Se connecterBinalot ng nakakabinging katahimikan at kadiliman ang master bedroom ni Atty. Yohann Rosalez. Ang tanging liwanag na nagbibigay-buhay sa malawak na kwarto ay ang repleksyon ng mga ilaw mula sa matataas na gusali ng BGC na tumatagos mula sa malaking bintana.Ngunit para kay Gabriella, ang tanging nakikita at nararamdaman niya ay ang naglalagablab na presensya ng lalaking may hawak sa kaniya.Inihagis siya ni Yohann sa ibabaw ng malawak na kama. Ang malamig at itim na silk bedsheets ay sumalubong sa kaniyang likuran, isang matalim na kaibahan sa nakakapasong init ng katawan ng abugadong nakatayo ngayon sa paanan ng kama, pinagmamasdan siya na parang isang gantimpalang matagal na nitong pinag-ipunan.Nagkakahabol ng hininga si Gabriella. Ang kaniyang manipis na silk slip dress ay bahagyang tumaas, ibinabandera ang kaniyang makikinis na hita. Pilit siyang bumangon gamit ang kaniyang mga siko, tiningnan nang masama ang lalaki."Wag mo akong titigan nang ganyan, Yohann," nanginginig ngunit
Eksaktong alas-siyete y media ng gabi.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng full-length mirror ng kaniyang marangyang condo unit sa BGC. Tinitigan niya ang sariling repleksyon. Imbes na ang pamilyar at matapang na designer power suit na nagsisilbing baluti niya sa loob ng korte, ngayon ay nakabalot siya sa isang itim na silk slip dress. Ang telang iyon ay napakanipis at perpektong nakayakap sa bawat kurba ng kaniyang katawan. Wala siyang suot na anumang alahas. Ang kaniyang buhok ay malayang nakabagsak sa kaniyang mga balikat, at ang kaniyang mga labi ay pinahiran niya ng isang madilim na pulang lipstick.Mukha siyang isang mamahaling sakripisyo na iniaalay sa altar ng diablo.Huminga nang malalim si Gabriella. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha niya ang kaniyang itim na trench coat at ipinatong iyon sa kaniyang mga balikat, pilit na itinatago ang kaniyang sarili.Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Ang imahe ng mga kabataang babae na biktima ni Arturo Velas
Bumukas nang marahas ang mabibigat na double doors ng Branch 45 Regional Trial Court. Halos magtago sa gilid ng pasilyo ang mga paralegal at nag-aabang na media reporters nang makita nila ang pamilyar at nagbabagang aura ng isa sa pinakamagaling at pinakakinatatakutang public prosecutor ng bansa.Si Atty. Gabriella Lorenzo.Suot ang kaniyang itim na designer power suit, pilit na pinapakalma ni Gabriella ang kaniyang sarili habang naglalakad palabas ng korte. Ang kaniyang mga kuko ay mahigpit na nakabaon sa handle ng kaniyang leather briefcase, na tila ba iyon na lang ang pumipigil sa kaniya para hindi pumatay ng tao sa loob ng bulwagan ng hustisya.Natalo siya.Hindi, hindi lang siya basta natalo. Pinaglaruan siya, pinahiya, at walang-awang dinurog ang kasong inabot ng anim na buwan para buuin niya at ng kaniyang buong team. Ang pinakamatibay nilang ebidensya, ang mismong bank records na nagpapatunay na ang bilyonaryong si Arturo Velasco ay ang pasimuno ng isang malaking human traffic
"I never lose a case, Atty. Lorenzo. But if you want me to throw this one away... you'll have to pay my ultimate professional f*e." Kilala si Atty. Gabriella Lorenzo bilang isang palaban at prinsipyadong public prosecutor. Para sa kaniya, itim at puti lang ang batas. Walang gray area, at lalong walang puwang para sa mga tiwaling abogadong ginagamit ang pera para baluktutin ang hustisya. Ang kaniyang pinakamalaking sumpa? Ang kinatatakutan at pinakamagaling na private defense attorney sa bansa, si Atty. Yohann Rosalez. Isang demonyong nakasuot ng mamahaling bespoke suit, kilala si Yohann sa kaniyang maruruming taktika at under-the-table na serbisyo maipanalo lang ang kaniyang mga bilyonaryo at kriminal na kliyente. Galit na galit si Gabriella sa lahat ng kinakatawan nito, ngunit sa kasalukuyang hawak niyang kaso laban sa isang walang-awang kriminal, alam niyang dehado siya. Masyadong magaling si Yohann. Masyadong malinis itong maglaro sa dumi ng batas, at alam ni Gabriella na malapit
Alas-kwatro ng madaling araw.Balot ng katahimikan ang buong Lorenzo Mansion nang biglang maramdaman ni Maya ang isang matinding kirot sa kaniyang puson, kasunod ng isang mainit na likido na bumasa sa kanilang kama. Siyam na buwan na ang kaniyang tiyan, at kahit alam niyang malapit na ang araw, hindi niya inasahan na gigisingin siya nito sa ganitong oras."D-Dominic..." nanginginig na tawag ni Maya, mahigpit na kinukurot ang braso ng asawang mahimbing na natutulog sa tabi niya.Awtomatikong nagmulat ng mata ang Hari ng OR. "Bakit? Anong masakit? Maya?""Pumutok na 'yung panubigan ko. Manganganak na ako," humihikbing anunsyo ni Maya, ang mukha ay lukot na lukot sa tindi ng unang contraction.Sa loob ng isang segundo, ang kinatatakutang surgeon ng Lorenzo Medical Center ay naging isang tarantang asawa. Halos mahulog si Dominic sa kama sa pagmamadaling tumayo. Isinuot niya ang kaniyang sapatos nang baligtad, kinuha ang susi ng kotse, at maingat ngunit mabilis na binuhat si Maya."Hold on
Pagkapasok na pagkapasok nila sa pribadong opisina ni Dr. Dominic Lorenzo, isang malakas na click ng seradura ang umalingawngaw sa tahimik na kwarto. Hindi na ibinaba ni Dominic si Maya. Hawak pa rin niya ang asawa sa bridal style, ang mga mata ng Hari ng OR ay nagdidilim sa isang pamilyar na pagnanasa na hinaluan ng matinding desperasyon at kaluwagan."Dominic... ibaba mo na ako," natatawang bulong ni Maya, mahigpit na nakapulupot ang mga braso sa batok ng asawa. "Ang bigat-bigat ko na, baka mabali 'yang likod mo.""You weigh nothing to me, Maya," paos na sagot ni Dominic. Dire-diretso siyang naglakad, hindi patungo sa kaniyang executive chair, kundi sa malapad at malambot na leather sofa sa gilid ng kwarto.Maingat na maingat siyang lumuhod bago dahan-dahang ibinaba si Maya sa ibabaw ng sofa. Hindi niya inalis ang kaniyang mga braso sa baywang ng dalaga, sa halip ay isiniksik niya ang kaniyang sarili sa pagitan ng mga hita ng asawa. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng opisina ay







