Share

65: Panganib na Papalapit

Author: celestialhope
last update Last Updated: 2025-05-19 18:54:36

Nakapuwesto si Veronica sa gilid ng mamahaling lamesa niya, ang makintab nitong ibabaw ay sumasalamin sa mahinang ilaw na pumapasok sa silid mula sa mga manipis na kurtina. Maayos at elegante ang paligid, pero sa loob-loob niya, parang may gumagapos sa dibdib niya. Lumulutang ang mga mata niya sa pader na kulay abo’t maputla—kulay ng damdaming matagal na niyang kinikimkim.

Sa isip niya, may unos. Galit. Selos. Frustration na hindi niya maipaliwanag. Paulit-ulit ang tinig ni Alexander sa utak niya—matatalim, parang kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Bakit si Sophia? Sa dami ng taong nagmahal at nakaintindi sa kanya, bakit hindi siya ang pinili?

Siya ang laging andiyan. Siya ang nakakakilala sa bawat tiklop ng pagkatao ni Alexander. Pero ngayon, parang isang estrangherong babae lang si Sophia na bigla na lang pumasok sa buhay nilang dalawa at sinira ang lahat.

Biglang nag-vibrate ang phone niya sa ibabaw ng lamesa, sinira ang katahimikang bumabalot sa silid. Message ni Richard—ama ni A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   65: Panganib na Papalapit

    Nakapuwesto si Veronica sa gilid ng mamahaling lamesa niya, ang makintab nitong ibabaw ay sumasalamin sa mahinang ilaw na pumapasok sa silid mula sa mga manipis na kurtina. Maayos at elegante ang paligid, pero sa loob-loob niya, parang may gumagapos sa dibdib niya. Lumulutang ang mga mata niya sa pader na kulay abo’t maputla—kulay ng damdaming matagal na niyang kinikimkim.Sa isip niya, may unos. Galit. Selos. Frustration na hindi niya maipaliwanag. Paulit-ulit ang tinig ni Alexander sa utak niya—matatalim, parang kutsilyong sumasaksak sa puso niya. Bakit si Sophia? Sa dami ng taong nagmahal at nakaintindi sa kanya, bakit hindi siya ang pinili?Siya ang laging andiyan. Siya ang nakakakilala sa bawat tiklop ng pagkatao ni Alexander. Pero ngayon, parang isang estrangherong babae lang si Sophia na bigla na lang pumasok sa buhay nilang dalawa at sinira ang lahat.Biglang nag-vibrate ang phone niya sa ibabaw ng lamesa, sinira ang katahimikang bumabalot sa silid. Message ni Richard—ama ni A

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   64: Paninira

    Dire-diretsong naglakad si Alexander sa hallway ng opisina, seryoso ang mukha, parang may misyon. Ramdam niya ang bigat ng mga nakaraang linggo—ang mga bulungan, ang mga patagong sabotahe, at higit sa lahat, ang mga pasimpleng galaw ni Veronica na halos sirain hindi lang ang relasyon niya kay Sophia kundi pati ang reputasyon ng kompanya. Tama na. Panahon na para tapusin ang lahat.Pagdating niya sa cubicle ni Veronica, nadatnan niya itong abala sa harap ng laptop, kunwaring chill, pero alam niyang may kung anong bagyo sa likod ng maamong mukha nito.“Veronica,” tawag niya, diretso at may diin. Halata agad sa tono ang babala.Napatingin si Veronica, kunwa’y nagulat. “Oh, Alexander! Anong atin, babe?” sagot nito, sabay pakawala ng ngiting nakakaloko.“‘Wag mo na akong paikutin,” madiin niyang sabi habang naka-cross arms. “Kailangan nating mag-usap.”“Sure, let’s talk,” anito, tumagilid sa pagkakaupo at parang wala lang. “I’m all ears. Nandito lang naman ako palagi para sa’yo, di ba?”Hu

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   63: Desperada?

