Share

Chapter 17 - New Blessing

Elora POV

Kanina pa ako nakasalampak sa sahig habang kumakain, pakiramdam ko ay hindi man lang ako nabubusog kahit ang dami ko naman ng kinain.

"Sigurado ka bang okay ka pa ate? Wala ka naman sakit?" tanong sa akin ng kapatid ko.

"At bakit mo naman natanong 'yan?" balik tanong ko sa kanya.

"Ilang linggo ko na kasing napapansin na napapalakas yata ang pagkain mo, minsan nga ay nagpapabili ka pa sa akin eh. Sige ka baka tumaba ka na at iwan ka ni Kuya Seb kasi hindi ka na sexy,"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Kung wala kang matinong sasabihin ay magtigil ka pwede? Baka gusto mong mapalayas dito ng wala sa oras."

Nariinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Easy ka lang, ang init na agad ng ulo mo. Konti na lang talaga iisipin ko na buntis ka eh,"

Napatigil naman ako sa pag nguyo ng sabihin niya ang bagay na 'yon. Hindi kaya?

Dali dali akong tumayo at tumakbo sa loob ng kwarto, kinuha ko ang phone ko at tumingin sa kalendaryo at halos buhusan ako ng malamig na tubig ng makita kung d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status