Share

It's Started with the Game
It's Started with the Game
Penulis: Heiydra

New Friend

"Wait, guys! Maraming kalaban!" sabi ni Finn.

"Uy, help! Nandito silang lahat!" sigaw naman ni Hansel. Tapos biglang knockdown kasabay si Finn tapos ako nalang naiwan sa game.

"Guys, bat nyo ko iniwan?" sabi ko.

"Kaya mo na yan! Inaantok na rin ako," ani Lei.

Hindi pa man ako nakakapagpalit ng baril knockdown na agad ako. Tapos nagtawanan dahil sa laro naming di man lang umabot ng top 5. Top 6 kasi kami.

Pagbalik sa lobby ng game nagpaalam na sila dahil inaantok na raw silang tatlo. Nang tingnan ko ang orasan, 10 pm na rin pero gusto ko pang maglaro. Kaya naman hindi ako nag log-out. Naisip kong mag random play para kahit papano hindi ako mahihirapan sa game. Tapos pinindot ko na yung start at naghanap ng kakampi. Tapos opponent with the same rank.

Naisip kong open mic nalang para kahit paano may communication kahit hindi ko kilala yung makakarandom ko.

Nang magsimula na yung game, isa sa team ko nag-open mic at sinabing, "dun sa nuclear plant."

Dahil hindi sya yung number 1 kaya naghintay din sya. Nang makababa dun may mga kasabay kaming kalaban pero mabilis lang naman kaming nagloot para naman hindi kami lugi.

"Nandito, pre!" sabi naman ni number 1.

Ang ign nya rito ay letter H nakalagay. Tapos yung boses nya panlalaki. Puro nga ata lalaki ang kasama ko, ako lang ang naiiba. Bakla kasi ko joke. Babaeng bakla, ganurn.

Syempre habang paliit ng paliit yung zone need namin pumasok para di kami mamatay sa labas. Hanggang sa tatlo na nga lang kami kasi namatay na yung isa naming kakampi. Nasa 75% na din naman yung mga nawala sa game kaya hindi na kami masyadong nahihirapan.

Habang naglalakbay kami sa buong mapa ng battle royale hindi namin inaasahan yung kalaban na gumagamit ng sniper na matatamaan ang isa sa amin. Malapit ako kay number 1 kasi sya ang tinamaan tapos yung isa nasa baba ng kubo kaya naman lumapit ako sa kanya. Inopen ko yung mic kanina pa pero kanina pa rin ako hindi nagsasalita dahil parang umurong dila ko.

"Nandito ko number 4!" tawag ni number 1 sa akin.

Paglapit ko medyo naduling ako dahil na rin sa antok kaya hindi ko sya maheal.

"Bulag ka ata number 4!" sabi pa nya.

Dun ako nagdecide na magsalita, "sorry, medyo naduling ako!"

Tapos narinig ko syang nagsalita, "hindi ayos lang babe, matagal pa naman ako mamamatay!"

Tapos narinig kong tumawa ang kasama nya na isa naming kakampi, "gag* ka talaga pre!"

Nang matapos ang game nasa top 3 naman kami kaya ok lang kahit di maging top 1 kasi malaki na rin naman ang points na madadagdag nun sa rank. Lumabas na ko ng lobby para sana mag out tapos biglang may nag add sakin. Tiningnan ko muna bago ko inaccept. Si number 1 pala. Di ko pa inaaccept may nagchat naman. Nang silipin ko, sya ulit.

Hi miss. Accept mo ko.

Tapos may smiley face pang kasama.

Hindi naman ako mahilig magreject kaya naman inaccept ko. Tapos nung inaccept ko sya ininvite nya naman ako sa lobby. Nung una nireject ko pero inulit nya. May pagkamakulit rin pala tong player na to. Si Mr. H. Dahil makulit sya, inaccept ko. Then, dalawa lang kami sa lobby.

"Hindi naman tayo maglalaro," inunahan na nya ko.

"Ah akala ko maglalaro tayo," sagot ko naman.

"Gusto lang kitang makasama sa lobby kahit dito lang."

Napangiti ako ng wala sa oras. Di ko alam kung kinikilig na ba ko o natatawa lang ako.

"New player lang ako eh," sabi na naman nya.

"Parang di naman. Galing mo nga eh!"

"Sarap naman sa tenga nun. Pwede ka bang mag nice one baby every time na makakapatay ako kalaban?" sabi nya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o ano.

Tumawa ko, "required ba yun?"

"Oo naman!"

Tumawa ako ulit.

"Binibiro lang kita baka kasi iblock mo ko."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Kasi ang korni ko."

"Buti alam mo!"

Tapos nagtawanan kami.

Nagulat ako ng bigla akong nawala sa lobby akala ko na-kick nya ko dahil sa sinabi ko. Tapos nagchat sya.

Pinalayas tayo ni codm sa lobby tagal daw natin magstart may susunod pa daw papasok ng lobby!

Natawa naman ako. Mahina lang pagtawa ko kasi baka marinig ako ni mama mapagalitan pa ko. Hindi kasi ko pwede magpuyat eh.

Tapos nireplyan ko sya ng okay lang.

Akala ko di na sya magrereply tapos may biglang red dot na naman sa messages.

Nang buksan ko tinatanong nya ko kung may f* ako. Nag dalawang isip pa ko bago sumagot kasi baka pagtripan nya account ko.

Nagchat na naman sya ulit, gusto ko lang makipagkaybigan kung okay lang bawal kasi mainlab sakin.

Medyo nanlaki mata ko sa chat nya. May pagka aircon pala tong player na to.

Pero para malaman kung friends lang talaga binigay ko f* name ko.

Demi Xienne Santos magpakilala ka ah!

"Sige sige. Add na kita."

Tapos maya maya di na sya nagreply. Nag open nalang ako ng messenger para icheck kung may pasok ba kami bukas o assignment man lang. May nag notif naman habang nagscroll na ko sa messenger ko. Hindi ko binasa pero nakita ko yung logo. Kaya inopen ko f******k app ko. May nagfriend request sa akin. Di ko sya kilala. Meron ding biglang dating na notif from messenger at nakalagay Harry Tan wants to sent a message.

Sya rin yung nag friend request sa kin kaya naman sinilip ko chat nya.

Hi, ako yung H na kalaro mo kanina.

Kaya naman inaccept ko na sya. Tapos nagreply ako para malaman nyang nabasa ko na chat nya.

Hello. Ikaw pala yan!

Naisip kong mang stalk sa account nya pero wala namang mga photos o kahit ano na pwede kong makita yung picture nya at magkaroon lang ako ng ideya kung ano ang itsura nya. Pakiramdam ko tuloy lugi ako kasi once na magstalk sya sakin may ideya na sya kung sino ako.

Laro tayo ulit bukas ah!

Naalala ko may klase pala ko bukas kaya naman nagreply ako, may klase ako tomorrow after nalang!

Ganun ba sige 😊

Ganyan reply nya kaya naman nagpaalam na ko na matutulog na ko. Alas dose na rin pala. Tapos 7am ang pasok ko. Pero di pa naman totoong klase talaga bukas. Orientation lang.

Nag off na ko ng wifi para makatulog na tapos nagulat pa ko ng biglang may nakatingin sakin.

"Bakit gising ka pa?" tanong ni mama.

"Hindi ma. Nagising lang ako. Nakatulog na ko kanina eh. Kala ko umaga na," alibi ko.

"Kanina pa kita tinitingnan nakangiti ka pa nga dyan sa cellphone mo."

Di ako naka imik.

"Matulog ka na!"

Tapos lumabas na sya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status