    Sa isang tahimik na sulok ng opisina—malayo sa usyoso’t maingay na paligid—makapal ang tensyon na parang usok sa hangin. Tahimik, pero punong-puno ng init at paninigas ng loob. Nakatayo si Sophia, matigas ang katawan, mariing nakasara ang mga kamao habang nakatitig kay Veronica, na nakasandal lang sa pader na para bang wala lang.May ngisi sa labi ni Veronica. Malamig. Mapanghamon.“Pagod na 'ko sa mga laro mo, Veronica,” mariing sabi ni Sophia. Bahagya mang nanginginig ang boses niya, malinaw ang galit na pinipigilan niyang sumabog.“Harapin mo na ang totoo,” sabat ni Veronica, mataas ang tono, para bang siya pa ang may karapatang magsalita. “Hindi ka niya pakakasalan, Sophia. Mahal niya ako.”Tinaasan siya ni Sophia ng kilay, nananatiling nakatayo nang tuwid. “Mahal niya ako. At ‘yon ang totoo. ‘Yong sa’min—totoo ‘to. Hindi gaya ng ilusyon na ginagawa mo.”Nagpatuloy sa pagngiti si Veronica. “Totoo? Sweetheart, love is fleeting. Saka anong mangyayari kapag nawala na ‘yung kilig? Kap

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   62: Sinisira Niya Ako

    "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," bulong ni Sophia habang ginugulo lang ang kape sa harap niya, hindi man lang ito iniinom. Halos wala nang boses ang tono niya, parang isang buntong-hininga na lang ang natira."Tuwing iniisip kong okay na kami ni Alexander, bigla na lang sumusulpot si Veronica. Tapos lahat ng pinaghirapan naming ay parang nawawala na naman."Nag-abot ng tingin si Jamella habang bahagyang yumuko para mas marinig si Sophia. Kita sa mukha niya ang pag-aalala pero may determinasyon din sa tono ng boses niya."Sophia, hindi mo puwedeng hayaan si Veronica na kontrolin ang nararamdaman mo. Karapatan mong maging masaya. At kung kailangan mong ipaglaban 'yon, then do it. Kasi deserve mo."Napabuntong-hininga si Sophia, parang ang bigat-bigat ng dala niya. "Gusto ko siyang pagkatiwalaan, Jam. Pero sa tuwing nakikita ko si Veronica, parang binabalik niya lahat ng nakaraan nila. Parang hindi ko na alam kung saan ako lulugar.""Soph, makinig ka," sabat ni Jamella, mahina p

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   61: Walang Happy Ending

    “Grabe... ang ganda naman dito,” bulong ni Sophia, namamangha habang dahan-dahang lumabas sa rooftop. Kumislap ang mga ilaw ng lungsod sa ilalim nila, parang mga bituin sa gabi.“Gusto ko sanang maging espesyal ‘tong gabi para sa’tin,” sagot ni Alexander, sabay ngiti ng buong lambing. “Deserve mo 'to.”Napangiti si Sophia, ramdam ang pagtibok ng puso niya sa narinig. “Di pa rin ako makapaniwala na pinaghirapan mo 'to lahat. It’s... perfect.”Umupo sila sa table na may kandilang ilaw, habang nagbubuhos ng wine ang waiter. Tumitig si Alexander sa kanya, seryoso ang mukha. “Matagal ko na ‘tong iniisip… tungkol sa’tin. Sa mga pinagdaanan natin. Gusto kong ibahagi kung ano ‘yung mga pangarap ko para sa future natin.”Napakunot-noo si Sophia, curious. “Mga pangarap mo?”“Oo,” sagot niya, tapat ang boses. “Gusto kong bumuo ng buhay na magkasama tayo. Suportado ang isa’t isa, lalaban sa mga pagsubok, magta-travel, mag-eexplore ng bagong lugar, at gagawa ng memories na tayong dalawa lang. Gust

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   60: Hindi Pa Tapos Ang Laban

    Maagang nagsimula ang linggo sa kumpanya ni Alexander. Sa conference room, halata ang tensyon at excitement. Lahat ng empleyado'y abala, pero alam nilang anumang sandali ay sisimulan na ang lingguhang meeting.“Okay, everyone. Let’s get started,” ani Alexander habang nililingon ang buong kwarto.“Salamat sa paglalaan ng oras. May ilang importanteng projects tayong kailangang pag-usapan.”Napaupo ng mas maayos si Veronica sa kanyang upuan, sabay kagat-labi at ang pamilyar na mapanuksong ngiti sa kanyang labi. “Sana naman kasama sa agenda ang project ni Sophia, Alexander. Ang dami ko nang naririnig tungkol doon—syempre, chismis lang ‘yan, pero alam mo na.”Napatingin si Sophia na nakaupo ilang silya ang pagitan, bahagyang naningkit ang mga mata niya. “Ano bang mga naririnig mo, Veronica?”“Oh, konting concern lang naman daw sa kung paano ito hinahandle,” sagot ni Veronica, pa-inosente pa kuno. “Alam mo naman sa business—ang tsismis parang wildfire.”Napatingin si Alexander kay Sophia. R

