
Solidad POV “I-ikaw? N-no? Hindi pwede…” halos pabulong ngunit nanginginig kong sambit, sabay atras ng ilang hakbang. Parang biglang lumiit ang mundo ko. Naroon siya, ang lalaking minsang sumira sa akin… at ngayon, siya pala ang ama ng anak ko. Mariin kong niyakap si Julie. Gusto ko siyang ilayo, gusto kong itakbo ang anak ko palayo rito. Ayaw kong maranasan niya ang kahit kapiraso ng sakit na dinanas ko noon. Hindi pwede… hindi siya pwedeng maging ama ng anak ko. Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga mata sa akin. Malamig. Mabigat. At sa likod ng titig na iyon, parang may nakatagong galit pa rin — galit sa aking pamilya, galit sa nakaraan. At iyon ang kinatatakutan ko. Paano kung pati ang anak ko madamay sa galit niyang iyon? Hinimas ko ang buhok ni Julie, pilit na pinapakalma siya kahit ako mismo’y halos himatayin na sa kaba. “Don’t worry, anak… hindi kita pababayaan. Hinding-hindi.” Hindi pa man ako nakakahakbang para ilayo ang anak ko, biglang nagsalita si Don Ernesto. “Don’t worry, iha,” seryoso at mariing wika niya. “Ngayon ay may anak na pala kayo, ang kailangan na lang ay kasal. Ayaw kong lumaki ang apo ko sa tuhod na walang ama. That’s my final decision.” Parang biglang gumuho ang mundo ko. Napasinghap si Nene, habang si Julie naman ay mas lalong kumapit sa akin. “D-Don Ernesto…” halos mangiyak-ngiyak kong sambit. “Hindi niyo ba naiintindihan? Ayaw kong mapahamak ang anak ko—” Ngunit tinapik niya ang aking balikat at tinitigan ako nang mariin. “Iha, minsan mas mabuti nang yakapin ang kapalaran kaysa suwayin ito. Apo ko siya, at karapatan niyang lumaki kasama ang ama niya.” Napatingin ako kay Alessandro. Tahimik lang siya, pero bakas ang bagyo sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung galit ba, guilt, o takot. Paano ako makakatakas sa desisyong ito, kung mismong buhay ng anak ko ang nakataya? “And don’t worry, andito ako,” mariing wika ni Don Ernesto. “Hindi ko kayo pababayaan. Ako ang magpoprotekta sa inyong dalawa, hanggang hindi magbago ang gong-gong kong apo.” Sabay niyang nilingon si Alessandro, at kitang-kita ko ang dismayadong tingin niya rito. Para bang sinasabi ng mga mata niya: Ano ba ang nangyari sa’yo? Natahimik ang lahat. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, pero sa kabila ng pangako ni Don Ernesto, hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Kung mismong apo niya ay hindi niya lubos na pinagkakatiwalaan… paano pa ako? Paano pa ang anak ko? Yumuko ako, mahigpit na niyakap si Julie. At doon, mas lalo kong pinanghawakan ang pangako ko sa sarili: kahit ano pa ang sabihin ng matanda, hindi ko hahayaang masaktan muli ang anak ko. “Solidad, don’t worry. I’m here too,” ani ni Lillian habang lumapit sa tabi ko. Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. Kaibigan pala siya ni Alessandro… kaya pala lagi siyang nandiyan, laging umaalalay, laging sumusulpot kapag kailangan ko ng tulong. Ngayon ko lang lubos na naintindihan—hindi pala simpleng pakikialam lang ang ginagawa niya. May dahilan kung bakit hindi niya ako iniwan, kung bakit lagi siyang nakasuporta sa akin at sa anak ko. Hinawakan niya ang aking kamay, mariin at matatag. “Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo. Kahit kanino pa manggaling ang panganib… kahit sa kaibigan ko pa.” Nag-iba ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang tapang at katapatan sa boses niya. At sa sandaling iyon, kahit bahagya, nakahinga ako ng maluwag. Pero napansin kong nanlilisik ang mga mata ni Alessandro habang nakatingin sa amin—lalo na kay Lillian. “Don’t forget me,” biglang sambit ng isang pamilyar na