Share

Hi, Love!

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Sa wakas, nakapag alarm ako. 5 am in the morning tapos naghintay pa ko ng 15 mins bago bumangon. Nagpunta na rin akong banyo para makaligo na, nagbihis na rin pagkatapos.

Pagbaba ko dumiretso agad ako ng kusina at nakita ko si mama naghahanda ng almusal.

Nagpasya kong ako nalang ang magtimpla ng kape at maghanda ng kakainin ko kasi maaga pa naman kaya kay Dori nalang yung ihahanda ni mama. Dumaan ako sa kwarto nun humihilik pa eh.

"Ang aga mo ata magising ngayon? Madalas 6 am ka na bumabangon," puna ni mama.

"Nag alarm ako, ma. Ayoko na ring ma-late. Nakakahiya kaya ma-late. Sasabihan ka pang late comer ng akala mo kung sinong gwapong prof!" pero gwapo naman kasi sya kaya may karapatan syang magstrict higit sa lahat instructor mo sya!

Narinig kong tumawa si mama,"ikaw talaga, anak. Future educator ka tapos ganyan mindset mo. Eh pano nalang kung ikaw nasa position nung prof nyo?"

Napaisip ako. May point naman si mama pero wala sa lugar yung prof namin, "pero nung first day of class naman yun nangyare. Ngayon mukhang ok naman. Nakakapagtaka ka nga mama bigla nalang ako pinatawag kahapon."

Nag iba ang itsura ni mama.

Pero inunahan ko na, "may inutos lang ma. Eto naman!"

"Mabuti kung ganon. Pag ako pinapunta sa school nyo dahil may ginawa kang kalokohan grounded ka!. Bawal ang kahit na ano lalo na ang internet!"

Si mama ang hirap mabiro.

Tumingin ako sa orasan, 6 am na pala kaya naman tumayo na ko para magpaalam kay mama.

"Yung sinasabi ko sayo ah. Gusto kong grumadweyt ka anak na walang bad record. Walang issue sakin kung mababa ang grades mo basta nakapasa. Pero anak, mag ingat ka sa mga nakakasalamuha mo ah. Lalo na kung lalaki. Graduation dress muna bago trahe de boda!" habol ni mama.

Si mama yung taong marunong magbiro pero di kayang sumakay sa mga biro na hindi nakakatawa sa gaya nya. Hindi ko rin sya masisisi. Ikaw ba naman ipagpalit sa ibang babae paanong di ka matotrauma.

Pagdating ko ng school, agad kong inilabas ang notebook para sa first subject namin. Wala pa rin gaanong estudyante dahil maaga pa naman. Wala pa rin sila Finn, Hansel at Lei. Kaya naman naisip kong mag open nalang muna ng messenger. Tapos may unread message ako. Si Harry.

Good morning, love! Wait mo ko mamaya.

Feeling ko nagbibiro lang sya. Kasi di nga nya alam kung nasaan ako. Wala kong shinishare na info ko sa kanya. Sa f******k account ko naman naka only me lang ang important details ko kaya alam kong nagbibiro lang sya. Hindi ko na sya nireplyan dahil hindi rin naman ako sasagutin neto. Kagaya nalang kagabi pinatayan ako ng tawag.

"Uuuy... Sino yan? Ikaw ah, di ka nagsasabi!" nagulat ako sa pagsampa ni Lei sa likod ko.

"Nabasa mo?"

"Hindi eh. Pero baka gusto mong ishare," sabi nya.

"Nonsense naman. Mga naliligaw na chat lang naman yun!" rason ko.

"Eh bakit ayaw mo pasilip kung nonsense?"

Nastuck dila ko. Nagmumukha kong guilty. Napakatsismosa naman neto. Bat ko ba naging kaybigan to?

"Sige na kasi.. Di ko naman ikukwento kanila Hansel at Finn eh-"

"Ang daya naman kung kayo lang nakakaalam," singit ni Finn na ikinalingon namin ni Lei.

Tumingin ako kay Lei para senyasan sya na wag syang maingay.

"Finn..."

"Good morning, class!"

Napatingin kami sa harap. May prof na pala kami. Si Mr. Harith Gomez. Yung program chair pala namin na kahapon ko lang nalaman.

"Meron tayong quiz today. Sorry for not giving an alarm to all of you na meron tayong quiz. Mas okay na rin para naman alam ko kung sino ang qaulified sa inyo sa midterm exam," sabi nya.

Naguluhan ako sa sinabi nya.

Ibig bang sabihin non, yung hindi makakapasa sa quiz hindi pwedeng magtake ng exam? Hala, paano na ko? Yare ako kay mama.

