LOGIN"Elias."Bumigat nang husto ang hangin sa loob ng silid. Napatitig si Alyssa kay Damien habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang dibdib. Hindi niya kailangang itanong kung tama ba ang narinig niya dahil sa paraan pa lamang ng pagbigkas nito sa pangalan, malamig, may bahid ng matinding pagbabanta at galit at alam niyang sigurado ito.Nasa kabilang panig ng pinto ang taong matagal na nilang pinaniniwalaang patay. At ngayon, ito mismo ang nagbabala sa kanila na lumayo."Damien..." mahina at nanginginig niyang tawag.Agad itong lumapit sa kaniya at humarang sa kaniyang harapan upang protektahan siya. "Stay close to me.""Pero paano tayo lalabas dito?"Tumingin si Damien sa matigas na kahoy ng pinto. "I'll get us out.""Damien, wait," mabilis niyang hinawakan ang braso nito bago pa ito gumawa ng padalos-dalos na hakbang. "Huwag mo siyang harapin nang mag-isa."Saglit na natigilan ang binata. Then, surprisingly, lumambot ang matitigas nitong tampok at ngumiti ito nang bahagya."I w
Buong araw na hindi mawala sa isip ni Alyssa ang tungkol sa East Wing. Kahit pilit niyang ituon ang atensyon sa masarap na pagkain sa mesa, sa kumikinang na dagat, o sa simpleng pakikipag-usap kay Damien, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kaniya ang imahe ng malaking wooden door na may gintong symbol at ang silver key at si Evelyn. Kasama ang boses ng lalaking hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng kaba sa dibdib niya: "You shouldn't have remembered, Aly.""You're doing it again."Napakurap si Alyssa. Nawala ang malalim niyang pag-iisip nang mag-angat siya ng tingin. Nasa harapan niya si Damien, nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa habang hawak ang isang tasa ng kape. Ang seryoso nitong mga mata ay direktang nakatitig sa kaniya."What?" tanong niya."ANg lalim na naman kasi ng iniisip mo.""Sorry...""Don't apologize," pilyong ngumiti ang binata, dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "Come here."Napakunot ang noo niya, bagaman may kaunting kilig na gumapang sa sistema ni
Parang binuhusan ng yelo ang buong katawan ni Alyssa. Napatigil siya sa paghinga.Hindi niya kailangang marinig nang dalawang beses ang boses na iyon. Kahit hindi pa lubusang bumabalik ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isipan, kilalang-kilala ng sistema niya ang boses na iyon.Ito iyon. Ang boses mula sa kanyang bangungot. Ang boses na malamig na nagsabing kailangan niyang kalimutan ang lahat.Napahigpit ang kapit niya sa kumot."Damien..." nanginginig na tawag niya.Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumangon ang binata. In one swift motion, he positioned his broad body between her and the closed door. Parang isang pader na handang saluhin ang kahit anong panganib."Stay behind me," mababa ngunit madiin nitong utos.Tumango siya, hindi magawang ibuka ang bibig.Hindi gumalaw si Damien nang ilang segundo. Nakatitig lamang ito sa pinto. Kahit nakatalikod, kitang-kita ni Alyssa ang pag-igting ng mga balikat nito at ang paghigpit ng mga kamao, sinusubukang kontrolin ang matinding tensiyon
Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Tila umurong ang dila niya habang nakatitig sa pangalang naka-highlight sa screen ng laptop.ELIAS MONTENEGRO.Paulit-ulit na nag-echo sa utak niya ang pangalang iyon. Parang may malamig na kamay na biglang sumakal sa lalamunan niya."Your uncle..." mahinang basag niya sa katahimikan. Lumingon siya kay Damien. "He's supposed to be dead.""Supposed to be?" Tumango si Damien, madilim at seryoso ang ekspresyon nito, pero hindi nito inalis ang tingin sa laptop. "That's what I was told.""By whom?""My father. Years ago."Kusang gumapang ang kamay ni Alyssa para abutin ang kamay ni Damien. Mahigpit niya itong hinawakan, naghahanap ng init. "How did he die?""Car accident," tipid nitong sagot, ang hinlalaki ay marahang humahaplos sa likod ng palad niya. "Outside the island."Napakunot ang noo ni Alyssa. "May narecover bang body?"Sandaling tumahimik ang lalaki. Naramdaman ni Alyssa ang bahagyang paninigas ng mga kalamnan nito. "No. His car was found. Burn
Parang na-freeze si Alyssa sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone niya habang paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang huling message.One more memory. Then you'll know why you disappeared.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang biglang mag-vibrate ulit ang phone sa kamay niya. Napahigpit ang hawak niya rito, halos mamuti na ang mga buko ng daliri niya sa kaba."Alyssa."Ang baritono at kalmadong boses ni Damien ang bumasag sa katahimikan. "Don't open it.""I need to know," nanginginig pero desididong sagot niya."I know." Naramdaman niya ang init ng malaking palad ni Damien nang balutin nito ang kamay niyang nakahawak sa cellphone. "But we don't know who's sending these.""Maybe that's the point," bulong niya."What?""Maybe they want me scared."Nakita niya kung paano umigting ang panga ni Damien, at lalong dumilim ang ekspresyon nito. "And it's working."Napabuntong-hininga si Alyssa. "Damien..."Marahan nitong hinaplos ang likod ng kamay niya ga
Kinabukasan, nagising si Alyssa hindi dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina, kundi dahil sa maiinit at malalambot na halik na naglalakbay mula sa kaniyang balikat pababa sa kaniyang leeg.Napaungol siya nang mahina habang dahan-dahang iminumulat ang kaniyang mga mata. Ang unang bumungad sa kaniya ay ang perpektong mukha ni Damien. Magulo ang buhok nito, at ang mga mata nito ay may parehong madilim at nag-aapoy na pagnanasa na nakita niya kagabi. Nakadagan ito nang bahagya sa kaniya, sapat lang para maramdaman niya ang init ng hubad nitong katawan laban sa balat niya."Good morning," paos at malalim na bati nito, tila nang-aakit ang bawat salita.Napangiti si Alyssa at nag-inat nang bahagya. Ramdam niya ang kaunting ngalay sa ibaba na nagpaalala sa kaniya kung gaano kamapusok ang lalaking ito kagabi. "Umaga pa lang, Damien... akala ko ba pagod tayo?" mahina niyang reklamo, pero hindi niya naitago ang pilyang ngiti sa mga labi."I can't be tired when you look like this," bulon