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   59: Hindi Hahayaan

    Matatag ang lakad ni Veronica habang pumapasok siya sa kumpanya ni Alexander. Kumakaskas ang takong ng stilettos niya sa makintab na sahig, bawat hakbang ay punung-puno ng kumpiyansa. Suot niya ang isang fitted na suit na litaw na litaw ang kurbada ng katawan niya—hindi lang siya basta dating fiancée ngayon. Isa siyang potensyal na investor. At wala siyang balak magpahuli sa eksena.Pagpasok niya sa main office area, agad na lumingon ang mga ulo. May mga bumubulongan, may mga nagkatinginan na parang may alam. Kilala siya agad ng mga empleyado—hindi naman kasi siya madaling kalimutan. Ngumiti si Veronica, sanay na sanay sa spotlight. Marunong talaga siyang magdala ng sarili, at ngayong araw na ’to, siguradong hindi siya papayag na mawalan ng impact.“Good morning, everyone!” masigla niyang bati, may halong lambing sa boses. “Nandito ako para pag-usapan ang ilang exciting na investment opportunities with Alexander.”Napalingon si Alexander mula sa pag-uusap niya sa assistant. Kita sa mu

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   58: Mapapatawad Pa Ba?

    “Sana gumana ‘to…”Pagpasok ni Alexander sa opisina, agad siyang sinalubong ng amoy ng bagong timplang kape at mahinang usapan ng mga empleyado. Nanginginig ang dibdib niya sa kaba, bawat hakbang ay parang dagundong ng nerbiyos sa dibdib niya. Bitbit niya ang isang bouquet ng sunflowers—ang paborito ni Sophia.Huminga siya nang malalim. Kailangan ko na siyang kausapin. Kailangan ko nang ayusin ‘to.Nakita niya si Sophia sa lamesa nito, abala sa pagtitipa sa laptop habang naka-kunot ang noo. Sandali siyang napahinto. Kahit sa gitna ng trabaho at pagod, maganda pa rin ito. Para siyang sinuntok ng katotohanan—gaano siya kasuwerte na minahal siya ng babaeng ‘to, at gaano rin siya kamalas dahil nasaktan niya ito.Lumapit siya nang dahan-dahan. “Love... Sophia,” tawag niya, mahinahon ang boses.Napatingin ito sa kanya, at sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa gulat... naging matigas.“Alexander? Anong ginagawa mo dito?”Iniabot niya ang mga bulaklak, pilit inilalagay

  • It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)   57: Hanggang Saan

    Pabagsak na binuksan ni Alexander ang pinto ng mansion, galit na galit ang bawat hakbang niya. Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang kaguluhan sa kasal. At ang huling gusto niyang kaharapin? Sina Veronica at ang ama niya.“Alexander!” malakas na tawag ng kanyang ama, ang boses nito’y dumadagundong sa buong hallway.“Mag-usap tayo tungkol sa nangyari kanina,” dagdag nito, seryoso ang tono.Pumikit muna si Alexander, pinilit kalmahin ang sarili bago humarap. Hindi na niya alam kung paano pa i-handle lahat. Hindi pa nga niya naayos ang gusot sa kanila ni Sophia, ngayon naman ito.“Usap?” balik niya agad, halatang mainit ang ulo. Humarap siya sa ama. “Anong usapan ang sinasabi mo? Ginawa n’yong perya ang kasal! Sinira n’yo ang lahat! At ngayon, dito rin ba sa bahay? Hindi pa ba sapat ‘yung kahihiyan?!”Lumapit si Veronica, nakaayos pa rin na parang walang nangyari. “Alexander, huwag kang OA. I was just reminding everyone of the truth. Ikaw ang may kasalanan kung bakit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status