"Yung sinasabi ko sayo ah. Gusto kong grumadweyt ka anak na walang bad record. Walang issue sakin kung mababa ang grades mo basta nakapasa."

Naalala ko na naman sinabi ni mama. Patay ako neto!

"Get one and pass!" sabi ng prof naming baliw pagkabigay ng makapal na magkakapatong na papel.

Nang makita ko na yung quiz para kong matutuyuan ng laway o utak dahil wala naman akong natutunan ngayon.

"You only have 1 hour to finish the test. Understand? Any violent reactions?" sabi pa nya tapos tumalikod na.

Syempre kunware binabasa ko pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Ano kayang mangyayari sakin neto? Future educator pero bobo alam nyo yun? Author ano ba to?

Nagsimula na ko.

Hindi lang ako ang nangangamote sa quiz ngayon kasi kung mapapansin mo ang loob ng room yung iba nagbubulungan. Meron pang pasekretong nagpapasa ng sagot. Tapos yung iba nakahawak na sa bunbunan nila este sa sintido nila. Tahimik lang din na nagsasagot ang iba. Kakalibot ko ng tingin nakita ko si Sir istrikto. Dapat nga Mr. Surprise eh. Nakafocus lang sya sa tinatype nya sa laptop nya. Mukhang rush kasi ang bilis nya magtype eh.

"Hoy, Demi. Baka matunaw naman prof naten nyan!" bulong ni Finn.

Nagulat ako.

Humarap ako sa kanya, "Di ko alam isasagot!"

"Sige, tutulungan kita pero pakiramdaman mo si Sir Gomez baka biglang makita tayo," sabi nya.

Para naman akong bata na tatangu tango!

"30 minutes left!" announce ng prof namin.

Nataranta na ko kaya naman hinulaan ko na yung quiz.

Lumipas pa yung ilang minuto hanggang matapos ang oras na binigay nya.

"Ms. Santos, kindly collect all the papers and submit to my office," walang tingin tingin na sabi nito na ikinagulat ko. Tapos tumayo sya para sana umalis na pero nagsalita ako.

"S-sir, bakit po ako? Hindi naman po ako officer."

"Umaangal ka?"

Napailing tuloy ako.

"Okay, good."

Tapos lumabas na.

"Anong trip non?" reklamo ko pagkaalis ng prof namin.

"Kunware ka pa eh, gusto mo rin naman!" narinig kong sabi ng secretary namin na nagbigay ng dahilan sakin para mapansin ko.

"Ms. Secretary, ikaw nalang magdala kasi trabaho nyo naman yan kung nagrereklamo ka!"

"Wait, sino bang nagrereklamo? At saka, hindi ba ikaw ang inutusan?" sabi pa nito.

"Oo ako nga kaya pakisarado yang bibig mo. Pwede ba yun?" naiinis na ko sa kanya. Ang talas ng dila eh mukhang bagong hasa.

Inirapan nya lang ako tapos kinuha yung foundation nya at nagsimulang ayusin ang mukha nya.

"Gusto mo bang samahan na kita?" tanong naman ni Finn.

"Hindi na. Kaya ko naman to. Sige mauuna na ko baka hinahanap na ni Sir eh."

Gaya ng utos ni Mr. Gomez kinolekta ko na lahat ng test papers tapos dinala yun sa office nya. Akala ko pa nun walang tao kasi napakatahimik eh.

"Sir.. Eto na po lahat!" sabi ko.

Pero wala pa ring sumagot.

Narinig kong tumunog ang phone ko sign na may nagchat. Nilapag ko muna yung mga papel sa mesa na malapit sa pinto saka kinuha yung phone ko sa bulsa. Nakita kong nagchat si Harry. Naalala ko na naman yung sinabi nya kagabi baka bigla biglang makipag meet up to. Kinakabahan ako.

Kaya naman binuksan ko na tapos eto bumungad sakin...

Upo ka muna. Hintayin mo lang ako!

Dito na ko lalong naguluhan. Ano bang ibig nyang sabihin? Pero umupo ako sa upuan na nandito sa loob ng office. Halatang malaki ang office pero hindi ko pa nalilibot. Kahapon nga lang ako nakapasok dito eh pati ngayon.

Tapos nakarinig ako ng ilang yapak patungo sa direksyon ko. Habang palapit ng palapit palakas din ng palakas kabog ng dibdib ko.

"Hi, Love!"

Napalingon ako sa lalaking nakangiti. Hindi ko alam kung anong irereact ko pero alam kong gulat na gulat ako sa mga oras na to.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status