tinig. Nilingon naming lahat ang bagong dating. At halos mabingi ako sa tibok ng puso ko. Walang iba kundi si Carlo. Pero hindi na siya yung simpleng Carlo na nakilala ko. Naka-tuxedo ito ngayon, matikas, at para bang isang CEO ng malaking kumpanya. “I’m here to protect you too,” dagdag niya, malamig pero matatag ang boses. “Z–Zeon?” wika ni Don Ernesto, nanlaki ang mga mata habang titig na titig sa kanya. “Z–Zeon?” ulit ko, hindi makapaniwala. Napatingin si Carlo sa amin, saka siya bahagyang ngumiti. “Oo… ako si Zeon. Nagbalatkayo lamang akong Carlo para makalapit kay Nene.” Namula ang pisngi ni Nene, halatang hindi alam ang isasagot. Naghalo ang gulat, kaba, at pagtataka sa lahat ng naroon. Ako mismo, hindi ko na alam kung alin pa ang totoo. Kung si Carlo pala ay Zeon… sino talaga siya sa buhay namin? Kaalyado ba siya? O bagong panganib? -Author Note: Hi all, sana na gustuhan ninyo ang story nilang dalawa. Naglilibog na ko ba kung ano ang isusunod kong isulat. Haest, ang hirap kapag maraming pumasok sa isip Hindi ko alam ang ani Ang una kong gawin. Ang pagbatipagbatiin o mas lalong i-push Ang paghihiganti ni Alessandro kay Solidad? huhuhu..... By the way. Thank you all sa support ninyo. Love you all. Follow n'yo po ako thanks for... Love: INDAYSTORIES/ Sky GoodNovel.Chapter 219 Umupo ako ng dahan-dahan sa aking kama, dahil mahina pa ang buo kong katawan at mabilis akong mapagod. Siguro Dahil sa mga gamot at mahabang walangalay kaya nanghihina ako. Napalingon ako ng may pumasok na nurse, isang private nurse. "Mrs. Cruz. Kailang mong inumin muna ito para mabilis Kang lumakas," sabay abot sa isang basong gatas. "Thank you!" Dahan-dahan kong inabot ang baso ng gatas. Medyo nanginginig ang kamay ko kaya kinailangan kong higpitan ang hawak. “Salamat,” ulit kong sabi, mas mahina na ngayon. Ngumiti ang nurse—isang ngiting sanay mag-alaga ng mga taong nasa pagitan ng buhay at panghihina. “Kaunti-kaunti lang po ang pag-inom, Mrs. Cruz. Huwag n’yong biglain ang katawan n’yo.” Mrs. Cruz. Parang may kumurot sa dibdib ko sa tawag na iyon, pero hindi ko alam kung bakit. Uminom ako ng kaunti. Mainit-init pa ang gatas, at kahit paano ay may kakaibang ginhawang dumaloy sa loob ko. Pagkatapos ay ibinalik ko ang baso sa kanya. “Mabuti po,” sabi niya haba
Chapter 218 “Sige, magpabili ako!” sabi ng lalaking sinasabing asawa ko na si Zeph agad na tumayo na parang sanay na sanay nang sundin ang kahit anong sabihin ko. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong napakunot-noo. “No,” mabilis kong sagot. Tumingin ako sa kanya, diretso. “Gusto ko ikaw ang bumili.” Nanlaki ang mga mata niya, halatang nagulat. “Ha? Ako mismo?” Tumango ako. “Oo. Ikaw.” Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Hindi ko siya kilala ni hindi sa alaala. Pero may kung anong humila sa akin mula sa loob. Isang kakaibang kumpiyansa na… dapat siya ang gumawa noon. Saglit siyang natigilan, tapos bigla siyang ngumiti. Hindi ‘yung mayabang. Hindi ‘yung malamig na nakita ko kanina. Kundi ‘yung ngiting parang may lamat sa puso—pero masaya. “Kahit anong gusto mo,” mahinang sabi niya. “Babalik ako agad.” Pag-alis niya, hindi ko namalayang sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa pinto. “Anak…” marahan na tawag ng babaeng sinasabing mama ko na si Mommy So
Chapter 217 Julie POV Tahimik ang paligid, pero ang loob ko ay magulo. Parang may kulang—hindi, parang marami—pero hindi ko alam kung ano. May babaeng hawak ang kamay ko. Umiiyak siya, pilit ngumngiti, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. “Anak…” mahina niyang tawag. “Ako ang mommy mo.” Mommy. Sinabi niya iyon na parang sapat na dapat para maalala ko siya. Pero wala. Blangko. Tumingin ako sa paligid, isang kwarto na halatang mamahalin, maraming tao, lahat may mga matang puno ng pag-aalala. Lahat sila ay tila may koneksyon sa akin, pero ako… parang bisita lang sa sarili kong buhay. At doon ko siya nakita. Isang lalaki ang nakatayo sa bandang paanan ng kama. Matangkad, matikas, malamig ang tindig—pero ang mga mata niya… hindi tugma sa itsura niya. May sakit. May takot. May pangungulila. “Julie,” mahinang sabi niya, parang natatakot na marinig ko ang pangalan ko. “Ako si Zeph. Asawa mo.” Napakunot ang noo ko. Asawa? Sinubukan kong hanapin sa loob ko ang kahit anong
Chapter 216 “Bahala na,” mariin kong sabi, mabigat pero buo ang loob. “Gagawa na lang ako ng kanta. Para kay Julie… walang hindi ko magagawa para sa kanya. Lahat ay gagawin ko.” Tahimik ang paligid sa loob ng silid na parang kahit ang hangin ay huminto para pakinggan ang sinabi ko. Hindi ito pananakot. Hindi ito utos. Isa itong panata. “Wow… exciting!” biglang sigaw ni Aldrich, kumikinang ang mga mata na parang batang nakakita ng paborito niyang laruan. “Isipin mo ‘yon—isang mafia boss na kakanta! At hindi lang kakanta, ikaw mismo ang magko-compose!” Napailing ako pero may bahagyang ngiti sa labi. “Tumawa ka na habang maaga,” sabi ko sa kanya. “Dahil kapag narinig na niya ang kantang ‘to, hindi na ito biro.” Sumandal si Zeon sa sofa, seryoso na rin ang tono. “Zeph, huwag mong isipin kung maganda o perpekto. Ang mahalaga, mararamdaman niya. Kahit wala siyang alaala, maririnig ng puso niya.” Napatingin ako sa direksyon ng kwarto kung saan nagpapahinga si Julie. N
Chapter 215 Tahimik muna ng Isang segundo o Dalawa. Tapos biglang umaalingawngaw tawa ni Zeon. “Hahaha…!” malakas na tawa ni Zeon, halos mapaupo sa kakatawa. “Grabe talaga ‘yang pamilya n’yo. Mas malala pa sa teleserye!” Pero walang tumawa sa amin nina Aldrich at Dad Alessandro. Si Aldrich ay nakatitig lang kay Miss Lillian, parang naglo-load pa ang utak niya sa dami ng impormasyong ibinagsak. “So…” mabagal niyang sabi, “technically… strategic pregnancy pala ako?” “Hoy!” sabat ni Dad Alessandro, sabay irap. “Planned, pero may pagmamahal.” “Talaga?” taas-kilay ni Aldrich. “Mom tortured you emotionally for years.” “Deserve ko,” diretso ni Dad. “Kasalanan ko ang maraming bagay noon.” Tahimik si Mommy Solidad. Nakaupo lang siya, hawak ang rosaryo niya. Hindi niya tinanggi. Hindi rin siya nagalit. Parang matagal na niyang tinanggap ang kwentong iyon—na ang nakaraan ay sugat, pero ang kasalukuyan ay pinili. “Enough,” mahina pero matatag niyang sabi. “Ang mahalaga, nand
Chapter 214"Pero, Dad. Curious lang ako. Paano mo nga niligawan so Mom?" tanong ulit ni Aldrich."Dinaan niya sa pagbili ng virginity, noong nasa critical na condecion ang kanyang Kapatid sa puso pero na matay pa din ito. Walang alam ni ang Ina mo na si Sandro pala ang lalaking nag balatkayong bumili dito." walang dalawang sagot ni Miss Lillian. Napailing na lang ako dahil kapag ang isang taong general ay walang paligoy-ligoy pang sagot deretso at walang halong biro.Nanahimik ang buong silid matapos magsalita ni Miss Lillian.Walang paligoy-ligoy.Walang preno.Diretso—gaya ng bala.Napailing na lang ako, dahan-dahan, habang pinipigilan ang sariling reaksyon. Kapag ang isang general ang nagsalita, hindi mo aasahang may sugar coating. Katotohanan agad, minsan masakit, minsan nakakagulat.“Ano ba—” si Dad Alessandro ay napakamot sa sentido. “Lillian, hindi naman kailangang gano’n ka-detalyado.”“Tinatanong niya,” kalmadong sagot ni Lillian. “Sumagot lang ako.”Si Mommy Solidad ay tah







